logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 29

Sheen's POV
I wore my black shades before I stepped my right foot out of the airplane. A strong and cold breeze immediately embrace my entire body that gives me a slight chills down my spine. The whole area are secured by black-suited men which are standing around us. Some of them followed my Mom and I as we made our way inside the building.
Malayo pa lang ay tanaw ko na si Tita Lily at si Daddy na kumakaway habang bakas ang ngiti sa kanilang labi. Napakunot-noo naman ako nang hindi mahagilap ng paningin ko si Sheen. Akala ko ay kasama siyang sasalubong sa amin? O baka tulog pa? Sabagay alas-kwatro pa lang ng madaling araw.
"My beautiful Shei! Mabuti at napilit ka nilang magpagupit?" bahagyang tumatawang saad ni Tita Lily matapos niyang makipagbeso sa akin at saglit akong yakapin.
Bago ang last session ng radiation theraphy ko ay nagdesisyon akong magpa-iksi ng buhok, isa rin naman yun sa payo ng doctor para daw mas magaan ang paggalawa lalo na at hindi pa naman daw magaling na magaling ang sugat ko sa ulo.
"New style naman tita," pagbibiro ko.
"I missed you my princess." Si Daddy naman ang yumakap sa akin at hinalikan ang noo ko matapos niyang salubungin si mommy. How I wished that they will decide to be together again, my Mom and my Dad...
"I missed you so much, Dad," I sincerely answered as I hugged him back.
"By the way, where's Sheen?" tanong ni Mommy na siyang tanong ko rin kanina na sinagot naman ni Tita Lily.
"'Yang junakis mo kahapon sa mga maids lang nagpaalam na aalis. Ewan ko magbabakasyon daw yata sila ni Kai," pahina ang boses ni Tita nang binabanggit ang mga huling salita niya habang nakatingin sa akin.
I smiled back like I am not affected on what Tita Lily said. Kahit pala gusto ko na siyang makita ay wala pa siya.
Palihim akong bumuntong hininga. "Tara na po? I'm still sleepy." I tried to laugh but I failed to make it looks like a real one.
Tumungo ako sa kwarto ko na medyo naiba na ang ayos. Ito raw kasi ang pinagamit na kwarto kay Sheen na binigyan ko naman ng permiso dati. She's my twin, anyway. It is not bad to share some things with your sibling, specifically with your twin, right?
Tanghali na akong nagising siguro dahil sa pagod ko sa byahe saka madaling araw na kaming dumating. Dumiretso ako sa kusina upang uminom ng tubig bago nagtimpla ng kape ko. Wala akong naabutang kasambahay pagdating sa kusina kaya ako nalang nagtimpla. Hindi ko rin napansin kung nasaan sila Mommy, siguro ay tulog pa. Matapos iyon ay umupo ako sa isang stool doon bago kumuha ng isang slice ng pan. Maya-maya pa ay may pumasok na rin na kasambahay, siguro ay bago lang dahil hindi siya pamilyar sa akin, hindi ko rin siya nakita kanina nung dumating kami.
"Good morning po," pagbati ko sa kaniya na bahagyang nagulat pa sa akin at tinitigan ako habang medyo nakakunot ang noo pero bumati rin pabalik. "I'm Shei, and you are?" ngiting pakilala at tanong ko sa kaniya na hindi pa rin maalis ang tingin sa akin.
"Ma'am Shei? Kamukha po kayo ni Ma'am Sheen."
"Kakambal ko siya," natatawang sambit ko, "By the way, Hindi pa po ba gising sila Mommy?"
"P-po? Ano po kasi..." nag-aalangang sagot niya habang hinihintay ko naman ang mga susunod niyang sasabihin, "Iyong Daddy niyo po, sinugod po kanina sa ospital," dahan-dahang sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
Hindi ko na nagawa pang magpasalamat at dali-daling tumakbo papunta sa kwarto ko saka hinalughog sa sling bag ko ang cellphone para i-dial ang  numero ni Mommy. Hindi niya sinagot ang sagot ko sa unang subok ko pero sinagot na rin niya matapos ang pang-apat na ring sa sunod kong pagtawag.
"She—" pinutol ko ang sasabihin niya.
"Mom! why didn't you inform me?" I hysterically said while I'm running downstair with my bag on, good thing I haven't changed my attire yet.
"I-i'm sorry, I p-panicked earlier," she said with her shaking voice.
Nakarinig ako ng kaluskos sa kabilang linya hanggang marinig ko ang boses ni Tita Lily. "Mamaya ka nalang tumawag sa mommy mo, Shei. She's still pani—"
"Tell me where, I'm coming," pagputol ko sa sinasabi niya.
Mahabang katahimikan ang namayani sa kabilang linya hanggang sa wakas ay may nagsalita na. "I'll text you the location".
Wala akong nakitang nakaparada sa garahe ng bahay kaya lumabas nalang ako ng gate para maghintay ng taxi, matapos kong putulin ang tawag. Ilang sandali lang ay tumunog na ulit ang cellphone ko kung saan tinext ni Tita n
ang address. Sakto namang may dumaang taxi na agad kong pinara saka sinabi sa driver ang pangalan ng ospital.
Malapit lang sa bahay ang ospital na sinabi ni Tita kaya ilang minuto lang ang tinagal ng biyahe papunta doon. Hindi na rin ako nagtanong sa information desk dahil nai-text na rin ni Tita kung nasaan si Daddy. Agad akong sumakay sa elevator at pinindot ang button papuntang third floor kung nasaan ang ICU.
Naabutan ko si Tita Lily at Mommy sa tagpong marahil ay laging nangyayari kay Mommy tuwing madadala ako sa ospital. Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan nila Mommy habang nanlalabo ang paningin ko dahil sa namumuong mga luhang tumatabing dito.
"M-mommy," I called out in a broken voice. It was like a go-signal for my tears to flew down my cheeks like they're in a marathon.
Unti-unting nag-angat ng tingin si Mommy sa akin, kung saan ko mas nasilayan ang luhaang mukha niya. A cry that repeatedly breaking me inside everytime that I am watching it through my mother's face.
Hindi ko na hinintay na magsalita siya at agad siyang niyakap na para bang naging hudyat iyon para mas humagulgol pa siya sa balikat ko. Banayad ko namang hinaplos ang buhok niya nang paulit-ulit habang nakikinig sa mga bulong na salitang sinasabi niya na kahit isa ay wala akong maintindihan.
Hindi rin nagtagal ay napilit ko si Mommy na umuwi kasama si Tita Lily para makapagpahinga na. Alam kong pagod na siya, pisikal at emosyonal. Sinabi ko rin kay Tita Lily na patuloy pa ring contact-in si Sheen na hindi pa rin sumasagot.
I wore the hospital's isolation gown, gloves, shoes cover and mask with a gritted teeth to suppress my tears, as I made my way inside my father's room. I am now entering a hospital room not as a patient but a visitor, and it's making me crazy to think that its better for me to lie on that bed instead of my father. 
My tears silently falls down the time that I got a better view on my father's situation. An oxygen tube is attached on his mouth while many small tubes and machine are connected on his body. I immediately hold his hand tightly as I sat on a chair near his bed.
"D-dad, lumaban ka lang huh? Iyong promise mo, hindi ba babawi ka pa? Magba-bonding pa tayo tapos ipaparamdam mo pa sakin nang mas matagal kung paano magkaroon ng Daddy." I suddenly stopped to let my sobs fill the room. "You'll call me 'My Princess' more than a million times. You'll make me feel how much love you have for me. Please fight and wake up, Dad. I am not yet ready and I think won't be ready if ever you'll choose to leave us again," I said in a shaky voice and continuous tears. I bit my lips as I remembered what the doctor said after they got out from my father's hospital room.
***Flashback***
"He's under a diabetic coma, type 2 diabetes patient," panimula ng doktor na ikinangunot ko. Napansin niya yata na hindi ko gaanong naintindihan ang sinabi niya kaya nagpatuloy siya. "It is a life-threatening diabetes complication that may cause unconsciousness. On his state, his blood sugar levels becomes too high. The cells in his body require glucose to function and in his case, having a high blood sugar, or hyperglycemia, makes him feel lightheaded and lose consciousness. We will still have to study more about his conditions. But there's one thing that I want to advice, please ready yourselves for I can't see any medications that will prolong his life."
Iyon ang mga salitang binitawang ng doktor bago siya umalis. Ayaw ko man tanggapin ang sinabi niya pero mas lalo lang nito papabigatin ang nararamdaman ko. Hindi ako pwedeng panghinaan ngayon dahil kailangan pa ako nila mommy. I need to be strong the way I did before.
Sheen's POV
A cold breeze of Tagaytay welcomed us as we reached the place. Kasalukuyan akong nakatingin sa magandang tanawin nang maramdaman ko ang paglapat ng malaking tela sa likuran ko na sinundan ng isang yakap. Saglit ko lang sinulyapan si Kai bago niya hinalikan ang pagitan ng tainga at pisngi ko. This scenery and his small actions somehow makes me in peace despite of the problems I am facing right now.
"I'm still wondering about this immediate short vacation," sambit niya mula sa likuran ko.
'Dahil gusto ko' yun lang ang sinabi ko sa kaniyang dahilan ng biglaang pag-aaya ko rito sa Tagaytay. Hindi ko naman pwede sabihing kailangan ko muna siyang ilayo kay Shei na marahil nasa Pilipinas na sa mga oras na ito. Walang kasiguraduhan na nasa akin pa rin siya kung sakaling magkita sila ni Shei kaya kailangan kong sulitin ang pagkakataong ito.
"I told you, I just wanna go here with you. I have this sudden urge to spend some more time with you, alone." I smiled at him when I turn around to face him.
Biglaang niyakap niya ako habang nagpatianod naman ako sa galaw niya. Naririnig ko ang pagtibok ng puso niya sa ganitong posisyon kasabay ng pagtibok ng puso ko, mas mabilis nga lang ang sa akin. Pumikit ako sa ritmo ng puso niya, may pagkakaiba ba ang pagtibok nito kapag ang totoong Shei ang kasama nito?
Sandali kong ikinalas ang pagkakayakap ng isang kamay ko mula sa baywang niya para abutin ang cellphone ko na tumunog mula sa bulsa ko. Bahagya akong nagulat nang litrato ni Shei ang tumambad sa akin na agad kong pinatay. Bakit ba kasi ngayon niya pa naisipang tumawag?
"W-who's that?" tanong ni Kai na nakita kong bakas ang pagkagulat at pagkalito sa mukha ng iangat ko paningin sa kaniya.
Para rin akong naalarma nang mapagtantong nakita niya ang litrato sa screen ng cellphone ko na agad kong ibinalik sa aking bulsa, mabuti nalang at 'Twinnie' ang nilagay kong pangalan niya. "S-she is...she is my twin," sambit ko.
Saglit na kumunot ang noo niya at umaliwalas rin nang parang may maalala. "Ah, yeah, your long lost sister?"
Tumango-tango naman ako nang nakangiti bilang sagot. Ngunit agad ding nawala ang ngiti sa labi ko nang magbanggit na naman siya ng katanungan. "Who is she? What I mean is, her name again?"
I fell into silence for I know to myself that I want to scream Shei's name, but I shouldn't. Everything will fall out of the tower I built if I did.
"Her name is...Sheen"

Comentário do Livro (83)

  • avatar
    Mj Mamadra

    ganda ng kwento

    3d

      0
  • avatar
    Suan mercadalRexie

    thank you

    19d

      0
  • avatar
    BucayanJerico

    kahahhajaa

    17/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes