logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 9 : The Fear

KIARA'S P.O.V
"Bitiwan mo ko !!" Pilit akong nagpupumiglas sa lalakeng humihila sakin pero lalo nyang hinihigpitan ang hawak nya sa braso ko. "Sino ka ba ?!" Iritado kong giit sakanya habang mabilis kameng nag lalakad papunta sa masikip na eskinita.
"Wag kang maingay , maririnig ka nila .." Mahinahon nyang sambit habang nakatalikod sya sakin, at lalo pa nyang hinihigpitan ang pagkaka hawak nya sa braso ko para hindi ako makawala.
Huminto ako sa pag pupumiglas nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa kanya kaya wala na kong nagawa kundi magpa dala na lang. Napa buntong hininga na lang rin ako nang mapag tanto ko kung sino sya ? I can't be wrong, because that is the voice of the man I talked to in the cemetery when I visited the grave of Mama and Papa.
"Denver ?" Naguguluhan kong tanong nang makapasok na kame sa eskinita dahil hindi ko rin maintindihan kung baket sya nandirito ? Hindi kaya may kinalaman sya sa mga taong humahabol sakin kanina pa ? kaya dali dali syang humarap sakin at bumitiw na rin sya agad sa pagkaka hawak nya sa braso ko.
"Nasaan mga kaibigan mo ? Baket nag iisa ka lang ?" Kunot-noong tanong nya sakin habang humahangos pa rin sya kaya napa sandal na lang sya sa pader na nasa harapan ko ngayon. Damang dama ko ang mga mabibigat na paghingang pinapakawalan ni Denver ngayon kaya hindi ko maikakailang binabalutan ng matinding intensity ang presensya nya.
"Nag reready sila para sa pasukan , first day of class na namin bukas eh." Tugon ko naman sakanya habang naka ngiwi. "Anyway , sino pala yung mga humahabol sakin kanina ? Ano yung mga pakay nila sakin ?" Sunod sunod kong tanong dahil naguguluhan pa rin ako sa mga nang yayari.
"Hindi ko alam kung baket ? pero sa susunod wag kana magpa dalos dalos." Paalala nya sakin gamit ang malumanay nyang boses kaya tinanguan ko na lang sya kahit nalilito pa rin ako. --- Dali dali naman kaming nag sumiksik sa gilid ng eskinita nang may marinig kameng mga yapak , kaya bigla na lang rumagasa ang dibdib ko dahil sa nerbyos habang tumatagaktak pa rin ang pawis ko sa noo.
Unti unting binalutan nang matinding tension ang kinaroroonan namin , at ni hindi man lang kame maka kilos dito dahil sa takot na baka matunton kame ng mga taong humahabol sakin kanina pa kaya pilit kong pinapakalma ang sarili ko para hindi nila kame matunugan. It was too dark where we were standing kaya hindi nila kame matanaw sa pinag tataguan namin. Napa takip na lang ako sa bibig ko nang makita ko yung balisong sa kamay ng isang taong napadaan sa dulo ng eskinita , at nagpapa lingap lingap pa sya sa kinatatayuan nya.
Hindi ko pa rin sya mamukhaan , dahil binabalutan pa rin ng itim na face mask ang mukha nya , kaya iritado kong napasinghap. Lechugas !! Sino ba sya ? Sino ba sila ? Baket nila ko hinahabol ?!! May kailangan ba sila sakin ? May atraso ba ko sa kanila ? Bullshit !! Kahit kailan never pa ko nagkaron ng kaaway kaya ano naman kaya yung mga binabalak ng mga taong yun sa kagaya ko ?
I breathed a sigh of relief when we felt them leave the alley where we were hiding , kaya marahan kameng nag lakad papalabas sa eskinita , para maka siguro kameng wala nang nakaambang panganib sa lugar na to. Para akong nabunutan ng tinik nang bigla na lang nawala na parang bula yung dalawang misteryosong tao kaya napa pikit na lang ako ng panandalian habang nilalanghap ko ang sariwang hangin sa lugar na to , Lechugas !! Akala ko katapusan ko na. Salamat Lord !!
"Mas mabuti na sigurong , hatid na lang kita sa inyo." Paanyaya nya sakin habang nakatulala sya sa ibang direksyon kaya napa kunot na lang ang noo ko at tinitigan ko sya. Napangiti na lang ako ng pilit dahil mas mabuti nang may kasama ko at baka makasalubong ko na naman ang mga taong naka face mask kanina.
"Ikaw bahala. Kinakabahan na rin ako ehh ... Mas mabuti na siguro yon para makasiguro kong hindi na nila ko nasundan." Nanlulumong sagot ko sakanya dahil damang dama ko pa rin ang panginginig ng mga tuhod ko kaya napa ngiti na lang sya sakin at naglakad na kami paalis sa lugar na to.
******
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kame sa tapat ng bahay na inuupahan namin ngayon dito sa Eminence Village , kaya para bang nakaramdam na ko ng kaginhawaan at napa buntong hininga na lang ako sa hangin.
Sumakay na rin kame sa taxi kanina papunta dito , para makalayo kame agad sa lugar na yon, dahil damang dama ko pa rin ang panginginig ng buong kalamnan ko dahil sa pangyayari kanina kaya hindi ako makapaglakad ng maayos at tila nagpapasirko sirko pa ang mga mata ko dahil sa pagod.
"Kiara. Wag mo muna ipaalam kahit kanino yung nangyari sayo." Paalala sakin ni Denver at napakamot na lang sya sa ulo nya kaya hindi ko na naiwasang mapangiti.
"Sige. Dito na lang ako. Umuwi kana rin sa inyo. Salamat na lang." Naka ngiting giit ko sakanya dahil para ba kong nakahinga ng maluwag at tila nawala yung isang bagay na nakabara sa dibdib ko.
"Okay ... kitakits na lang bukas." Sambit naman nya sakin na ikinakunot naman ng noo ko dahil hindi ko na naman maintindihan ang pinapahiwatig nya , pero ganun pa man ay nag simula na syang mag lakad paalis sa kinaroroonan namin.
Nagulat na lang ako pagkatalikod ko dahil bumungad sakin si Andrei habang naka black sweat shirt sya. His presence was very cold as he stared at Denver who was walking towards the waiting area of ​​Eminence Village.
"Sino sya ?" Kunot-noong tanong nya sakin na ikinataka ko naman dahil sa tinuturan nya ngayon. Napaka seryoso ng mukha ni Andrei at nakakapanibago ang tono ng pananalita nya, napakalamig at hindi ko mapaliwanag ang presensya ni Andrei.
"Kaibigan ko lang." Tugon ko naman habang may malapad na ngiti pa rin sa mukha ko dahil malaki ang pasasalamat ko kay Denver at nakaligtas ako sa mga salarin kanina pero hindi ko pa rin maiwasang matakot dahil hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sakin kung baket nila ko hinahabol ?
"By the way, kanina ka pa namin hinihintay .... umuwi na nga si Stefanie ehh .." Wika nya sakin habang naka tulala lang sya sa kawalan , kaya napa yuko na lang ako na tila ba'y nahihiya.
"Sorry." Pagpapa umanhin ko sakanya habang nakayuko ako at dali dali kong inilagay ang dalawang kamay ko sa aking likuran. Napansin ko namang nag simula na sya mag lakad paalis sa kinaroroonan namin kaya napatingin na lang ako sakanya.
"Sige na. Mauna na ko. Anyway , Sa susunod magpaalam ka naman samin , kung sino naman yung mga nakakasama mo , baka mapahamak ka pa." Paalala nya sakin habang nakatalikod sya kaya tila nakakapanibago talaga ang tinuturan nya ngayon. --- Napa kunot na lang ang noo ko habang tinititigan ko sya na nag lalakad papunta rin sa waiting area , pero hindi na ko nag dalawang isip pumasok sa bahay na nasa harapan ko ngayon , for sure isang katerbang litanya na naman ang matatanggap ko kila Auntie Nicole pati kay Ate Kiana , kaya napa singhap na lang ako at nireready ko na ang sarili ko.
THIRD PERSON'S P.O.V
Habang nag hihintay ng taxi si Denver sa waiting area ng Eminence Village , ay hindi pa rin sya mapakali sa kinatatayuan nya , dahil hanggang ngayon ay marami pa rin bumabagabag sa isipan ng binata. Patuloy pa rin sa panginginig ang dalawang kamay nito , dahil palagi pa rin sumasagi sa isipan ni Denver yung pang yayaring hindi nya inaasahan kanina kung baket nakakaramdam pa rin sya ng matinding pangamba sa mga possible pang mangyari , kaya napa singhap na lang sya na mistulang balisa.
Sa kabila ng lahat , ay hindi pa rin nya maiwasang isipin ang imahe ng dalaga kaya marahas na napa iling iling si Denver , para makalimutan nya si Kiara. Yung babaeng kinakailangan nyang bantayan dahil sa pag uutos ni Dexter. Kahit natatakot sya ay sumunod na lang sya sa inuutos ng ama nya dahil malakas ang kutob nya dito na may kinalaman ang mga karumal dumal krimen sa pagkamatay ng mama nya sa loob ng sampung taon.
"Ikaw ba yung nag hatid kay Kiara ?" Napa balikwas na lang si Denver sa waiting area nang bigla na lang may nag salita , kaya kahit nalilito man sya ay dali dali syang lumingon dito.
"Oo. Ako nga. Baket ?" Kunot-noong tanong nya sa binatilyong may kakaibang presensya at lumitaw na lang sa tabi nito. Patuloy pa rin tumatagaktak ang malamig na pawis sa katawan ni Denver dahil nararamdaman pa rin nya ang matinding pressure hanggang ngayon.
"Ako nga pala si Andrei. Kaibigan ako ni Kiara. Siguraduhin mo lang na wala kang masamang binabalak sa kaibigan namin ahh." Makabuluhang pag babanta nya kay Denver habang magka salubong ang dalawang kilay nito , at nag umpisa na syang mag lakad paalis sa kanilang kinaroroonan.
Naiwang naguguluhan si Denver mag isa, kaya pa ulit ulit nyang kinurap kurap ang mga mata nya upang mahimasmasan sya at manumbalik sa reyalidad kahit napakaraming katanungan ang nagpapa ikot ikot sa isipan nito dahil hindi nya maikakailang nagugulumihanan rin sya sa tinuturan ng binatang si Andrei kahit ngayon nya lang to nakilala, hanggang sa makasakay na sya sa taxi na huminto sa waiting area ng Eminence Village.
*****
"Good job anak !!" Masiglang bati ni Dexter sa binata , pagkatapos nito maikwento yung nakakakilabot na pang yayari kanina habang kasama nya si Kiara.
"Dad .. Kinakabahan na po ko. Nakaka takot naman po kase tong pinapagawa nyo sakin." Pag mamaktol ni Denver. Nanginginig pa rin ang mga kamay nito habang nasa opisina sya ng ama nya at bakas na bakas sa mukha nya ang matinding takot na nangingibabaw sa buo nyang pagkatao.
"Marami pa kase akong inaasikaso , lalo na yung mga nang yayari sa bilibid , pero hayaan mo , matutulungan din kita dyan." Pagpapakalma ni Dexter sa anak nya gamit ang malumanay na boses habang may malapad na ngiti sa mukha nito. Dali dali nyang ginulo ng bahagya ang buhok ng binata at nag umpisa na sya mag lakad palabas sa opisina. ---- Naguguluhan man si Denver ay sumunod na rin sya sa ama nya papunta sa conference ng mga kapulisan.
Hanggang ngayon rumaragasa pa rin ang dibdib ni Denver sa mga possibleng mangyari at sa mga naka ambang panganib kaya napabuntong hininga na lang sya at marahas na napa iling iling. Wala na syang nagawa kundi sumunod sa ama nya lalo na't marami pa syang kailangan matutunan sa trabaho nito. Kinakabahan man sya pero buong buo na ang loob ni Denver dahil gustong gusto na rin nya madapuli ang isang taong pumatay sa Mama nya.
 ******
Mag aalas sais na ng hapon nang maisipan ng matanda na mag linis ng mga picture frame sa kwarto nya dahil hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin sya ng matinding pag hihinagpis sa pagkawala ng asawa nito. --- Dali dali nyang kinuha yung maliit na basahan sa taas ng cabinet , para mapunasan nya ang mga picture frame na namumutiktik na sa alikabok.
Hindi na nya naiwasang mapaluha habang nililinis nya yung mga picture nila , dahil unti unting nananariwa sa isipan ng matanda ang mga masasayang alaala nung nabubuhay pa ang kaisa isahang asawa nya na namayapa na ngayon dahil sa kagagawan ng mga salarin.
Habang pinupunasan naman nya ang isang picture frame kung saan nakalagay ang masayang litrato nilang mag asawa ay nahagip ng mga mata nya ang white folder , kaya dali dali nya itong kinuha dahil sa kuryosidad at pinunasan nya agad ang mga luha nya sa pisngi. Hindi rin kase alam ng matanda kung pano yon napunta sa kwarto nya.
Nagulantang na lang sya sa natuklasan nya dito , at marahan nyang tinanggal ang salamin nya sa mata nang makita nya yung iba't ibang mga files patungkol sa kahindik hindik na nangyari , labing anim na taon na ang nakakaraan.
"Hindi kaya --- "

Comentário do Livro (74)

  • avatar
    ManlanatJinelle

    keep doing that

    19d

      0
  • avatar
    Xander M Tambo

    Xander m tambo

    05/08

      0
  • avatar
    Jam Jam

    it so nice history

    23/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes