logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 5

"NANDITO ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Napadilat si Jared nang may nagsalita sa tabi niya. Kasalukuyan siyang nakahiga sa Soccer field ng mga oras na iyon. Nais niya sanang matulog dahil wala siyang balak umattend ng klase ngayon. Nilingon niya ito. Si Dylan pala iyon. Kaibigan niya at kaklase ito. Gaya niya ay tagapag-mana din ito ng hospital, ang Rodriguez Medical Center. Hindi iyon kasing laki ng hospital ng tatay niya pero isa rin iyon sa kilalang hospital sa bansa. 
"Istorbo ka talaga sa buhay ko." Sambit niya nang ipinatong ang librong hawak niya sa kanyang mukha. Wala siya sa mood mag aral ngayon. Mas gusto niyang matulog nalang. Wala talaga sa puso niya ang pag do-doctor.
"Sa tingin mo makakatakas ka sa pagiging doctor kung hindi ka papasok sa klase mo? Baka nakakalimutan mo kung sino ang tatay mo."
Napaupo siya. "Hay! Bakit kasi hindi nalang nila akong hayaang gawin ang gusto ko? Ayokong maging doctor!" Palatak niya. 
"Well, Sorry to tell you bud. Nakasulat na ang tadhana natin simula ng ipinanganak tayo. Kaya kahit ilang beses mong ibagsak ang mga subjects mo ay wala kang mapapala. Hindi na natin iyon matatakasan, iyon na ang tadhanang nakasulat sa mga palad natin. Magiging doctor ka sa ayaw mo at sa gusto mo."
"Tumakas kaya ako at magpunta sa ibang bansa? Tingin mo?" Tanong niya rito. 
Sa halip na sumagot ay hinila siya nito patayo. "Tigilan mo ako sa mga kalokohan mo. Dinamayan na kita ng ibagsak natin lahat ng subjects natin. Dapat ay intership na tayo ngayon. Pero dahil sinabi mo na dapat nating ibagsak ang subjects natin para matakasan ang med school ay sumunod ako sayo." Pumalatak ito. "Ngayon tuloy ay lalo akong na buro dito. Kaya tumayo kana riyan at pumasok na tayo sa klase natin. Ang tanging paraan nalang natin ay grum-aduate para matakasan dito sa kalbaryong school na ito."
Napilitan siyang tumayo at tahimik na sumunod dito. 'Hays buhay nga naman.' Sambit niya sa kanyang sarili. Buong buhay niya ay ipinamulat sa kanya ng kanyang ama na dapat ay maging doctor siya. Dahil walang ibang magmamana ng kanilang hospital kung hindi siya lamang. Ngunit anong gagawin nya kung hindi ito ang nais niyang gawin? Ang talagang nais niya ay mag pinta. Naalala niya pa noong nalaman ng kanyang ama na palihim syang nag enroll sa art school. Sinira lahat nito ang mga gamit niya sa pagpipinta at ipinasara ang art school kung saan siya nag enrol. Nakunsensya siya dahil maraming nawalan ng trabaho dahil sa kanya. Kaya nangako siyang mag aaral na ng medisina ka palit ng pag bubukas muli ng art school. 
Kahit anong takas niya ay ibinabalik talaga siya nito sa medical school. Kaya heto siya ngayon. Kahit ayaw pumasok ay napipilitan nalang upang matapos ang kalbaryo niya.
Nang papaliko na sila sa may library ay napahinto siya nang mapalingon sa may bintana ng library. May nahagip ang kanyang mata na isang pamilyar na babae. Nakaupo ito sa isa sa mga mesa at tahimik na nagbabasa. Napakunot siya ng noo. Kamukha nito ang babaeng nagatatrabaho sa bar na iniligtas niya nang makita niyang hinaharass ito ni Joshua. Ngunit sa halip na magpasalamat ay siningil pa siya nito.
"Hey!" Pukaw ni Dylan sa atensyon niya."Kanina pa ako salita ng salita wala na pala akong kausap." 
"Do you know her?" Tanong niya rito at tinuro ang kinaroroonan ng babae.
"Sino?" Tanong naman nito habang sinusundan ang tingin niya. "Ah si Samantha?"
"Samantha?" 
"Oo si Samantha. Kaklase natin siya sa Anatomy." 
"Kaklase? kailan pa?"
"Hindi mo alam kasi hindi ka naman pumapasok sa subject na iyon." Umiling-iling pa ito. "Kaibigan siya ni Georgina yung sexy hot girl ng law sa kabilang building saka ng Student Council President natin." Patuloy nito. "Tsaka siya yung babaeng tumangging makapartner ka sa party natin last year."
"What?!" Gulat niyang tanong. Matagal nya nang hina hunting ang babaeng tumanggi sa kanya last year dahil feeling niya ay pinababa nito ang reputasyon niya. Siya kasi ang tinaguriang campus crush sa school nila. Kaya nang mag botohan ang school nila upang maghanap ng magiging king sa taunang anniversary party ng school nila ay siya agad ang nanalo. Ngunit sa kasamaang palad ay tinanggihan siya ng dapat na makakapareha niya dahil hindi daw siya nito kilala. Kaya simula noong ay hina-hunting na niya ito ngunit hindi niya ito mahagilap dahil palagi daw itong busy. 
"You mean that's her? And classmate natin siya?" Gulat paring tanong niya. "Bakit hndi mo man lang sinabi sa akin?"
"Well, first hindi ka naman pumapasok sa subject na anatomy second, masyado akong busy ngayon dahil ayaw ko nang bumagsak kaya nakakalimutan kong sabihin sayo."
"How can you forget that kind of thing?" Nagtatakang tanong niya rito. 
"I told you I'm busy. Tsaka hindi ka pa rin niya papansinin kahit anong gawin mo. Manhid iyan. Hindi uubra ang karakas mo diyan. Si Joshua nga, ganun ganun nalang bastedin ni Samantha." Bahagyang natawa pa ito. "Alam mo ba kung san niya binasted si Joshua? sa gitna ng soccer field! may pa bulaklak pa ang loko tapos sagot sabi lang sa kanya ni Sam 'Para kang tanga ano naman ang gagawin ko dyan?' sabay alis." Tumawa ulit ito. 
"Don't you ever compare me to that bastard." No wonder ganun na lamang ang galit ni Joshua kay Samantha. Grabi pala ang pagkapahiya nito. Kung bakit naman kasi ito sa soccer field pa nagtapat? Halos lahat ng istudyante sa campus ay doon nagtatambay pag walang klase. Pero tama lang din naman ang ginawa ni Samantha sa ugok na iyon. Masyado na din kasing masama ang ugali ni Joshua. Feeling nito ay lahat mapapasagot nito. hmmm. Na ko-curious tuloy siya sa Samantha na iyon.
Tiningnan niyang muli ang babae. Aaminin niyang nagandahan din talaga siya rito dahil napaka amo ng mukha nito. At istudyante pala ito sa school nila. Pero ang tanong doon ay bakit ito nasa bar ng gabing iyon? Talaga bang babaeng bayaran ito? Lalo tuloy siyang nakonsensya sa sinabi niya sa babae. Nasabi lang naman niya ang ganoong bagay dahil nainis siya ng singilin siya nito sa halip na pasalamatan. 
Napahawak siya sa kanyang kaliwang pisngi. Naalala na naman niya ang pag sampal nito ng malakas sa kanya. Wala pang babaeng sumampal sa kanya. Napailing siya.
"Tara na Jared! At baka ma-late na naman ako dahil sayo." Yaya ni Dylan sa kanya. 
'Hmmm.. We will meet again'. Tahimik na sambit niya sa kanyang isip habang hinihila siya nito papalayo.

Comentário do Livro (63)

  • avatar
    NesnihanAnnanesnihan Lawan

    thank you

    19d

      0
  • avatar
    Kyla Mae Tica

    In the first chapter I love it agad

    21/06

      0
  • avatar
    JM Bagasina Gabin

    sodrang ganda

    18/06

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes