logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4- The Type

Mukha siyang tangang palinga-linga sa paligid. Kinakabahan siya at baka magtagpo na naman ang landas nila ni Jei. Kung bakit ba naman kasi tinanong siya nito ng ganoon. nasungitan niya tuloy ito. Ang kapal pa ng mukha niyang magwalk-out na parang isang beauty queen.
“Nay, nasaan po si Jia?” Tanong niya sa kasambahay ng mga ito.
“Nasa taas. Naliligo pa e. Nanlalagkit na raw siya.” Tumango-tango siya rito. Pumasok sila sa loob ng bahay.
“Hintayin mo nalang sya sa loob. Sandali lang naman iyon e.”
“Sige po Nay.” Pinagsisihan din niya ang sinabi nang mamataan si Jei sa sala. Prenteng-prente itong nakaupo at nakasandal sa sofa habang nagbabasa. Bigla ay gusto niyang bawiin ang nauna nang sinabi.
‘Ikaw na Sierra! Ubod ka ng swerte!’
“Nay, kung sa garden ko nalang ho kaya hintayin—“
“Hijo! Anak, iiwanan ko muna rito si Sierra ha? Sasabihan ko lang itong si Jia na nandito na si Sierra.” Napalunok siya nang mula sa binabasa nito ay lumipat ang tingin nito sa kanila. Mula kay Nanay Iday ay lumipat ang mga mata nito sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin.
“Sige na iha. Umupo ka na doon.”
“Nay, sa a-ano nalang—“
“Bakit ba pinag-papawisan ka iha? Naiinitan ka ba? Ay hintayin mo ako rito at ipagtitimpla kita ng malamig na juice.” Hindi na siya nakaangal. Siguradong magtataka lang ito kung ipagpipilitan niya ang gusto.
“S-sige ho.”
Para siyang bato nang makaupo na siya. Tuwid na tuwid ang kanyang likod at magkadikit ang kanyang mga binti. Ang kanyang mga kamay naman ay magkasalikop na nakalagay sa kanyang hita. Kahit ang sumandal sa sofa ay hindi niya magawa. Tahimik ang buong paligid at ang tanging kaya niyang marinig ay ang paglipat ni Jei ng pahina ng libro. Napasimangot siya nang mapatingin rito.
‘Bakit ba ang suplado niya?’
Nagpasya siyang umiwas nalang ulit ng tingin. Kung saan-saan niya itinuon ang kanyang paningin ngunit hindi niya talaga maintindihan kung bakit napakakulit ng kanyang mata at bumabalik ng bumabalik ito kay Jei. Ano bang meron sa lalakeng ito at parang hindi maiwan-iwan ng mga mata niya?
Lumipas pa ang halos sampung minuto. Halos sa orasan nalang din siya nakatingin. Bakit kaya ang tagal na naman ni Jia? Ilang drum na ba ng tubig ang nagamit nito sa paliligo? Napabuntong-hininga siya.
‘Pakshet naman ang awkward dito. Ikakamatay ko to e!’
Kanina pa niya gustong magsalita. Hindi siya ganoon kasanay na tahimik ang mga kasama niya. Madalas ay magulo at maingay ang mga taong nakakasalamuha niya. Ikakamatay nga ata niya talaga kapag si Jei ang kasama niya. Hindi lang mapapanis rito ang laway niya, pati na rin ang dugo niya, matutuyo.
Para siyang inilagay sa oven nang pagtingin niya rito ay nalaman niyang nakatingin din pala ito sa kanya mula sa binabasa nitong libro. Agad siyang nag-iwas ng tingin. At nagsimula siyang pagpawisan ng malapot.
‘Shet naman Jei! Bakit ganyan ka makatingin? Hindi ako kriminal!’
Nakahinga siya ng maluwag nang dumating si Nanay Iday. Para siyang biglang nakakita ng anghel sa katauhan nito.
“Pasensya ka na hija, natagalan ha? Tinulungan ko pa kasi si Jia hanapin iyong nawawala daw niyang gamit. Ay heto nga pala o’. Juice mo.” Nakangiting inabot nito sa kanya ang juice.
“Salamat po ‘Nay.” Nakangiting sabi niya rito. Agad niyang nilagok ang malamig na juice na iyon. Pakiramdam niya ay nadehydrate siya sa ilang minutong kasama niya si Eijiro. Pati ata dugo niya natuyo nang dahil rito.
“May sakit ka ba hija? Bakit pinagpapawisan ka?” Napangiwi sya. Pasimple niyang pinunasan ang namumuong butil ng pawis sa kanyang noo. Malamig pa naman kasi ang panahon. Hindi na niya binalak pang tingnan si Jei. Baka kung ano na naman ang isipin nito sa narinig. Sabagay, pinagpapawisan siya ng dahil rito. Para kasing konting ingay lang ang gawin niya, ay ihahagis siya nito palabas doon.
“M-medyo hindi nga po maganda ang pakiramdam ko.” Hindi na talaga maganda ang pakiramdam niya. Sino bang matinong tao ang gaganda ang pakiramdam kung kasama si Eijiro sa iisang lugar na tila wala kang karapatang langhapin ang parehong hanging nilalanghap nito.
“Ay ganon ba? Magpahinga ka muna kaya? Hindi mo dapat pinapabayaan ang sarili mo e’.” Napailing-iling sa kanya ang matanda. Ngumiti lang siya rito. Nang tawagin ito ng kasama nito ay nagpaalam ito sa kanya. Mukhang importante iyon kaya tumango na siya. Ngunit nang maisip niyang maiiwan siya ulit sa lugar na iyon kasama si Jei ay bigla siyang napatayo.
“Nay!” Malakas na sigaw niya. Napalingon sa kanya ang matanda.
“O bakit hija? May kailangan ka pa ba?” Pasimple niyang kinagat ang dila.
“Nay, pakisabi nalang ho kaya kay Jia na babalik nalang ako bukas. Hindi na po kasi talaga maganda ang pakiramdam ko.” Tinitigan siya ng matanda. Pinagpapawisan pa rin siya. Tumango-tango ito sa kanya.
“Mabuti pa nga at magpahinga ka muna. O’sige ako nang bahala, hija.” Ngumiti ito sa kanya. Nagpasalamat naman siya rito. Agad din siyang nagpaalam sa mga ito. Ngunit hindi naman niya alam kung dapat din ba siyang magpaalam kay Jei. Huminga siya ng malalim at hinarap ito. Balak pa sana niyang magsalita nang bigla itong tumayo at naglakad palayo.
‘Suplado.’ Nasabi niya sa sarili.
Hinarap niya ang matanda at sinabing mauuna na siya. Wala pang isang minuto ay nakalabas na siya sa bahay ng mga ito. Habol niya ang hininga at mabilis ang bawat paghakbang niya. Para siyang sinampal ng isang buong puno ng mangga nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon.
“Nagkakasakit ka ba kapag nabubuko?” Mariin siyang napapikit. Huminga muna siya ng pagkalalim-lalim na tila ang hangin na hinugot niya ay galing pa sa pinakasuluk-sulukan ng kanyang baga bago siya nagpasyang lingunin ito.
“Anong sabi mo?” tanong niya rito. Sinubukan niyang pigilan ang sariling pagmasdan ito sa pagkakasandal nito sa pader sa gilid ng bahay ng mga ito. Damn it! Why does he have to be so… achingly handsome?
“Halata namang iniiwasan mo ako. Dahil ba nalaman kong ako ang type mo?” Napasinghap siya sa sinabi nito. Hindi niya alam na may ganoon din palang side ang Eijiro na kilala niya?
“Sino ka?” Nagigimbal na saad niya. Tila hindi ito ang Eijiro na kilala niya! Nasaan na ang suplado, suplado at supladong Eijiro na kasama niya lang kanina?
“Alam mo Mr. Eijiro Romano, hindi mo dapat binibigyan ng malisya ang pagkakahulog ko sa mangga. Aksidente naman yon! Anong kinalaman ng inosenteng puno ng mangga sa type kong lalake?” His lips slowly formed a smirk.
“I don’t know, Sierra. Why don’t you tell me?” Tila naghahamon na sabi nito. Napaawang pa ang labi niya sa klase ng pagbanggit nito ng pangalan niya. Why does it sound so sexy in her ears? Sigurado naman siyang hindi siya nagdadrugs. Hindi kaya na-engkanto si Jei?
‘Baka nga siya mismo ang engkanto.’
“I don’t know, Jei. Wag mong ipagpilitan ang gusto mo.” Napatigil siya sandali ng may maisip. Ngumiti siya ng nakakaloko rito. “Baka naman ikaw talaga ang may type sa akin?” Tukso niya rito. Unti-unting nawala ang nanunuksong ngiti nito sa labi. Tila ba hindi ito natuwa sa narinig nito.

“To tell you honestly, I don’t like you.”
‘Boom panes!’ Saad niya sa sarili. Pinigilan niyang hindi mabago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Na tila hindi siya nito naapektuhan sa sinabi nito. Ano naman kung ayaw nito sa kanya?
‘Tagos lang naman. Dinaig pa ang red tide day kung umagos ang dugo.’ Dala ng kanyang pride ay humalukipkip siya. Taas-noo siyang tumingin rito. Alam niyang dehado siya kapag tumingin siya sa mga mata nito. Baka kasi bigla na lamang siya mawalan ng sasabihin. Hindi niya kayang ilubog pa ang sarili ng mas malalim sa kahihiyan.
“Great. And honestly, I don’t like you too. Masyado ka kasing suplado. And just for the record, hindi ikaw ang type ko.” Sinubukan pa niya itong taasan ng kilay.
“Talaga?” Nang magsimulang humakbang ito palapit sa kanya ay parang gusto na niyang kumaripas ng takbo palayo rito.
“Oo!” Malakas na sabi niya. Nag-iwas siya agad ng tingin rito.
“How about you convince me?”
“How about no?”
“Edi ako may gusto ka nga talaga sa akin.”
“You aren’t my type, Jei. Si Mikoy ang type ko.” Bigla nalang lumabas iyon sa bibig nya. Ngunit tila hindi naman ito kumbinsido.
‘Shet.’
“Really?” Pinilit niyang maging confident sa paningin nito. Inayos niya ang tindig at taas-noong sumagot rito.
“Really! Kaya wag ka nang umasa, Jei. Dahil kahit anong gawin mo, hindi ikaw ang type ko. Tingnan mo nalang si Mikoy. If you’d just get to know him, malalaman mo kung bakit siya ang gusto ko.” Kung saan-saan pa siya nakatingin habang tuloy-tuloy na nagsasalita sa harap nito. Laking pasalamat nalang niya at hindi siya nabubulol. Ibinaling niya ang mukha rito.
“Isa pa, ayoko talaga sa nuknukan ng sungit, bipolar, silent as dead, asumming, suplado at gwapo.” Gwapo? Saan nanggaling yun?!
Nakagat niya bigla ang dila dahil sa huling sinabi. Nahuli pa niyang tila sandaling nangiti ito. O baka naman namamalikmata na siya. “Feeling gwapo.” Pagtatama niya pagkuwan. “At uulitin ko ulit sayo, para naman maalala mo. Si Mikoy ang type ko.”
Nakarinig sila ng kung sinong malakas na napasinghap. Halos sabay pa sila ni Jei na bumaling sa direksyong iyon. Nagulat pa siya nang makitang naroon si Jia. Bakit ang hilig ng magkapatid ng mga ito na bigla nalang sumusulpot? May lahi bang itong ninja? Gulat na nakatingin ito sa kanya.
“Type mo si Mike?!” Hindi makapaniwalang bulalas nito.
Napangiwi si Jia.

Comentário do Livro (207)

  • avatar
    camaracharlen

    the story is good and the author is very talented in writing stories.

    20/01/2022

      0
  • avatar
    Zyra C Sortigosa

    500

    3d

      0
  • avatar
    Henzah

    haha lala naman kasi

    4d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes