logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

3

Again
Dumating sina Mom at Dad ilang minuto lang ang lumipas. Kinuha nila ako sa kwarto at dumiretso sa opisina nila.
They look exhausted, as always. Kahit lagi nila akong binabalewala lamang, I can really see their dedication to their works. They worked hard for their positions right now kaya hanggang nakikita kong kahit naghihirap ay nagpapatuloy pa din sila, I will never believe those nonsense criticisms I heard. Kahit gaano na katibay ang ebidensya kong nanakit nga sila ng tao, as long as determination for their responsibilities is evident in their faces, I will continue to love them the same.
Nang nasa opisina na ay nandoon ang karamihan sa mga tauhan at bodyguards namin. Lahat sila ay nakayuko, tila handa na sa mga sigaw at sermon ng mga pagod at galit kong mga magulang. Hindi ko mapigilang maawa sa kanila. At matakot din. Those pictures in my Dad's files flashed in my mind again. 
Alam ko namang wala ni isa sa kanila ang may gusto sa nangyari kanina. It was an accident. Those guys were furious and wants revenge, no matter how and when. Hindi ko alam kung 'asan na sila ngayon, at sa tingin ko'y hindi ko naman na dapat silang alalahanin. Nakakatakot iyong pagsulpot nila kanina. Kung nahuli sila ay mabuti, pero kung nakatakas ay ayos lang din naman. Ang bata-bata pa tignan ng mga iyon para makaisip ng ganun kalalang mga bagay. Their childlish thoughts won't lead them to a better future.
But by the way that boy talked about his dead relative, dapat bang kaawaan ko sila at kamuhian ang mga magulang ko? I think not. As long as the evidences of my parent's cruelty are just words, then I won't believe any of it. Saka na siguro kapag sarili ko ng mga mata ang nakakita kung talagang nagmamalupit sila.
My parents made their way to their table, habang hawak-hawak pa din ni Mommy ang kamay ko. Simula n'ong kinuha nila ako sa kwarto ko hanggang ngayong nandito na kami sa kanilang opisina ay hindi niya binitawan ang kamay ko. And I sure did love it. The warmth of my mother's hand in mine brought a special feeling I don't get to always feel. Bilang lang ang mga pagkakataon na nahawakan ako ng ganito katagal ni Mommy. 
Kaya ng binitawan niya ako ay bahagya ding bumaba ang mga balikat ko. I feel kinda dissapointed but I should know how to be contented, ayos na yun. Iyon na ata ang pinakamatagal na hawak sa akin ng Mommy. I should just be happy.
Daddy said his greetings to our men, then sighed, "I know what had happened was all an accident. Kung sa tingin niyo ay magagalit ako sa kawalang bahala niyo, hindi ko iyon gagawin. I should, I know. The safety of my only daughter was at stake just moments ago. Kung may nangyaring masama sa kanya ay talagang hindi ko kayo mapapatawad. All of you will be fired right away.  Sa ngayon ay nagpapasalamat akong ligtas siya at walang natamong kahit anong sugat. Pero iyon nga at aksidente lamang ang lahat. Walang nakakaalam kung anong mangyayari."
Habang nakikinig kay Daddy ay bahagya ko na namang inabot ang kamay ni Mommy, nagbabakasakaling hawakan niya uli ako pero hindi niya na ako tinanggap. Sa halip ay iniwas niya pa ang kamay niya sa akin para lang matigil ako sa ginagawa. 
I sighed in disappointment, but didn't forced myself in the situation much futher. 
"Yet this should be an alarm to everyone of you to tighten the security of my premises. I will hire more men to guard the mansion, and I hope you'll get along with them well. Dahil kapag may nangyari na namang ganito sa susunod at nasaktan na ang anak ko, then that's the time where I'll fire every single one of you. Am I clear? "
"Yes, Sir!" malakas na sagot ng mga tauhan. Daddy dismissed them after that. And that's when he faced me. His concerned fatherly eyes bore into me and it's the best feeling ever. I looked at him with the same desperate loving eyes of mine, wanting that moment to never end.
"Are you okay, sweetie?" he asked. 
My eyes sparkled with excitement and joy. He have always called me that. Kahit hindi madalas ang pangangamusta niya sa akin, when he calls me, he calls me sweetie. Like I'm his sweet little angel. The love of his life. My young heart can't stop fluttering whenever my father calls me that way, like he's calling his little angel with utmost concern and delight.
I smiled cutely and slowly nodded. I got lost in the moment. He smiled, too. Mommy's behind me, and her hands found their way to my shoulders. When I turned to look at her, she's also smiling at me, concern also evident in her eyes. 
My mother's beautiful. Like a goddess. My angelic features was what I inherited greatly from her. From my big almond eyes, small yet sharp nose, and pink lips. I look just like her, and I'm confident I'll be like her when I grow older. A smart lawyer then a courageous politician. 
Though, I'm not sure if I would have her as my model of a great parent.
"Don't worry about anything, okay? Everything's fine. Mommy and Daddy are always here to protect our princess, hmm?" dad assured me. My smile grew wider and I just can't help to appreciate this moment. 
My parents cared for me. They love me like other parents love their children. Kahit na kakaiba ang paraan nila ng pagiging magulang sa akin. Kahit na hindi nila madalas pinapakita ang apeksyon nila sa akin. They care for my life, for my safety.
Pagkatapos noon ay sabay nila akong dinala sa kwarto ko. Ang saya dahil pareho nilang hawak ang kamay ko, ginagabayan ako patungo sa aking silid. Nagulat na alang ako nang pagdating sa kwarto ay napalitan na iyong nabasag na bintana kanina. Nadagdagan pa ng locks iyon, at may mga guards na din sa labas ng pinto. Siguro nga ay mas mapapahigpit ang seguridad sa mansion, lalo na sa kwarto ko.
My parents put me to bed and kissed me goodnight before leaving my room. Pati sa pagtulog ay hindi na yata nawala ang ngiti sa labi ko. Nagising ako na may malaking ngiti pa din. Yesterday was indeed unexpected, but it actually turned out to be one of my happiest days.
Agad akong naligo at nagbihis, masayang masaya pa rin.  Nang bumaba ako para kumain ay parang sasabog na talaga ako sa saya. My parents are still here! Nang napansin nila ako ay agad silang ngumiti sa banda ko at parang hinintay talaga nila ako para sumabay sa kanila para sa breakfast. This is just beyond happiness!
That was one of the best mornings of my life. Sabay nga kaming nag-breakfast ng pamilya ko. They asked me how I'm doing. If I need more books to study or toys to play. Nakangiti ko naman silang sinagot. I am already ten and I don't think I will still need more toys. I only asked them to buy me more books.
Matagal ko na ding napag-isipang sabihan sila sa plano kong mag highschool sa totoong skwelahan. I've always been self-studying all these years. Minsan lang na may mga teachers na nagtuturo sa akin. They only come twice every month. Confident ang mga magulang ko na marunong akong matuto ng mag-isa, kaya hindi na din nila pinapapunta palagi dito ang mga guro.
Kahit naman nandito sila ay palagi naman silang may distansya sa akin. I've seen in movies that the relationship between a teacher and its student is far better than what my teacher's attitude towards me. Sa pelikula ay masiyahin ang mga teacher sa mga batang katulad ko, nakikihalubilo sa mga bata ng mabuti. Nagtuturo ng mga sayaw habang nakangiti palagi. 
Ngunit ang mga guro ko ay palagi lamang pagtuturo ang ginagawa sa harap ko. They never looked friendly, though they look nervous everytime. Kaya gusto kong ngayon na ilang taon na lang ay magha-highschool na ako ay baka makumbinsi ko ang mga magulang na papasukin ako sa totoong eskwelahan.
"Uhh," nahirapan akong banggitim ang gustpng sabihin. "Mom, Dad, I was just thinking..." sabay silang napatingin sa akin.
"D-dahil medyo malaki naman po ako, is there a possibilty that you'll e-enroll me to a school? A real school. Since I am not that young anymore and maybe I can already take care of myself--"
"Can you hear yourself, Cianna? " biglang singit ni Mom. Medyo nagulat ako roon at napatingin ako sa kanya.
"You're thinking about this after what happened yesterday? You were almost kidnapped! Hindi ka ba nag-isip muna bago sabihin iyang mga pinagsasabi mo? "
Medyo napalakas ang boses niya habang sinasabi sa akin iyon. I felt scared, and nervous. Bahagya ko namang nakitang pinakalma siya ni dad. He says it is not right to talk to their daughter like that in front of our food. 
Tama nga naman. But I still feel that I am at fault. Mom's right. Matapos ang nangyari kagabi ay ito agad ang sasabihin ko sa kanila. I wasn't being appropriate.
But can you blame me? Who knows when can I be this close to my parents again. Kapag umalis na naman sila at ipagpatuloy ang trabaho ay malamang mawawalan na naman sila ng oras para sa akin. Gusto ko lang naman sanang sulitin ang panahong ito.
Hindi na namin naipagpatuloy ang usapang iyon. Sabay kaming natapos kumain pero pagkatapos noon ay sabay na nag-ring ang mga cellphones nila. They got busy with their calls and I just silently excused myself out of there. Bumalik na lang ako sa kwarto at nagsimula na namang maghimutok.
I get it, alright. The moment I was born in this world,  I was already destined to have this kind of life. Because of my parents' influence in this country, my security's always at risk, causing me to be stuck at this luxurious yet boring mansion. Dahil takot na mapanganib ang buhay ko ay kinailangan kong manatili dito at pagkaitan ng kalayaang makita ang mundo. 
I just can't wait to get older so I can be sure I can already to take care of myself. When I'm older and my parents still continues to put this mess in my life, I'll run away. If they won't give me freedom, then I'm going to be the one to give it to myself.
I sighed. Maybe I'm just too young to think about these. But I know someday these thoughts might surface again. I just hope I can already be courageous enough to stand by my decision in time.
Ilang sandali ang lumipas at tuluyan na akong nabagot sa paghihimutok at pag-iisip. Napagpasyahan kong kunin ang gitara ko at lumabas para magtungo sa maliit na kweba sa ilalim ng bangin.
Pagkababa sa hagdanan patungo sa bulwagan ng mansion ay bumungad sa akin ang tahimik na namang mga pasilyo ng bahay. Natagalan ako sa kwarto kaya siguro ay nakaalis na ang mga magulang. Dire-diretso na lang akong naglakad papunta sa bulwagan.
Sinadya kong sa harap dumaan para mamitas ng kakaunting mga bulaklak sa hardin siyang nasa harap nga ng mansion. Dala-dala ang gitara sa isang kamay ay medyo nahirapan ako sa pagpitas kaya't ibinaba ko muna ito sa lupa. Sana pala dinala ko 'yong bag nito.
Habang nagpipitas ay may naramdaman akong kakaiba saa paligid ko. Parang may nakatingin, o baka na-praning lang ang katawan ko sa nangyari kagabi. 
Binalewala ko na lang at nagpatuloy ako sa ginagawa. Nang matapos ay kinuha ko ang gitara ko sa isang kamay at ang kabila naman ang may hawak sa mga bulaklak. Gagawin ko itong bracelet o kuwintas mamaya. Depende kung anong matipuhan kong gawin o kung gaano ako mabagot.
Bahagya akong natawa sa pinag-iisip at dire-diretso nang naglakad papunta sa dulo nga aming malawak na lupain. Nang makarating sa hagdanang bato ay napatigil muna ako para sana tanawin saglit ang dagat na makikita ko din naman kapag nakaabot na sa kweba. 
Ang totoong nagpatigil sa akin ay ang bigla kong naramdamang mga matang tila nakamasid na naman sa akin. Tinanaw ko ang aking likod at nakitang wala namang tao roon. Napabuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Baka iyon yung mga bagong bodyguards na ni-hire ni Dad. Baka masyado silang marunong magtago para bantayan ako kaya't napagkakamalan kong iba.
Naupo ako agad sa batoang lupa ng kweba pagkaabot ko. Saglit ko munang dinama ang hangin at tinignan ang malinaw na dagat. Natatangay ng hangin ang mahaba kong buhok, kaya sinubukan ko itong ipusod kahit walang pang-ipit. Nang naipusod na nga ay ang saya ko na naman ang napansin kong natatangay ng hangin. 
I'm wearing a floral dress, my favorite one which my late grandparents gave me when I was six. Medyo maliit na ito sa akin at malapit nang tumaas sa tuhod ko. I still like it. Inipit ko na lang ang saya sa pagitan ng mga tuhod ko para hindi malipad ng malakas na hangin. 
Matapos ang ilang minuto ay inabot ko na ang mga bulaklak na pinitas ko kanina. Sinimulan ko na itong gawing isang bracelet. Madami klase ng mga bulaklak ang nakuha ko kanina. Iyong santan muna ang pinagdiskitahan ko dahil mas madaling gawing bracelet.
Habang magiliw na gumagawa ng palamuti ay may naramdaman na naman ako. Ngayon, mas matibay ang ebidensya kong taong nakaaligid sa 'kin. Nakarinig ako ng mga hakbang galing sa hagdanang bato kaya agad akong napabaling doon. 
Nagtagal ang tingin ko roon para tignan kung may taong lalapit pero wala. Napabuntonghininga na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa kanina.
Matapos ang mahigit trenta minuto ay may limang bracelet na gawa sa santan na ang nakasuot sa aking munting kamay. Naaliw akong tignan iyon sa akin. Sa susunod ay napag-desisyunan kong gawin iyong mga natitirang bulaklak ng isang flower crown. Malawak ang ngiti ko habang nalilibang sa ginagawa.
Dahil wala masyadong dalang gamit ay medyo nahirapan ako sa paggawa. Inabot pa ng mahigit isang oras para matrabaho ko iyon. Nang sa wakas ay natapos ko na ay siyang pagsulpot ng isang tao sa gilid ko.
Sa gulat ay nabitawan ko ang kagagawa ko lang na flower crown. Nang napatingin ako sa kanya ay mas lalo lang akong nagulat. Siya iyong lalaki kagabi! Iyong sumulpot sa kwarto ko at binasag ang bintana! Siya 'yon!
Nagsimula na naman akong mag-panic pero naguguluhan din dahil hindi ako kinakabahan. Hindi ako takot. At hindi ko iyon naiintindihan. Dapat 'di ba? Muntik niya akong patayin kagabi. Kung hindi sumulpot iyong mga tauhan at iyong kasambahay ay baka talagang naiputok niya sa akin iyong baril niya sa galit.
But he's just standing there. Hands in his short's pockets and just staring at me with calm eyes. Hindi gaya kagabi ay hindi na siya nagmukhang madungis ngayon, siguro kakaligo lang dahil kita pang basa ang kanyang buhok. He doesn't look dangerous, unlike last night.
Hindi ko malaman ang gagawin nang unti-unti siyang humakbang patungo sa akin. Nakaupo pa rin ako sa batoang sahig ng munting kweba. Akala ko ay lalapit talaga siya ng tuluyan sa akin, pero natigil lang siya roon sa may medyo malaking bato at doon umupo. Hindi nawala ang tingin niya sa akin, para bang binabantayan ang bawat kilos ko para hindi ako makatakas.
Alam kaya ng mga guards na nandito siya? Paano siya napunta dito nang hindi nahuhuli?Panigurado ay pinaghahanap na siya ngayon ng mga tauhan namin. Dahil sa nangyari kagabi, dapat ay tumakbo na ito paalis ng bayan para hindi mahuli! Pero bakit nandito pa rin siya? Bumalik para patayin ako?
Kinilabutan ako ng bigla siyang ngumiti sa akin. Hindi naman iyon creepy, palakaibigan pa nga iyong ngiti niya. O baka namimilikmata lang ako?
"Hi," mahina niyang bati. Nanindig ang mga balahiho ko sa bigla niyang pagsalita. 
"Cianna," nang binanggit niya ang pangalan ko, mas lalo lang akong nalito sa sarili. Bahagya akong nagulat pero hindi mahagilap ang takot sa sistema ko. 
Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako kinakabahan sa presensya niya. Ngumiti siya ulit, bahagya pang natawa, at binaling ang tingin doon sa flower crown kong natapon ko kanina sa gulat.
"Isuot mo. Mukhang maganda tignan sa 'yo, " nagsalita na naman siya at nagsimula ng maging kalmado ang sarili ko sa kanya. 
Pinulot ko nga iyon saka tumayo at isinuot sa harap niya. Nahihiya pa akong ngumiti pero nakayanan ko naman. Nang tignan ko ang reaksyon niya ay nand'on pa rin ang ngiti niya kanina. I blushed. 
Hindi ako sanay na natitignan ako ng ganito kaya nakakahiya, hindi ko maiwasang mamula.
"Bagay nga sa'yo, Cianna," saad na naman niya at mas lalo pa akong namula. 
My young heart can't stop fluttering with all the compliments. Hindi ko nga kilala itong lalaking 'to pero kung makangiti ako'y wagas. Natawa ako.
"Ba't ka natatawa? Totoo kaya." patuloy ang pagsasalita niya habang nangingiti pa din ako sa harap niya. 
Bigla niya ding inilahad ang kamay niya sa akin, "Adam. Adam Kian."
Nabigla na naman ako sa pagpapakilala niya. Ni hindi ko alam kung totoong pangalan niya ang binanggit niya o ano. Hindi ko na lang namalayan na nakipagshake-hands na lang din ako sa kanya. Nakangiti pa at naisipan pang makipag-usap.
"I-ilang taon ka n-na? " what a stupid question. That wasn't even close to a decent question. Hay nako. Hindi talaga ako marunog sa ganito.
He slightly chuckled, "Fifteen pa lang ako. Ikaw?"
"I-I just turned t-ten," mahina kong sagot. I'm really not good in talking. Iyon pa lang ang pinag-usapan namin ay pinagpapawisan na ako. Hindi gaya kapag sina Mia ang kasama, hindi ako makapagsalita ng maayos sa iba.
"Kailan? Bago pa?" tanong niya.
"T-two days ago," mabilis ang pagsagot ko pero nauutal pa din. 
Napansin kong nawala saglit ang ngiti niya pero bumalik rin naman. Nakatingin siya sa akin na para bang nalilibang siya sa pagkailang ko sa kanya. Sobra-sobra na ang pamumula ko, at baka mas kita pa iyon dahil sa maputla kong balat. Kaya naisipan kong lumayo kaunti at umupo ulit sa kung saan ako naupo kanina. Hindi pa rin nawawala ang tingin niya sa akin. There was an awkward silence between us.
Tahimik pa din kami nang nabaling ang paningin niya sa gitara kong nasa sahig din niyong kweba. Tumayo siya at kinuha iyon.
"Marunong ka?" tanong ko sa kanya habang ni-posisyon na niya sa kanyang hita ang gitara. Napatingin na naman siya sa akin at ngumisi lang. Nagsimula na siyang tumugtog, at namangha ako sa galing niya.
He played a familiar rhythm, his fingers skillfully played every chord. Marunong din naman akong mag-gitara pero hindi pa ako ganoon kagaling. 
He knows how to properly play barre chords, while I am still learning how to do that. What even amazes me is that he plays the song in a fingerstyle version, kaya napakagandang pakinggan, nakakamanghang panoorin.
He didn't sang, though. Excited pa naman sana ako na marinig siyang kumanta. He just performed the song with his fingers. Pero napakaganda pa rin. Siguro ay sa susunod ay mas pagbubutihin ko pa na aralin ang pag-gitara. Para sa susunod naming pagkikita, kasing galing niya na rin ako. 
Pero, magkikita pa kaya kami ulit?
"And I don't want the world to see me,
'Cause I don't think that they'd understand... "
Muling nanindig ang mga balahibo ko nang bigla siyang kumanta. Hindi ko iyon inaasahan dahil akala ko tatapusin na niya kaagad ang kanta. Pero kinanta  niya pa talaga ang mga huling linya nito. 
Sa lamig ng boses niya, parang higit pa siyang mas matanda sa akin. Hindi pa man gaano kalalim ang boses niya kapag nagsasalita, pero nang kumanta siya, para na siyang beteranong mang-aawit pakinggan. He doesn't sound like a fifteen-year-old. He sounded more mature when he's singing. Nakakahumaling.
"So when everything seem to be broken,
I just want you to know who I am... "
He sang those lines while looking at me,  right to my eyes, through my soul. 
Ewan ko kung bakit may kakaiba akong nararamdaman. This guy just tried to end my life last night, yet here I am calmly adoring him. Nababaliw na nga yata ako. I know that's a strong word, pero ako lang naman ang nakakaalam na pinagsasabihan ko ng ganito ang sarili ko.
Nang tuluyan na niyang tinapos ang kanta ay nakatingin pa din siya sa akin. Para mapagaan ang paligid ay mahina akong pumalakpak. Hindi namalayan na ang laki na pala ng ngiti ko. Nagkagulo ang buong isip ko, nababaliw na nga talaga. 
I should stop reading those nonsense romance books. They're giving me too many ideas.

Comentário do Livro (42)

  • avatar
    SamsonGlaiza

    thank you

    09/02/2025

      0
  • avatar
    Haward Fajardo

    yokonga

    12/11/2024

      0
  • avatar
    Jonathan M. Fugaban

    ijkj

    06/11/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes