logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 11 Gusto

The unending race in my chest doesn't have an intention to vanish.
Sinusundan ko lamang siya ng tingin habang abala siya sa kaniyang pagluluto.
What am i even doing? Talaga bang sinunod ko siya ng inutusan niya akong maupo rito sa counter top?
Malalagot ako sa mga Solidad kapag nalaman nilang pinagluluto ko ang kanilang bisita.
He was on his usual white fitted shirt but rather than pairing it with a casual shorts, he's wearing a sweatpants today.
"Did you had fun with your group mates today?"
Kumunot ang noo ka sa pagbibigay diin niya sa salitang iyon.
"Hmm hindi naman pala sila masama gaya ng inaakala ko."
"Uh-huh?" Tipid niyang sinabi habang sinasalin niya na ang kaniyang niluto.
"Masaya rin naman silang kasama."
"Good to know that."
Tila ba doon niya tinatapos ang usapan naming dalawa kaya tumahimik na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Kanina pa ako naghain ng mga pinggan at iba pang gagamitin dahil kahit anong pilit ko sa kaniyang ako na ang magluto ay hindi rin niya ako pinapakinggan at natatahimik na lamang ako sa tuwing bibigyan niya ako ng tonong hindi ko siya dapat kinakalaban sa kahit anong desisyong gawin niya sa buhay.
True enough, I should be doing everything that he ask. But the thing is, he's asking me for something that I shouldn't be doing. Am I supposed to be confuse by that?
At ano na lang kaya ang gagawin sa akin ng mga Solidad sa oras na makita nila akong nakaupo dito at hinayaang magluto ang bisita nila? Nahihilo ako sa kaisipang galitin ang mga Solidad
Should I'd be down on my knees right now? Beg to let me do the all the task?
Pagod na siguro talaga ako at hindi ko na kayang mag isip ng deretso. Bakit ka luluhod Ava?
I shook my head hoping to regain my senses back. Tinulungan ko siyang ayusin ang lamesa at hinintay siyang umupo para maka kain.
"Tell me more. I want to hear more." I was just done picking up my spoon when he then said that.
Ano naman kaya ang pwede kong sabihin sa kaniya gayong tahimik lang naman ako kanina? Bukod sa mga nakakatuwang asaran ni Leo at Oscar ay wala naman na akong maalalang pwedeng sabihin sa kaniya.
"Uhm." I bit my lip at itumingin sa itaas minamadaling balikan ang lahat dahil natatakot akong hindi masunod ang gusto niya.
The clearing of his throat broke the seconds of silence that passed between us. Tinignan ko siya dahil pakiramdam ko ay nabulunan siya kahit na hindi pa naman siya nagsisimulang kumain.
"Niyaya pala ako ni Jomar na sumama sa kanila sa Lagoona. Hindi ko pa napupuntahan iyon pero sabi ni Jomar ay maliit raw na lawa iyon sa kabilang bayan." Ngiting ngiti ako sa pag iisip na may naalala akong ikwento sa kaniya.
"Really? So you're coming with him?"
Mabilis ngunit nahagip parin ng mata ko ang mag igting ng panga niya habang sinasandok ang niluto niyang ulam.
Hindi ko naman siya nasagot agad dahil gusto kong umapila sa paglalagay niya ng pagkain sa aking plato. Because I'm afraid that he might gonna say something again, hindi ko na lamang ito pinansin.
"Hindi ko pa sigurado, siguro'y magpapa alam muna ako sa mga Soliad."
"And if they let you go?"
"Sasama ako." I smiled and started to eat. Wala naman na akong dahilan para hindi sumama.
Solidad's disaproval is the only reason I have para hindi makasama sa kanila. But if they let me go,
"Kailangan kong sumama dahil ayokong magsinungaling kay Jomar."
"Oh I see, you've already built your foundation of trust for each other."
Napahinto ako ng mahimigan ko ang pait sa sinabi niya. Did I hear it wrong?
Natapos ang pagkain namin ng walang umiimik na kahit sino. Halos pasalamatan ko ang kuliglig sa labas sa ingay na ginagawa nila para punan ang katahimikan rito sa loob.
Did he regret eating with me? Did I said something wrong?
Nang makita ko siyang tapos na sa pagkain ay agad kong binilisan ang huling pagkain sa plato ko at nagmamadaling tumayo. Dinala ko ang kaya ko lamang bitbitin at dumeretso sa lababo, gusto ko pa sanang balikan ang naiwan ko pero dala dala na ito ni Levi na nakasunod sa akin.
"Salamat. Ako na rito."
I begin to wash the dishes but he still remain standing beside me.
"Do you like him?"
Napaka riin ng pagsasabi niya ng ilang salitang iyon. Pero nang lingunin ko siya ay nangungusap ang mga mapupungay niyang mata.
Parang may humaplos sa puso ko ng makita ko ang mga mata niya sa perpektong hubog nito ngayon, malayo sa nakakatakot at nakaka intimida niyang itsura.
Salamat at nakababad ang kamay ko sa maduduming hugasin at napigilan ko ang sarili kong hawakan ang kaniyang maamong mukha.
"Do you like that boy?" He repeat seeking for answer.
"Gusto ko siya. Gusto ko siyang kaibigan dahil mabait siya sa akin." Itinuloy ko ang paghuhugas , takot na magtagal sa kaniyang mga mata at makita ang pagkalunod sa mga ito.
"I'm afraid he sees you differently Ava."
A 'huh' unexpectedly escaped on my mouth. Nabalik ko nanaman ang tingin ko sa kaniya. What does he mean?
"A friend doesn't hold your hand like that."
Then why did you hold my hand?
Inabot niya ang gripong naiwan kong umaagos at pinatay ito. Nabato nanaman ako sa kaunting agwat naming dalawa.
"And he did actually asked to court you."
My eyes went OO from what he said. Nabingi na ba ako? Hindi ko naman narinig iyon kay Jomar kailanman.
Natulala ako sa sinabi niya. When did he ask me that? At bakit manliligaw? Am i even ready for that?
"Yes. But my Ava is so naive to realize that."
Gusto ba ako ni Jomar? Ang alam ko ay nobyo siya ni Mariel. My head is enabling me to function.
"No. K-kailan? Hindi niya ako gusto." Pagtatama ko pa sa kaniya.
He cocked his head, waiting for me to say something.
Talagang naramdaman ko na ang hilo at kasamang pagod sa lahat ng mga nangyayari. Wala nang gustong pumasok sa isip ko at hindi ko na magawa pang iproseso ang sinabi niya.
"Maghuhugas na ako."
Nakakatakot na katahimikan ang dumaan sa aming dalawa at mga kalansing ng plato at pinggan ang bumalot sa buong kusina.
Tila ba parehas kaming nakikiramdam sa isa't isa. Tila parehas kaming may gustong sabihin ngunit hindi namin alam kung ano.
"I'll be... leaving tomorrow."
I stopped.
"You take care." It was almost a whisper and almost impossible to hear. But those were his words before he left.
Out of energy I turn the faucet off, at napapapikit na lamang sa halo-halong nararamdaman.
The unfamiliar pain kicked in. Worries came rushing in.
Gusto ko siyang sundan at tanungin kung bakit siya aalis, kung saan siya pupunta, and if...he's coming back.
True enough. It's Sunday morning, hindi pa pumuputok ang liwanag, dali-dali kong tinahak ang hagdan at halos takbuhin ko ito para tignan kung may maabutan ba ako sa baba.
"Hija! Bakit ka humahangos?" Hindi ko na napansin ang sinabi ni Nanay Celia na nakabalik na ngayong umaga, may mga iilang katulong rin akong nakita sa kung saan, pero hindi ko na ito alintana.
I penetrated to the main door to check his car and after a few seconds, full of devastation - I realized.
He really did leave.

Comentário do Livro (15)

  • avatar
    TiongsonDavid

    Been looking for some books that interests me, and i found one. Thank you author. looking forward to your other works ☺️

    23/12/2021

      0
  • avatar
    vloggiemerenz

    nice

    3d

      0
  • avatar
    Esthephany Burabod

    maganda yung story po nila

    21d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes