logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Unwed Mother

Unwed Mother

KULIN


Chapter 1

Please be advised that this story contains mature themes and strong languages that are not suitable for very young audiences. Read at your own risk!
(This story is raw and unedited)
Thank you for reading and enjoy! ❤️
“INARI!”
Mabilis kong naiangat ang ulo nang marinig na may tumawag sa pangalan ko. Agad kong nakita ang dalawa kong kaibigan na ngiting ngiti habang papasok ng Library. 
Nakaupo ako rito sa dulong bahagi ng Library at may nakapatong na libro sa table na nasa harapan ko. Vacant ko ngayon at dito ko naisipang magpalipas ng oras. 
Pasimple kong tiningnan ang mga estudyanteng nasa unahan ko na napalingon din sa mga kaibigan ko dahil sa malakas na sigaw nila. Umiling-iling ang iba na para bang naiinis bago ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Maging ang nasa mid 30's na ginang na Librarian ay masama na ang tingin sa dalawa na ngayon ay naglalakad na palapit sa akin.
“Ano ba kayo? Nasa library kayo, wala kayo sa palengke!” mahina kong asik nang makalapit sila sa akin. 
Hindi nila pinansin ang sinabi ko at sa halip ay nakangisi silang umupo sa upuan na nasa tapat ko. Napailing ako sa kaisipang mukhang may kalokohan na namang sasabihin ang dalawang ito.
“What do you need?” nakataas ang kilay na tanong ko. Lalo naman silang napangisi.
“Sama ka sa amin. Blind date,” ani Karen na ipinatong ang shoulder bag niya sa lamesa.
“Sige na, Inari! Triple date ulit!” masayang sabi ni Vera.
“Ayoko!” Mabilis kong tanggi at tumingin na muli sa libro.
“Inari, please? Last na 'to, promise!” ani Karen kaya mabilis kong naiangat muli ang ulo ko at tiningnan siya. Nakangiti siya at ikinurap-kurap ang mga mata na animong nagpapacute.
“How many times have you said that? Tuwing may date kayo ay palagi akong damay!” Napasimangot silang dalawa dahil sa sinabi ko “Hindi n’yo ba kayang makipag-date na hindi ako kasama?”
“Hindi naman lagi, ah!” nakangusong ani Vera.
Umirap ako. “Hindi lagi pero madalas.”
“Dati na naman nating gawain 'to, 'di ba?” nakanguso ring ani Karen.
“Tch! Alam n’yo namang hindi na ako pwede riyan,” malumanay kong sabi habang pinagmamasdan ang nakasimangot nilang mga mukha. 
“Bakit ka kasi nag boyfriend?!” naiinis na ani Karen na ikinatawa ko.
Mahina akong natawa sa naging reaksyon niya. “Baka nakakalimutan mong dahil sa’yo kaya ko nakilala si Kevin?”
“Ang sabi ko date lang! Aba ang gaga jinowa na!” asar na sabi niya pa at inirapan ako.
“Kaya nga tayo nakikipagblind date para maghanap ng jojowain, 'di ba?”
“Kahit na! Ikaw isang taon nang may jowa, kami pa-blind date blind date pa rin!” Karen said as if she’s blaming me. Natawa na lamang ako at napailing.
“Oh, alis na. Nasabi n’yo na ang sasabihin ninyo, 'di ba?”
“Tara na kasi, please?” nakanguso at biglang lambing na ani Karen na inilapit pa ng bahagya ang mukha sa akin.
“Last na talaga 'to, beb! After nito hindi ka na namin isasama sa mga blind dates,” nakangising ani Vera na kanina pa natatawa sa pagtatalo namin ni Karen. Napabuntong-hininga ako dahil sa kakulitan nila.
“Last na nga hindi pa mapagbigyan,” nagtatampo kunwaring ani Karen. Nakanguso at nagpapaawa.
Nakakainis kapag hindi mo matanggihan ang mga kaibigan mo. Lalo na 'tong dalawang ito. Kapag may nagustuhan sila ay hindi ka talaga titigilan hangga’t hindi ka napapapayag.
Tulad nga ng sabi nila, gawain namin ang makipagblind date. Nagsimula iyon noong second year college kami nang minsan kaming isama ng pinsang lalaki ni Karen na si Liam. Nag-aaral ito sa ibang University. Kapag may kakilala si Liam na gustong makipagblind date ay kami ang pinapapunta niya. 
At first, we were just having fun hanggang sa magkaroon si Karen at Vera ng kagustuhang magka-boyfriend. They had a boyfriend before but it didn't last long. Ika nila ay nagiging boring daw kapag tumatagal. Pero kahit ganoon ay ipinagpatuloy pa rin nila ang pakikipagblind date dahil gusto raw nilang mahanap si Mr. Right.
My boyfriend now, Kevin, is my first boyfriend. We’ve been together for a year now. Graduating na siya sa course na Engineering and he is Liam's schoolmate. He’s kind and sweet. Ipinakilala siya sa akin ni Karen at Liam. Ang problema, kahit may boyfriend na ako ay nakikipagblind date pa rin ako kapag pinipilit nila ako tulad ngayon. At ako naman itong hindi matanggihan ang mga kaibigan ko. Mabuti nga hindi nalalaman iyon ni Kevin, eh. 
“Saan n’yo naman nakilala 'yang mga 'yan?”
“Kay Liam. Kanino pa ba?” Karen said as she looked around. Nakapangalumbaba naman si Vera habang nakatingin sa akin na parang naiinip na.
”Bugaw talaga 'yang pinsan mo,” nakangiwi kong sabi. Karen turned to me again with a big smile.
“Magkakaibigan rin sila like us, Inari. Ang ga-gwapo! Nakita ko na sila sa picture. May bet na nga ako roon, e,” kinikilig na sabi niya.
“Nag-aaral pa?” pang-uusisa ko pa.
“Nakagraduate na last year. Ka-batch ni Liam. So, matanda lang sila ng isang taon sa atin.”
“Bakit naman naisipan pa nilang makipag-blind date? Hindi na lang maghanap ng trabaho,” napapailing na sabi ko at tumungo sa libro pero agad ring nag-angat ng tingin sa kanila.
“Gaga! Syempre nagta-trabaho na ang mga 'yon!” ani Vera.
“'Yung isa raw sa kanila gustong maranasang makilag-blind date bago gumraduate. Kaso naging busy yata ang Lolo mo last year, so, ngayon na lang,” ani Karen at nagkibit-balikat.
”Korni,” bulong ko.
“At dapat talaga siya lang. Kinausap na nga ako ni Liam, e. Kaso idinamay niya pa 'yong dalawa niyang kaibigan kaya kailangan pang maghanap ng partners for his friends.”
“Kaya damay rin ako?” nakangiwi kong tanong.
“But you’re coming, aren’t you?" nakangising tanong niya.
”She will! Last na 'to, e,” ani Vera na parang siguradong sasama nga ako.
Bumuntong-hininga ako. Tutal ay hindi rin lang nila ako patatahimik ay maiging pumayag na lamang ako. ”Alright, I’ll come with you two.” Nakangising nag-apir ang dalawa at bakas ang saya sa mga mukha. Napangiwi na naman ako. Naisahan na naman ako ng dalawang 'to. Bumutong-hininga ako. “Basta ipangako ninyong last na 'to,” nagbabantang sabi ko na itinuro pa sila. Sabay naman silang tumango habang nakangisi.
“Promise, Inari!” ani Karen at itinaas pa ang isang kamay na parang nanunumpa.
“Kailan ba 'yan?” walang gana kong tanong.
“Mamaya.” Si Vera ang sumagot.
“Mamaya?!” napasigaw ako sa gulat. Mabilis kong nailibot ang paningin ko sa Library. Napatingin ang mga estudyante sa akin at napakasama ng tingin ng Librarian. Napapahiya akong lumingon ulit sa mga kaibigan ko at bahagya pang yumuko. “Bakit naman mamaya agad?” bulong ko.
“Last week pa nga dapat 'yon, e. Ngayon lang matutuloy,” natatawang sagot ni Karen. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pagtawa niya sa kahihiyan ko.
“Tch! Baka magkita kami mamaya ni Kevin.”
 Siniringan ako ni Vera, “Dahilan mo!”
“Seryoso nga! Mukha ba 'kong nagsisinungaling?”
“Araw-araw naman kayong nagkikita, e. Sabihin mo bukas na lang ulit.”
Napangiwi ako sa sinabi ni Karen. “Ano namang idadahilan ko?”
” Hmm.” Tumingala si Vera at tumingin sa kisame na animong may makukuhang sagot doon bago muling tumingin sa akin. “Sabihin mo uuwi ka sa inyo,” nakangiting aniya.
“Oo nga, iyon na lang, Inari. Hindi naman siguro 'yon mag te-text pa sa Mommy at Daddy mo para i-confirm na naroon ka,” sabi pa ni Karen.
Napabuntong-hininga ako. “Okay. Basta last na 'to, ha?” They both nodded. “Ano’ng oras?”
“Six. Pare-pareho namang hanggang alas tres lang ang pasok natin, makakauwi pa tayo,” sagot ni Karen.
“Saan?”
“Tagaytay,” ani Karen at napatango naman ako. “Oh, pa’no, kita na lang tayo mamaya after ng last class namin, ha? Babush!”
Sabay na tumayo ang dalawa at naglakad na paalis. Naiiling ko silang pinanood na maglakad habang magkausap at parang kinikilig pa. Nang makalabas sila ng Library ay tumayo na rin ako at ibinalik ang libro sa pinagkunan niyon. Nang makuha ang I.D ko sa Librarian ay lumabas na rin ako at nagpunta na sa classroom para sa last subject ko.
“Hi, Blaire!”
I heard my classmate Harold greet me when I entered the classroom. I just gave him a small smile pero agad ring sumeryoso nang lumampas na ako sa kanya. Manliligaw ko noon si Harold. Mabait naman siya kaso masyadong mahangin. 
Nang makaupo ako ay saktong dumating ang professor namjn. Nagkaroon lang kami ng discussion. Mataman akong nakinig sa professor habang nag ja-jotdown ng lesson. 
Time passed quickly and the class ended well. I was arranging my things when I felt my cellphone vibrated in my pants pocket. I took it first and saw that Karen texted me.
We're here on the bench near the gate. Faster please!
Hindi na ako nag reply at ipinagpatuloy na lamang ang pag-aayos ng gamit. Nang matapos sa ginagawa ay lumabas na rin ako at naglakad na papunta sa gate. I immediately saw my friends sitting on the bench in the pathway. They’re both laughing. Hilig talaga nilang tumambay riyan tapos papansinin lahat sa mga dumadaan at maghahanap ng nakakatawa. 
Minsan nga ay nadatnan ko silang tawa nang tawa habang naroon. Iyon pala ay may nskita silang estudyante na nakasuot pa ng footsocks. Napapailing na nga lang ako. Para kasing mga bata.
”Let's go!”
Tumayo agad sila at sabay-sabay kaming naglakad papunta sa parking lot. Tawa pa rin sila nang tawa at may pinag-uusapan pero hindi ko na lang iyon inusisa pa. Sumakay ako sa driver’s seat ng kotse ko. Sa shot gun seat umupo si Karen at sa passenger seat naman pumwesto si Vera. 
The three of us live in the same condo. Simula noong second year college kami ay naisipan naming lumipat doon dahil hassle bumyahe ng malayo. Taga Laguna pa kasi kami at sa Manila nag-aaral. Sa traffic pa lang ubos na ang oras namin sa biyahe.
“Excited na ako para mamaya,” kinikilig na sabi ni Vera habang nasa byahe kami.
“Basta sa akin 'yong mahaba ang buhok, ha!” parang batang ani Erika. “Pero ang ga-gwapo nilang lahat!” kinikilig na sabi niya pa.
“Gaano naman sila ka-ga-gwapo, beb?” ngiting-ngiting tanong ni Vera. Nakalapit na siya sa sandalan ng shotgun seat at halos nakayakap na roon.
“Super gwapo! Makalaglag panty!” O.A na sabi ni Karen. “Akala ko pa nga matanda sila ng ilang taon sa atin, e. Ang ma-matured kasi ng mga itsura.”
“Gaano ka-matured? Parang kwarenta na?” natatawa kong tanong na hindi inaalis ang tingin sa kalsada.
“Gaga, hindi naman!”
“Walang mag-uuwi sa condo, ha?” naiinis kunwaring sabi ko.
”Gaga, hindi tayo gano’n! Hanggang date lang tayo!” ani Vera.
”Kaya nga umaayaw 'yong ibang nakakadate natin, e. Akala yata sex ang habol natin,” nakangiwing ani Karen.
“S’yempre ganoon talaga ang iisipin nila. Baka nga kaya nakikipag date ang mga lalaking 'yon para maghanap ng maloloko at mabibiktima,” seryosong sabi ko habang nakatutok ang atensyon sa kalsada.
“Basta naniniwala pa rin ako na may isang Mr. Right na darating sa mga makakadate ko,” ani Karen.
”What about you, Inari, hindi mo naisip na ganoon si Kevin noon?” Vera turned to me.
”S’yempre naisip ko rin 'yon.”
“Aren’t you scared? Kasi baka mamaya niyan ay pilitin ka niya?”
“Kung ayaw ko hindi ako tanga para hindi umalis sa relasyong 'to lalo na kapag pinilit niya ako sa bagay na ayaw ko.” Tiningnan ko siya sa salamin at nakita ko siyang napangusong tumango-tango.
Dumating kami sa condo after ten minutes. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Samantalang sumalampak naman ng upo si Vera sa sofa na nasa sala. 
“Mag re-ready na ako,” ani Karen na dumiretso sa kwarto niya. 
“You’re so excited!” nanunuksong sigaw ni Vera. Narinig pa namin ang tawa ni Karen bago niya isinara ang pinto. 
“Magre-ready na nga rin ako.” Vera  stood up. This time ako naman ang natawa sa kanya.
“Kunwari ka pa. Eh, mas excited ka naman kaysa kay Ren.”
“Tse!” natatawang aniya.
Hinugasan ko lang ang basong pinag-inuman ko at pumasok na rin sa kwarto ko. Humiga pa ako saglit sa kama at tiningnan ang cellphone ko dahil baka may text si Kevin pero wala pa naman kaya naisipan kong i-text na lang siya.
Love uuwi ako sa Laguna. Tomorrow na tayo magkita, ha? Loveyou! 
Tumayo na ako at dumiretso bathroom apra magshower. Pagkatapos ay saglit akong nagblow dry ng buhok. Nang makuntento sa buhok ay lumapit na ako sa closet para mamili ng susuotin. I wore a white tutleneck longsleeve tucked-in in my mom jeans, a denim jacket and a pair of my lace up chunky block heel ankle boots. I just put a little blush on and liptint. Nang matapos sa pag-gagayak sa sarili ay lumabas na ako ng kwarto bitbit ang black clutch bag ko.
Naabutan ko sa sala si Karen at nanonood sa T.V. Lumapit ako sa kanya at tumabi. Napansin ko naman agad ang suot niya. She's wearing an orange pullover, a black leather skirt and a pair of black knee boots.
“Hindi ka kaya lamigin niyan?” I asked worriedly because she’s just wearing a skirt. Malamig pa naman sa Tagaytay.
”Madali namang magpainit,” seryosong sabi niya at nilingon ako. Nginiwian ko siya na ikinatawa niya nang malakas. ”Ang green minded, besh! Kape ang tinutukoy ko.”
“Lokohin mo pa 'ko,” nakangiwi ko pa ring sabi. ”Paano mo nalamang iba ang iniisip ko kung hindi mo rin iniisip 'yon?”
“Ang sama ng mukha mo, e! Parang may iniisip na kung ano!” natatawang aniya.
“Sus! Magdadahilan ka pa!”
Sabay kaming napalingon sa gawi ng kwarto ni Vera nang lumabas ito roon. Kumpara sa amin ay mas simple ang suot niya. She’s wearing a white shirt tucked-in in her denim pants, and long grey cardigan at white sneakers.
“Naks! Kunwari hindi siya excited!” Karen teased her.
"“Dapat hindi halatang excited tayo, 'no! Baka isipin pa nila na atat na atat tayo,” ani Vera. Karen and I nodded, agreeing with what she said.
Tumunog ang cellphone ni Karen at agad niya iyong tiningnan. Mabilis siyang napatayo na parang kinikilig anng mabasa ang text message.
“Let’s go! Papunta na raw doon ang mga baby natin,” aniya na kinikilig. 
Natawa si Vera sa kanya at sabay na silang lumabas. Halatang excited sila pareho. Naiiling na lamang ako na sumunod sa kanila.

Comentário do Livro (56)

  • avatar
    MadarangLheen

    Nice flow of story and I'll recommend to everyone to read this book.. A story to give you a lessons❤️

    19/12/2021

      6
  • avatar
    LibradaRosebel

    beautiful

    16d

      0
  • avatar
    Jorife Sabesahe Suco

    i love it

    20d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes