logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 4 PAST LIVES

HIS POV
______________
"Pangako Isabela, Ikaw at Ikaw lamang Ang aking mamahalin Hanggang sa'king susunod na buhay" ani'ko habang hinahawakan Ang kamay ng Isang Kay rikit na binibini
Napaluha naman sya.
"Mahal Kong Arturo, pangako ko Rin. Ikaw at Ikaw lang Ang iibigin ko Hanggang sa huli Kong hininga" luhaan nyang Ani kaya agad Kong pinunasan Ang kanyang mga luha
"Mag-iba man Ang Lugar na ating tagpuan, Oras, panahon, pangalan o maging itsura natin sa'ting susunod na buhay. Hahanapin parin kita at dun natin itutuloy Ang naputol na pag-iibigan, abutin man iyon nang ilang siglo" Sabay naming Ani nang bigla akong natumba sa lupa
Kita ko Ang pag-iyak Lalo ng binibini nang bumagsak Ako at Ang langit na tila ba'y tinatawag na ako Ang syang huli Kong natanaw bago Ako mawalan nang hininga
Agad akong napabangon dahil sa biglang nanakit Ang puso ko
"P-panaginip? Ang panaginip na naman'ng Yun" ani'ko at biglang napahawak sa mukha ko nang naramdaman Kong may basa iyon at nang pagtingin ko sa salamin ay dun ko lang napagtanto na umiiyak na pala ako
"A-ano bang?-" Agad akong napatayo nang Makita na mahuhuli na pala ako sa meeting ko
Kaya agad akong tumungo sa banyo at naligo pagkatapos ay nagbihis at nagmamadaling tumakbo papalabas at tumungo sa kotse at agad na Yun'g pinaandar
Nang marating ko na Ang building ng kompanyang pinagtratrabahuhan ko ay agad ko nang ipinarke Ang sasakyan ko at takbong tumungo sa building 
Gumising, kumain, maligo, pumasok sa trabaho, umuwi, kumain, magbihis at matulog lang ang tanging rotasyon ng buhay ko. Tanging yun lang, kahit pa na pilitin kong maghanap ng babaeng makakasama ko sa buhay ay tila ipinagkakait naman saakin iyon ng tadhana, at tila sa sarili ko ay mayroong di maipaliwanag na tila mayroon akong hinihintay.
Nang biglang may nakabangga akong isang babae na ikinahulog Ng gamit nyang dala
"Uh... Pasensya ka na ms, hindi ko sinasadya" agad kong sabi at dali daling kinuha ang mga gamit na nahulog nya dahil sa pagkakabangga ko sakanya
Nang mapulot na ang lahat ay nagpasalamat lang sya't umalis kaagad
"Ang babaeng iyon, pakiramdam ko nakita ko na sya kung san" wala sa sarili kong sabi habang nakahawak sa dibdib ko na kay bilis kung tumibok
Agad na rin akong naglakad papasok sa gusali
____________
Habang nababagot sa bahay dahil sa wala akong trabaho ngayong araw ay napagpasyahan kong maghanap sa internet ng magandang lugar na pwedeng pasyalan
Nang may lumabas na isang litrato na parang kahawig ng sa napapanaginipan ko, mga panaginip na misteryo para sakin
Agad kong hinanap ang lokasyon ng lugar at kinuha ang susi ng sasakyan pagkatapos ay tinahak iyon gamit ang google map
Pagkarating ko sa lugar ay halos hindi ako makapaniwala dahil sa isiping totoo pala ang mga napapanaginipan ko
"Kung totoo nga ang lugar na ito, ibig sabihin ang babaeng din iyon ay totoo rin..." Wala sa sarili kong sabi at para bang kabisadong kabisado ko ang pasikot sikot sa lugar at hindi mawari kung san ba ako dinadala ng sarili ko
Hanggang sa marating ko ang malinis na bukal kung san maraming nakatanim na mga bulaklak
"Bibihira ito ah... Hindi masyadong pinupuntahan ng torista ang lugar na ito dahil sa kay hirap nitong matuntun, ang akala ko nga ay magagawa kong i-gatekeep ang lugar na ito e" biglang salita ng boses babae sa likuran ko kaya agad akong napalingon
"Isabela" di ko alam pero ayun ang unang lumabas sa bibig ko nang makita ang kaparehang babaeng nabunggo ko sa labas ng gusali ng kompanya 
Nakasuot sya ngayon ng bestidang sing-kulay ng asul na langit at bahagyang buhaghag ang mahabang buhok niya habang may hawak ng basket ng bulaklak
"I-ikaw" utal at gulat na anas Ng babae at bahagyang nabitawan ang basket ng bulaklak na hawak nya. "A-arturo, totoo ba ito?" Naluluha nya pang dagdag habang papalapit sakin
Nang mapansin ko na kamukha nya nga ang babaeng nasa panaginip ko
Sa paraang ng pananalita nya, ang presensya nya, ang paraan ng mahinhin nyang paglalakad, ang mga luhang lagi kong nakikita saking panaginip na syang nagpapasakit ng aking dibdib at ang kanyang gandang ninuman ay hindi magagawang makopya
"I-isabela? I-ikaw ba si Isabela?" Utal Kong tanong nang bigla ko nalang naramdaman na basa na ang pisnge ko 
Ang pakiramdam na ito, para bang naramdaman ko na ito noon pa
"Arturo, Kay tagal kitang hinintay" naiiyak nyang Ani at niyakap Ako nang tuluyan syang makalapit sakin
Hindi ko alam pero yinakap ko rin sya pabalik
"Isabela, ngayon Wala na akong sakit sa puso. Wala nang makapipigil pa sa pag-iibigan natin" hindi ko alam Kung bakit ko Yun nasabi pero parang Yun Kasi Ang gustong sabihin Ng puso ko
At bigla kong naalala Ang mga panaginip ko tungkol kanila Arturo at Isabela
Hindi kaya? Ako Ang Arturo sa'king dating buhay habang at ang babaeng ito Ang Isabela?
Kaya ba ganoon na lang ang naramdaman ko ng una ko syang nakita noon? Kaya ba ganoon nalang sya ka-pamilyar sa'akin?
Humiwalay naman sya sa pagkakayakap sakin at pinunasan Ang mga luha
"Arturo? Naaalala mo pa ba Ang dati nating sumpaan?" Ngiti nyang tanong
Ngiti naman akong tumango
"Mag-iba man Ang Lugar na ating tagpuan, Oras, panahon, pangalan at itsura natin sa'ting susunod na buhay. Hahanapin parin kita at dun natin itutuloy Ang naputol na pag-iibigan, abutin man iyon nang ilang siglo" Sabay naming Saad 
Oo nag-iba nga Ang aming panahon na ginagalawan, ngunit tila ang oras ay bumalik at kusang huminto sa panahon kung san ay masaya at magkasama kami
At oo, marami nang nagbago. Ngunit ang aming mga damdamin para sa isa't Isa ay hindi nag-iba, at nagawa pa ng aming mga puso na hanapin ang isa't isa sa parehong lugar na pinagsumpaan
Kaya ang naputol naming pag-iibigan ng nakaraan'g buhay ay ngayon namin tatapusin habang buhay, Hanggang kamàtayan...
_________
"Mama, papa. Pwede magtanong?" Lapit ng anak naming si asela kaya agad ko syang binuhat paupo sa gitna namin ng mama nya
"Ano iyon, anak?" Malambing na tanong ng kanyang ina
"May napanood po kasi ako sa youtube tungkol sa reincarnation, sa tingin nyo po? Totoo po ba yun?" Inosenteng tanong niya
Bahagya naman nanlaki ang mata ko at di kalaunan ay ngumiti, napatingin ako kay azarel na syang nakangiting nakatingin kay asela
"Oo naman, lahat ng bagay na kung minsan ay imposible tingnan ay nagiging posible kung susubukan mo" ngiting tugon ni azarel at kinarga sa kandungan nya si asela
"Ibig sabihin po ay posible din pong may mga mythical crearure? Alien? Sirena? Zombie?"
"San mo ba nakukuha ang mga yan asela" natatawa kong sabi at bahagya syang kiniliti
"Sa youtube po" nguso nyang sabi habang tumatawa dahil sa pangingiliti ko
Sana'y ganto nalamang kami palagi, magkasama hanggang dulo...
_____________
END

Comentário do Livro (92)

  • avatar
    Ar Jay

    yes goods

    3d

      0
  • avatar
    CastroMarich

    nice story

    18/08

      0
  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    verrynice

    10/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes