logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 7

AN: Salamat po sa mga nag-aabang nito sanay huwag kayong magsawa. love you all guys!
----------
"Bakit ba kahit saan ako magpunta nakikita kita?" Seryoso na tanong ko habang nakatingin sa kanya na parang naiilang na tingnan ako. Dahil hangga dito sa coffee shop ni Gerson 'ay makikita ko siya.
"Sa-Saan ba ang c.r dito?"
Napatingin lang ako sa kanya pagtayo niya at sumenyas si Gerson kung saan banda. Agad na tumayo ito, naiwan kaming dalawa.
"Is it called, Tadhana?"
Napatingin ako kay Gerson na nakangiti ng nakakaloko.
"Well, sa tingin ko naman hindi dahil may Trixie ka na." Sambit pa niya na natatawa.
"Bakit kaya hindi mo na lang ako ikuha ng maiinom ko rin?" Sabi ko dahil hindi ko gusto ang maloko niyang ngiti.
"Yeah, sure. Ikaw pa ba?" Halaklak na sagot nito at tinawag ang isa sa mga stuff dito.
Napailing na lang ako at sinandal ang likod ko.
"Nasaan pala si, Trixie?" Tanong nito.
"Hindi ko rin alam kung nasaan siya after class hindi ko na siya nakita." Sagot ko lang.
"Baka kasama nila Janine at Diana. Bakit ka nga pala nandito?" Curious na tanong nito.
"Wala naman." Sagot ko lang at napatingin muli sa pagbalik nitong si Jenny.
"So, what now? Gusto mo na bang magsimula ngayon?" Tanong ni Gerson dito.
Nakatingin lang ako sa kanya na hindi makatingin sa amin ng diretso.
"Ha? O-Oo, sige. Salamat rin pala hindi ko akalain na ito pala ang sinasabi mo." Nakangiting sagot nito.
"Bakit kailangan mo magtrabaho dito?" Seryoso na tanong ko na kinatahimik nilang dalawa. "Ok, aalis na ako." Sagot ko na lang dahil parang walang kuwenta ang tanong ko sa kanya.
"Sigurado ka ba? Paano 'yung kape mo?"
Sumenyas lang ako na aalis na ako, tuloy-tuloy na akong lumabas at sumakay agad sa kotse. Saglit na natigilan ako at muling nilingon sa loob, nakita ko na may sinasabi si Gerson sa kanya at panay lang ang tango nito.
Bakit parang ayokong umalis? Ano ba itong nararamdaman ko.
Binuhay ko na ang makina at umalis na ako, siguro uuwi na lang ako diretso wala akong ganang magpunta kung saan. Tahimik na nagmamaneho na ako pauwi ng bahay, sa totoo lang gusto ko ng magbili ng unit dito malapit sa University dahil nakakatamad magbiyahe araw-araw.
Pagdating ko ay agad kong nakita sa malawak na living room namin si Lola Emelina ko. May binabasa ito sa diyaryo at ng makita ako ay nilapag nito sa lamesa ang hawak niya.
"Gabriel, ang agad mo atang umuwi ngayon?" Nakangiting bati nito at humalik sa pisngi ko.
"Wala naman akong ibang pupuntahan ngayon." Sagot ko at naupo sa tabi niya.
"Ganon, kamusta na kayo ni Trixie ok na ba kayo?"
"Yes, ok na kami." Sagot ko.
"Mabuti naman kung ganon, natural lang naman minsan ang hindi pagkakaunawaan basta huwag lang palalakihin." Wika nito.
Hindi na ako nagsalita pero naalala ko 'yung nasa isip ko kanina ito na siguro ang time para sabihin na gusto kong magkaroon ng sariling unit malapit sa school.
"May sasabihin sana ako." Simulang sabi ko at nilingon niya ako.
"What is it?" Nakangiting tanong niya humarap sa akin.
"Gusto kong magkaroon ng isang condo unit malapit sa University, para maiwasan ko rin ang malate lagi." Wika ko at saglit na natahimik siya.
"Yon ba, nasabi mo na pala sa akin last time. Ok, well. I give you, but you promise na hindi ka gagawa ng kung ano mang kalokohan. Kilala mo ang lola mo, Gabriel." Seryosong sabi nito.
"Yes i know, anyway thanks. Alam ko naman na hindi mo ako mahihindian." Nakangiting sabi ko.
"Para sa nag-iisang apo ko walang hindi ako gagawin, sige na kumain ka na bago ka umakyat sa kuwarto mo. May niluto ako at alam kong magugustuhan mo." Nakangiting sabi nito.
Masayang tumayo ako dahil sa wakas magkakaroon na rin ako ng condo unit. Nakakatamad kasi gumising ng maaga, masiglang nagpunta ako sa dining para kumain.
---------
Habang naglalakad ako dito sa malawak na quadrangle sa loob ng campus 'ay narinig ko na tumunog ang intercom. Mukhang may announcement na sasabihin.
"Good day to everyone, we have a masquerade party this second week. So, be ready and prepared this day. For more info, just ask to your Prof about this. Thank you."
Marami akong narinig na bulungan at mukhang excited na sila sa magaganap na party. Balewalang naglakad lang ako at dire-diretso papunta sa elevator. Magsasara na sana ito ng mamataan ko si Jenny na hahabol pa na pumasok dito pero ng makita ako hindi na tumuloy hanggang sa magsara na ito.
Hindi ko alam pero pinindot ko ang button para magbukas ulit ito, gulat na gulat ang mukha niya ng makita na bumukas ulit.
"The time is running." Wika ko lang at dinukot ko ang phone ko sa bulsa upang iwasan siyang tingnan. Dahan-dahan naman siyang pumasok sa loob.
"Pasensya na." Wika nito.
Hindi ako sumagot at nakiramdam lang ako sa kanya, palihim na tingnan ko siya at pinagmasdan. Medyo magulo pa ang buhok niya kahit nakatali mukhang nakalimutan pa niyang magsuklay.
Bumukas na ang pinto at nauna na akong lumabas, ramdam ko sa likod na nakasunod lang siya. Binilisan ko na bawat hakbang ko, pagdating ko sa pinto nabungaran ko agad ang Prof namin na si, Ms. Pilar.
"Ow, your here. Mr. Alarcon, ang aga mo ata ngayon?" Nakangising bati nito sa akin.
Hindi ko siya pinansin tuloy-tuloy na pumasok ako sa loob at nagpunta sa upuan ko. Pagkaupo ko saktong pasok naman ni, Jenny.
"Ms. Alipio, maaga ka rin." Bati rin nito kay, Jenny.
"Good morning prof." Nakayukong sabi nito at naglakad na papunta dito sa gitna.
"Oh my gosh, magkasunod lang sila ni Gabriel? Ibig sabihin posibleng magkasabay sila?"
Narinig ko ang boses ni Diana na katabi lang si Trixie, dito ko lang naalala na kasama ko nga pala dito si Trixie. Napayuko ako at napapikit dahil baka 'yon rin ang nasa isip ni, Trixie ngayon.
----------
"Wala ka bang pera diyan? Kailangan ko ng pera kahit magkano, wala akong panggastos."
"Ano? Kabibigay lang sa'yo ni Carmela ng pera tatlong araw pa lang ang lumipas wala na agad?"
Napatingin lang ako kay Jocelyn na kaibigan ko.
"Meron pa ako dito, pero ito na lang talaga." Inabot ko sa kanya ang isang libong piso na buo.
"Salamat at isa pa nasayang ang araw ko ngayon dahil sa walang kuwentang lakad na 'to."
"Para to sa anak mo, paano mo nasasabi na walang kuwenta ang lakad na 'to? Wala ka ba talagang malasakit man lang sa kanya?" Seryosong sabi ko dahil hindi ko lubos maisip na masasabi niya ito sa kanyang anak.
"Ikaw naman na nagsabi na ikaw na ang ina na niya at isa pa, naanakan lang ako at hindi ko ginusto na mag-anak talaga. Kaya 'yang si Jenny at kayo 'ay dapat magpasalamat dahil niluwal ko pa siya dito sa mundo."
"Aba't! Napakawalang puso mo pa lang ina ka! Ang sarap mo--"
"Jocelyn, tama na 'yan." Kalmadong awat ko sa kanya dahil ako rin nagtitimpi lang.
"Hay nako, makaalis na nga at baka masira pa ang beuty ko sa inyo." Wika nitong si Maricel ang totoong ina ni Jenny.
Napabuntong hininga ako at napatingala na lang dahil ako ang nasasaktan para kay Jenny dahil sa mga sinasabi ng tunay niyang ina.
"Alam mo dapat hindi mo ako pinigilan, ang kapal ng mukha ng babae na 'yon. Piniperahan ka na nga eh walang kuwentang ina pa!" Gigil na wika ni, Jocelyn.
"Huwag kang masiyadong maingay baka mamaya may makarinig sa atin." Sita ko sa kanya dahil nandito pa kami sa labas ng building ng Fontanilla Corpartion, kung saan ay kailangan kong dalhin ang tunay na ina ni Jenny dahil sa scholar ship, dahil sila pa rin ang magulang ang nakaregister sa birth certipicate ni Jenny.
Hindi ko rin puwede i-adopt si Jenny dahil wala raw akong asawa o masasabing pamilya talaga kaya hindi ko maaaring i-adopt si Jenny.
"Paano na lang kung marinig ito ni Jenny at malaman niya mula sa magulang niya? Sigurado akong masasaktan siya." Malungkot na sabi ni, Jocelyn.
"Kaya nga huwag kang maingay at mag-ingat ka lagi sa mag bibitawan mo na salita. Alam mo naman na hindi alam ni Jenny na simula ng mapunta siya sa atin na kinakausap at nakipagkasundo tayo sa nanay niya. Dahil na rin para sa kinabukasan niya." Paliwanag ko sa kanya at napatango siya sa akin.
"Nalulungkot lang talaga ako, bakit kailangang sila ang naging magulang ni, Jenny?" Naiiyak na wika nito.
"Wala tayong magagawa, pero ang importante nasa maayos siyang kalagayan at dahil 'yon sa atin." Wika ko at napatingin ako sa bumukas na gate dahil may papalabas na kotse.
Hinila ko ng marahan si Jocelyn dahil medyo nasa malapit siya sa daanan, kulay itim ang kotse. Wala akong balak na sinuhin pa ang nasa kotse pero dahil bukas ang bintana nito ay napatingin ako doon sa loob.
Napahawak ako sa dibdib ko ng mapagsino ito at ng akmang haharap ito sa amin ay bigla akong tumalikod dahil sa sobrang kabang naramdaman ko.
Gregory?
Nakita ko sa gilid ng mata ko ng lumagpas na sa amin ang kotse, dito humarap na ako at sinundan ng tingin ang papalayo na kotse.
"Bakit, Carmela?" Takang tanong nito sa akin.
"Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako, p-pero nakita ko siya." Nauutal at kinakapos ng hangin na wika ko.
"Sinong nakita mo? Hindi kita maintindahan." Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Si-Si, Gregory." Sagot ko at nanlalaki ang matang napatingin sa akin si, Jocelyn.
"Si, Gregory? Yung asawa mo? Yung ama ng anak mo?" Nanlalaki ang matang sabi nito.
Marahan na napatango ako sa kanya at tiningnan niya ako ng hindi makapaniwala.
"Sigurado ka ba? Pero paanong? Kung diyan siya galing sa loob? Hindi kaya... Pero hindi naman kasi hindi naman Fontanilla ang surname nila hindi ba? Ano nga ulit ang sur--"
"Alarcon, Gregory Alarcon." Sambit ko sa kanya.
"Tama, Alarcon. Pero bakit hindi mo siya nilapitan?"
"Para saan pa ba? Kahit pa magkita kaming muli o makaharap ko siya, wala ng dahilan para lapitan ko siya. Sa tingin mo ano ba ang dapat kung gawin o sabihin?" Malungkot na wika ko.
"Sabagay." Sagot lang nito.
Tahimik lang ako simula ng lisanin namin ang lugar dahil hanggang sa makauwi na kami ng bahay 'ay nasa isip ko pa rin si Gregory. Hindi ko inaasahan na makikita ko siyang muli matapos ang labing walong taon. Masasabi kong nagmatured na ang itsura niya, pero walang nagbago na magandang lalaki pa rin siya.
Sa loob ng mga taon na 'yon kahit paano 'ay naging maayos na ang takbo ng isipan ko. Nabawasan na kahit paano ang lungkot sa masakit na nakaraan. Pero ngayon ito muli kitang makikita?
Naiiyak na napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko nahihirapan akong huminga. No'ng makita ko ang mukha niya naroon pa rin alam ko ang pagmamahal ko sa kanya, hindi muli ako nag-asawa kahit pa may ilang mga nanliligaw sa akin dahil siya lang ang lalaki na mamahalin ko hanggang sa pagtanda ko.
Gregory, kung sakaling magkaharap tayong muli. Ano ang gagawin ko? Ang anak natin? Kamusta na siya? Nasaan na siya? Pero ang kinatatakot ko na makita kapag nagkaharap tayo 'ay yung galit na makikita ko sa mata mo.

Comentário do Livro (133)

  • avatar
    Farah Ruiz Dela Torre

    bilis po ng chapters nakakabitin huhuh

    04/07

      0
  • avatar
    GwapoAnoy

    ganda

    16/06

      0
  • avatar
    Obinque Buenaventura

    ganun lang?

    07/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes