logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2-Rule Number Two

Magrereklamo pa sana si Allie ngunit wala na pala siyang kausap. Nakaalis na ang hudyo. Kaya mariing itinikom na lang niya ang bibig. Muli siyang nag-inhale-exhale upang ma-relax ang sarili. Dapat pa raw siyang magpasalamat pagkatapos ng nangyari. Nakakairitang lalaki. Guwapo nga sana nakakairita naman.
Sangbakol tuloy ang mukha niya nang pasukin ang malawak na gate ng Glenford University. Ang Glenford ay isa sa mga sikat na pribadong eskwelahan sa kanilang probinsiya. Ngayon ang unang araw niya dito. At kanina ay kabababa lamang niya mula sa sinakyang dyip. Mabuti na lang talaga at napaaga siya nang dating. Kung hindi ay malamang late na siya. Kung nangyari iyon, naku, humanda talaga ang lalaking iyon.
Hindi pa naman biro ang matanggap sa Glenford. Kilala ito bilang eskwelahan ng mga may kaya sa buhay. Mataas ang standard nito. Kaya naman mataas din ang tuition fee. Well, quality education is expensive, right? Balita ring malaking magpasuweldo sa mga empleyado. And who doesn’t want a high-paying job nowadays?
Kaya nagtatalon talaga siya sa tuwa nang matanggap ang tawag na pinagre-report siya. Isa pala siya sa mga pinalad na ma-hire. Marami siyang nakasabay na nag-apply eh. Magaganda at mukhang mga ismarte ang mga iyon kaya hindi siya masyadong umasa na agad na matatanggap. Matindi ang kompetisyon. Kaya ganoon na lang talaga ang pasasalamat niya dahil pinakinggan ang dasal niya.
Nakadagdag na rin siguro na pasado siya sa Licensure Examination for Teachers (LET). Though it wasn’t much of a requirement in private schools tulad ng Glenford. Pero syempre mas lamang pa rin ang pasado.
She spent three years trying to decide what she really wanted to do with her life. Pagka-gradweyt kasi ng kolehiyo ay agad siyang namasukan sa isang sikat na mall sa Maynila bilang saleslady. Wala naman talaga siyang balak magtagal doon eh.
She was just waiting for the result of the LET. Nang dumating iyon at nalaman niyang nakapasa siya, inakala ng kanyang ina na magre-resign na siya pero hindi niya ginawa. Eh kasi nga kasalukuyan siyang nag-e-enjoy sa trabaho ng mga panahong iyon.
Lately lang siya nakapag-isip-isip. parang routinary na lang kasi ang buhay niya. Tapos napapagod na siyang mag-commute araw-araw. Malayo-layo rin ang kanilang bayan sa Maynila. Tapos pakiramdam niya tumatanda na siya sa edad na beinte cuatro. Wala namang nangyayari sa buhay niya. Hindi tumataas ang suweldo niya. Well, tumaas din naman ng konti. Pero…may kulang eh. Baka dahil zero ang lovelife niya?
Pero, no! no! no! A humongous no! Hindi pa siya puwedeng magka-boyfriend dahil may pangako siya sa ina na pagtatapusin sa pag-aaral ang nag-iisa niyang kapatid na si Elize bago siya mag-asawa. Ngayon nga ay huling taon na nito sa kursong Hotel and Restaurant Management kaya malakas ang loob niyang mag-resign sa dating trabaho at mag-apply ng panibago.
Sa palagay kasi niya masama ang loob ng kanyang ina dahil iba ang pinasok niyang trabaho. Pangarap talaga nitong magkaanak ng guro eh. Halos napahiyaw nga ito sa tuwa nang magpaalam siyang magre-resign na. Hinihintay lang daw talaga nito na magsawa siya sa dating trabaho. Sayang naman daw kasi ang tinapos niyang kurso kung hindi magagamit. And then she thought maybe it was time for a little change. Change of routine. Change of people around. Change of environment. Change of life. Ah, basta, change is coming.
***
Biyuda na ang ina ni Allie. Nangyari ang trahedya dalawang taon bago siya maka-gradweyt sa kolehiyo. Na-stroke ang kanyang ama na siyang ikinamatay nito. Iginapang lang ng ina ang pag-aaral niya. Naging sudent assistant din siya noon upang makabawas sa tuition fee. Nag-try siyang mag-work while studying pero pinatigil siya ng ina. Nangayayat kasi siya nang husto. Nag-alala ang kanyang ina sa health niya.
Kaya nga lahat na yata ng negosyo ay pinasok nito upang mapagtapos siya. Naroong magpa-order ito ng mga avon products. Pati nga pagtitinda ng lutong ulam pinasok na nito eh. Minsan naglalako na rin ng mga pahulugang damit at iba pang gamit sa bahay. Hindi lang siguro masabi sa kanya noon ng ina na dismayado ito dahil ibang trabaho ang pinasok niya pagkagradweyt.
Magpahanggang ngayon nagpapa-order pa rin ito ng mga avon products kahit pinahihinto na niya. Libangan na lamang daw nito iyon. Nag-e-enjoy na lang daw. Gayunman pinapaalalahanan niya na laging maghinay-hinay. Mahigit singkwenta na ito. Hindi nga lang halata. Masayahin kasi at palaging nakangiti.
For the record lang naman, tingin niya hindi naman siya pangit kaya zero ang lovelife niya no! Hindi rin siya iyong tipong insecure. Kapag tumitingin siya sa salamin ay masaya at nasisiyahan naman siya sa nakikita. At saka may mga nagtatangka rin namang kayang manligaw sa kanya. Iyon nga lang panay palipad-hangin lang. Wala pang nagkakalakas ng loob na magtapat sa kanya.
May nakasulat daw kasi sa noo niya na not interested in bold letters sabi ni Trix, kaibigan niya sa trabaho. May konting katotohanan naman iyon. Para sa kanya kasi ang pakikipagrelasyon ay isang bagay na komplikado. Sobrang seryosong bagay. Kaya kung hindi ka rin lang handa rito eh, huwag ka nang maglakas-loob na pasukin.
Idagdag pa na nakapangako nga siya sa ina na no boyfriend until Elize graduates.
Biro na lang niya sa kaibigan hindi pa ipinapanganak ang lalaking magugustuhan niya. Pinagtatawanan lang naman siya nito. Kung hindi pa raw ipinapanganak, malamang ay senior citizen na siya pag nagkita sila ng lalaking magugustuhan niya. Lakas ng tawa niya roon.
Minsan ay natatanong din naman siya kung ano ang tipo niyang lalaki. Bagay na hindi niya masagot. Hindi naman talaga niya alam eh. Wala siyang ideal man. Kanina nga lang kumabog ang dibdib niya sa isang lalaki, nakaaway pa niya.
Siguro dahil sa hindi nga niya napagtutuunan ng mahabang pag-iisip ang tungkol sa bagay na iyon. Siguro naman pag natagpuan na ng puso niya ang kabiyak nito ay magbibigay ito ng signs. Like bibilis ang tibok ng puso niya, mag-e-slow motion daw ang time, tulala, hindi makatulog etcetera. Sure, bumilis nga ang tibok ng puso niya kanina. Sa matinding inis.
Anyway, matindi ang paniniwala niya sa kasabihang “first impression lasts.” Idinagdag na nga niya sa Ten Commandments. Para sa kanya ito ang pang-labing-isa. Kaya bago siya umalis ng bahay upang mag-report sa bagong trabaho ay tiniyak niyang maayos ang physical aspect ng pagkatao niya. Ayaw niyang may masabing hindi maganda ang bagong boss niya tungkol sa kanya. Dinig pa naman niya ay tila palagi nang may photo shoot ang get-up nito araw-araw.
She was more than one hundred percent confident na wala itong maipipintas sa kanya when it comes to her personality. She was trained na palagi nang maayos ang sarili bago humarap sa mga tao. Except today. Saglit na nawala ang self-confidence niya dahil sa walang pusong driver na iyon ng black BMW, hayss!
“Well, tama rin naman siya. Mabuti nga at binalikan ka niya para lamang mag-apologized. Kung iba kasi iyon, suwerte ka kung sulyapan ka man lang kahit nakita nila ang nangyari. At least he had good manners,” wika ni Wyn nang isalaysay ni Allie ang nangyari. Kaagad kasing nakita nito ang mapa sa blouse niya at ang sangbakol niyang mukha.
Si Wyn ang guidance counselor ng elementary department ng GU. Mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon. Seksing-seksi at respetable ito sa suot na light pink blouse at black pencil cut na palda na siyang official uniform of the faculty. Allowed din silang magsuot ng ibang kulay na blouse basta ang ka-terno nito ay black skirt or slacks. Type niya ang three inches yata iyon na black wedge sandals ng dalaga.
Nakakakuwentuhan niya si Wyn noong mga panahong nag-a-apply siya sa Glenford kaya naman naging close sila nito.
“At ano naman ang nangyari sa’yo, Teacher Allie?”agad na bungad sa kanya ng principal na si Madam Rivera nang masulyapan nito ang itsura niya.
Si Madam Rosalinda V. Rivera ay isang napakaganda at napaka-metikulosang babae na nasa middle fifties. She was the classic example of a strict and esteemed lady boss. She was professionalism personified. Totoo nga pala ang nahihigingan niya noon na kung magdamit ito ay tila magpo-photo shoot para sa isang cover ng sikat na magazine.
Sobrang na-self-conscious siya nang tanungin nito kung bakit ganoon ang itsura ng kasuotan niya. Ang liit na lang tuloy ng pakiramdam niya. Sobrang bilis tuloy niyang naipaliwanag ang naganap ng umagang iyon.
“Linisin mong mabuti. Rule Number Two: Never face your class looking like a garbage collector,” taas ang isang kilay at puno ng ka-istriktuhang bilin nito sa kanya matapos ang kanyang kuwento. Lihim na napa-aray si Allie. Garbage collector talaga? Hindi ba puwedeng nadapa o nangudngod o nahulog sa kanal dahil sobrang excited na pumasok sa trabaho?
Sa kabila ng lahat, hindi niya napigilan ang mapangiti. Batid niyang no-offense-meant iyon. Napaka-professional lang talaga nito.
“Yes, Madam,” yuko ang ulo at nahihiyang tugon niya. Bumulong siya kay Wyn na nasa tabi niya kung ano ang Rule Number One.
“Syempre, be punctual,” nakangiting tugon nito.
Oo nga naman. Buti na lang talaga at hindi siya na-late kanina.
Pagkatapos ng orientation meeting ay tinulungan siya ni Wyn na linisin ang damit niya. Pinunasan nito ng malinis at basang bimpo. Pagkaraan naman ng ilang saglit ay bahagyang luminaw na ang narumihang bahagi nito bagaman naroon pa rin ang bakas. Pero at least, bumalik na ang self-confidence niyang saglit na naglaho.
“Kahit nag-apologized pa siya. Hinding-hindi ko malilimutan ang ginawa niya. Iyon na ang pinakanakakahiyang pangyayari sa buhay ko. Mabuti na lang at hindi na kami magkikita ng unggoy na iyon,” himutok pa rin ni Allie. Kung bakit naman sa hindi malamang dahilan eh nakaramdam siya ng bahagyang panghihinayang nang maisip na hindi na nga niya makikita ang lalaki. Guwapo pa naman sana. She could still remember the way his lips moved as he was trying to control his smile. He looked rather cute,though.
“Next time, ingat ingat din sa pagtawid sa mga kalye. Baka naman para kang kandidata sa pagka-Mutya ng Pilipinas. Feeling rumarampa sa entablado habang tumatawid sa kalye.” Parang isang inang nangangaral si Wyn.
“At bakit? Masama bang rumampa sa kalsada?” nanghahaba ang ngusong biro ni Allie.
“Hindi naman sa ganoon. Kaya lang baka sa susunod ay hindi lang maruming damit ang mapala mo kundi masagasaan ka. Tapos malagay ka sa dyaryo. Ang headline, “isang gurong buong kaseksihang rumarampa sa kalye, sinalpok ng dyip. Sosyal, di ba?”
Sobrang dami ng tawa nilang dalawa.
***

Comentário do Livro (65)

  • avatar
    Vince Barillo

    hahahah

    4d

      0
  • avatar
    Nathanael Cacao

    gyjjhghjii

    28d

      0
  • avatar
    Saud

    oke

    28/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes