Highschool It had now been four years after all those issues surrounded my family. Natigil nga noon sa pagbisita ng mga kaibigan dahil sa takot na baka totoo ang mga balita tungkol sa mga magulang ko. They handled it all seriously and after a few months, nakuha pa rin nila ang loob ng mga tao kaya patuloy pa din ang buhay nila sa tuktok. I am now on my fourteenth birthday, celebrating it with my friends on the school rooftop. Nasakto pa rin talaga na sa school day natapat ang birthday ko, kaya hindi ko ito macecelebrate ng mag-isa lang. Kompleto kaming magkaibigan. May hawak ng cake si Mia habang nasa likod niya naman si Ronald, nakahawak sa magkabilang balikat niya habang nakangiti sa akin. Sina Evon at Evana naman ay nasa gilid ko, nag-aantay na makuha na ni Cha ang kandila at mailawan na ito. Nang matapos na nga si Cha at nailagay na sa cake ang kandila ay tumili ang lahat. Well, except kay Evon siyempre. Mas lalo siyang nagbago through the years, mas lalong naging matipuno at seryoso. Pinilit nga lang yata ito ng kambal niyang pumunta dito. Pumikit muna ako sa tapat ng cake para mag-wish kuno. Tinagalan ko pa iyon dahil kanina pa yata atat si Ronald na kainin iyong cake. Nang i-blow ko na nga iyong candle, tumili na naman sila. Mas maingay nga lang iyong kay Ronald kaya agad akong kumaha ng icing sa cake, napakadaming icing, at ipinahid ng malakas sa pagmumukha niya. Umilag siya at nagtawanan kaming lahat. Nagsimula na din ang lahat na magpahiran ng icing sa mukha. Si Evana ay tatakbo-takbo habang hinahabol ng kambal niya para mapahiran rin at maging madungis. She hates being dirty. Sayang daw ang OOTD niya. Napansin nga ng lahat ang pag-ilag ni Evana na makisali sa kulitan, kaya siya tuloy ang naging target ng lahat. Naghabulan kaming lahat doon buong hapon. Nang magdilim na ng tuluyan ay pareho na kaming lahat na may icing sa mukha at damit namin, habang nakaupo na kami sa malamig na sementadong sahig ng rooftop. Ronald is pulling off some silly dad jokes at hindi naman matigil ang lahat sa kakatawa sa kakornihan niya. "Kapag ba ang buntis nagpa-picture, makukunan ba?" nagtawanan na naman sila. These are all nonsense jokes, but I sure am having a really great time. "Tanga! " sigaw naman ni Mia at humagalpak sa tawa. "Yiiieee napasaya ko bebe ko, " kantyaw pabalik ni Ronald kaya nawala ang ngiti ni Mia. Sinamaan niya ito ng tingin. Badtrip agad. Maasar nga din. "Forever na 'yan," sinimulan ko ang kantyawan at nakisali nga ang lahat. Nang makitang kunot na kunot na ang noo ni Mia ay hindi pa din kami natigil, nag-aabang na mag-transform siya bilang si Godzilla. "Aaaaaaaaahhhhh! " at bigla na nga siyang nag-transform. "Mga gago! Parang hindi mga kaibigan! Sige iiyak na ko ngayon," malakas niyang mura sa amin. May banta pa sa salita niya. "Ay 'wag kang umiyak bebe ko. Hoy, kayo ha? Tigil-tigilan niyo reyna ko!" Humagalpak na naman kami sa tawa nang makitang mangiyak-iyak na nga ang reyna sa puso ni Ronald. "Parang 'di mga kaibigan!" sumigaw na naman si boss Mia saka umambang magwa-walk out. Pero biglang hinigit ni Ronald ang kamay niya kaya kahit papatayo na sana siya ay nahulog siya sa kandungan ni Ron! Natahimik ang lahat at pilit itinago ang mga ngiti dahil sa dalawang kaibigan. Their romance have been going on for a while now, pero hanggang ngayon ay asaran pa lang din ang gawa nila. Kahit obvious na na gusto nila ang isa't isa, tinatago pa din. I sighed. Pag-ibig nga naman. Kapag ako nain-love, sasabihin ko kaagad sa kanya ang nararamdaman ko. I won't waste any chances. Hinding-hindi ako gagaya sa mga kaibigan kong torpe. Matapos ang nakakailang na moment na iyon, bumalik na sa pagkakaupo sa sahig si Mia at tahimik na ang lahat. This day is just like any normal day of my life for the past years. I spent most of my days studying or hanging out with my friends. I can say that I really changed a lot. For the past years that I spent with the freedom to explore, hindi maiiwasang maabuso ko ito. My old self keep holding me back though, but I always remind myself that this is what I deserved. For all those years I spent in isolation, I indeed have a lot of catching up to do. May inilabas si Cha sa bag niya at nang nakita ito ng lahat, nagtilian na naman. It was a bottle of alcohol. No, three bottles of alcohol. Ganito naman palagi kapag kami-kami lang. Even when I'm still a minor, they already gave me a permission to drink. Even when they're not my parents, they have a great hold of my life already. I spent most of my times with them more than the times my parents visited me at home. Hindi naman nila ako pinapabayaan, e. They allow me to drink, but not to the point of being drunk. Madilim na sa buong school pero nanatili pa rin kami doon sa rooftop. Wala naman kasi masyadong nakakaalam na may estudyante palang tumatambay dito, kaya walang nag-iikot. Hindi kami mahuhuli. Besides, rooftop naman ito ng highschool department. Siguro akala na ng mga guards nakauwi na lahat ng estudyante. Well, not me. My friends are now on their first years in college, but in different schools. Nakapasok lang ang mga ito dito sa school ko dahil dito nga din sila nag- highschool kaya alam na ang mga pasikot-sikot sa mga lugar. Napag-isipan lang nilang dito I-celebrate ang birthday ko dahil bawal pa akong mag-bar. Hanggang inom-inom muna ako ng patago. Nag-inuman nga kami hanggang sa naubos ang mga inumin na dinala ni Cha. Hindi naman kami nalasing dahil konti lang din naman iyon. "Sana pala nagdala ako ng lumpia," humirit na naman ang bibig ni Ronald. "Sana nga. Puro lang pala beer ang laman ng mga tiyan natin. Kanina pa pala ako nagugutom," si Cha ang sumagot sa kanya. Everyone agreed on her. Napagkasunduan na lang din namin na kumain muna sa malapit na kainan. Nagplano pa talaga sila kung saan dadaan dahil baka mahuli ng guard na nakabantay sa school. At dahil nga dito naman din sila nag-highschool alam na nila ang mga pasikot-sikot. Napunta nga kami sa isang fastfood sa malapit. Everyone ordered a lot, halatang gutom na gutom. Nakuha nga ni Ronald ang gusto niyang lumpia. Cha and Evon ordered for spaghetti and orange juice. Habang kami ni Mia at Evana ay nag-chicken curry at lumpia na lang din. But that is not all we ordered, though. Everyone ordered again. They seem to be starving themselves when they started college. Hindi ko naman siguro dapat iyon katakutan dahil sanay naman akong hindi kumakain ng marami. Nang matapos na nga kami at nakapag-bayad na sa pinag-kainan, aalis na sana kami nang biglang humirit si Evana. "Hey! 'Yong mga gifts natin kay Cici!" "Ay gago pinaalala pa talaga," si Ron habang kumakamot sa ulo niya. They really have gifts for me! Sa mga nagdaang taon ay palagi ko nang sine-celebrate ang birthday ko kasama sila, and they always have gifts for me. Ganito naman talaga palagi, simpleng celebration lang with my friends at simple gifts lang din. But it still makes me happy because even these simple things, my parents can never do. The girls gave me accessories. Ang kay Mia ay isang colorful bracelet, isang relo ang kay Evana, at isang necklace naman galing kay Cha. Nagulat pa ako nang may inabot si Evon sa akin. I actually didn't expect him to give me anything. But he have this costumized bracelet for me. Nandoon ang pangalan ko. Well, it's not actually my real name. It's the twins' nickname for me. Baby Cici. I smiled and hug him. I never thought he would be this thoughtful. "O, ikaw?" baling ko kay Ron. Umiwas lang ito ng tingin, saka nagkamot na naman ng ulo. "Eh, wala nga! Pero, hoy! Nag-ambag ako sa cake!" depensa niya sa sarili. Pinagtawanan lang siya ng lahat. "Ang sabihin mo nakalimutan mong bumili!" si Mia. "Or you're just so kuripot!" si Cha. Mas lalo pa kaming nagtawanan. Halos hindi na makahinga kakatawa. "Oy! Tama na! Nag-ambag nga siya! Bente pesos!" humirit na naman si Evon at nagtawanan na naman kami. Wala na masyadong tao sa fastfood na iyon kaya kami na lang ang maingay. Kami na lang ang nagpapa-ingay sa lugar. Ilang sandali ay napag-isipan na nga naming umuwi. Si Evon lang ang may dalang sasakyan kaya doon kami sumakay lahat. Dito din naman sila sumakay kanina papunta sa school ko. Iyong driver ko ay umuwi na siguro dahil napagod na iyon kakahintay sa akin. Iisang way lang naman ang mga bahay namin kaya ayos lang. We first dropped off Ronald. Nakita pa naming pinagbuksan siya ng gate ng kapatid niyang si Astrid. Malaki ang bahay ng mga Morcoe. Almost as big as ours because his father is also a politician. Mayaman naman talaga sila pero sadyang kung saan-saan lang winawaldas ni Ron ang pera niya kaya pagdating sa 'ming mga kaibigan niya, siya ang napaka-kuripot. Sunod na hinatid si Mia saka si Cha. Pagkatapos nila ay ako na ang sunod na hinatid. Nang makaabot na kami sa tapat ng gate namin, nagpasalamat ako sa kambal sa paghatid at sa pag-effort din nila para sa birthday ko. "Oh my gosh, Cici. You don't have to thank us like that. Para namang papayag kaming malungkot ka sa birthday mo. N'ong bata ka pa kasi, hindi ka namin masyadong nabibisita sa birthday mo, kaya ngayon kami bumabawi." paliwanag ni Evana nang biglang sumingit ang kambal niya. "Evana's right, Cici. Pasensya nga at iyon lang ang nakayanan namin. Pa-cake lang at fastfood. Hayaan mo, baka sa susunod kapag may malaking budget kami papahandaan ka namin ng malaki. Mabilis kasi maubos budget ko sa mga projects, eh." "Ano ba kayo! Of course magpapasalamat ako sa effort niyo kanina. Ayos na 'yon! Atleast alam kong may nakakaalala kung anong meron sa araw ko ngayon. At least, you remembered," I said sincerely. They went off after that. And when the crushing reality that I'm home and alone again made me sigh heavily. The whole mansion was silent, like any other days of my entire stay here. Bumalot na naman ang pangungulila at kalungkutan sa akin. It's always like this when I come home. Although there are hundreds of maids and guards around, I can't feel them. They thend to always hide themselves to me. That's why even with their unclear presence in the house, I still feel alone. Nang mapunta na sa kwarto ko ay deretso akong naligo at naghanda para matulog na dapat. Nang matapos na nga at nakahiga na sa kama, inatake na naman ako ng mga sandamakmak na palaisipan na hindi ako pinapatulog. Nakatingingin lang ako sa kisame habang patuloy ang pagliwalaliw ng mga bangungot sa isip ko. Malas ko naman. Pati sa birthday ko ay hindi ako tinitigilan ng mga bangungot na ito. At such a young age, I've already have depression and insomnia knocking at my door. Just when everyone at school thought I would never be problematic because I have everything. They're wrong. I don't even think there is a single day in my life where I didn't face any problems. Habang mas tumatanda ako, mas dumadami ang problema ko. As I start to get older and older, the more I yearn for more freedom. The more I wanted to leave and live a life of my own. All I ever wanted was a life with colors. No matter how hard my friends try to paint my life, I will always want for more. No matter how often I told myself I'm contented, I never will be. I will forever be stuck in this loneliness. Kaumagahan ay may pasok na naman kaya maaga akong nag-ayos at bumaba para kumain. My parents are still busy with work so ako na naman mag-isa ang kumain doon. The maids and househelps are nowhere to be found, as usual, despite being numerous and all over the place. They like to hide from me. Para bang natatakot na makita ko dahil baka masisante agad. It's not like it's forbidden for them to be in front of me. They serve me, yet they don't even want to show their faces to me. Gaya araw-araw, masyado pang maaga nang pumasok ako sa school. Hinatid ako ng driver namin hanggang sa gate at umuwi din agad ito. Nasa akin na lang kung kokontakin ko iyon mamaya para sunduin ako. Wala pang masyadong estudyante kaya napaka-tahimik pa ng paligid. I've always hated being alone in my own home, pero kapag nasa school ay gusto ko laging mapag-isa. Maybe because not everyone here is genuine. They just come to me to gossip about my family. Walang nakikipag-kaibigan dahil gusto nila akong maging kaibigan. Nakikipag-kaibigan sila para sa chismis. The reason why I tend to just often ignored them. Dahil dumiretso ako sa mga kaibigan kahapon ay hindi ko nabalik ang mga libro ko sa locker ko. Pumasok muna ako sa classroom para kunin ang mga iyon, dahil doon ko 'yun iniwan kahapon. Wala pa ngang tao sa classroom namin. Dumiresto ako sa lockers dala-dala ang mga librong hindi ko magagamit sa araw na iyon. Hindi na ako nagulat nang may sandamakmak na mga love letters na nahulog sa sahig nang buksan ko ang locker ko. This happens on a daily basis. Despite being alone all the time and somehow 'mysterious' to other students, I still managed to have quite a number of admirers at school. Well, they are not all from my school, though. May nabasa ako noon na galing daw siya sa kabilang school. At madami pang kagaya nun ang natanggap ko, araw-araw. I didn't bother to grab all of them, though. Kumuha lang ako ng siguro mahigit sa sampu para may libangan mamaya kapag hindi na naman makatulog. Ang iba ay binalewala ko lang sa sahig. Lilinisin lang 'yan mamaya ng janitor. My day went normal. May mga quiz pero madali lang naman at na-perfect ko pa. Dahil wala naman akong ginagawa gabi-gabi dahil dinadalaw ng insomnia, tinutuon ko ang oras ko sa pagbabasa at pag-aaral. Kahit wala naman akong ibang makukuha doon except sa malalaking grades. Wala namang paki ang mga magulang ko doon. Kinontak ko ang driver ko at dumating naman ito kaagad. It was a silent drive back home. Nagulat na lang ako nang pagdating namin sa mansion, pagka-park ng driver sa garage ay may nakita akong ibang mga sasakyan. Ang kakaiba nga lang, they're not cars I was expecting to be in our garage. They're old fashioned, maybe more than a decade-old cars. Tatlong sasakyang luma ang nandoon. Nakakapagtataka dahil wala akong kilalang kaibigan ng mga magulang ko na mahilig sa mga ganitong sasakyan. When my driver spoke, my emotions got a lot clearer. "Ma'am, dito po muna tayo," that's it. That's all I need to hear. I feel danger. It actually brought lots of memories. Danger. I've always been there. All these years I've spent using my stupid family name, my security have never been stable. Since the murder issue four years ago, madami nang ganito ang nangyari. There's even a time when a bunch of people came protesting in front of our house. Nanatili lang kami doon ng driver ko. He was making calls from time to time. After one of his calls, lumabas siya sa sasakyan at pinagbuksan din ako. When I was about to open my mouth to ask him what were going to do, he put his index finger on his lip to signal me to keep quiet. I carefully nodded at him. Lumabas kami doon, dahan-dahan at tahimik. I have a clue on where we're going pero nang makita kong may kinalikot siya sa sahig, nagulat ako. At kinabahan din. Hindi pa ako nakakapasok doon. The mysterious door on the floor of the garage remains a mystery to me. Ilang beses ko nang nakita na pumasok at lumabas ang mga magulang ko at ibang tauhan namin doon. Pero ako, hindi ko pa din alam kung anong meron doon. Ilang sandali ay nabuksan na ng driver iyon. So I suppose everyone knew what the password is, except for me. Una siyang pumasok doon, saka ako inalalayan para din makapasok. May hagdan papasok, at ilang hakbang pa lang ang nagagawa namin ay bigla na lang nanindig ang balahibo ko. The surrounding doesn't smell good, but not that bad either. The air out here has something that makes everything even more horrifying. Napunta kami sa ilalim ng mga sa isang napakaliit na kwarto sa ilalim ng hagdanan. Ako lang ang pinapasok ng driver ko doon, dahil siguro hindi nga siya kakasya. Mas lalong naging maliit ang kwartong iyon dahil mga naglalakihang mga box. My driver was outside. He said he's going to guard after me and that I should not be scared because he's gonna make sure I won't be hurt. Kalaunan ay sobra akony nainitan sa loob. It's suffocating in here. At ang dilim pa. Wala akong makita at sobrang tahimik kaya naisip kong katukin ang driver ko sa labas pero nabitin ang kamay ko sa ere nang may narinig ako sa labas. Sa itaas. "Baka nandito 'yon?" a deep voice asked someone, siguro kasama niya. "Aba, malay ko. Wala nga sa buong bahay, eh. Baka nandito nga." Pagkatapos nun ay narinig kong sinubukan nilang buksan iyong pinto. "Pucha. May password pala 'to. Hoy, Kian! Diba nakapasok ka dito noon? Natandaan mo yung pass?" I shuddered at the sudden call of his name. It's been a while now. Ilang taonna nang huling napadpad sa isip ko ang pangalang iyon. I heard him murmured something from above. Naririnig pa din sila mula sa kung nasaan ako dahil nasa mismong ilalim nila ako. "Nakapasok lang ako dahil may ibang nagbukas," Kian said with his now, manly voice. "Hindi ko alam ang password. Pero may hula ako kung ano 'yun,"
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
thank you
09/02/2025
0yokonga
12/11/2024
0ijkj
06/11/2024
0Ver Todos