logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 12 Hindi

"Cy. Pinapahirapan ka ba ng mga Solidad?"
Nawala ang pagkatulala ko sa mga isdang ibinibilad ni Oli.
"Huh?" Bakit naman kasi niya itinatanong iyon.
"Mukhang may problema kang hindi sinasabi e."
"Ano kaba Oli. Laging wala ang mga Solidad sa mansion. Tsaka, malabo ang sinasabi mo, hindi ganun ang mga Solidad."
Inipit ko ang mga nakawalang buhok ko sa likod ng aking tenga.
Napahinto naman ako dahil sa naalala.
Umalis na ba talaga siya?
"E bakit lalo kang nanamlay? At parang hindi ka nakakatulog ng maayos." Binuhat niya ang mga basket na pinag lagyan ng mga isda at tinuro ang ilalim ng mga mata ko.
I can't deny it. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa hindi ko malaman na dahilan. Why do I feel so guilty as if I did something wrong.
My heart is full of regrets. Full of unsaid thoughts and questions.
If he really did leave, I don't know why I would still step my foot on it.
Bakit hindi ko na lang tanggapin na isa lang siya sa mga taong dadaan sa buhay ko. Nakalimutan ko na ata talaga kung sino ako at saan ako nanggaling.
I chuckled at that thought.
Antaas na ba ng lipad ko at pati siya ay gusto ko naring hangarin?
"Cy! Kita mo." Oli said with amusement which broke my weary.
Iiling-iling niyang tinungo ang bahay nila para ipasok ang mga basket ng isda.
Sana nga ay kung umalis siya ay wag na siyang bumalik.
Cause I don't want to push myself up to my limit. I don't know if I can still stop throwing myself to him if he did comeback again.
Napatingala na lamang ako sa payapang langit.
How can you be so peaceful while everything was a chaos here? In a vast plain blue sky, a very dim vague circumstances underneath.
Minsan hindi mo narin alam kung anong paniniwalaan mo. There comes a time na gusto mong sundin ang tama, pero ang layo layo naman sa gusto mong mangyari. Isn't it ironic?
Hindi lahat ng magnanakaw gustong magnakaw, hindi lahat ng sinungaling ginustong magsinungaling. Hindi lahat ng walang pamilya hinangad mawalan ng pamilya. Kung anong meron ang iba ay ginusgusto mo at pwedeng ang meron ka ay ginugusto rin ng iba.
And I know, maling mali ang gustuhin ka.
So don't come back. Dahil kapag bumalik ka, aangkinin kita kahit na hindi ka sakin.
---
"Bakit kasi gusto mong pumunta pa roon? Hindi ba mas mabuting kalimutan mo nalang lahat?"
Tinitignan ko ang mga paa kong naglalakad sa buhanginan. Napangiti na lang sa sinabi ni Oli, mabuting desisyon na isinama ko si Oli kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko.
Napakamot si Oli sa ngiting ibinigay ko sa kaniya.
Kalimutan? Kahit siguro makailang ulit na mangyari sa akin iyon ay hindi ko pipiliing kalimutan ang lahat.
That place was my only witness kung paano ako minahal ng inay at itay.
Ilang puno ng buko ang binilang ko at napagtanto kong malapit na kami.
Tanaw ko na ang mga makakapal na puno na nagsisilbing dibisyon sa isla na ito at sa kabila.
Ganun parin rito at walang pinagbago, kita ko ang mga naglalakihang bakal at sasakyan na abalang abala sa paggawa ng estraktura roon.
Nauna si Oli at pinigilan ko siya, at hinawakan ang laylayan ng kaniyang damit.
Takang-taka siyang tumingin sa akin.
"Hindi tayo pwedeng lumagpas. Dito na lang tayo." tulala kong sabi sa kaniya.
Gusto ko ng iwaksi sa isipan ko ang nangyari ng huling pumunta ako dito ngunit sandali ko nanamang naalala.
Napahinto rin siya at hinayaan na lamang ako.
"Cy, doon! Doon tayo sa paglagpas ng malaking bato."
Nabaling ang tingin ko sa rock formation na tinuro niya at napagtanto ko na pwede nga kaming lumapit doon dahil wala na ito sa private property.
Lumiwanag ang mukha ko at tumango kay Oli. Nahirapan pa kami ng kaunti sa pag punta roon dahil dumaan pa kami sa mababaw na parte ng dagat para makatungtong sa patag na parte ng rock formation.
Tila nagsilbing silong o maliit na kweba ito.
Mula rito ay tanaw na tanaw ko ang mas malalaking gusali. Ang dating maliliit na kubo ay napalitan na ng estraktura na ito. Maraming mga trabahador at mga naglalakihang sasakyan.
Lahat humahangos sa kaniya-kaniya nilang trabaho habang natatakpan sila ng makapal na alikabok na kung tignan ay parang naglikha ng usok.
"Mauna ka ng matulog Ava. Pumasok na sa loob." I smiled at my mom as she stroke my hair with her hands.
Nakakatuwang banggitin ni Inay ang kaniyang pangalan.
"Hindi pa ho ba uuwi si Itay?"
Her eyes were exactly like mine. Mapupungay ang mga ito at bumabagay sa magandang hugis ng kaniyang mukha.
Her wavy hair is perfectly flowing up to his butt. Ang nakuha ko lamang kay itay ay ang buhok kong tuwid na tuwid ngunit ang natural na kulay ng kaniyang buhok ay nakuha ko rin.
Maging ang kutis nitong porselana.
Kaya't ginusto ng itay na ipangalan ako sa kaniya. Ava.
"Aantayin ko pa ang itay mo. Baka nahirapan silang kausapin ang gobernador." Her palm cupped my face and kissed me on my forehead.
Kanina pang hapon umalis ang itay kasama ng mga iba pang nakatira rito sa aming isla. Ilang linggo narin silang pabalik balik sa sentro para kausapin ang mga opisyal dahil pinapaalis kami sa isla na ito.
Ang itay ang isa sa mga namamahala sa iilang bahay na narito kaya't ilang araw nading abala ang itay na ipaglaban ang isla na ito. Bukod duon ay wala na akong alam.
"Kaya pumasok kana. Maaga tayong magsisimba bukas."
Her assurance was enough to make me feel at ease. Niyakap ko siya ng mahigpit at sinunod ang sinabi.
I was in a deep sleep when I heard some murmuring . I thought I was dreaming.
"Lintik na Helen yan. Gusto niya pa ay lumuhod ako sa harap niya." It was not loud but frustration and rage was clear into my father's voice.
Dumilat ako at kinusot ang aking mata. Sa palagay ko ay naalimpungatan ako dahil nang tignan ko ang bintana ay madilim pa.
Anong oras na kaya nakauwi ang itay?
I heard my mother shush him.
"Ako. Ako Ang pupunta roon Javier. Sigurado akong titigilan na niya tayo kung ako mismo ang lumuhod sa kaniya-"
"Hindi! Hindi mo gagawin yan Ava! Wala tayong dapat ipagtawad sa kaniya o sa kahit kanino. " madiin na isinatinig ni itay.
I heard my mother sob. But I was too sleepy to even hear all of their conversation.
Nag aagaw ang antok ko ay naramdaman ko ang halik ni itay sa aking ulo.
Dumilat ako at napangiti sa kaniya. Hindi ko namalayan at nakabalik na ako sa aking pagkatulog.
Before I knew it. Isang maingay at puno ng panaghoy na paligid ang minulatan ko.
A fog of smoke was all over the place at dahil rito ay wala akong Makita at tanging pag ubo lamang ang kaya kong gawin.
My mother's coughing made me trace her on were she is. Kita kong nahihirapan na siya sa paghinga, dahil mayroon siyang hika ay hindi niya kinakaya ang ganito kakapal na usok.
"Inay." Nagbara ang lalamunan ko at nanlamig ang buong pagkatao ko nang mapagtantong sunog ang dahilan ng makapal na usok na ito.
"Ava. Lumabas kana. " Hinang-hina ang inay at hindi ko na siya halos makita sa kapal ng usok sa buong bahay.
Ang mga sigaw at iyak na naririnig ko sa labas ay mas lalong nagpaiyak sa akin.
"Asan ang itay, ina? " Hagulhol ko habang umiiling sa sinasabi niya.
Nakapikit na siya at hinang hina na nakasandal sa gilid ng katre. Sunod-sunod ang pag ubo naming dalawa at kahit hirap na hirap ako ay pilit ko siyang inaakay patayo upang makalabas kami.
Hinang-hina ako ngunit sa tuwing makikita ko ang Ina na halos wala ng malay ay pinipilit kong ituwid ang isip ko.
"Ava! Anak! " Hindi ko alam kung saan pa nanggaling ang boses na iyon ngunit napakalaki ng pag asa ko ng marinig ang boses ni itay.
Nakangiti kong nilingon ang inay at wala na talaga siyang malay. At hindi ko na kinakaya na akayin pa siya.
Napahinto ako ng makitang mayroon ng apoy sa aming daan palabas.
Kasabay ng napakalakas na tawag ni Itay ay ang pagbulusok ng napakalaking pawid at doon ay nawalan na ako ng malay.
---
Sunod sunod ang butil ng luha sa aking Mata na agad ko ring pinunasan.
"Cy sabi ko naman sayo hindi ka na dapat bumabalik dito." Mahinang Sabi ni Oli habang inaalo ako sa aking likuran.
"Hindi ko 'to pwedeng kalimutan Oli." I wept.
Ito lang ang huling ala-ala ko sa kanilang dalawa. Kahit ilang libong sakit ang matanggap ko sa pagbalik ko dito. Hindi ko 'to pwedeng kalimutan.
---
"Guys! Guys! Guys!" Nagulat kaming lahat sa biglang pagpasok ni Alicia sa main door ng mansion dahil sinabi niya nga na mahuhuli siya sa usapan ngayon.
Hingal na hingal siya at may gusto siyang sabihin ngunit hindi naman siya makapagsalita sa pagkahingal niya.
"Hulaan niyo kung sino ang magiging subject natin sa interview." Ngiting ngiti si Alicia habang tinutungo niya ang sofa.
Lahat kami ay nakahinto at deretso ang tingin sa kaniya. Sinusundan ang bawat galaw niya.
"Malamang si Mayor. Wala naman tayong ibang pwedeng maging subject." Tatawa-tawang sabi ni Oscar.
Itinaas niya ang hintuturo niya at umiling habang iniinom ang isang baso ng Juice.
"E sino?" Mariel boredly said. Nagtama rin ang paningin namin at kinabahan nanaman ako sa sama ng tingin niya sa akin. Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kaniya.
Naalala ko nanaman ang sinabi sa akin ni Levi.
Gusto ba talaga ako ni Jomar?
Pumalakpak ng ilang beses si Alicia. At lahat kami ay nag aantay lamang sa pangalang sasabihin niya
"Si Lourd Vidalio."

Comentário do Livro (15)

  • avatar
    TiongsonDavid

    Been looking for some books that interests me, and i found one. Thank you author. looking forward to your other works ☺️

    23/12/2021

      0
  • avatar
    vloggiemerenz

    nice

    3d

      0
  • avatar
    Esthephany Burabod

    maganda yung story po nila

    21d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes