logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Ikapitong Kabanata

Ilang mga araw pa ang lumipas ay mas nakilala ko pa ng maigi si Corazon, masayahin siyang babae at matalino.
Madalas masungit ngunit nasasabayan ko na lang iyon ng kalukuhan.
Mas marami pa nga yata ang oras na ako ang nakakasama ni Corazon kumpara kay kuya, dahil madalas nakasama ko lagi si Corazon sa pag-iinsayo ng kanta habang si kuya ay abala naman sa sport nito.
Hindi ko malaman kung bakit sa tuwing sinusubukan kong umiwas ay wala akong magawa dahil siya rin ang kusang lumalapit. Sinubukan kong ituon sa ibang bagay ang pansin upang mawala ang atensyon ko kay Corazon ngunit nabigo ako, dahil habang tumatagal mas lalo lamang akong nahuhulog rito, sa hindi ko rin maunawaang dahilan. Hindi lang basta nahuhulog dahil sa totoo lang may nararamdaman na ako sa kanya —minamahal ko na siya.
Kahit isang beses ay hindi ko pa naranasan ang kumain ng paruparo, ngunit sa tuwing nakikita ko ang matamis na ngiti nito ay para bang may isang libong paruparo ang nagkakarambula sa tiyan ko. Kakaibang pakiramdam na hihilingin kong 'wag nang matapos pa.
Normal nga lang sigurong magkagusto ang isang tulad ko, ito ang kauna-unahang naramdaman ko ito sa babaeng alam kong malabo naman ang mapasakin dahil pagmamay-ari na ng kapatid ko.
Siguro nga ay mabubuhay na lang talaga ako para kainggitan si kuya, minamahal siya ng mga magulang namin at siya rin ang minamahal ng taong gusto kong mapasa'kin.
"Gaano ba kalalim ang iniisip mo at hindi mo manlang ako pinapansin," pilit kong hindi ipinahalata ang gulat ko sa kanya ng bigla na lang itong lumapit sa akin.
"Ano 'yun may kailangan ka ba?" tanong ko rito saka siya naupo sa tabi kong bakanting silya.
"Gusto mo sumama sa gig mamaya, hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo nag-request kasi si Ms. Sam baka raw p'wede ka ulit kumanta kasi may ilang costumer ang bumalik at tinatanong kung kakanta ka ulit doon," saad ni Corazon. Napansin ko sa tinig nito na tila muli ako nitong hinihikayat na sumama sa kanila.
"Sige," agad na akong sumang-ayon rito.
"Sigurado ka?" pagtitiyak nito.
"Oo naman biyernes na ulit ngayon kaya p'wede ako magpagabi wala naman may pakialam kung gabihin ako ng uwi eh," pilit kong hindi ipinahalata ang lungkot ko ngunit nabigo ako.
"Pag si Brent kasama ko parang ang saya naman niya, pero bakit pag ikaw parang ang dami mong tinatago?" hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon, masyado ba akong halata? Kung sabagay tama siya marami nga naman akong tinatago kasama na ang nararamdaman ko sa kaniya.
"Gan'yan talaga pag mga g'wapo maraming sekreto," natatawang biro ko.
"Sa'n banda ang hangin mo ah," tinaasan lang ako nito ng kilay niya kasabay ng pagtayo nito mula sa kinauupuang iyon. "Sige kita na lang tayo sa labas ng gate mamaya after class dadaan pa ako sa office ni mama." Nagsimula na itong maglakad at saka tuluyang lumabas ng silid namin.
Nang tuluyang makalabas ito ay saka ako humugot ng isang malalim na buntong hininga, paano ko nga ba pipigilan ang nararamdaman ko kung paulit-ulit naman kaming pinaglalapit ng tadhana.
"Mahirap maging binata ano?" biglang paglapit ni Owen sa akin pero hindi na ako nag-aksaya ng oras upang tapunan siya ng tingin.
"Ang hirap maging binata kasi natututo na tayong makaramdam ng paghanga sa isang tao, ngunit ang taong iyon ay hindi na p'wede," dagdag pa nito.
Inis ko siyang nilingon. "Ano bang sinasabi mo?"
"Obvious namang gusto mo si Cora, okay lang kahit hindi ka umamin nararamdaman kita." Tinapik pa ako nito sa balikat kasabay ng nanunukso nitong titig.
"Mali ang pakiramdam mo," giit ko rito.
"You should find another girl, malabo ang pinapangarap mo Ben. Kapag may isang pangarap ka na gusto mong abutin ngunit alam mong hindi mo kaya find other way upang mahanap mo ang tama."
"Shut up, para namang ang dami mo namang alam haha." Natawa pa ako rito habang walang pinagbago ang sersoyo nitong mukha.
"Balang araw maiisip mo rin ang ibig kong sabihin," aniya pa.
Minuto pa ang lumipas at natapos ang oras ng klase namin, magkasabay na kaming lumabas ni Owen at hinintay na lang si Corazon kagaya ng napag-usapan namin na magkikitaan na lang sa labas ng school.
Mula sa labas ng gate ng paaralan natanaw ko nang papalabas na si Corazon at kasama nito si kuya, dala-dala ni kuya ang bag ni Corazon habang sabay silang naglalakad papalabas. Ngunit naagaw ng atensyon ko ang mga kamay nilang magkahawak, gaano kaya kasarap sa pakiramdam na makasabay siyang maglakad habang hawak ang kanyang kamay sana ako na lang si kuya upang ako sana ang gagawa noon para sa kanya.
"Kasama natin si Brent guys, 5th monthsary kasi namin ngayon kaso wala naman kaming oras para gumala kaya sasama na lang siya sa atin tutal wala naman siyang practice," masiglang sabi ni Corazon sa amin dalawa ni Owen.
Pilit na lamang akong napatango bilang pagsang-ayon sa kanya alam ko namang wala akong magagawa.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa sakayan ng jeep upang tunguhin ang pupuntahan, nauuna ang dalawa sa amin habang nasa likuran naman kaming dalawa ni Owen.
"5 months na pala sila, ano pang aasahan mo Ben?" pabulong na saad ni Owen na tanging ako lang ang nakarinig.
"5 months palang, maghihiwalay pa 'yan," pabulong na saad ko rin rito na para bang sigurado akong maghihiwalay din sila. Kahit masama na isiping mangyayari iyon ay inisip ko pa rin dahil iyon lang ang tanging pagasang nakikita ko.
Mabilis kaming nakasakay ng jeep at nakarating sa café na pupuntahan namin, ika-lawang beses kong bumalik dito ngunit pansin na mas marami ang tao ngayon marahil ay ito ang araw rin ng kanilang pahinga.
Nang makarating kami sa loob ay nakiusap sa akin si Ms. Sam na kumanta ulit ako at agad naman akong pumayag, gusto sana nito na mag-alok ng bayad ngunit mariin ko iyong tinanggihan dahil hindi ko naman kailangan ng pera.
Kumanta ako sa harapan ulit ng mga tao, habang karamihan sa mga naroon ay kumakain. Hindi na katulad noong una ang kabang nararamdaman ko ngayon, dahil magkaiba ang pakiramdam ng kaba sa sakit.
Ang sakit para sa akin na panoorin silang dalawa mismo sa harapan ko habang nag-uusap ng masaya, nakaupo sina Corazon at kuya sa isang mesa sa harap ng stage na iyon kaya naman sila ang centro ng atensyon ko. Umasa pa naman ako kanina na sana siya ulit ang sasabay sa akin sa pagkanta, bakit pa nga ba ako umasa dahil ngayon ako lang naman ang nasasaktan.
Pilit iniiwas ko ang paningin sa kanilang dalawa ngunit sadyang hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan ang masayang ngiti na iyon ni Corazon sa labi niya, kahit pa ang ngiting iyon ay hindi para sa akin.
Mabilis na iniwas ko ang tingin ko nang makitang lilingon sa'kin si Corazon, pilit kong hindi pinapahalata ang sakit na nararamdaman ko upang maitawid ko lang ang kinakanta ko at magawa ng maayos.
Saglit pa ang lumipas ay tuluyan ko na ngang natapos iyong kinakanta ko kasabay ng palakpakan ng lahat ng mga nanonood maliban kay kuya na hindi manlang naalis ang pagkakapatong ng dalawang siko sa mesa upang kahit saglit ay pumalakpak para sa akin, o baka naman hindi lang talaga siya marunong kung paano pumalaklak dahil sanay ito na siya lang ang pinapalakpakan, kung sabagay ano nga naman kasing galing ang ipapakita ko sa kanya balewala naman iyon bakit pa nga ba ako paulit-ulit na umaasa.
Sunod na tumayo si Corazon sa kinauupuan nito at naglakad papalapit sa akin sa harap ng stage na iyon.
Base sa inasta nito siya ang susunod na kakanta, nang hingin nito sa akin ang hawak kong mikropono.
Nginitian ko pa muna ito bago ko inabot sa kanya ang mic at bumaba ako ng stage, ako ang pumalit sa p'westo niya kanina kung saan nasa harap ng stage ang mesa at kung saan rin naroon si kuya.
"This song is for you Love, happy 5th monthsary and I'm hoping to spend more monthsary and anniversary with you." nakangiting saad ni Corazon kay kuya habang naririnig pa iyon ng lahat dahil sa mismong mic ito nagsalita.
May ilan pang mga kumento akong narinig mula sa ilan na medyo malapit sa akin,
"Ang babata pa nila, bakit pakikipagrelasyon agad ang inuuna nako naman."
"Sana lang makapagtapos ang mga batang iyan ng pag-aaral."
"Mga highschool students lang yata ang mga iyan, kung kumaringking naman itong si ining."
Ilan sa mga kumentong narinig ko mula sa isang mesa ng mga may edad nang mga ginang na kumakain sa lugar na iyon. Para bang sa mga sinasabi nila ay isang maling gawain ang pakikipagrelasyon at nasasabi nila iyon na parang hindi sila dumaan sa pagdadalaga noong araw.
Saglit ko silang nilingon, at hindi ko inaasahang nasa akin ang paningin ng tatlo sa limang ginang na naroon sa isang table.
Napapahiyang umiwas na lamang ako ng tingin sa mga ito at ituon na lang sa unahan ang atensyon kung saan nagsisimula nang kumanta si Corazon.
Noong gabing iyon ako ang nasaktan sa mga narinig ko, ako ang nasaktan kahit hindi naman ako ang pinag-uusapan. Nasasaktan akong marinig sa ibang tao ang masasakit na salita para sa babaeng gusto ko.

Comentário do Livro (29)

  • avatar
    Bel Ly

    good interesting

    18/08

      0
  • avatar
    hm Shi

    okhhhggg

    24/07

      0
  • avatar
    Rones Erich Dawn

    full of loving story it's more memorable that u can't fade in your memory

    20/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes