Throwback Nasa library ako kasama sina Mia at Cha. Malapit na ang finals at kailangan kong mag-aral ng todo para... ewan. Malay ko ba kung bakit panay aral ako kahit wala naman akong mapapala kung makakuha ako ng matataas na grades. I'd still be a worthless child when I go home. Napabuntong-hininga ako at tumigil muna sa pagbabasa. Napatingin ako sa mga kaibigan sa tabi. Freshman pa lang ako at seniors na sila, dapat mas todo ang pag-aaral nila dahil senior high na sila sa susunod na school year pero eto sila't pa-chill lang sa library. Si Mia ay naka-earphones at nanonood ng kdrama. Si Cha naman ay nasa cellphone niya din, kinikilig sa ka-text. Nakatunganga lang ako doon. Natupad nga ang pangarap ko na makapag-aral sa isang totoong eskwelahan, pero hanggang ngayon hindi ko maramdaman na naging normal na ang buhay ko. Nasa isang table kami nakatambay. Hindi pa naman masyadong puno ang library, pero sa tuwing may pumapasok at nakitang ang natitirang tatlong table sa tabi ng table namin na lang ang natitira ay umaatras sila. Tila ayaw mapalapit sa grupo namin, o baka sa akin lang talaga. Pati sa classroom ay wala ako masyadong classmates na kuma-kausap sa 'kin. Meron namang iilan pero pansin kong kapag kinakausap nila ako ay puro tanong tungkol sa pamilya ko ang bukambibig nila. "Yow! Yow! Yow!" narinig ko ang biglang maingay na pagsulpot ni Ronald. Pati ang naka-earphones na si Mia ay napatingin sa kanya sa ingay. Agad siyang napatahimik nang natantong masyado siyang maingay at nang bigyan ng masamang tingin ni Cha. "Ang ingay," sabat ni Mia. Natawa lang ito at naupo pa sa tabi niya. Inakbayan pa niya ito habang humahagikhik pa din. "Ang serious naman ng bebe ko," kantyaw pa ni Ron. Napatingin naman si Mia sa kanya, naiirita na at handang ibalibag ang katabi niya. Noon pa man ay kita naman na crush nitong si Ronald si Mia, pero hanggang ngayon hindi pa rin makaamin at idinadaan sa pang-aasar ang lahat. Napansin ko ang pagpatid ni Mia sa kanya. Napailing na lang ako saka napabaling kay Cha na balik na naman sa ka-text ang atensyon. Ngingiti-ngiti pa itong nagtitipa sa cellphone niya. "'Asan 'yong kambal?" sinubukan kong tanungin si Ron pero nabusy na pala ito katititig sa crush niya. Sinamaan ko siya ng tingin bago napag-isipang bumalik na lang muna sa classroom kahit wala naman na kaming klase dahil pagre-review at projects na lang sana ang gagawin. I walked silently on the erry halls of the school. Sa classroom nga sana ang tungo ko pero biglang tumigil ang mga paa ko sa isang kakaibang room ng eskwelahan. Napatingin ako sa taas ng pinto, kung saan nakalagay kung anong room iyon. And right there was stated in large bold letters, Music Room. Biglang nagliwanag ang mukha ko. Just what I need. Agad akong pumasok doon at nalamang walang ibang tao sa lugar. Naalala ko tuloy na may mga club pala ang schools. Baka mayroong pang Music. Gusto kong sumali pero baka hindi ako kasing galing ng ibang estudyante. It was only my parents who saw me play my instruments. They say I am great but now I'm conscious on what other people might think about me. Madaming instruments ang nandoon. May piano, drums, violin at iba pa. What caught my attention is the guitar. I can play all the instruments there, pero nasa mood ang kamay kong mag-gitara lang muna. Lumapit ako kung nasaan iyon at dahan-dahang kinuha. Natakot akong baka masira. Hindi pa naman sa akin 'to. First time ko 'atang gumamit ng gitara ng iba kaya nakakapanibago, kaya dapat maingat ako. I slowly positioned my fingers on the strings. In-exercise ko muna ang daliri ko saka nag-isip ng kantang tutogtugin. Surprisingly, my fingers have a mind of their own and started playing a familiar rhythm, bringing me back to a moment in my life I will never forget. As I performed the same song he played to me when we first met, the memories started to come back. Even the ones I wish would never haunt my thoughts again. On that day when his soulful eyes bore through mine, I felt safe. I can't believe what I've been feeling. The person who I'm supposed to despise for almost ending my life, now gives me security and peace. Talagang nababaliw na nga siguro ako kakabasa ng mga walang-kwentang libro sa libary namin. I've been thinking nonsense things since I've read those poetry books. Maybe I should stop obsessing on them. Nang masyado nang nailang sa kakatitig sa kanya, ibinaling ko ang paningin ko sa dagat sa harap namin. Napansin kong napatingin din siya doon kaya nabalik na naman ang tingin ko sa kanya. Nang napansing nasa kanya na naman ang tingin ko ay ibinalik niya rin sa akin ang paningin. Ngumisi siya kaya't sinubukan ko na namang ibaling sa iba ang tingin ko. Narinig kong napatawa siya at mas lalo ko pang pinagbuting huwag mapunta sa kanya ang mga mata ko. Hawak niya pa din ang gitara ko, pero wala na yata itong balak na tumugtog ulit. Ayos lang dahil kapag nagsimula na naman siyang kumanta ay baka mapuno na naman ng kabaliwan ang isip ko. "Magaling ba ako?" bigla niyang tanong. I turned to him again. Mahusay siya. Masyadong mahusay. Hindi mabalik sa dati ang isip ko sa sobrang niyang kahusayan. Jusko, ang bata-bata ko pa para dito. "O-oo naman. Sana paglaki ko, maging kasing husay mo rin ako... s-sa pag-tugtog," I bit my lip for stuttering. Bakit ba kasi hindi ako marunong magsalita ng hindi nauutal? Baka isipin niyang nahihiya ako sa kanya, o natatakot. Pero pakialam ko ba sa iisipin niya? He chuckled, "Someday you'll be as good as me. It takes time, Cianna, to be good at something." At para na ngang sasabog ang buong sistema ko sa pagsasalita niya. I know I shouldn't feel this way. This guy in front of me is a stranger, someone who might do something bad to me. He almost ended me last night, and he must be trying too right now. Yet here I am going nuts and even praising the way he talks. It's getting strange, though. That he's not talking about anything regarding what happened last night. Pero maaga pa naman. We've only been here together for a few minutes, siguro maya-maya ay magtatanong na 'to ng kung ano at baka tuluyan na nga akong kidnappin. Pero bakit pakiramdam ko, wala naman siyang gagawin sa akin? I sighed. Kapag talaga may nangyaring masama sa akin, sarili ko pa talaga ang totoong salarin. "Ayos ka lang?" nabigla ako sa tanong niya. "H-ha? A-ayos lang naman...ako..." agad kong sagot. Nawala naman bigla ang ngiti sa labi niya. Kinabahan tuloy ako. "Iyong kagabi pala... " nanlaki ang mga mata ko sa bigla niyang sinabi. Mas lalo akong kinabahan. Pero medyo na-excite din. Ewan ko. Baka nga may dahilan kung bakit niya nagawa iyon. Or he must've be obliged to do that evil act because of the first guy I saw. They look like their relatives. Siguro gusto ngang gumanti at naisama pa siya. Pareho pa silang napaka-bata para mag-isip ng mga ganoon. Siguro nga may mas malalim na dahilan. "I didn't mean to harm you like that," he took a long pause before continuing, "Galit kami. At kapag naunahan ng galit ang lahat, walang nangyayaring maganda. Pasensya na," I stared at him like I was solving a puzzle. I still can't put in my mind that my family can do such thing as murdering someone. Kasi para saan? For power? They already have enough of that. Siguro dahil sa sobrang galit nila, they immediately blamed my family because they were in our premises before it all happened. I understand their anger, but does it really have to be my parents? They won't do that. Or as far as I know of. Galing doon sa mystery sa garage, I already suspect that their hiding something. Pero hindi. Hindi dapat ganito ang isip ko. "Does it really have to be my parents.. to blame?" I asked. I have to know. Dahil baka ang mga salita niya ay makatulong sa aking ipaintindi ang lahat. But he just looked somewhere else, not wanting to answer my questions, not willing to feed my curiosity. After a long while, he began to stand up. Sa hindi malamang dahilan ay bahagya akong nalungkot, biglang nangulila kahit hindi pa naman siya umaalis. Who knows if we'll ever meet again. I won't beg him to stay though. It must also been hard for him to stay with me, to talk to someone related to the people who you blamed on ruining your peace. Wala akong sapat na ebidensya para masabing walang kasalanan ang pamilya ko, to comfort him somehow. But I have no say on this. Bago siya nagsimulang maglakad palayo ay tumingin muna siya sa akin, nagdadalawang-isip kung kakausapin pa ba ako o hindi na. He opened his mouth to say something, pero muli ding isinara para pigilan ang sarili. But then after a few seconds he said something unexpected. "Don't worry. Walang makakaalam nito. I'll protect you." After those words, he walked away and our paths never crossed again. Through all these years, I still felt alone. Palagi naman. But this time, it got even worse. I would always stroll the mansion, hoping to see him on our premises. But he's nowhere near me. Hindi na siya nagpakita pagkatapos nun. He was never caught, too. Maybe he's now hiding for his safety. I hope he is. Isang gabi ay naabutan ko ang mga magulang ko sa baba, may kasamang mga ibang tao. They all look formal, with their corporate attires and expensive auras they seem to be my parent's friends. Maybe their politicians, too. Ayokong mangialam sa usapan nila kaya didiretso na sana ako sa kwarto nang narinig kong tinawag ang pangalan ko galing sa baba. "Cianna!" iyon pala iyong isang kasama nila dad. She looks familiar to me. Nagkamali pala ako kanina, these people aren't politicians, they're lawyers! It took a while to have those thoughts absorb in my mind. I'm surrounded by people I would like to be someday. I've always wanted to be a lawyer, like my parents. Kaya ngayong napapalibutan pala ako ng mga abogado ay nakaka-overwhelm. I made my way to them, hindi namamalayang ang lawak na pala ng ngiti ko. I politely said my greetings to them and they seem to be pleased on what I've done. "Kamusta ang pag-aaral, hija? I heard you've only been self-studying all these years! Hindi ba mahirap matuto mag-isa?" tanong nung medyo matanda nang babae sa akin. I smiled to her before answering. "It's not actually that hard, Ma'am. I enjoy my own company in studying alone. I can concentrate more because I do everything all be myself. No distractions." That was half true. I sometimes enjoy being alone. Pero minsan ay hindi ko pa din maiwasang mabagot sa pagiging mag-isa. Kahit na hindi naman tumitigil sa pagbisita ang mga kaibigan ay umuuwi naman sila kaagad. At the end of the day, I'm still alone. Mukhang natuwa ang matanda sa sagot ko. Bigla namang sumingit iyong isang matandang lalaki. "Naku, mabuti naman. Pero hindi ba gusto mo maging abogado balang-araw? Hoy, Diony, ha? Huwag mo namang ikulong dito habambuhay 'tong prinsesa mo. Kung nais mag-abogasya ipag-aral mo sa magandang eskwelahan. So she can also learn more things. Hindi iyong siya lang parati nag-aaral mag-isa, " My dad just awkwardly laugh. Wala siyang sinabi at kanina ko pa pansin ang pagkailang nila sa mga bisita. Even so, they still managed to smile at them until they decided to leave. Nang makaalis na nga ang mga bisita ay hinarap kaagad ako ni mommy. Ngayon, nawala na ang pekeng ngiti niya kanina. She looks mad as she look at me. "What were you thinking, Cianna! You're wearing that while talking to our visitors?! Haven't I told you to always look formal when facing guests?!" sigaw ni Mommy at ngayon ko lang ding namalayan ang suot ko. I am in my unicorn pajamas. Nakalimutan ko pala na ayaw na ayaw ni mom na bumaba ako para bumati ng bisita na hindi presentable tignan. I gulped. I'm not so sure what will happen, but I do have a clue. Gaya palagi ay kinalma ni Dad si Mom. Hindi nakinig si Mommy sa kanya kaya nag-walk out ito, sapo pa ang noo na parang stress na stress. I gulped again and bit my lip. Dad stayed, and gave me a comforting smile. "Don't worry, sweetie. Mommy's just tired," he said. He then offered his hand to me, "Come, let Dad take you to your room. " patuloy niya. The nervousness left me and I smiled cutely at him. Kinuha ko nga ang kamay niya at hinatid niya ako hanggang sa kwarto ko. Nang makaabot na doon, nakaabang pa din doon iyong dalawang guard na nakabantay sa labas ng kwarto ko. Napansin ko ang diin sa tingin ni Dad sa kanila. Nakita ko din ang panginginig nila. Sinigurado muna ni dad na nakapasok na ako ng tuluyan sa kwarto bago lumabas. He gave me a small smile before going out. Agad akong tumalon sa kama para matulog na sana. Pero nang tumingin ako sa orasan ay nakita kong masyado pa namang maaga. Napag-desisyunan ko tuloy na magmuni-muni muna. Naalala ko tuloy nung una akong nakita ni mom na naka-pambahay lang nang lumabas para bumati ng bisita. She was very mad that time. Gaya nung kanina pero mas matindi noon kasi hindi niya napigilan ang sarili niya sa akin. When we were alone in my room, agad niya akong dinala sa banyo at pinaliguan. Pero hindi iyon basta-basta ligo lang. Not the loving and exciting bath session o a daughter with her mom. Kinuha niya ang shower sa taas at idinerekta iyon sa mukha ko. Nilakasan niya ang tubig habang nasa mukha ko pa din tumatama ang tubig. I feel like I'm drowning yet she's still continued what she's doing, while murmuring what seem to be curses at me. Maiyak-iyak na ako nang makalabas kami sa banyo, binalutan na ng roba at sapilitan niya na namang pinaupo sa harap ng salamin. Kinuha niya iyong pulbo at naglagay ng marami sa kamay niya bago iyon sinampal-sampal sa pagmumukha ko. Patuloy pa rin ang pag-iyak ko kaya kinusot niya ang tagiliran ko para daw matigil ako. Pero napakasakit nung kurot kaya mas lalo lang akong naiyak. Nakita kong mas lalong nagalit si mommy sa akin at kinuha na niya ng tuluyan ang bote ng pulbo at isinaboy iyon lahat sa mukha ko. Mabuti at hindi iyon nangyari kanina. Mabuti at nandoon si Dad para pakalmahin si Mom. Kung hindi iyon nag-walk out ay baka maulit na naman iyong nagyari noon. I sighed. I should be extra careful next time. Nang mabagot pa rin matapos ang isang oras ay napag-isipan ko na naman na magliwaliw sa bintana ng kwarto ko. Lalakarin ko na sana ang distansya mula sa kama ko papunta sa bintana nang may maalala ako doon. I sighed again. I should stop thinking about him... and what happened. Sa unang minuto ko lang sa pagtanaw galing doon ay may napansin agad ako. May misteryoso na lalaki na naka all black at tila nagtatago sa mga dahon ng mga halaman sa hardin ng mansion. Kitang-kita siya galing sa kwarto ko. I don't know what to do. Should I inform the guards outside my room that there might be another intruder? Maybe I should. I checked on the mysterious guy one more time before heading to the door. Nagulat na lang ako nang buksan ko iyon at wala na ang mga guards na kanina pa lang ay nakabantay pa sa kwarto ko. Still not sure about my actions, I made my way to survey the house to somehow find some available guards. The accident last time caused lots of our guards wounded, kaya mas mabuti sigurong balaan ko sila ngayong alam kong may panganib na magaganap. Natigil lang ako sa paglalakad nang makaabot ako sa nakabukas na bulwagan. Galing sa kung nasan ako, kitang-kita ang mabilis na pagtakbo nung lalaking nakita ko kanina sa kwarto ko. Pero nagulat na lang ako nang hindi pala siya nag-iisa, dalawa sila at parehong may dalang kutsilyo! I paused on my steps, unable to move my feet. Dahil nga nasa bulwagan ay madali akong makita, kahit na tumakbo ako para tumago sa gilid. Nakita ako nung isang lalaki. At nang magtama ang tingin namin, alam ko na agad kung sino siya. "K-kian," I muttered. He also stopped moving. Nakita kong tinawag siya nung kasama niya pero tinignan niya lang ito saglit at nagbalik ang tingin niya sa akin. Umiling iyong isang lalaki at tumakbo na mag-isa, kaya naiwan si Kian sa kinatatayuan niya kanina. Hindi pa din ako makagalaw, naguguluhan kung ano ang gagawin. Pinilit ko ang sariling humakbang palayo roon, pero papalapit na pala sa akin si Kian. Sa sobrang bilis ng pagdating niya ay ilang hakbang pa nga lang ang nagagawa ko ay nahawakan na niya agad ang braso ko! Hinihingal niya akong tinignan bago nagsalita, "Makinig ka sa'kin. Manatili ka lang sa kwarto mo. Huwag na huwag kang lalabas, i-lock mo lahat ng pinto at bintana, at matulog ka nalang kaagad." mariin niyang sabi akin. I shuddered at how he sounded. May pakiramdam akong may masamang mangyayari, na hindi niya kayang sabihin sa akin. "Huwag na huwag kang lalabas," inulit niya ang sinabi niya, now more serious than ever. Kinabahan ako pero kailangan kong sumunod sa sinabi niya. I can really feel danger so it's better if I do what he wants me to do. "Wala ka namang gagawin d-diba? Na m-masama?" I have to make sure. Kung magpapahamak siya ng ibang tao, siguradong mapapahamak din siya. Ayoko n'on. Baka hindi na kami magkita ulit. "Wala. 'Wag kang mag-alala. I won't do something you wouldn't want me to do," Binuksan ko ang mga mata ko para alalahanin na nasa kasalukuyan na ako. Wala na ako sa nakaraan na magpapa-alala lang sa akin sa kanya. I didn't saw him after that. That was our last moment together, at nagsisisi akong sinunod ko ang sinabi niya sa akin. I should have followed him to where he's headed. Dahil kung sinundan ko nga siya ay hindi ko lang masusulit ang panahon ko na kasama siya. It can maybe, open my eyes to the cruel reality that my parents were indeed the one who killed his brother. And so as every single guard that went missing after failing to do a certain mission. I then remembered what I've read a week after all those happened. On a newspaper, it says, 'Murder For Power: Sen. Esquivel on hot seat upon facing murder accusations after young boy witnesses his brother was killed brutally on their basement. Investigations are on-going....'
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
thank you
09/02/2025
0yokonga
12/11/2024
0ijkj
06/11/2024
0Ver Todos