~BEHIND OF HIS EMOTIONLESS EYESIGHT~ |ELLAH'S POV| "W-Why are you here?" Nauutal kong tanong. Hindi ko maiwasang hindi kabahan at nag-iinit narin ang magkabila kong pisngi dahil sa hiya. I never expected na siya ang bisita ko. At bakit siya nandito? Anong kailangan niya? "So this is your house?" Tanong n'ya at inilibot ang tingin sa kabuuan ng mansyon. Bahagya lang akong tumango sa kaniya. "Now I know how rich you are..." "So ano nga? Ba't ka nandito?" Naguguluhang tanong ko. Nakita kong ibinaling niya sa 'kin ang kanyang atensyon. "Bakit apo? Hindi ba siya welcome?" Napalingon ako sa bandang likuran ko nang marinig ko ang boses ni lolo. "H-Huh? Wala akong sinabing gano'n" "Tinawag ko siya para sabay kayong ma-ready sa paparating na quiz bee sa division..." Tumingin siya kay Markuz. "Are okay, hijo?" Nakita ko ang bahagyang pagtango ni Markuz at humakbang papalapit sa gawi ko. Tila hindi ako makagalaw dahil ilang dipa nalang ay magkakadikit na ang katawan namin sa isa't-isa. "Why are you look so pale?" Nakangisi niyang tanong ngunit pabulong ang pagkakarating nito sa akin. "Non of your business," pangagaya ko sa kaniya na minsa'y sinasagot niya sa 'kin sa tuwing may itatanong ako. Hindi na kami muling nagsalita pa. Umalis na si lolo at tutok lang kami sa binabasa naming libro. "Sabi mo hindi mo ako gustong makasama?" I ask. Napalingon sa sa direksyon ko. "Did I said that thing?" Tumango ako. "Ye'ah. Nakalimutan muna?" Hindi siya sumagot kaya wala akong ibang nagawa kundi tumahimik nalang. Malakas ang kabog ng puso ko at minsan ay naiilang rin ako kaya hindi ko gaanong maintindihan ang binabasa kong libro. Imbes na sa libro i-focus ang atensyon ko ay napako lang ito kay Markuz. Tahimik ito sa pagbabasa, nakasuot ng eyeglasses, naka-hoodie na kulay light-gray, bagsak ang buhok nito na tila hindi sinuklayan. B-Bakit ang gwapo niyang tignan? Para siyang isang litrato na nang-aakit na doon lang tumingin sa kaniya. "Stop amusing me," he casually said na nanatiling sa librong binabasa napako ang kanyang atensyon. "H-Huh?" Na-uutal kong tanong. Tahimik n'yang nilagay ang kaniyang binabasang libro sa mini-table at tumingin ng diretso sa akin. "Let me ask you. Am I handsome?" Hindi ko alam kung bakit niya tinanong ang bagay na 'yon. Marahan akong tumango at humalukipkip. Hindi ako kinikilig, hindi 'din ako na-iilang sa presensya niya. "Who's more handsome? The man who with you earlier or me?" Naguguluhan man sa tanong niya ay mabilis ko namang naintindihan. I think he's referring to Jazrel. Sino naman ang ibang lalaki na kausap ko sa araw na ito? Siya lang naman at si Jazrel. Ang pangit naman yata sa pandinig kung si lolo ang tinutukoy niya. Balik sa tanong niya. Sino ang mas gwapo? May itsura naman si Jazrel, maalagain ito, maraming taga-hanga, cute, at maganda rin ang pangangatawan. Siguro kung ako ang papipiliin ay doon ako kay Markuz. Hindi ko alam kung sino ang mas gwapo sa kanila... ayaw kong pumili. Pero malaki ang kutob ko na iba ang dating ni Markuz. "I don't know..." Tanging na isagot ko sa kanya. Nakita ko ang pagtango niya at ibinalik sa binabasang libro ang kanyang atensyon. Ilang sandali ay dumating si Estella dala-dala ang isang tray na may nakalagay na cookies, cake at juice. "Snack po muna ma'am" Tumango lang ako sa kanya at palihim na sinilip si Markuz. Nakita ko siyang tinignan ang pagkain at bumaling sa akin. Ka-agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa hiya. Nakita ko siyang napangiti sa peripheral vision ko. "Pwede ka nang kumain" I said. Alam kong 'yon ang gusto niyang iparating. Mabilis niya naman siyang kumuha ng tinidor at kumain ng cake. Sunod niyang kinuha ay cookies 'tsaka uminom ng juice. Hindi ko alam pero napangiti nalang ako sa kanya. He look so cute tonight and I don't know what to feel. Makalipas ang oras ay patuloy rin kami sa pagbabasa. Hindi namin namalayan ang takbo ng oras at doon pa namin namalayan ng inembeta kami ni lolo sa hapag-kainan para mag-dinner. Mabilis naman naming tinungo ang dining room para kumain. Naka-upo si lolo sa dulo at may dalawang upuan na bakante sa kabila. "Mag-dinner muna tayo" lolo said. Tanging pagngiti lang ang sinagot ni Markuz. Kaharap ko siya nang maka-upo ako ng tuluyan. "Tell me hijo, what is course you are grabbing right now?" Pag-uumpisa ni lolo sa usapan. "Engineering," tipid na sagot ni Markuz. Nagulat ako dahil doon. So, he want o be a engineer? Sa ka weirdo niyang 'yan? "Nice. How bout you Ellah?" Baling na tanong sa akin ni lolo. Humalukipkip ako. "Architecture," "Oh, what a nice course for you both. Pwede na kayong maging partner n'yan." Tawa-tawang ani Lolo. Natigilan ako doon at bahagyang natawa rin. Tulad noon, wala na namang reaksyon ang mukha ni Markuz. "Where do you live, hijo? Pwede ko bang malaman ang address mo?" Bahagyang yumuko si Markuz. "I live near on the University. We have small house on there. I have 2 siblings and my Mom has cancer. The reason why I want to be a engineer soon because I want to make the dreamhouse of my mom before she die." Aniya dahilan para magulat ako. Kakaiba na naman ang tingin niya. Tila may lungkot na nakatago doon. "Oh... Sorry for asking that," depensa ni lolo. "No, it's okay dean," Nagpatuloy na kami sa pagkain. Hindi naman tumigil si lolo sa pagtatanong kay Markuz. About sa acads nito at saang paaralan siya nag-aral ng junior high. Nang tatanungin ako ni lolo ay tipid na tango lang ang sinasagot ko. Hindi ko alam na sa likod ng ganong tingin ni Markuz ay may dahilan pala ang lahat. He need to focus on his study para makuha niya ang pinapangarap niya. Oo, aaminin ko na isa ako sa naging masama ang pag-welcome sa kanya pagpasok niya sa Brooklyn High University. Pero pinagsisihan ko ang lahat ng 'yon. His mom has a cancer. Hindi ko alam kung anong cancer ng mom niya at ilang stage na ito but I felt sorry for him. Pagkatapos ng dinner na 'yon at nagpa-alam na si Markuz na umuwi. Sinabihan naman ni lolo si Manong Escob na ihatid si Markuz sa bahay nila para safe siya na makauwi. Pagod akong umakyat sa kwarto at nagpahinga. Hindi ko namalayan ang pagkatulog ko dahil narin siguro sa pagod na nangyari sa araw na ito. Kinabukasan. Nagising ako dahil sa alarm clock ko. Bahagya akong tumayo at dumiretso sa banyo para maghilamos. Naglagay naman ako ng skincare para moisturized paring tignan ang balat ko. Pagkababa ko ay nandoon na si lolo sa mesa. Naka-upo at nagbabasa ng dyaryo. "So, anong natutunan mo kagabi?" Lolo ask ng makaupo ako. "Marami, especially about historical. Kung paano pinatay si-" natigilan ako ng sumensyas si lolo na huminto. "That's not what I mean. Ini-welcome mo si Markuz ng masama sa Brooklyn High. You make him issue na mahirap sila. Now, let me ask you... Do you know how Markuz sacrifice all of that?" Napayuko ako. "His mom has a cancer. Hindi natin alam kung anong araw siya mawawalan ng Ina but though, he still strong to face all of that. He promise to her mom na gagawin niya ang dreamhouse ng gusto ng nanay niya... Hindi nga natin alam kung engineering ba ang gustong kurso ng batang 'yon o pinili niya lang dahil gusto niyang gawin ang bagay na magpapasaya sa Ina niya." "S-Sorry," Naaawa ako sa sitwasyon ni Markuz. Lalo na ngayon na ipinagmuksa sa akin ni lolo kung gaano ako kasama. Kung gaano ako ka brutal sa araw na 'yon. I don't understand, minsan naiisip ko... Bakit ako naging ganito? "No. Sa kaniya mo sabihin 'yan" lolo said and then he continue reading. Wala akong ibang nagawa kundi sundin 'yon, tutal kasalanan ko naman. Pagkatapos naming mag-almusal ay pumasok na ako sa kwarto. Lolo tell me na pupunta ngayon si Markuz to continuing study para sa nalalapit na quiz bee. Sinabi rin niya na aalis siya kaya kami na ang bahala sa isa't-isa. Nagdaan ang ilang oras ay kumatok si Estella sa pinto. Mabilis naman akong tumakbo papunta doon at binuksan. Hindi pa siya nakapagsalita ay mabilis na akong bumaba sa hagdan. Nakita ko doon si Markuz, nakahawak ito ng paperbag. Nakasuot ito ng T-shirt na kulay puti, naka-pants, at naka-sapatos na kulay itim. Nakita ko siyang tinignan ako habang pababa. There is amusement on his eyes. Nakangisi rin ito sa akin na para bang nang-aasar. Iba ang pinapahiwatig ng tingin niya. At heto naman ako, namumula. He's adorable, cute, and handsome. Walang pinagkakaiba sa ibang lakaki na nakikita ko sa labas. Pero isa lang ang bukod-tanging na iiba sa kanya... At 'yon ay kung paano siya tumingin sa akin. ~~~~~~~~~~
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 32 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (42)
Charlon Listana Barcelon
your story is beautiful so that's how I ended your story and it's not boring to read.
your story is beautiful so that's how I ended your story and it's not boring to read.
28/12/2021
1so sad
24/08/2024
0ang ganda basahin
17/04/2024
0Ver Todos