Huminga siya ng malalim bago nagdesisyong kumatok. Tatlong mahihinang katok ang ginawa niya. Kinagat niya ang labi at ipinagdasal na sana ay pagbuksan siya ng pinto ni Jei. Wala naman talaga sa malinis niyang intensyon at busilak niyang puso ang puruhan ito. Gusto lang talaga niyang pagtripan ito. Siguro nga’y masyado na siyang nasasanay at namumuro na si Jei lagi ang sumasalo sa kanya sa tuwing nagkakamali siya sa pag-akyat sa punong iyon. At siguro nga ay may sumpa talaga ang punong iyon. Bumukas ang pinto. Inihanda na niya ang nakakahawa niyang ngiti ayon sa mga kaibigan niya. Ngunit pagkakita palang nito sa nakangiti niyang mukha ay bigla ulit nito iyong isinara. “Uy! Uy! Teka lang!” Pigil niya rito. Iniharang pa niya ang isang kamay at paa sa pinto. “Go away.” He said. Ngunit hindi siya nagpapigil. Kung hindi niya ito madadaan sa ngiti niya, mabuti pang magpaawa nalang siya rito. Inihanda na niya ang pinakanakakaawang ekspresyon niya ngunit hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng gwapong mukha nito. Ang mapula at heart-shaped nitong labi ay hindi man lang natinag sa pagkakasimangot. Pinalo nito ang kamay niyang pinangharang niya sa pinto. “Let me explain, Jei.” Pagmamakaawa niya. “Go away.” Ulit naman nito. Tinanggal nito ang paa niyang nakaharang. Ibinalik niya ang kamay ngunit muli rin nitong pinalo iyon ng mas malakas. “Sandali! Jei!” Napapikit nalang siya ng malakas na pagsarado ng pinto ang isinagot nito sa kanya. Napakamot siya sa ulo. Ano bang gagawin niya sa lalakeng ito? Dumating si Jia at nagtatanong ang mukha nito. Malungkot siyang umiling. Napabuntong hininga nalang ito bago lumapit sa kanya. “Hayaan mo na yan. Di ka pa nasanay jan.” Sabi nito sa kanya. Malungkot na tumango siya rito. Sumabay na siya sa paglalakad kasama ito. Nagsasalita ito tungkol sa gagawin nilang project ngunit wala roon ang isip niya. Hanggang sa mismong paggawa nila ng naturang project ay nanatili siyang wala sa sarili. Umiimik naman siya pero sa totoo lang hindi niya maintindihan ang anumang pinag-uusapan nila ni Jia. “Sierra?” Kalabit nito sa kanya. Napakurap-kurap sya. “Ha?” Wala sa sariling tanong niya rito. Napakunot-noo ito sa inaakto niya.
“Ano bang problema? Nag-aalala ka pa rin ba kay kuya? Okay lang yon.” Saad nito. “Lalo atang nagalit sa akin ang kuya mo, Jia.” Hindi na niya naitago ang pag-aalala, frustration at lungkot sa boses niya. “Hindi ka pa ba nasasanay? Para namang may bago pa kung mainis siya sayo. Dati nga pinagbabawalan pa niya akong makipaglaro sayo kasi nga daw maingay ka.” “Iyon na nga e! Dati pa may hinanakit yang kuya mo sa ganda ko. Baka ipaabang na ako niyan sa kanto. Baka hindi na ako makauwi sa amin mamaya, Jia. Baka─” “Hindi naman ganoon si Kuya!” Awat nito. “Malay mo naman magdilim na ang paningin sa akin ng kuya mo.” Sabi niya rito. “Kung may balak siyang ganoon sayo, dati pa niya ginawa iyon ‘no! Isa pa, kilala ko si kuya, hindi iyon nananapak ng babae.” “Ang tanong, babae ba ang tingin sa akin ng kuya mo? I doubt it, Jia.” Sabi niya rito saka iniikot ang mga mata. Natawa ito sa sinabi niya. Hindi nalang siya nagsalita pa. Itinuloy nalang niya ang ginagawa. Maya-maya din ay binitawan niya ang hawak niya at bumaling kay Jia na nakatitig sa kanya. “Jia, wag mo naman masyadong ipahalatang nagagandahan ka sakin.” Sabi niya rito na ikinatawa nito. Napangiwi siya. So hindi siya maganda, ganon? Nang matapos itong tumawa ay niyaya siya nitong magmeryenda muna. Kahit nang nasa kusina na sila at nagmemeryenda ay panay ang titig sa kanya ni Jia. Noong una ay binalewala niya lamang ito. Ngunit habang tumatagal ay hindi na niya kaya. Harapan talaga siya nito kung titigan. Kinakabahan na tuloy siya sa totoong Jia. Baka naman ito talaga ang totoong Jia. Baka naman sa ilang taon nilang magkaibigan, hindi lang niya na-entertain ang ideyang may gusto sa kanya ang bespren niya. Baka naman may balak talaga itong sumali ng ‘That’s My Tomboy’! “Jia!” Saway niya rito. Ngumiti ang mapula at manipis nitong labi. Naging malawak ang ngiting iyon. Kitang kita ang pantay-pantay at mapuputi nitong ngipin. Hanggang ang ngiting iyon ay naging tawa. “Sierra, I have something to ask you.” Sabi nito bago uminom ng juice. Siya din ay napainom ng juice. Kapag nagtanong ito kung pwede ba silang maging more than bestfriends ay talagang ipapaunawa niya rito na hindi siya ang nararapat rito. Sa abot ng makakaya niya ay iintindihin niya ito. Kahit pa may galit sa kanya ang kuya nito. “A-ano yun?” Kinakabahang tanong niya. “I didn’t entertain the idea before that but…” Binitin pa nito ang sasabihin at nangiti na naman na para bang kilig na kilig. Napalunok sya. Ibinaba niya ang sandwich na nangangalahati na. Pati na rin ang basong may lamang juice ay ibinaba niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay nito pagkuwan. “Jia, you are my friend. In fact, my bestfriend, but I don’t think I see you the way you see me…” Natigil ito sa sinabi niya. Nagsalubong ang dalawang kilay nitong maganda ang pagkakakorte. Ang nakangiting mukha nito kanina ay napalitan ng pagtataka. “Ha?” Naguguluhang sabi nito. “Ano kasi e’. Jia, alam mo naman diba? Ayokong ma-misinterpret mo ko. Kasi ako, iintindihin kita. Kaya sana intindihin mo rin ako. Alam ko, maganda naman ako kahit paano. But I only see you as a friend. I mean bestfriend. And I─” Natigil ang speech niya nang humagalpak ito ng tawa. Napalitan ng pagtataka ang ekspresyon niya. Nababaliw na ba ang kaibigan niya o ano? “Akala mo, may gusto ako sayo?” Natatawang tanong nito pagkuwan. “Oo. Kasi─” Hindi na niya nadugtungan ang sasabihin ng tumawa na naman ito. Pinalo-palo pa nito ang mesa na para bang isang malaking kalokohan ang lahat. Napasimangot na siya. Pinunasan nito ang maluha-luha nitong mga mata sa kakatawa. “Excuse me, babae ako! At wala akong pagnanasa sayo, okay?” Paglilinaw nito sa kanya. Napakamot nalang siya sa ulo. “Saan mo ba kasi nakuha ang ideyang yan?” Tanong nito. “Ikaw kasi, kanina mo pa ko tinitigan diyan e.” Nakalabi niyang sagot rito. Ngiting-ngiti pa rin ito. “I was only going to ask you if…” Binitin ulit nito ang sasabihin na para bang nag-iisip kung paano nito iyon itatanong. “If what?” She asked. “Sierra?” Jia faced her. “O, ano nga?” Nakukulitan na niyang tanong rito. Tinitigan siya nito sa mga mata. Nailang nalang siya bigla. Tinitigan niya ang matangos nitong ilong nang hindi niya na makayanan ang pakikipag-eye contact rito. Madali talaga siyang mailang sa ganoon. Matagal bago ito nagsalita. “Do you like my brother?” Walang kagatul-gatol na tanong nito. Nanlaki ang mga mata niya. Napaawang pa ang bibig niya sa tanong nito. “So?” Tanong nitong muli. Naghihintay sa isasagot niya. Napakurap-kurap pa siya bago nakasagot. “I-I don’t.” Nabubulol na sagot niya rito. Nag-iwas siya ng tingin at itinuon iyon sa sandwich na nasa lamesa. “Really?” Tanong nitong muli. “Yes. Ano bang pinag-iisip mo, Jia?” Buong-buong sabi niya rito. “Nothing.” Kaswal na sagot nito. Kinuha nito ang sandwich nito at kinagatan iyon. “You don’t really like him?” Pangungulit pa nito sa kanya. Iniikot niya ang mga mata bago sumagot. Hindi pa rin tumitingin rito. “No. I don’t.” “Are you sure? I mean, why?” Hindi talaga siya nito titigilan hanggat hindi ito nasa-satisfied sa sagot na nakukuha nito sa kanya. Lihim niyang kinagat ang dila bago sumagot rito. “Hindi ko siya type.” Maikling sagot niya rito. Nang sulyapan niya ito ay nakatitig ito sa kanya. Kinuha niya ang juice niya. Ininom niya ito nang bumaling siya rito. Ngunit nagtaka siya nang bumaling naman ito sa likod niya. “O’ kuya! Andyan ka pala! Gusto mong sandwich?” Malakas na sabi nito. Napabuga siya ng iniinom at nagsimulang ihitin ng ubo. Nagpipigil ang ngiting dinaluhan siya ng kaibigan habang patuloy siya sa pag-ubo. Susko! Napunta na ata yung juice sa baga niya!
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 31 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (207)
camaracharlen
the story is good and the author is very talented in writing stories.
the story is good and the author is very talented in writing stories.
20/01/2022
0500
3d
0haha lala naman kasi
5d
0Ver Todos