logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 1

“Kath, gising na. First day mo sa school ngayon baka ma-late ka pa.”
Nagising na si Kath dahil sa isang boses ng babae. Isang babae na nag-alaga sa kaniya simula pa lamang noong bata siya hanggang sa nawala ang kaniyang Mama at Papa. Isang babae na tinuring na rin siya bilang tunay na anak, isang babae na para na rin niyang nanay.
“Yes po. Five minutes.”
“Hay nako. ‘Yan ka na naman sa five minutes mo. Kanina pa naka-five minutes. Twenty minutes na nakakalipas.”
Siya si Nanay Celia, ang yaya ni Kathryn simula pa lamang nang pinanganak siya. Napakunot naman ang noo niya dahil sa biglang pagbukas ng yaya niya ng kurtina ng binate. Kahit anong tamad niya, basta ginising na siya nito ay talaganag napapabangon siya. Alam ni Nanay Celia na ayaw ni Kathryn ang ginawa niyang pagbukas ng kurtina habang tulog pa ito subalit kung hindi niya ito gagawin ay hindi ito babangon.
“Si Aeriel nasa baba na. Hinihintay ka. Sabay daw kayo kakain ng breakfast,” dagdag pa nito sa kaniyang alaga.
This time ay bumangon na si Kathryn. Nakasimangot siyang bumangon dahil napakaaga na naman gumising ni Aeriel. Ito ang dahilan kung bakit laging napapaaga ang pasok niya araw-araw sa school. Lumabas na si Nanay Celia para iwan si Kath. Inayos muna ng dalaga ang kaniyang higaan at dumeretso na sa banyo upang maligo. Hindi naman siya ganoon katagal naligo dahil malapit na mag-7 ng umaga. Ayaw nito na masarauhan ng gate ng school. Pagkatapos niya maligo ay nagbihis na siya. Labag sa kalooban niya na school uniform ang sinuot niya dahil mas gusto niya na magfree style muna, first day naman ng pasukan. Ang dahilan ng school nila ay dahil nasa fourth year highschool na sila. Habang nagsusuklay ay napatitig siya sa salamin.
“Mama, Papa. Huwag niyo po akong iwan.”
“Mama, Papa. Huwag niyo po akong iwan.”
“Mama, Papa. Huwag niyo po akong iwan.”
Miss na miss na niya ang kaniyang magulang. Dalawang taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay fresh pa rin sa isipan niya ang nangyare sa kanila noong araw na ‘yon. Sinisisi niya ang sarili niya sa sinapit ng dalawang taong pinakang mahalaga sa kaniya. Lagi niyang sinasabi na kung saan ay may nagawa lang siya para makaligtas sila, kung nakahingi lang siya agad ng tulong at higit sa lahat kung hindi na lang sana siya nagyaya na mag-outing ay hindi sana ‘yon mangyayari sa kanila. Pero mas pinairal niya ang kagustuhan niyang mamasyal. Habang iniisip niya ‘yon, hindi niya namalayang umiiyak na pala siya. Binitawan niya ang hawak na suklay at pinunasan ang mata dahil baka mas lalo pa siyang umiyak kapag hindi siya tumigil.
Bumaba na siya papuntang dining area. Pagkarating niya doon ay katulad pa rin ng dati tuwing umaga, naaabutan niya si Aeriel na nagbabasa ng libro. Siya si Aeriel Garcia, ang anak ni Nanay Celia. Simula pa noong highschool ay dito na siya sa Maynila nag-aaral. Dahil hindi na rin naman iba sa kanila si Nanay Celia, ikinuha ng mga magulang ni Kathryn si Aeriel ng scholarship mula sa foundation nila. Noong una ay mahiyain pa si Aeriel dahil hindi siya sanay na tumira sa ganoong kagandang bahay at hindi rin siya sanay na makihalubilo sa ibang tao. Ngunit hindi rin nagtagal ay naging sobrang close na ang dalawang dalaga. Itinuring na rin siyang kapatid ni Kathryn dahil wala naman itong kapatid. Sa school, si Aeriel ay isang estudyante na tahimik lang at libro ang laging kasama. Sa kakabasa niya ng libro, naging malabo na ang kaniyang paningin kaya ngayon nakasalamin na siya kaya naman kilala na siya sa school bilang isang nerd.
“Good morning!” bati nito kay Kathryn nang makita ito.
“Good morning,” sagot naman ni Kathryn.
Kumain ang dalawa nang tahmik. Naramdaman siguro ni Aeriel na iba ang aura ngayon ng kaniyang kaibigan kaya nanahimik na lang siya. Sanay pa naman siya na nagdadaldalan habang kumakain.
“Nay, papasok na po kami ni Kath!” sigaw ni Aeriel. Nasa kusina kasi si Nanay Celia dahil may inaayos pa siya. Narinig naman niya na papunta ito sa kanila sa dining area.
“Tapos na ba kayo kumain?”
“Opo.”
“Sige. Hatid ko na kayo sa labas.”
Kinuha nan g dalawang dalaga ang bag nila sa may sofa sa salas na inihanda ni Nanay Celia habang sila ay kumakain kanina. Sabay na rin silang sumakay sa kotse.
“Ingat kayo,” bilin sa kanila ni Nanay Celia.
“Opo.” Humalik naman si Aeriel sa pisngi ng nanay niya. Kahit na may pagkatahimik ito ay napaka-sweet naman niya anak. Dahil sa nakita ni Kath, naalala na naman niya ang kaniyang Mama.
Habang nasa biyahe ay biglang hinawakan ni Aeriel ang kamay ng kaibigan, “Sharing is caring.”
Natawa naman bigla si Kath sa sinabi ni Aeriel.
“Napaginipan mo na naman sina Tita at Tito?” tanong ni Aeriel nang hindi tumitingin kay Kath. Bakas sa tono ng pananalita niya na nalulungkot din siya nangyari. Kung may pasasalamatan man si Kath sa nangyari noong araw na ‘yon, iyon ay ang hindi nila sinama sina Nanay Celia at Aeriel dahil sigurado na pati ang dalawa ay madadamay sa nangyari.
“Oo eh. Miss na miss ko na sila,” sagot niya habang nakatingin sa bintana upang hindi mapansin ang pagtulo ng luha niya.
“You know what? Kung nasaan man sila ngayon, for sure masaya sila kase graduating ka na. Next year, college ka na. Malapit mo na matupad mga pangarap mo.”
“I wish na masaya nga talaga sila. Pero hindi pa rin ako titigil hangga’t di ko nalalaman kung sino ang salarin sa nangyari sa amin noong araw na ‘yun.”
“Kath, kung ano man yan hangga’t maaga pa, huwag mo na lang ituloy. Baka kung ano pa mangyari sa’yo eh.”
“Aeriel, buhay nina Mama at Papa ‘to. Gusto ko makuha ang hustisya,” giit niya.
Hindi na lang nakipagtalo pa si Aeriel dahil alam niyang kahit anong sabihin niya ay hindi ito makikinig sa kaniya. Hanggang ngayon wala pa rin progress sa pag-iimbestiga sa nangyareng aksidente noon sa kanilang pamilya Kung hindi sila kikilos, gusto ni Kath na siya na ang kikilos.
Naging mabilis naman ang biyahe nila dahil hindi pa naman ganoon ka-traffic dahil maaga pa. Nakarating na sila sa Westview Manuel Academy, ang school kung saan sila nag-aaral. Karamihan ng mga napasok dito ay mayayaman pero pwede rin naman pumasok ang iba na walang kakayahan na makapagbayad ng tuition dahil ang nanay ni Kath ay may foundation na nagbibigay ng scholarship sa mga mag-aaral na gustong pumasok dito basta magaganda ang kanilang performance sa school. Hindi naman sila nagkamali dahil lahat ng scholar nila ay magagaling at isa na roon si Aeriel.
“Kita kits na lang tayo mamayang uwian, Sis,” sabi ko sa kanya bago kami maghiwalay.
“Sure.”
Kumaway muna ang dalawa sa isa’t isa bago maghiwalay. Si Kath ay nasa fourth year highschool na habang si Aeriel ay nasa third year highschool pa lang. Mas matanda si Kath ng isang taon. Matalino si Aeriel kaya naman nasa science section siya habang si Kath ay napapunta na sa section C. Hindi naman ito ang lowest na section pero marami ang nagulat dahil matalino rin naman ito. Ang maganda sa school nila ay kahit na anak siya ng may-ari ng school ay itatrato na ito ng special. Lahat para sa kanila ay pantay-pantay. Pero ngayon ay pagbubutihin nan i Kath ang pag-aaral dahil graduating na siya. Ayaw niyang madisappoint sa kaniya ang Mama at Papa niya kahit na wala na ang mga ito dahil darating ang araw na siya na ang maghahawak ng school nila.
Saktong pagdating niya sa room ay dumating na rin ang teacher nila. Umupo na lang siya sa harapan sa first row para makapag-focus sa mga teachers niya. Kapag first day naman, hindi pa talaga sila nagkaklase dahil puro introduce yourself pa lang lagi.
“Good morning everyone. My name is Kathryn Chandria Bernardo. 16 years of age. Thank you.”
Siya ang kahuli-hulihang nagpakilala dahil sa likod sila nagsimula. Papaupo na sana siya nang mapansin niyang wala pala siya katabi sa row kahit isa. Tatluhan ang upuan sa room nila. Napatingin siya sa mga kaklase niya. Lahat sila ay parang takot at may ilan pa na umiwas ng tingin. Inirapan na lang niya ang mga ito. Sanay na naman siya sa ganyan dahil kilala nila si Kath bilang bully ng section. Hindi na siya magtataka kung walang gustong tumabi sa kaniya.
Natapos na ang first day nila. Half-day lang sila ngayon dahil iyon ang napag-usapan ng mga teachers. Okay na rin naman sa mga estudyante dahil tinatamad sila kung walang gagawin sa school. Hinihintay na lang ni Kath si Aeriel sa parking lot kung saan naka-park ang kotse nila. Buti na lamang maaga nakarating si Kuya Roger, ang driver nila, dahil ayaw na niyang maghintay pa kung saan.
“Ang tagal naman,” pabirong pagrereklamo ni Kath pagpasok ni Aeriel sa kotse.
“Sorry, Sis. Ang dami kasing estudyanteng naglalabasan din eh.”
“Just kidding. Tara na sa mall?”
Napangiti naman bigla si Aeriel at mabilis na tumango. Aeriel loves to go shopping dahil sa probinsya naman nila walang mga ganitong kalalaking mall. Kaya sa tuwing namamsyal sila ng pamilya niya, lagi niyang sinasama si Aeriel.
Nagpahatid na ang dalawa sa SM. Papasundo na lang sila mamaya kay Kuya Roger. Una nilang pinuntahan ay ang fast food dahil lunch na. Gutom na gutom na ang dalawa. Sa matinding kagutuman, di nila namalayan na napadami ang order nilang dalawa. Hindi naman nila kaya ubusin ang mga ito kaya papa-take out na lang nila mamaya.
Tapos na kumain sina Kath at Aeriel pero hindi pa rin sila umaalis sa McDo. Nagpapahinga lang sila saglit dahil busog na busog sila. Nagkuwentuhan lang sila ng kung anong mga nangyare sa first day nila sa school.
Habang nagkukuwentuhan ay may dadaan na isang babae sa direksyon ng dalawang dalaga. Napatingin dito si Kath. Ang suot niya ay uniform din na kaparehas ng school uniform nila. Blouse na white, skirt na hanggang above the knee at naka-neck tie. Kung titingnan mo mabuti ay isa siyang nerd dahil sa pormahan ng babae, idagdag mo pa na nakasalamin ito. Hindi n asana ito papansinin ni Kath pero muli na naman nabuhay ang kaniyang pagiging bully sa araw na ito.
Malapit na siya dumaan nang hinarang ni Kath ang isa niyang paa kung saan daraan ang babae. Ang mala slang nito dahil siya ang napagdiskitahan. Pagdaan niya ay natisod siya kaya nadapat siya at natapon ang dala niyang mga pagkain na nakalagay sa tray.
“Stupid,” bulong ni Kath pero mukhang narinig ng babae ang sinabi niya dahil bigla siyang napatingin kay Kath. Tinaasan lang naman siya ni Kath ng kilay.
“Oh my God!” sigaw ni Aeriel. Gusto sana matawa ni Kath dahil sa hitsura ng babae pero pinigilan lang niya dahil paghihinalaan siya ni Aeriel. Pinagtitinginan na ng mga tao itong nerd na ito. Hindi pa rin siya tumatayo at mukhang paiyak na siya. Tatayo sana si Aeriel para tulungan ito pero may biglang dumating na isang lalaki.
“Gab, okay ka lang ba? Sabi ko naman kasi sayo ako na oorder eh.”
“So, Gab pala pangalan ng nerd na ‘to,” sabi ni Kath sa kaniyang sarili.. Tinulungan ng lalaki na tumayo ang babae at tumawag ng crew para imisin ang nagkalat na pagkain sa sahig.
“Excuse me,” lumapit na pala ang lalaki kay Kath.
“Yes?”
“Hindi ka man lang ba mag-sosorry sa ginawa mo?”
Tinaasan naman siya ni Kath ng kilay, “What?”
“Pwede ba huwag ka ng magmaang-maangan pa. Kitang-kita ko ginawa mo.”
“Nakita mo naman pala eh di sana tinulungan mo agad siya.”
“So, inaamin mo na sinadya mo nga?”
Kath smirked, “I don’t talk to strangers.” Tumayo na siya at kinuha na ang bag niya at pagkain na tinake out nila, “Tara na, Aeriel.”
Hahakbang na sana si Kath ng muling nagsalita ang lalaki, “Sobrang laki na talaga ng pinagbago mo, Kathryn.”

Comentário do Livro (102)

  • avatar
    TolentinoEm Jazmhine

    Pretty much like typical romance ebook so far, but I haven't read one in a while now so this is pretty good for a new start. Keep it up!!

    04/01/2022

      3
  • avatar
    Jusinan Daring Tarami

    okay

    07/08

      0
  • avatar
    Jistler Clemente

    low

    01/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes