logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 23

RHAIVEN'S POV
"Kailan mo ako matatanggap bilang yaya mo Sir?" Hindi ko alam pero kinaya akong patahimikin ng tanong na yun ni Haila.Kakaiba sa pandinig at para bang may kirot na dumapo sa dibdib ko.
Bakit kailangan mong tanungin ang bagay na yan? Hindi ako handang sagutin ang tanong na yan.Alam kong masasaktan ko sya kapag nalaman nyang hindi ko sya kayang tanggapin.Oo hindi ko talaga kaya.Hindi pa kaya ng puso kong tumanggap ng bagong tao na magiging parte ng buhay ko.Alam kong maiintindihan nya ako at the same time masasaktan ko sya.
Hindi ko sya sinagot.Nanatili lang ako nakatingin sa kanya ng makahulugan.Wala akong maisagot.Nalipad ang utak ko kung saan at hindi kayang mag isip ng pwedeng isagot sa kanya.Kita ko sa mata nyang desperada syang malaman lahat mula sakin.
"Alam mo Sir,nagpapasalamat parin ako kasi hindi mo ako tuluyang pinalayas dito.Nitong nakaraang araw na iniwasan mo ako, nandito yung kaba.."duro pa nya sa dibdib nya."Kinakabahan ako sa pwede mong gawin lalo na't nagagawa mo daw lahat ng gusto mo kasi pinagbibigyan ka lagi ng tatay mo.Kung alam mo lang yung rason ko Sir kung bakit kailangan kong magmakaawa,magkaroon lang ng trabaho.."kita ko ang pagpipigil nya sa luha nya.Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binitawan nya.
Hindi ko kayang alisin ang tingin ko sa kanya.Naaawa ako at nakokonsensya.Para bang may kumurot sa may dibdib ko sa mga simabi nya.Hindi ko maiwasan sisihin ang sarili ko kung bakit ganun nalang kabigat ang mga salitang yun.Nasasaktan sya at yun ang sinisigurado ko.
"Mas mahirap pa nga ako sa daga e"pagpapatuloy nya at bahagya pa syang natawa.Pero kita ko sa tawa nito na may halong bigat sa pakiramdam."Sa edad kong ito dapat nasa paaralan ako,nag aaral,kaso hindi.Kakambal ko na yata ang malas kung tutuusin.Hindi ko pinangarap yung ganitong buhay pero ano pang magagawa ko,nandito na to..."
"Nasan ang mga magulang mo? Dapat sila ang nagtratrabaho at hindi ikaw.."tanong ko.Nagkaroon ng madaming tanong ang utak ko.Para bang gusto kong malaman lahat tungkol sa kanya pero hindi ko alam kung saan magsisimula.
Ngumiti muna ito ng pilit bago ako sinagot.
"Mahabang kwento Sir"saka ito bumuntong hininga."Hindi ko naman dapat gawin lahat to eh pero kinakailangan.Ayokong pulutin kami sa bangketa.Ayokong magutom kami at mas lalong ayokong maging mahirap habangbuhay..."hinimas nito ang dalawang palad.Kita sa mukha nyang seryoso sya sa lahat ng binabahagi sakin.
Hindi ko alam kung paano nya ako napapatahimik sa mga salitang binitawan nya.Wala akong alam na isagot maski isa.Ngayon ko lang sya nakita na ganito.Parehas pala kaming kahinaan ay pamilya.Para bang bumabalik lahat ng mga kalokohan ko sa kanya at unti unting nakakaramdam ako ng pagsisisi.Paano mo nakakayang palambutin ang puso ko  Haila.
"Buti ka pa nga hindi nakaramdam ng gutom,ng hirap at ng sakit.Hindi mo naranasan mawalan ng kakainin.Hindi mo naranasan magmakaawa,wag ka lang palayasin sa tinutuluyan nyo.Pinangarap ko yung buhay na nasa iyo Sir,pero mukhang imposibleng mangyari yun sakin.Pero ambait parin ni Lord kasi alam mo po dinala nya ako dito sa inyo.Kaso nga lang hindi mo ako TANGGAP!" pagdidiin nya sa huling salita kaya napatingin ako sa kanya.Nakayuko sya at pinipigilan maging emosyonal sa harap ko.
Bakit kailangan nyang ibato sakin ang salitang yun?Bakit kailangan nyang ipamukha na wala akong modo at pagtanggap? Nakaramdam ako ng inis.Hindi naman na dapat nyang isali yun e bakit ginawa pa nya.Para ano? Para maawa ako sa kanya?Tsk!
"Why are you talking like that? Nang aasar ka ba o nang iinsulto?"hindi ko na napigilan pa ang sarili na singhalan sya.Nakakainsulto ang dating nun sakin eh.
"Mukha ba ako nang iinsulto? Hindi naman po ah,nagsasabi lang po ako ng totoo."
"Well its not funny! Kung makadrama ka kanina kala mo naman namatayan ka tapos ngayon ganyan ka? Tsk! Get lost!"
"Eh totoo naman po lahat ng sinabi ko e.Natamaan ka means guilty ka nga talaga."
"Hoy! Bati na tayo kanina diba?wag mo sabihin na makikipag away ka na naman sakin.Umayos ka nga!"
"Hindi naman po ako nakikipag away eh ikaw tong oa.Totoo namang hindi mo ako tanggap talaga.Bakit apektado ka masyado dyan?"
"Tss! May dahilan ako at may dahilan ka din.Anong mahirap intindihin dun ha?"
"Wala!"
"Wala naman pala e ano pinuputok pa ng nguso mo dyan?"
"Wala! Wala akong pake sa dahilan mo,yun ang ibig kong sabihin. Sir paano mo nagagawang magsaya habang yung mga taong kinakailangan ng tulong mo ay pinagdadamutan mo?Hindi ka ba nakokonsensya?"
"Wala kang karapatan na kuwestyunin ako sa bagay na yan.Saka pwede ba tumahimik ka na.Nakakarindi ka na eh.."dinuro ko pa sya ng may pagbabanta sa tinig ko.
"Ha!" Mapaklang tawa nya sakin na ikinais ko lalo."Bakit Sir mas mabigat ba yang dahilan mo kesa sa dahilan ko ha?"singhal nya parin.
Lahat ata ng awa ko sa babaeng to ay napalitan ng inis.Prinangkahan ako sa oras na hindi ako handa.Kingina.Sya pa tong may ganang magsabi ng ganun sakin gayung pinapakisamahan ko na sya.Tsk!
Napailing ako sa kawalan.Talagang gusto na naman ng babaeng to ng away.Sinusubukan nya talaga akong magalit porket maayos na kanina ang pakikitungo ko sa kanya.Kakabadtrip!
"Pagsinabi kong oo angal ka ha?"
"Bakit ano bang dahilan mo?"napahinto ako sa tanong na yun.Napatingin ako sa kanya.Mukhang wala na akong takas ngayon.Ngunit hindi ako handa sa bagay na ito na masabi ko sa kanya ang totoong dahilan ko kung bakit hindi ko sya matanggap.
Napatayo ako.Pinagkrus ko ang dalawang braso saka diretso na tumingin sa kanya ng masama.Nanatili naman syang nakatingin sakin na naghihintay kumbaga ng sagot.
"Gusto mo talagang masaktan eh no? Pwes,hindi naman ako madamot eh kaya sasabihin ko na sayo.Ginusto mo ito kaya walang sisihan kapag nasaktan ka"wika ko at nagulat sya.Hindi nya alam kung matutuwa ba sya o matatakot sa pwede nitong marinig mula sakin.Kita sa mata nyang nilalamon sya ng kaba na ang kaninang maangas na mukha ay napalitan ng pangamba.
"Hindi kita tanggap? Oo hindi! Kung tutuusin wala kang pakinabang sa buhay ko.Isa ka lang peste na sumisira sa paningin ko.Ni hindi kita kailangan dito eh.Kelan kita matatanggap?Tsk! NEVER!"pagdidiin ko."Mula ng mawala ang pinakamamahal kong yaya hindi ko na kayang tumanggap pa ng iba.Wala akong pake kung mawalan sila ng trabaho't maipalamon sa pamilya nila.Wala akong pake sa mararamdaman nila.Wala akong pake kung masama ang tingin nila sakin.At higit sa lahat wala akong pake kung MAMATAY SILA!" halos isigaw ko pa ang huling salitang binitawan ko.
Kita ko sa mga mata nya ang gulat sa mga sinabi ko.Wala e yun lang ang rason ko kung bakit ayokong tumanggap.Masasabing mababaw pero iba ang epekto nun sakin.Para itong tinik na nakabara sa lalamunan ko't hanggang ngayon hindi pa naaalis kahit matagal na panahon na ang nakakalipas.
"Yun lang po ang rason nyo? Ha?! Wala palang kwenta eh..."at nakita ko ang pagpatak ng mga luha nya.Nilalamon na sya ng lungkot pero kahit anong pilit kong magalit mayroon sakin ang awa.
"Dont say that,hindi tayo parehas ng nararamdaman!"
"Oo nga hindi.."saka ito huminga ng malalim."Pero kung  sayo mabigat yung dahilan mo para sakin hindi.Ni wala pa nga sa kalahati nun ang sakit kapag lola ko na mismo ang namatay eh..."at sunod sunod na bumuhos ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan.
Para akong naestatwa sa narinig.Hindi ko inakala na iiyak ang isang babae sa harapan ko.Yung babaeng hindi ko nakikitaan ng kahinaan at puro kayabangan lang.Kaya ba nya gusto ng trabaho ay dahil sa lola nya? Pero nasan ang mga magulang nya na dapat gumawa nun? Ano ba talaga ang nangyayari sa pamilya mo?
Bagkus hindi ako nakapagsalita.Tahimik lang ako na nakatingin sa kanya ng diretso.Rinig na rinig ko ang bawat hikbi nya na mas lalong nagpapalambot sa puso kong matigas.Gusto ko syang lapitan upang yakapin kaso hindi ko magawa.Naiintindihan ko sya.Alam ko yung sakit ng mawalan pero bakit ganito may parte sakin ang natutuwa sa mga nangyayari.
"Kahit lang ba pangtanggap lang Sir hindi mo kayang ibigay?Kaya kong tiisin lahat ng pagpapahirap mo sakin.Kahit bastusin mo ako,kahit bugbugin mo ako,at kahit gutumin mo ako okay lang,wag lang ako mawalan ng trabaho.Kasi kung sayo laro lang ang tingin mo sa trabaho,sakin hindi.Halos yun ang bumubuhay samin.Bakit ka ba ganyan sakin? Ano bang atraso ko sayo't nagagawa mo lahat sakin to?!"wika nya at habol ang hininga.
"Kasi Sir kung tutuusin wala naman akong kinalaman sa pagkawala ng yaya nyo e.Ni hindi ko alam ang totoong nangyari sa kanya, kaya bakit kailangan ako ay madamay dyan sa pagluluksa mo?Hangad ko lang po na matulungan ang pamilya ko't makaahon sa kahirapan.Hindi yung ganito na kailangan ko pang magmakaawa maintindihan nyo lang po ako!"halos tumaas na ang boses nya kakapaliwanag nito.Narinig ko ang tuloy tuloy na paghikbi nya Hindi ko kinaya kaya naman napaupo ako sa sofa at yumuko.Ipinatong ko ang aking ulo sa dalawang kamay ko na nakasandal sa tuhod ko.
Batid kong nakatingin sya sakin.Kahit hindi ko sya tignan ay alam kong nakatingin nya.Masyadong mabigat ang pag uusap namin ito.Hindi ko akalain na mapupunta ang usapan na iyon sa ganito.Hindi ko talaga inakala na masasabi ko bigla ang totoong dahilan ko kung bakit ayoko sa kanya.
"Rhaiven.."rinig ko at tumingin kung saan nagmumula ang tingin na yun at bumungad sakin si Luis na akay-akay ang kapatid ko.Bakit nawala sa isip kong hinihintay ko pala ang kapatid ko.Halos lumalim na ang gabi at hindi ko manlang iyon napansin dahil sa nangyari samin ni Haila.Napatayo ako at napansin ko nalang na pinunasan ni Haila ang mukha dahil nababasa ito ng luha't ayaw ipakita kay Luis.Hindi ko nalang sya pinansin at lumapit sa kaibigan ko.
"What happened to her?"hindi ko na maiwasan ang mag alala ng makitang halos lantay gulay ang kapatid ko.Pinahiga muna ni Luis ang kapatid ko sa mahabang sofa at doon ko napansin si Alyssa na kapatid nya.Hindi rin mapakali sa lagay ng kapatid ko.Umalalay na din si Haila kay Rhaivee at naamoy ko ang alak sa gawi nito.
"Sinundo ko kasi tong kapatid ko sa bar at nakita ko yang si Rhaivee nakakandong sa lalaki.."paliwanag ni Luis na ikinagulat ko.Bar? Akala ko ba project ang ipinunta nya? Tsk! I cant believe this Rhaivee!
"Lalaki?"
"Yap Bro,kung hindi pa ako nagpakilala na kuya nya ako baka may ginawa na sya dyan sa kapatid mo.Buti nalang pumasok ako sa bar at kung hindi di na sya naligtas sa gagong yun."kita ko sa mata ni Luis ang  pag aalala.
"Paano nangyari yun? Ang paalam nya sakin may gagawin lang sila na project kasama yang kapatid mo?"nagtatakang tanong ko at dinuro Si Alyssa na nakakapit sa braso ng Kuya.
Nagkatinginan silang magkapatid at nagpalipat lipat ako ng tingin.Napansin ko nalang na sinenyasan ni Luis ang kapatid upang sya ang magpaliwanag sakin.Napabuntong hininga ito bago ako tuluyang sinagot.
"Kasi po Kuya nangalahati na kami nung dumating sya sa bahay.Maaga po kaming natapos then nagkayayaan po kaming pumunta sa bar.Ang sabi ko pa nga magpaalam sya sayo dahil sure akong mag aalala ka.Tapos sinabi nya pumayag ka daw na sumama sya kaya ayun sinama namin sya.Nung nasa bar kami maayos pa naman sya hanggang sa may nagyaya sa kanyang classmate namin na sumayaw.At ilang minuto ko sya hinanap kasi nawala sya sa paningin ko.Madami pa namang tao sa bar kanina kaya nahirapan ako..."nakangusong paliwanag ni Alyssa sakin.Ramdam na ramdam ko sa kanya ang kaba.Nanginginig din ang panga nito sa bawat pagbigkas nya ng mga salita.
"What the?"hindi ko na pa napigilan ang mainis.Nagsimula ng kumulo ang dugo ko sa aking nalaman.Kumuyom ang mga kamao ko at napansin nila iyon.Kaya naman linapitan ako ni Luis at hinawakan sa balikat.
"Mauna na kami bro,bukas na naten lutasan ang problemang ito.Gumagabi na kasi e may klase pa tayo ng maaga bukas.Chill ka lang ligtas naman na si Rhaivee huwag ka na mag alala..."pagpapakalma nya sakin dahil kilala nya ako.Kapag nagsimula na akong kumuyom ng kamao gulo na ang kasunod nun.Bahagya pang natakot ang kapatid nya sa kilos ko kaya naman niyakap nito ang sarili.
Hindi na pa ako hinintay ni Luis na makasagot.Nagpaalam na sila kay Haila at tuluyan na silang umalis.Naiintindihan ko sya,ayaw nya lang may magawa ako kay Rhaivee.Naiwan ako na hindi parin makapaniwala sa mga nangyari.Nagpaulit ulit sa sistema ko ang mga paliwanag ni Alyssa kaya naman sa inis at padabog kong inabot ang braso ni Rhaivee at pilit syang binabangon sa pagkakahiga.Kaagad naman na lumapit si Haila upang pigilan ako kaso nagmatigas ako.
"What do you think you're doing huh Rhaivee?"galit na tinig ko sa aking kapatid.Hindi ko na pa kayang pigilan ang gigil na nararamdaman ko.
"Sir tama na po nasasaktan po sya sa ginagawa nyo.."suway ni Haila sakin at pilit inaalis ang kamay ko na mahigpit na nakahawak sa braso nito.Napansin ko din na nagising ang diwa ng kapatid ko at rinig ko ang ungol nya dahil siguro sa sakit.
"Wag kang mangialam! Tumabi ka dyan baka sayo ko mabuntong tong galit ko!" Saka ko sya padabog na tinulak palayo sa gawi ko.Ayokong mapakealaman sa mga oras na ito.Kung sa ganitong sitwasyon,ayokong may pumipigil sa akin.Kung wala siyang makita na mali,pwes,sakin meron.Kapakanan ni Rhaivee ang iniitindi ko at wala na pang iba.
Binalik ko ang atensyon kay Rhaivee na noon ay nakamulat na ang mga mata nito.Lasing na lasing sya at umaalingasaw ang amoy.Maski sa mata nya ay mapapansin na nasobrahan nyang uminom.Hindi ito ang unang beses na nakita ko syang lasing pero kakaiba ang epekto nun sa akin ngayon.Para akong papatay sa galit ng makita ang isang marka sa may leeg nya.Sinigurado ko ito at tinignan ng mabuti.Pilit syang umiiwas pero mas lamang ang lakas ko.
"Is that a kissmark Rhaivee?!" Bulyaw ko habang nakaduro sa may bandang leeg nya.Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.Akala ko panaginip ito pero hindi.
Imbes na sagutin nya ako ay napansin kong kilig na kilig sya kaya lalo pa akong nainis.
"Sabihin mo nga sakin kung anong ginawa ng gagong yun sayo bukod dyan! Bakit ka nagkaroon ng kissmark ha? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"sunod sunod kong tanong na matalim parin ang tingin.Pero mukhang wala akong matatanggap na sagot dahil sa lagay nya.
"Hihihihi"pilyong tawa nito na para bang nababaliw.Hindi ko iyon nagustuhan kaya naigalaw ko ang aking panga sa galit."Ginawa nya sakin kuya?Isn't it obvious?..hihihi!Hindi ba dapat alam mo yun kasi  ginagawa mo sa mga babae mo yun.."pilyong sagot nya.
Nagtigis bagang ako sa sinagot nya.Ayun na naman si Haila pilit akong pinapakalma't inaalis ang mahigpit na pagkakahawak sa braso ng kapatid ko.Nagdilim bigla ang paningin ko sa sagot ni Rhaivee sakin.Hindi ko inaasahan na ganun ang isasagot nya.
"PAKKKKKKK!"
Hindi ko na pa napigilan ang sarili kong sampalin sya.Halos matabingi pa ang ulo nya sa lakas ng sampal ko.Gulat na gulat naman si Haila sa ginawa ko't napatakip sya ng bibig.Habol ko ang aking hininga pagkatapos ko iyong gawin.Ito ang unang beses na binagbuhatan ko sya ng kamay.Hindi ko inaasahan na magagawa ko iyon dahil sa galit.
Muli ko syang hinawakan sa magkabilang braso't pinipilit syang tumingin sa gawi ko.Nakita ko sa mukha nyang nagulat sya sa aking ginawa.Pero hindi ko manlang narinig ang kanyang paghikbi.Kilala nya ako paggalit pero ngayon mukhang naninibago sya sa mga kinikilos ko.
"You dont have the right to say infront of me! Look at yourself Rhaivee,gawain ba yan ng matinong babae huh?" Pagdidiin ko sa bawat salitang binitawan ko.Kung hindi lang sya nilalamon ng kalasingan malamang mahihiya sya sakin.
"Wait kuya" tinaas pa nito bahagya ang kanyang kamay ng maagaw nito ang kaliwang braso sa pagkakahawak ko."What do you expect pag ang isang tulad ko pumunta ng bar? Bawal ba akong mag enjoy?Huh? Makipagsayaw like that? Hugging someone and kissing some---"hindi na pa nya natapos ang sasabihin ng tinapik ko ang kamay nyang nakataas.Hindi ko gusto ang mga sinabi nya.Bago yun sa pandinig ko mula sa kanya at iritable ako dun.
Lumapit bigla si Haila sa gawi ko't pinipigilan ako sa pwede kong gawin.Pero hinablot ko ang braso kong hinawakan nya at tinignan ko sya ng masama.
"Pwede ba huwag kang makialam? Karapatan kong disiplinahin ang kapatid ko kaya kung pwede wag kang umepal? Kahit ngayon lang wag kang magmagaling..."sarkastiko kong wika at bumuntong hininga ito.
"Naiintindihan ko naman kayo Sir pero tama ba na sa ganitong sitwasyon nyo sya sermonan? Hindi ba pwedeng hintayin nyo nalang kinabukasan ng sa ganun ay matino na syang kausap at hindi ganito..."
"Bakit ano bang alam mo? Hindi pa ba tumatatak dyan sa kokote mo na YAYA ka lang dito.Kahit baliktarin mo ang mundo YAYA ka lang!"pang iinsulto ko't dinuduro pa sya sa mukha.Kita ko sa gulat sa kanyang mukha at hindi ko na pa iyon pinansin
Pabadog kong kinaladkad ang kapatid ko upang makausap sya ng masinsinan sa taas.Naistatwa naming iniwan si Haila at pilit iniintindi ang mga sinabi ko sa kanya.Mali na kung mali talagang mainit ang ulo ko ngayon at wala akong oras makipagtrashtalk sa kanya.
Nakita ko syang nakayuko at sigurado akong nasaktan sya.Pero sa ganitong sitwasyon,ayokong pinapangunahan.Pasensya nalang sa nasabi't nagawa ko.Maski ako hindi kilala ang sarili kapag galit.Kahit alam kong mali ako ay yun ang tingin kong tama.
"Lets go upstairs Rhaivee,we need to talk about this matter..."gigil na tugon ko at kinaladkad sya pahakbang sa hagdanan.
Pahirapan ang ginawa kong pag alalay sa kanya sa may hagdanan.Muntik pa syang mapasubsob at buti nalang nasalo ko ito.Ito ang unang beses na mangyari sa kanya ito kaya ganun nalang ang galit.Nagalit ako sa kadahilanang nagsinungaling sya.Hindi ko sya pinayagan na pumunta sya sa bar.Ang alam ko lang ay pupunta sya kay Alyssa.Pwede naman namin pag usapan ang bagay na ito lalo na't maayos naman akong kausap.Umiinom si Rhaivee,oo alam ko yun pero si Mommy hindi nito alam.She's young for the alcoholic drinks pero pasaway din sya gaya ko.Wala din nagagawa si Daddy sapagkat sanay syang pinapayagan nya kaming magkapatid sa lahat ng gusto namin.Hindi gaya ni Mommy na lahat ng kilos may limitasyon.
Ilang minuto ko lang sya nakausap at tuluyan na syang nawalan ng malay dahil sa kalasingan.Wala na pa akong nagawa kundi ayusin sya sa pagkakahiga.Sana lang mahiya to bukas sa mga pinaggagawa nya.Bihira lang sya malasing pero ito ang pinakagrabe sa lahat.Hindi ko talaga inaakala to.Nalaman ko rin ang pangalan  ng lalaking sinasabi ni Luis.Hindi ko mapapalagpas ito.Sinamantala nito ang kalasingan ng kapatid ko.Kilala ko si Rhaivee hindi sya basta basta gumagawa ng bagay na ikapapahamak nya.Humanda ang lalaking yun.Kailangan yun turuan ng leksyon sa tama man o sa maling paraan.
Pagkatapos kong asikasuhin si Rhaivee ay lumabas na ako upang matulog.Kaso habang pababa ako ng hagdanan ay pumasok sa isip ko si Haila.Pakshet!  Paniguradong umiiyak na yun sa mga narinig nya sakin.Pero kasalanan lang din naman nya yun.Ayoko sa lahat yung nagmamagaling para bang pinamukha nyang mali ang ginawa kong panenermon.Ang mas lalong gumulo sa isip ko ay ang aking dahilan.Hindi ko akalain na nasabi ko na din sa wakas ang mga yun.Matagal kong kinimkim yun hindi lang sya masaktan.Pinilit nya ako kaya kasalanan nya yun.Nagpakatotoo lang ako.Bahala na sa mga susunod na mangyayari.Handa akong harapin mga yun pero kailangan ko  itong maayos bago umuwi si Mommy.Hayts!

Comentário do Livro (146)

  • avatar
    Tissie Akut Aplaon

    ang ganda po. ready nako makapagpuyat ngayun. kaso nabitin. tulog nalang ako😪 peru hihintayin kopo ang book 2.

    13/01/2022

      1
  • avatar
    Mel Martinez Zerna

    i love the story

    1d

      0
  • avatar
    Jhazmine Tinaliga

    Ang Ganda sobra

    19d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes