Napahikab siya nang pumasok siya sa Unibersidad kung saan siya nag-aaral. Hindi sya gaanong nakatulog sa kakaisip ng kung anu-ano nang dahil sa nangyari kahapon sa kusina ng bahay nila Jia. Kung bakit ba naman kasi hindi man lang siya nito sinabihan na nasa likuran lang pala niya ang kapatid nitong si Jei? O baka naman sinadya nito iyon? Hindi na niya alam. Basta ang lang alam niya, hiyang-hiya siya rito at sa mga pinagsasabi niya kahapon. Halos hindi na nga siya makatingin rito ng diretso. ‘What exactly am I supposed to do?’ Hindi niya tuloy alam kung paano ito pakikitunguhan. Mamayang hapon ay babalik siyang muli sa bahay ng mga ito upang ituloy ang project nila ni Jia. Kailangan na nga niya talagang gumawa ng paraan upang mawala ang pagkailang niya rito. Tuloy-tuloy lang siyang naglalakad nang may marinig siyang tumawag sa pangalan niya. “Sierraaa!” Tawag sa kanya. Luminga-linga siya at tumigil ang paningin niya sa kaklase niyang si Mikoy. Patakbo itong kumakaway sa kanya. Kumaway din siya rito. Tumigil ito sa harap niyang hinihingal. “Sierra!” Pasigaw na sambit nito sa pangalan niya na ikinagulat pa niya. Napatingin pa ang ilang estudyante sa banda nila. “B-bakit?” Nagtatakang tanong niya rito. Napapikit siya nang pitikin nito ang noo niya ng malakas. “Aray! Bakit na naman? Inano kita jan?!” “Hindi ka pumunta sa praktis noong isang araw! Nasaan ka na naman? Palagi ka nalang wala!” Sermon nito sa kanya. Napasimangot siya. Mayroon silang special number na inihahanda para sa programang inihanda ng kanilang kurso para sa pagsalubong sa Foundation week. “E’ kase naman, Mike─” “Anong dahilan na naman yan?” Putol na agad nito sa sasabihin niya. Ni hindi pa nga siya nakakapagsimula sa dahilan niya. ‘Patience, Sierra.’ Ngumiti siya ng matamis rito at niyakap ang braso nito. “Sorry na, Mike. Wag ka na magalit. Pramis, a-attend na ako sa susunod. Maaga akong pupunta.” Pagpapakyut niya rito. Naikwento kasi sa kanya ng kasama nila sa special number na iyon na crush daw siya ni Mikoy o Mike bilang tunay na pangalan nito. Kaya nga raw palagi siya nitong pinag-iinitan ay para daw makapagpapansin ito sa kanya. Alam niyang makapal ang mukha niya para patulan ang haka-haka nitong iyon, pero iyon nalang ang pinanghahawakan niyang maidadahilan sa sarili tuwing pagagalitan siya nito. Tinapunan lang siya nito ng masamang tingin bago humugot ng malalim na buntong-hininga. Lihim siyang napangiti. Mukha kasing umeepekto nga rito ang charm niya. Sino bang makakatanggi sa ganda niya? “Hindi mo ‘ko madadaan sa ganyan.” Matigas na saad nito. Nalaglag ang balikat niya sa panlulumo. Nakalimutan niyang nakatago pala ang ganda niya. Paano nga naman ito hindi makakatanggi? E’ paano ba kasi siya mang-uuto? “Mikoy naman e.” Pag-iinarte niya. Niyugyog pa niya ang balikat nito. Ngunit wala itong naging kibo. “Sige na, Mikoy, give me another chance please…” Pinagsalikop niya ang dalawang palad at nagpaawa rito. Muli ay tinapunan lang siya nito ng tingin. Nang hindi ito sumagot, tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa. Makakatulong sa kanya ng malaki ang special number na iyon dahil nakasalalay roon ang magiging grado niya sa isa sa mga major subjects niya. “Oh fine, fine.” Narinig niyang sambit nito. Kumislap agad ang mga mata niya sa mga sinabi nito. “Talaga? Thank you, Mikoy!” Naibulalas niya. Niyakap pa niya ito sa sobrang tuwa. Hindi naman siya nito pinigilan. Kung alam lang niya, gustung-gusto naman nito. ‘Sus pakipot pa!’ Nang bumitaw siya rito ay seryoso pa rin ang mukha nito. “This will be your last chance, Sierra. Don’t mess it up, or else you’re out.” Sabi nito sa kanya. Tumango-tango siya ng sunud-sunod. Malawak pa rin ang ngiti niya hanggang sa makaalis ito. Tahimik na napa-‘yes’ siya. Patalon-talon pa siyang naglakad papunta sa hagdanan. Nang malapit na siya sa hagdan napalingon siya nang may marinig na pangalan. “Jei, nakikinig ka ba?” Awtomatikong hinanap ng kanyang mata ang taong maaaring nagmamay-ari ng pangalang iyon. Maaari kasing iyon ang taong kilala niya. Nag-landing ang mga mata niya sa isang pamilyar na bulto. Tuloy-tuloy siyang naglakad habang nakatingin rito. Nang humarap ito sa direksyon niya, wala sa sariling bumilis ang hakbang niya. “Ay, kabute!” Napasigaw siya nang muntikan na siyang sumubsob sa hagdan. Nawala sa isip niya na malapit na siya sa hagdan nang maglakad siya ng mabilis, imbis na humakbang paitaas. Ang ending tuloy ay sumagi ang paa niya sa riser ng hagdan. Mabuti nalang at naitukod niya ang kamay sa isa sa tapakan roon, kundi ay tuluy-tuloy ang nguso niyang hahalik sa tiles na hagdan roon. Nang lumingon siya sa direksyon nila Jei, nakatingin ang mga ito sa kanya. Pati na rin ang ilang estudyante roon ay nasa kanya ang atensyon. Mabilis siyang umayos ng tayo at agad-agad na umakyat ng hagdan. Nang tuluyan siyang makarating sa second floor ay napatapik siya ng malakas sa sariling noo. ‘Ang tanga ko! Nakakahiya!’ Matapos ang unang subject niya ay nagtungo siya sa third floor sa kabilang building kung saan halos puro estudyante ng Fine Arts ang naroon. Thrity minutes pa bago magsimula ang susunod niyang klase. Tumitingin-tingin siya ng mga nakadisplay na paintings at sketches roon na gawa ng mga kapwa din niya estudyante roon. Magagaling silang lahat. Mayroon din doong abstract painting na hirap na hirap siyang intindihin. May ilang larawan din doon ng kung sino-sino. Siguro ay para iyon sa photography class. Nag-e-enjoy palang siyang usisain at mamangha sa iba’t ibang gawa roon nang may makita siyang dalawang lalakeng nagbubuhat ng malaking bilog ng dyaryo. O kaya naman ay tinapalan lang iyon ng dyaryo. Sa tingin niya, pipinturahan o kukulayan ang bilog na bagay na iyon. Sobrang laki nyon na halos kasinglaki na niya. Mukha rin iyong mabigat. Ingat na ingat ang dalawa sa pagbubuhat nyon. Nagdesisyon siyang umupo muna sa tabi malapit sa bintana. Kitang-kita mula roon ang malawak na field ng Unibersidad. Berdeng-berde ang field dahil sa mga damo roon na mini-maintain. Maraming estudyante rin ang nakatambay roon. Ang ilan pa ay nakahiga sa field kung saan may lilim. Gusto din sana niyang tumambay roon ngunit wala naman siyang kasama. Ayaw niyang magmukhang anti-social o kaya naman ay loner. Tumingin siya sa kanyang wristwatch. Halos limang minuto nalang pala bago ang klase niya. Hindi niya gaanong namalayan ang oras. Tumayo na siya. Tinapunan pa ulit niya ng isa pang sulyap ang tanawin sa ibaba. Napabalik ang mga mata niya sa direksyon sa ibaba nang makita ang taong tinititigan niya lang kanina. Si Eijiro! Nakahiga ito sa field at nakangiti. Nasa third floor lang naman siya. At nakikita pa naman niya ng maayos ang ekspresyon ng mga tao sa ibaba. Talaga bang nakangiti ito? Namamalikmata lang ba siya? ‘Oh my! Si Eijiro nakangiti?! Isa itong himala!’ Nakaawang pa ang bibig niya habang patuloy na ninanamnam ng kanyang mga mata ang nakangiting mukha nito. Nang tila bumaling ang mukha nito sa taas, sa direksyon niya, napaatras siya. Naramdaman niyang may nabunggo siya, dumulas ang isang paa niya dahilan para bumagsak at sumubsob siya ng patalikod sa isang bagay. Sunud-sunod na pagsinghap ang narinig niya. Pagtingin niya ay iyong bilog na malaking bagay pala ang kinahihigaan niya. Agad-agad siyang tumayo. Hindi na siya nagtangkang sumulyap pang muli sa ibaba. “Hala! Sorry po!” Sunud-sunod na sorry ang pinakawalan niya. Anong katangahan na naman ang nagawa niya?! Tulad ng inaasahan niya, nagalit sa kanya ang may-ari ng nasira niyang bilog na nababalutan ng dyaryo. Hindi man niya sinasadya, kasalanan pa rin niya. Kaya naman bilang kabayaran, siya na ang gumastos sa mga bagong gagamitin upang maiayos ulit at maibalik iyon sa dati nitong hugis. Tumulong din siya sa paggawa kahit na para bang palagi siyang sinasaksak ng tingin ng mga ito. Panay rin ang parinig ng ilang estudyante na nagpagod din doon at kailangan muling magpagod dahil sa ginawa niya. ‘Nakaka-shet lang.’ Hindi na siya pumasok sa subject na ipinunta niya roon para lang maayos ang nasira niya. Lulugo-lugong pumunta siya sa susunod niyang klase. Sa klaseng iyon ay kaklase niya si Jia. First class nito iyon. Samantalang third class naman niya iyon. Dumaan muna siya sa canteen upang bumili ng makakain. Masyado siyang napagod sa pagsasaayos ng nasira niyang project na hindi naman kanya. Nagvibrate ang cellphone niya kaya agad din niya iyong kinuha at tiningnan. From: Jia Sierra, I’ll be late. May dadaanan lang ako sandali. Magrereply palang sana siya nang sumubsob ang mukha niya at nabunggo ang ilong niya sa isang matigas na bagay. Nang mag-angat siya ng tingin ay kasabay rin ng pagharap ng taong nabunggo niya. Si Jei! Anak na hindi ampon! Anong swerte ba niya sa araw na ito?! ‘Remember, presence of mind!’ Inihanda na agad niya ang sarili. This time, hindi siya pwedeng pumalpak. Ngunit tila napipi siya dahil sobrang lapit nito sa kanya. ‘Hinga, Sierra, hinga!’ Napakurap-kurap pa siya rito at pilit na ginigising ang sarili. Sabi na nga ba’t inaantok pa siya! “H-hi Jei!” Awkward na bati niya rito. Ngumiti pa siya rito kahit parang kakapusin na ang natitira niyang ulirat. Hindi niya alam kung ano ang iaakto matapos ang ginawa niya rito at ang sinabi niya tungkol rito, kahapon. Hindi man lang itong nag-abalang batiin siya pabalik. ‘Napakasungit.’ Tinalikuran lang siya nito saka ito nagsimulang maglakad palayo. Hindi na siya nagdalawang-isip at sinundan ito. “Jei! Jei! Sandali lang! Teka lang naman o’! Hoy!” Tawag niya rito ngunit hindi siya nito pinansin. “Jei, kung galit ka pa rin sa akin dahil sa nangyari kahapon… Look, I’m sorry, okay? Inaamin ko, kasalanan ko. And I’m really sorry.” Sincere na saad niya rito. Ngunit hindi man lang siya nito tinapunan man lang kahit ng tingin. Nagsisimula na siyang maasar rito ngunit pinilit niyang pakalmahin ang sarili. “Uy, Jei. Sorry na talaga. Wag ka nang magalit o. Wala talaga sa malinis kong intensyon na yurakan ang pagkatao mo. At salamat nga pala, sa pagsalo sakin. Hindi pa kasi ako nakapagpasalamat sayo e. Ikaw kasi e, hindi mo man lang ako pinakinggan kahapon. As I was saying, sorry na Jei. Patawarin mo na ko.” Tuloy pa rin ito sa paglalakad na tila ba isa lang siyang hamak na alikabok. Tumigil siya sa pagsunod rito at sumigaw. “Eijiro Romano! Sorry na talaga! Patawarin mo na ko! Sige na! Please…” Alam niyang nakakakuha na sila ng maraming atensyon pero ito lang ang alam niyang paraan para pansinin siya nito. At tulad nga ng inaasahan niya ay tumigil ito sa paglalakad. The next thing she knew, hila-hila na siya nito. ‘O-ow.’ Tumigil sila kung saan wala nang gaanong tao. Marahas na binitawan nito ang braso niya bago siya nito harapin. Nagulantang ang buong sistema niya sa sumunod niyang narinig rito. “Umamin ka nga, may gusto ka ba sakin?” Natulala siya rito dahil sa mga salitang binitiwan nito. Magkasalubong ang kilay nito at nakatodo ang pagsimangot sa kanya. Saka lang niya napansin nakanganga pala siya nang muling magsalita ito. “What? Tutunga ka lang ba diyan?” Napalunok siya sa tindi ng boses nito. Napakurap-kurap siya. Huminga siya ng malalim at tiningnan ito sa mga mata. Naging seryoso na rin ang ekspresyon niya. Nakipagtagisan pa siya ng titig rito kahit alam niyang dehado siya, ginawa niya pa rin. Kahit ayaw niyang tumititig sa mga mata nito, kahit parang gusto na niyang maghukay sa lupa at ibaon ang bangkay niya, ginawa niya pa rin. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya nakasagot rito. “Wag kang masyadong feeling, Eijiro. Sa puno lang ako nahulog… hindi sayo.” Pagkasabi noon ay tinalikuran niya ito.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 44 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (207)
camaracharlen
the story is good and the author is very talented in writing stories.
the story is good and the author is very talented in writing stories.
20/01/2022
0500
3d
0haha lala naman kasi
5d
0Ver Todos