logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

"Hey!" tawag ni Kia mula sa malayo habang naglalakad ako sa hallway. Galing ako doon sa lalaki at nakipag-settle ako. Napatawad naman niya ako pero ang pinagtataka ko, for what? Saang banda niya ako papatawarin? Ano ang nagawa kong kasalanan sa kanya?
Tapos na ang shift ko kaya pwede na akong magpahinga pero makita ko lang ang sunset sa harap ko, pahinga na para sa akin iyon.
Habang papalapit sa akin si Kia ay nakikita ko ang muka niya na mukang mangpi-pikon sa oras na maka-lapit siya sa akin.
"Ano iyon?" kaswal na tanong ko sa kanya.
She narrowed her eyes on me. "Ano iyon, ha?"
Kumunot ang noo ko sa kanya. "What?" inosenteng tanong ko sa kanya. I have no idea what is she asking?
Tumaas ang isa niyang kilay habang nakatingin sa akin. Naka-pamaywang pa ito. "Bakit may pa-hawak ng kamay?" Sinundot niya ang tagiliran ko. "Nililigawan ka na?" nanunudyo niyang tanong.
Mas lalo akong naguluhan. Nanliligaw? Sino?
"The who? Ano bang sinasabi mo, Kia? Naka-drugs ka ba ngayon? Masama yan, ha," saad ko sa kanya.
Inismiran niya ako. "Ang damot mo naman talaga kahit kailan, Alba Monroe. Kaibigan mo ako, oh!" nang-iinis na sabi niya sa akin.
I rolled my eyes. "Diretsuhin mo kaya ako hindi 'yong pinaghu-hula mo ako. I swear, hindi ko alam ang sinasabi mo," saad ko.
Nagpa-padyak siya na animo'y bata. "Bakit magka-hawak kayo ng kamay ni mr. Arki kanina, ms. Alba?" malisyosang tanong niya.
I laughed at her. Iyon lang pala. "Hinila po niya ako at isa pa, iba 'yong magka-hawak kamay sa hawak ang kamay. Hawak niya ang kamay ko, hindi kami magka-hawak ng kamay. Hindi ko hawak ang kamay niya, okay?" pagli-linaw ko sa kanya.
Inismiran ko siya. "By the way, may kapalit pala 'yong pagtulong niya sa atin," mataray kong saad.
Kumunot ang noo niya. "Kapalit? Anong kapalit? Aba! Kung maging asawa niya, go lang! Support na support kita. Basta ha, ako ang bridesmaid sa kasal!" ekaherada niyang tugon. Ang advance naman nitong mag-isip.
"Date lang," inis kong sagot sa kanya.
Nanlaki ang mata niya at napahawak sa bibig na animo'y hindi makapaniwala sa narinig niya. "True ba? Halah! Shet! Okay, ganito. Ako ang mag-aayos sa iyo. Ako na bahala sa venue, ako ang mago-organize," eksaherada nanaman niyang sabi.
I rolled my eyes on her. Suko na ako sa babaeng 'to. "Pwede bang patapusin mo muna ako?" inis na sabi ko sa kanya.
Humalukipkip siya at tumayo ng ayos sa harap ko, handa na makinig sa sasabihin ko. Para siyang kinder na napagalitan ng nanay dahil sagot ng sagot. "Ano ba 'yon kasi?" behave niyang tanong.
I chuckled. "Not a date totally dahil kasama ka," tugon ko.
Sumama ang muka niya. "Hoy babae! Hindi ako third wheel, ha! Ayaw ko nga. Idadamay mo pa ako sa love life mo. Hindi ko pinangarap na maging third wheel," inis na sabi niya.
Inirapan ko siya. "Hindi nga 'yon date, okay? Isa pa, kasama natin din 'yong si Travis. Silang dalawang magka-date tapos tayong dalawa," pagpaliwanag ko sa kanya.
Lumiwanag ang muka niya nang banggitin ko ang pangalang Travis. Fishy.
"Talaga? Okay na okay sa akin, Sol. Alam mo naman na mabuti akong kaibigan. Sasamahan kita kahit saan ka pa man magpunta. Isa pa, mas matagal ako dito sa Spain." Para siyang anghel na bumaba sa langit kung magsalita.
"Okay, then. Sa Saturday?" Ang alam ko ay day-off namin sa Saturday kaya I think pwede kaming umalis.
Tumango-tango siya sa akin. "Oo naman. Pero palit kaya tayo?" suggest niya.
Kumunot ang noo ko. "Anong palit? Ng ano?" naguguluhan kong tanong.
Inilapit niya ang muka niya sa akin at bumulong. "Palit tayo ng date," bulong niya.
Mahina kong hinila ang buhok niya. "Tse!"
Ang balak ko sa Saturday ay magpapa-sama ako sa kanilang hanapin si papa. Wala akong ideya kung nasaan siya pero magba-baka sakali ako. Sa lawak ng Spain, hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
"Tahimik mo?" tanong ni Kia. Nasa office ko ako ngayon at as usual nakatambay si Kia dito. Bakit hindi ko kaya i-suggest kay ma'am Emilia na babaaan ang sahod nito dahil puro chismis na lang ang inaatupag nito at inaabala pa ako. Tapos 'yong sahod na ibabawas sa kanya ay idadagdag sa akin. Hmmm?
"Naisip ko lang, bakit nakaka-tanggap ka pa din ng sahod sa boss natin?" tanong ko sa kanya upang inisin.
Successful naman ako dahil sinamaan niya ako ng tingin. "Alam mo, iniisip ko pa din hanggang ngayong 'yong date namin ni Travis sa Saturday," ambisyosang saad niya.
"Sinong may sabi sa'yong niyaya ka niya makipag-date sa kanya? Ang sabi ko ay gagala tayo," paliwanag ko sa kanya.
"Panira ka talaga ng moment, Solete ka!" inis na sabi niya.
"By the way, I want to look for papa," seryosong saad ko sa kanya.
Bumuntong hininga siya pagkatapos ay ngumiti sa akin. To assure siguro na she's there and she'll help me to find my dad.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Hahanapin natin ang papa mo. Ano pa nandito ako? Hello? Sa ganda kong 'to, hindi kita tutulungan," biro niya.
I pouted. "Miss na miss ko na siya," malungkot kong sabi.
"Eh siya? Na-miss ka ba niya? Na-miss ba niya ang mga kapatid at nanay mo?" Sobrang straight-forward talaga nito minsan.
Itinigil ko ang ginagawa ko at humanday sa upuan.
Tumingala ako at pilit na inaalis ang mga thoughts sa isip ko. Mahal na mahal ko ang papa ko at ayaw kong mag-isip ng masama sa kanya kahit alam ko sa sarili kong may tinatago akong galit at hinanakit sa kanya. Hindi para sa akin kung hindi para sa mga kapatid ko.
"Kung hindi kaya kami iniwan ni papa, nandito kaya ako ngayon sa Spain? Masaya ba ako? Hindi ba ako iiyak gabi-gabi? Hindi ko siguro ke-kwestyunin 'yong sarili ko," malungkot na saad ko.
Tumayo si Kia at pumunta sa likod ko upang yakapin ako sa likod. "Shush. Everything will be alright. Lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon, mapapalitan 'yan ng kasiyahan balang araw. Huwag kang mapagod hindi lang para sa nanay at mga kapatid mo, kung hindi para sa sarili mo din. Sol, matapang ka, alam ko 'yon dahil sa bawat iyak mo noon, nasaksihan ko lahat. Umiyak ka lang pero hindi ka sumuko at iyon ang importante. It's okay to cry but still, fight everyday," seryosong sabi niya upang mapakalma ang nararamdaman ko.
Hinawakan ko ang kamay niyang naka-yakap sa akin. "Thank you, Kia," I uttered.
Kung mayroon mong isa din sa importanteng tao sa buhay ko. Si Kia iyon. Siya lahat nakasaksi ng hagulgol at iyak ko. Siya 'yong yumakap sa akin noong panahong kailangan ko ito. Hindi siya napagod sa akin.
Ngayon na magkasama muli kami, I feel like I'm safe again. Nandito muli siya at sasamahan pa akong hanapin ang papa ko kahit alam kong nagalit siya din dito.
Matapos ang usapan namin ay umalis na din si Kia dahil pinatawag siya. Ako naman ay itinuloy ang ginagawa ko. Pina-plano ko pa din ang games na io-organize ko.
Nang matapos ang shift ko ay pumunta muna ako sa dagat. Gabing-gabi na pala.
Umupo ako sa buhangin. Tinanggal ko ang sandals na suot ko dahil masarap sa pakiramdam kapag walang suot na sandals or tsinelas.
Tumingin ako sa buwan. Hindi ito buong-buo. I think it's called gibbous moon. I was born on the 13th day of July in 1995 and it was also gibbous.
Gaya ng buwan na iyon, ganoon din ako. Hindi masyadong buo. Kailangan ng time upang maging buo muli at iyon ang kailangan ko.
Ngunit natatakot ako. Kay tagal ko na naghihintay na mabuo muli. Kailan pa iyong time na iyon? Gaano pa kahabang oras ang kailangan kong hintayin bago muling mabuo?
O kailangan ko ng isang tao upang mabuong muli?
It's always been my dad who will make me feel complete again. But where is him?
"Nasaan ka na, papa?" bulong ko habang nakatingin sa buwan.
Pinunasan ko ang luha na dumadaloy sa pisngi ko nang tumunog ang phone ko. It's my mama.
"M-ma..." Pilit kong tinitigasan ang boses ko upang hindi mahalata ni mama na galing ako sa pag-iyak.
"Anak, kamusta ka na? Gabi na ba diyan? Kakagising ko lang, ang mga kapatid mo ay tulog pa," panimula ni mama.
Gusto ko muling ma-iyak dahil sa narinig ko ang boses ni mama.
Huminga ako ng malalim at pilit na nilabanan ang nararamdaman. "Ayos lang ako dito, ma. Mababait ang mga tao dito. Mabuti din at kasama ko si Kia, hindi ako masyadong naho-home sick," saad ko.
"Mabuti naman kung ganoon, anak. Huwag kang magpapaka-pagod, ha? Huwag mo kaming alalahanin dito at maayos lang kami."
Napangiti ako. The assurance I always want to hear, ang ayos lang ang pamilya ko. "Mag-iingat kayo diyan, ma. Tawag lang kayo kapag may kailangan kayo o kaya kapag miss ninyo na ako." I chuckled.
"Syempre at tatawagan ka namin. Tawagan mo lang ako, Sol. Nandito lagi si mama para sa'yo. Kapag inaapi ka diyan, ipaglaban mo ang sarili mo." Tumango ako. Kaya hindi ako nagpapa-api sa ibang tao, sino ka man. Kung alam kung naaapi na ako, ipaglalaban ko ang rights ko.
"Oo naman, mama. Mana yata ito sa iyo, matapang." I laughed.
"Sige na, anak. Tinawagan lang talaga kita para kamustahin. Baka matutulog ka na. Mag-ingat ka diyan. Mahal ka namin." Matapos naming mag-paalam sa isa't-isa ay binaba na ni mama ang tawag.
"Thank you, Lord," bulong ko. Thank you for guiding my family. Thank you for being kind, always. Thank you sa blessings. Thank you sa lahat-lahat. I owe everything on you.
"Pero Lord... nasaan na ang papa ko? Nasaan na siya? Bakit niya kami iniwan? Anong ginawa ko? May ginawa ba akong mali sa kanya?" I always questioned my self why papa leave us. Palagi kong sinisisi ang sarili ko.
The memories are still fresh on my mind. K-kung paano siya nagpaalam sa amin ni mama na may pupuntahan lang siya...

Comentário do Livro (97)

  • avatar
    Dab YaNa

    so nice

    01/05

      0
  • avatar
    Mac Ramos

    thank

    05/11

      0
  • avatar
    Jonalyn Codera Palco

    I love it

    05/11

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes