logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter Three

THIRD PERSON
"Saan na ba 'yon?" iritang wika ni Solana sa sarili habang kinakalkal ang loob ng bag.
'Baka nahulog ko? Tss, bonak, Solana.' saad niya sa isip.
"Ito ba ang hinahanap mo, Miss Solana?"
Napaangat agad ang tingin ng babae sa harapan niya nang may pamilyar na boses ang narinig niyang nagsalita.
"Ah...Oo."
Iniabot naman agad sa kaniya ang susi ng motor niya, ng lalaki na nagngangalang Timothy.
"Timothy Ramirez nga pala, handsome for short. Ikaw?" nakangiting ani ng binata.
Tumawa naman ang dalaga. "Salamat. Pauwi ka na rin ba? Sige, ingat." sa halip na sagutin niya ang tanong ni Timothy ay tinalikuran niya na lang ito pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon.
'For sure ay kilala na n'ya ako dahil ilang beses ba naman ako tumayo sa harapan at nagpakilala dahil iyon naman talaga ang ginagawa tuwing unang pasukan, nagpapakilala.' sambit ni Solana sa isip.
"Uh tek-" may plano pa sanang pigilan ni Timothy si Solana ngunit sadyang mabilis kumilos ang dalaga kaya't hindi niya naabutan ito dahil mabilis na kumaripas ng takbo ang motorsiklong sinasakyan ng dalaga na animo'y hindi na makapaghihintay ang pupuntahan nito.
'Ampt, sayang!' naituran na lang ng binata sa isip.
Halos tumaob ang motor ni Solana dahil sa biglaang pagpreno nang mamataan niyang may tatawid na batang lalaki. "ANO BA?!"
Hindi na niya hinintay pa ang tugon ng bata, sa gilid na s'ya dumaan dahil mukha walang balak gumalaw ang bata.
'Natrauma yata, tsk, tsk.' turan ni Solana sa sarili matapos lampasan ang bata.
"Magkano ang isang pares n'yan?"
Nagulat ng bahagya ang tindera ng bibingka nang may biglang tumigil na motor sa harapan niya. "Limang piso ho, ma'am." magalang na tugon ng tindera habang nakangiti.
"Pabili, sampong piraso. Pakiplastik na lang."
"Ito ho," sabay abot ng tindera kay Solana ng medyo maliit na supot. "Maraming salamat."
"Magandang hapon, hija." salubong ng matanda kay Solana.
"Gabi na, manang."
"Hahaha, gabi na pala. Pasensya na Adi, hija."
"Ayos lang ho. Nasaan nga pala sina Allyson?" tanong ni Solana sa matanda at luminga-linga pa sa paligid ng sala.
"Nasa opisina, hija."
"Sige, salamat. Mauna na muna ho ako sa inyo." Saad ni Solana at nilampasan na ang matanda.
"Allyson." Sambit ng dalaga sa pangalan ng babae.
"Solana? Akala ko ba ay hindi ka rito uuwi ngayong gabi?"
"Ah. Dumaan lang ako. Tara kain, may binili akong pagkain." Saad ni solana at kumuha ng plato, mangkok, at tinidor sa kabinet.
"Hey, what's-"
Napatigil sa paghahanda ng pagkain si Solana nang may pamilyar na boses na narinig mula sa pinto ng opisina ni Allyson.
"Solana? Oh, hi princess. Good evening." Gulat na wika ng lalaki na nagngangalang, Giovann Lincoln.
"Sap?" patanong na tugon ng dalaga sa lalaki. "Tara, kain papsi. Bumili ako ng bibingka."
"Solana? Ano'ng uri ng pagkain i-ito?"
Napakunot naman ang noo ng dalaga sa itinanong ng kan'yang ama.
"Ah, bibingka 'yan papsi." Kibit-balikat na sagot ni Solana sa ama.
"I-I mean...ano'ng uri ng pagkain ito, Solana."
"Bibingka nga, papsi."
"I don't know what bibingka is, Solana." Napapahiyang saad ng ama, napahagikhik naman ng mahina si Allyson habang nakikinig parin sa usapan ng mag-ama.
'Ano ba'ng ingles ng bibigka? Tss. Nakalimutan ko na, e!' sigaw sa isip ni Solana.
"Basta pagkain 'yan, papsi. Papahirapan mo pa ako mag-isip kung ano'ng ingles ng bibingka, e!"
"Hahaha!" halos malaglag sa upuan si Allyson sa kakatawa dahil sa tinugon ng dalaga sa ama.
"Where did you buy this bibingka pala, Adi?" tanong ni Allyson kay Solana habang silang tatlo ay nakain pa rin sa hapag.
"Ah...doon sa kanto ng village, 'yung naglalako?" nag-aalinlangan pang saad ni Solana.
"What?!" napatayo si Giovann sa sinagot ng anak.
"Ano ka ba naman, Gio?!" sigaw ni Allyson sa asawa. Hindi niya namalayang napatayo na rin s'ya sa gulat dahil sa sigaw ng lalaki.
"Pftt..." pagpipigil ng tawa ni Solana.
"Oa n'yo, ah? Parang 'di kayo sarap na sarap sa bibigka?" Nakangiwi pang dagdag ng dalaga.
"Isn't it dirty?" nakangiwing tanong ni Gio sa anak.
"Ah, hindi syempre! Ipapakain ko ba sa inyo 'yan kung madumi?" nakakunot-noong sagot ni Solana sa ama. "Okay..." tatango-tangong saad ni Gio.
Nang matapos nilang kainin ang dalang bibingka ni Solana ay nagpasya na ang dalagang umuwi, hindi yata nila napansin ang oras dahil sa pagkukuwentuhan kung anong ganap sa araw ng bawat isa, pasado alas syete y media na ng gabi.
"Allyson, papsi, mauna na 'ko. Baka gabihin ako lalo sa pagmamaneho kung hindi pa ako aalis ngayon." pagpapaalam ng dalaga kayna Allyson at Giovann.
Tumango naman parehas ang mag-asawa bilang tugon sa pagpapaalam ng anak. "Mag-ingat ka. Dito ka na ba uuwi ulit bukas ng gabi?" tanong ng ama kay Solana.
"Ah, hindi, eh. Plano ko kasing tumira muna doon, dahil mas malapit ang apartment ko kaysa dito sa pinapasukan kong paaralan. Wala ring kasama si Nathasia." tugon ng dalaga.
"Naiintindihan ko. Mag-ingat ka na lang at kung may problema man ay tawagan mo agad ako."
"Kaya ko naman ang sarili ko, papsi."
"Hindi sinabi ng ama mo na hindi mo kaya ang sarili mo, Solana. Sige na, mag-ingat ka sa pagmamaneho." sabat ni Allyson sa usapan ng mag-ama.
"Sinasabi ko lang naman na kaya ko ang sarili ko, Allyson!" nakangusong wika ni Solana. Natawa naman ang ina sa inasal ng anak.
'Kakaiba talaga, napakabilis magbago ng mood ng batang ito.' Iling-iling na saad ni Allyson sa isip.
"Sige, alis na ako. Bye!" saad ni Solana sa mag-asawa at agad sumampa sa mamahaling motor t'yaka pinatakbo ng mabilis.
Napailing na lang ang mag-asawa dahil sa inasal ng anak bago umalis.
SOLANA
"Jump in the Cadillac, girl, let's put some miles on it
Anything you want, just to put a smile on it
You deserve it baby, you deserve it all
And I'm gonna give it to you-"
"Sap?" sagot ko sa tawag habang inaayos ang tamang pagkakalagay ng wireless earbuds sa tainga ko.
"Sol? Nasaan ka?" saad ni Nathasia sa kabilang linya.
"Bakit?" balik na tanong ko sa kaniya.
"I-" napakunot ang noo ko nang biglang maputol ang linya.
Ah, baka naubusan ng load?
Awtomatikong naipreno ko ang motor ko nang biglang may itim na van ang tumigil sa dadaanan ko. Kung hindi yata ako naging alerto baka nabangga na ako, tss.
Nagtatakang pinagmasdan ko ang mga naka-itim na lalaking bumababa galing sa van at nagsisimulang palibutan ako.
"Anong kailangan n'yo?" nakakunot-noo kong tanong habang pinapasadahan ng tingin isa-isa ang mga lalaking nakapalibot sa'kin. Mahigit siyam pala sila,wew.
"Ikaw...ikaw ang kailangan namin, Madison." seryosong tugon ng malapit sa gawi kong lalaki.
Tatawa-tawa akong bumaba sa motor t'yaka tumayo sa gilid nito.
"Sino ang nag-utos sa inyong abangan ako?" parang tambay kong tanong sa tauhan.
Naghalakhakan naman ang mga kasamahang tauhan nito. "Ano kami tanga? Hahaha! Bakit namin sa'yo sasabihin kung sino ang nag-utos sa'min? Stupida."
"Oo, tanga kayo. Sabihin n'yo sa'kin kung magkano ang sweldo sa inyo ng boss niyo, titriplehin ko." nakangiti kong tugon.
Mas lalong humalakhak ang mga kasamahang tauhan nito. "Pasensya ka na, Madison. Pero hindi mo kami masisilaw sa malaking halagang salapi. Baka loyal 'to boy? LOYAL!"
"Manahimik ka. Hindi ko hinihingi ang walang kwentang opinyon mo."
"Ano pang hinihintay n'yo? Sugurin n'yo na mga inutil!" baling niya sa mga kasamahan niya.
Agad namang sumugod ang apat na kasamahan nito sa gawi ko. Napahigpit ang hawak ko sa manibela ng motor.
Napatigil sa pagsugod ang apat na lalaki sa'kin nang bigla kong hugutin ang baril sa beywang ko. "Sige, lapit."
Nagtawanan naman ang mga ito na para'ng baliw. "Hahaha! Sa tingin mo ba ay matatakot kami sa baril, Madison?"
"Hindi."
"Hindi naman pala, e! Ba't mo pa nilabas 'yan? Stupida talaga! Naturingang isang Linco-"
"Manahimik ka."
"Dapat ay nagpapasalamat kayo na may inilabas pa akong armas, dahil kung hindi...mapipilitan akong gamitin ang kamao ko sa inyo. At baka ay magsisisi kayo dahil doon." Nakangisi kong dagdag.
"Huwag kang hambog, babae! Napapalibutan ka na namin!"
"Ang ingay mo bob-" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin nang may malakas na humampas ng kahoy sa likod ko kaya napadapa ang katawan ko sa lupa.
Hirap kong itinukod ang kanan kong kamay sa lupa upang magbigay pwersa sa'kin paupo.
"Boss, ang tibay! Gising pa!" gatong ng lalaki. Amp? So boss nila yung humampas sa'kin? Ang hina naman non, ba't gising pa 'ko?
Bobo din itong lintek na lalaking gumatong sa boss 'daw' nila, ah?! Sa tingin ba nila ay makakatulog agad ako sa simpleng hampas sa likod? Dapat sa batok nila ako hinampas! Bobo din 'to, e!-Teka nga?! Bakit ko ba sila tinutulungan? Mali! Sinasabi ko lang naman, e!
Gulo mo Solana, ha?
Halos humiwalay ang anit ko dahil sa pagkakasabunot ng isang lalaking nakasuot ng puting barong, ito yata 'yong boss 'daw' nila.
Saan ba galing ang boss ng mga 'to? Galing yata 'to sa sementeryo, e?
Mukha kasing bangkay na bumangon sa hukay.
"Papatulugin muna kita, Madison. Mamaya ka na lang umeksena kapag nakarating na tayo sa pupuntahan. Sleepwell, lady." Rinig kong bulong ng boss nila bago ako takpan sa ilong ng panyo.

Comentário do Livro (21)

  • avatar
    Ses Reason

    nice

    12/07

      0
  • avatar
    Ky L

    maganda

    18/06

      0
  • avatar
    Ashley Nicole Domasig

    Ang ganda ng story nakakagana sya basahin

    01/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes