logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Falling for You

Falling for You

Johanna Gabrielle


Chapter 1-Heartless Human Being

Nagmistulang estatwa si Allie sa pagkakatayo sa bahaging iyon ng J.P Rizal Street. Hindi siya makakilos at hindi malaman ang gagawin. Hindi rin siya makapaniwalang nasa ganoong sitwasyon siya sa napakahalagang araw na iyon sa buhay niya. Sa dinami-dami ba naman ng araw ngayon pa talaga, himutok niya habang nanggigigil sa matinding inis.
Papano ba naman kasi papatawid siya sa kabilang kalye nang may bigla na lamang humaharurot na kotse sa harap niya bago pa man lang siya makaisang hakbang. Kasabay niyon ang maruming tubig na tumilampon sa kanya. Agad iyong kumulay sa light green niyang blouse at black pencil cut na palda. At sa kasamaang palad, tila meron pa yata iyong di-kanais-nais na amoy.
Kuyom ang mga palad at nanggigigil sa inis na sinundan niya ng tanaw ang itim na BMW na kadadaan lamang. Hindi man lang bumagal ang walang modo, walang baga, walang bituka, walang atay at higit sa lahat walang pusong driver.
Kapal ng mukha!
Kitang-kita naman na may naimbak na tubig sa bahaging iyon ng kalsada dahil umulan kagabi. Hindi man lang pinabagal ang sasakyan. Mabuti na nga lang at itim ang kanyang palda. Hindi gaanong halata doon.
Hindi ba siya nakita ng magaling na driver? Napaka-imposible. Oo nga’t hindi pang-Miss Universe ang height niya pero lagpas limang talampakan naman iyon. Hindi siya ganoon kapandak para hindi nito mapansin.
“Hmp! Bastos lang talaga,” ang napapangiwing bulong niya habang pinapahiran ng likod ng palad ang nabasang pisngi.
Halos maluha siya nang mahagip ng mata ang isang bahagi ng blouse na nasa tapat pa talaga ng dibdib niya. Animo siya isang batang pasaway na pinaglaruan ang chocolate drinks kaya natapon sa damit.
Nag-inhale-exhale siya upang kalmahin ang sarili. Saka pigil ang pag-iyak na naglabas ng panyo mula sa shoulder bag at saka ipinunas doon. Ngunit lalo lang siyang nadismaya sapagkat kahit anong punas at pagpag ang gawin niya ay hindi na matanggal ang marka roon. Halos mapunit na nga ang panyo sa kakapunas niya sa kanyang blouse eh.
***
Sa kalagitnaan ng kanyang paghihimutok, napansin niya ang kotseng dahan-dahang umaatras sa banda niya. Ilang sandali pa ay huminto na ang itim na BMW sa tabi niya. Ano pa’t iyon ang makapal ang mukhang dahilan kung bakit naroon siya sa kahiya-hiyang kalagayan ng mga sandaling iyon.
Naniningkit ang mga matang inihanda ni Allie ang sarili na harapin ang walang modo, walang atay, walang bituka, at walang haysss... Sa totoo lang, nagtataka siya kung bakit bumalik pa ang hudyo. Nais pa yatang masaksihan ang pagkapahiya niya. Siguro para sisihin siya. Sabihing kasalanan niya ang nangyari. Pagtawanan siya. At pagkatapos ay…
Nega overload talaga, Alison ?anang maliit na tinig sa utak niya.
Hayss! Panay negative vibes nga siya, ang aga aga eh.
Nang mapag-isip-isip ang bagay na iyon ay humugot na lang siya ng malalim na hininga.
O siya, eh di positive, good vibes. Baka naman at the last minute ay nakonsyensya ang magaling na driver.
Iyon ay kung may konsyensya nga ang hudyo, hmp!
Ilang sandali pa ay dahan-dahan nang bumukas ang pinto ng kotse at unti-unting iniluwa nito ang isang lalaking naka-dark brown leather shoes at dark brown slacks at naka-tuck-in dito ang fitted cream polo shirt. Bakas pa nga ang muscles nito sa dibdib eh. Halos malaglag ang panga ni Allie nang tuluyang makalabas ng kotse ang lalaki.
Sobra namang tangkad nito, sa isip-isip niya habang pigil pigil ang pag-awang ng mga labi.
His tall, nearly perfect-shaped body seemed endless. Ito na yata ang pinakamatangkad at pinakaseksing lalaking namasdan niya sa buong buhay niya eh. Ilang segundo pa ang nakalipas bago nakarating ang mga mata ni Allie sa mukha nito. At nang tuluyang mamasdan iyon at magtama ang kanilang mga mata ay agad humanda si Allie upang bigyan sana ito ng mahabang litanya hanggang sa mamula pati dulo ng ilong nito.
Ngunit umawang lang ang bibig niya. Wala man lang nakalabas ni isang kataga. Sa hindi maipaliwanang na dahilan ay nablangko ang utak ni Allie. She could only gape at a very attractive face. Sa totoo lang hindi naman iyon ang pinakaguwapong mukhang nakita niya. Sa mall na dati niyang pinagtrabahuhan ay palagi nang bumabaha ng mga guwapong foreigner at artista. Normal na lang sa kanya. At saka guwapo rin kaya ang kanyang mga pinsang lalaki. Immune na siya sa mga makalaglag-underwear na lalaki.
Pero ewan ba naman at tila may kakaiba sa lalaking nasa harap niya. Masarap titigan ang mukha nito eh. He had an oval face, thin beautifully-shaped lips, a perfectly-formed nose, and dark brows over dark brown eyes na ngayon ay matamang nakatitig sa kanya. Hindi rin nakatakas sa pansin ni Allie ang mga dark stubble sa baba nito senyales na kakagising lamang nito kaya hindi pa nakakapag-shave. Ngunit imbes na magmukhang ewww… ay mas bumagay pa nga. Sex appeal overload ang hudyong driver, hayss!
Hindi tuloy matiyak ni Allie kung ang dahilan ng pagkabog ng dibdib niya ay dahil sa matinding inis pa rin dito o dahil sa pagkakatitig nito sa kanya. Pinigil niya ang mga daliring kanina pa nangangating hawiin ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya at iipit sa tainga. Baka isipin kasi nito, eh nagpapacute siya rito.
Again, she tried to open her lips to say something. Ngunit bakit tinig ng lalaki ang narinig niya?
“Miss, sorry ha. Nabasa ka yata. Hindi ko sinasadya."
Nauna na palang nagsalita ang hudyo. Lukot ang mukhang muli niyang isinara ang nakabukang bibig. Pati ba naman boses nito sexy? May pagka-husky. Ganoon yata ang tunog ng tinatawag nilang bedroom voice eh.
Napalunok si Allie. Biglang nanuyo ang lalamunan. Ayos na rin sana eh. Humingi na ng pasensya ang hudyo. Kahit papano ay nabawasan na ang pagkulo ng dugo niya. Kahit sa totoo lang wala naman siyang balak tanggapin ang sorry nito.
Parang may mali lang kasi sa sinabi eh.
Nabasa ka yata? Yata? Yata!!!!!
Kung gayon ay hindi pala ito nakatitiyak kung nabasa nga siya. Eh, hindi ba’t halos mag-shower siya sa gitna ng kalye? Hindi naman siguro malabo ang mata ng gwapong hudyong ito. Parang gusto tuloy niyang ipagsigawan sa mukha ng lalaking ito na oo nabasa nga siya at kusa lang tumilampon ang maruming tubig na iyon sa kanya.
Naku kung ugali lang talaga niyang mag-eskandalo, gagawin talaga niya. Kaya lang hindi pa naman niya naranasang nakipag-away kahit kanino. Tapos sa gitna pa ng kalye. Pinagtitinginan na nga sila ng mga taong nagdaraan eh. Unti-unti nang dumarami ang mga iyon. Kinakapitan na naman siya ng hiya.
Kaya humugot na lang siya ng naraming hangin. Pero kahit wala siyang balak mag-eskandalo. Titiyakin naman niyang alam ng magaling na lalaki na nagkamali ito ng biniktima.
“Hindi ka sigurado na nabasa ako? Malabo ba ang mata mo?” Gigil na itinuro pa niya ang blouse niya. “Eh, daig ko pa nga ang nag-shower ng chocolate drinks pagkatapos ay sasabihin mong nabasa yata ako! Unggoy ka!”
Huli na para pigilan ni Allie ang sarili na idugtong ang huling kataga. Bago pa niya maharangan ang bibig ay nakawala na. Kaya wala na siyang magagawa. Bagaman mahina lang ang pagkakasabi niya doon sa unggoy, for sure narinig nito iyon. Halatang-halata namang hindi bagay sa lalaki ang salitang unggoy.
Eh, di guwapong unggoy na lang!
“I heard it,”anang lalaki na medyo naningkit ang mga mata.
Unggoy na may matalas na pandinig.
“So what!”gigil na saad niya. Hindi naman niya maaaring ipahalata na nabigla lamang siya doon sa unggoy. Nasabi na niya eh kaya pangatawanan na lang. Dala lang naman iyon ng matinding inis niya. At hindi siya masisisi ng kahit na sino. Isa pa, hindi siya matatahimik kapag hindi niya nasabi rito ang mga gusto niyang sabihin. Kaysa naman maghapong magkukot ang kalooban niya.
“At FYI lang ha. Ngayon ang unang araw ko sa trabaho na pinagka-antay-antay ko at pinagkadasal-dasal na sana ay matanggap ako. Kaya nga nang malaman ko na natanggap nga ako eh talaga namang nagtatalon ako sa tuwa. Kaya pinaghandaan ko nang todo ang araw na ito. Obvious naman, right? Tapos heto lang ang nangyari sa damit ko. Salamat na lang sa’yo ha. Ano na lang ang sasabihin ng bagong boss ko pag nakita ang itsura ko? Napaka-metikulosa pa naman noon. Wala kang puso. You are a heartless human being!”
Di pa talaga nasiyahan sa tagalog, inengles pa. Super OA lang, Allie?
Sana hindi ka makatulog sa matinding konsyensya!
“Well, I am glad to hear na kahit heartless, at least human being na ako ngayon,” ang cool na cool na sabi ng hudyo. Tila nais pa yatang mapangiti sapagkat tumaas ang isang sulok ng labi. Subukan lang nitong tumawa, sa isip isip ni Allie at pag hindi pinukol niya ng bato ang mukhang kabago-bagong kotse nito. Composure ba damned.
Human being nga, heartless naman.
“Ang hirap kasi sa inyong mga de-kotse, kung magmaneho kayo ay para bang nabili na rin ninyo ang kalsada!” buong taray na saad niya rito.
“Sobra ka naman, Miss. Hindi naman na tama ang sinabi mong 'yan. Alam mong aksidente ang nangyari. And I said sorry na, di ba? Tila nagpa-pout pang turan ng lalaki. Tinablan yata sa sinabi niya. Ngunit cool pa rin naman, inferness.
“Naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero nangyari na, di ba? Kung gusto mo, sumama ka sa’min. I could lend you a shirt para malinis mo nang husto ang bahaging narumihan sa damit mo,” maayos na suhestiyon nito.
Halos mamilog naman ang mga mata ni Allie. Ano raw? Sumama raw siya rito? Loko-loko ba ang lalaking ito o assuming lang? Bakit naman kaya siya sasama rito? Mamaya rapist pala ito. Guwapong rapist nga lang.
Naipilig ni Allie ang ulo. Parang gusto niyang batukan ang sarili eh. Nagawa pa talaga niyang pagsamahin ang salitang guwapo at rapist. Ano’ng nangyayari?
“No thanks. Hindi ako sumasama sa mga taong hindi ko kilala,”nanghahaba ang leeg niya.
Nagkibit lang naman ng balikat ang lalaki.
Ilang minuto pa silang nagtantiyahan.
Siya, kuyom ang mga palad, taas ang mga kilay pati na ang baba. Ang lalaki naman ay taas din ang isang sulok ng labi habang nilalabanan ang titig niya.
Hah! Hindi siya ma-i-intimidate ng nakakatunaw na titig nito. She was right though. The man’s eyes were really dark brown with golden flecks. There was a hint of smile in them but there was sadness, too. Pero bakit? Bakit may nababanaagan siyang kalungkutan sa mga mata nito kahit na bahagyang nakangiti.
Ano ba’ng pinaggagagawa mo Alison? Bakit ka nakikipatitigan sa lalaking ‘yan sa gitna ng kalye?
Mahinang napabuga ng hangin si Allie. This gorgeous irritating man was right, after all. What just happened was an accident. Wala namang mangyayari kahit makipag-away pa siya rito. Hindi naman maaalis ang mapa sa damit niya kahit maglupasay pa siya sa gitna ng kalye. Kung sana may rewind, rewind sa buhay.
One thing is for sure though, hinding-hindi siya sasama sa bahay nito kahit magmukha pang basahan ang damit niya.
“Look, I live here. My place is just a few blocks,” muling hirit ng lalaki.
“No, thanks. I’d rather stay dirty all day,” nanghahaba ang ngusong tugon ni Allie. May kasabay pang irap. Dahilan upang muling tumaas ang isang sulok ng labi ng lalaki.
Parang hindi yata nag-si-sink-in sa assuming na lalaking ito ang damage na ginawa nito ah. Instead, he looked like he found the situation amusing. Bagay na nakadagdag pa talaga sa inis ni Allie.
“Okay. Tutal naman ay nasabi mo na ang gusto mong sabihin. At nakapag-sorry ka na, di ba, kahit hindi ko naman tinatanggap. Puwede ka nang umalis bago pa may masabi na naman akong malamang pagsisihan ko mamaya pag nasa matino na ‘kong katinuan. Tutal naman kahit pareho tayong tumayo rito maghapon, eh hindi naman magbabago ang katotohanang sinira mo ang damit ko at higit sa lahat ang pinaka-importanteng araw sa buhay ko,” taas babang litanya niya.
“Puwede namang ikaw ang umalis, di ba?” sagot din ng lalaki habang nakataas din ang mga kilay. Mabilis na napaunat si Allie.
Puwede nga. Kaso lang ayaw pang gumalaw ng mga paa ko eh. Hindi pa ko sawang titigan ang mukha mo. Bawal ba?
“Eh nakaharang kaya ang kotse mo," irap ni Allie. Mabuti na lang at nakaisip agad siya ng dahilan. Napansin niyang tumaas na naman ang isang sulok ng labi ng lalaki. He seemed to be trying his very best not to smile or not to laugh?
Nakuyom na naman tuloy niya ang mga palad. Subukan lang nitong tumawa pag hindi binigyan niya ito ng isang mala-Donaireng suntok? Nakapanood na siya ng laban ni Donaire. Pagpraktisan kaya niya ang lalaki. Try lang naman eh.
Don’t ever try it, Alison. Alalahanin mong magiging guro ka na ngayon. Dapat na ikaw ang maging halimbawa ng kagandahang asal at ng pagiging mahinahon.
“Sige. Kung ayaw mong sumama sa amin. Let me pay you for that ruined dress, so you could buy a new one. It’s the least I could do,”suhestiyon ulit ng lalaki sabay kapa sa bulsa ng suot na slacks upang kunin marahil ang wallet nito.
Ano? Nag-isang linya na talaga ang mga kilay ni Allie. Ngayon naman gusto siyang bayaran. Anong akala nito sa kanya? Matindi ang pangangailangan sa pera? Well, sabagay, totoo iyon. Ngunit hindi sa mga oras na ito. Mas mahalaga ang pride niya ngayon, okay.
“Hoy, Mister. Hindi ako tumatanggap ng kahit na ano sa mga taong hindi ko kilala.” Medyo bumubuka-buka pa ang ilong ni Allie sa pagtatanggol sa pride niya.
“You are being melodramatic,” sunod na sinabi ng lalaki. Hindi na itinuloy pa ang pagkuha sa wallet nito.
Aba’t siya pa ngayon ang melodramatic. Tiimbagang na pinamaywangan ito ni Allie.
“Mister whatever your name is…If I am being melodramatic, don’t you think I have a reason to be so? Eh, kung ikaw kaya ang maligo ng putik sa gitna ng kalye.”
Ang OA mo, Alison. Hindi naman putik ‘yon.
“Okay. Bahala ka. But don’t think I didn’t try to resolve the problem. Pasalamat ka nga at huminto pa ko at nag-apologized,” wika ng lalaki saka sinabayan ng talikod. Bumalik sa kotse, pinaandar iyon saka tuluyang nang umalis ang walang atay, walang bituka, walang…hehe…
***

Comentário do Livro (65)

  • avatar
    Vince Barillo

    hahahah

    4d

      0
  • avatar
    Nathanael Cacao

    gyjjhghjii

    28d

      0
  • avatar
    Saud

    oke

    28/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes