logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

I'd Lie

I'd Lie

June Arden


Chapter 1 - The Accident

“Tao po!” Malakas na sigaw ni Sierra. Excited pa siyang nagdoorbell ng sunod-sunod. Wala pang limang segundo, nagdoorbell ulit siya. Nakakainip pero handa naman siyang maghintay makapasok lang sa bahay na iyon.
She was standing in front of her best friend’s house. Sabi kasi nito sa telepono kanina, sabay daw nilang gawin ang project nila sa garden ng mga ito. Sino ba naman siya para tumanggi? Siya lang naman si Sierra Cordova. She’s not as rich as her best friend’s family. Middle class lang kung susumahin. Two-storey house lang ang bahay nila. May maliit na gate. Ang mga halaman sa harap ng bahay nila ay nakatanim sa mga paso. May konting espasyo kung saan pinapark ang family van, isang motorcycle at isang bike. Her father is just a regular employee working in a particular company. And her mother is just a plain housewife. Simple lang ang pamumuhay nila. Maswerte pa siya at mabait si Jia at ang parents nito sa kanya kahit na magkaiba ang antas ng pamumuhay nila. Hindi ito matapobre at maarte di tulad ng iba sa Unibersidad na pinapasukan niya.
Kung ikukumpara naman sila sa pamilyang Romano, di hamak na mas nakakaangat ang pamilya ng huli. Eijia’s father is a lawyer. And her mother is a licensed engineer. Parehong busy ang parents nito kaya naman madalas siyang iniimbita noon ng mga magulang nito na pumunta sa bahay ng mga ito para makipaglaro kay Jia. O kaya naman ay ito ang pumupunta sa bahay nila. Okay lang naman sa Mama niya dahil kilala naman nito sina Tita. College friends’ ang mama niya at ang mama nito. Nagkakilala ang mga ito sa organisasyong sinalihan.
Sa ilang beses niyang pagpunta-punta sa bahay nila Jia, hindi pa din niya mapigilan ang mamangha sa kagandahan ng bahay ng mga ito. Malaki at malawak iyon. May malaking garden na tatlong beses ang laki sa garahe nila. Mayroon din ang mga itong swimming pool sa likod bahay. Mayroon ding garahe kung saan may isang pang family van na nakapark, at tatlong kotse. One of them is a black convertible Ford Mustang. Eijiro, Eijia’s older brother, owns it. Dalawang taon ang tanda nito kay Jia habang labing siyam na taong gulang naman ang huli. Samantalang tatlong taon naman ang tanda sa kanya ni Eijiro. Though they usually call him, Jei.
Kahit kailan ay hindi siya nasanay na tawagin itong kuya. Palagi nalang kasing mainit ang ulo nito sa kanya. At parang lumalala pa iyon kapag tinatawag niya itong kuya. Bottom line? Ayaw talaga nito sa kanya. Kaya naman nagkasya na lamang siya sa pagbanggit ng palayaw nito.
Buhat-buhat niya ang isang malaking box na naglalaman ng mga bagay na gagamitin niya para sa project niya. Parehong Architecture kase ang kinuha nilang kurso ni Jia. And they need to make a miniature of their very own dream house. Ipinatong niya sa ulo niya ang box habang nakahawak ang isang kamay niya roon para alalayan iyon sa ulo niya. Ang isang kamay naman niya ang ginamit niya para abutin sana ang button ng doorbell nang magbukas iyon. Bumungad sa kanya si Nanay Iday, ang mabait at masarap maglutong kasambahay nila Jia. Nanay na nga ang tawag niya rito sa sobrang bait nito sa kanya.
“Oh hija! Ikaw pala yan. Pasensya ka na’t natagalan ha?” Sabi nito at agad na binukas ng mas malawak ang gate para makapasok siya.
“Okay lang ho, nay.”
Pagpasok niya hinanap niya agad si Jia. Sabi ni Nanay, nasa taas pa raw ito at kinukuha ang gamit. Nagpaalam siyang didiretso nalang sa garden. Tumango naman ito. Nangangawit na ang mga braso niya kakabuhat ng dala niya. Naglakad lang kasi siya papunta rito. Nasa kabilang kalye lang naman kasi ang bahay nila.
Nang makarating siya sa garden, inilapag niya agad sa bermuda grass ang box na dala niya. Nag-inat siya ng mga braso nang napatingin naman siya sa puno ng mangga na naroon. Indian mango tree iyon. At napakadami na rin ng bunga. Parang bigla nalang tuloy siyang nangasim at naglaway.
Sa tuwing namumunga kasi ang punong iyon ay parati siyang nagpapaalam na humingi at pumitas ng bunga nyon. Natatawa na nga lang sa kanya si Tita kapag ginagawa pa niya iyon. Sinabi pa nito sa kanyang hindi na raw niya kailangang magpaalam, pwede naman daw siyang kumuha kung kailan niya gusto. Iyon nga lang, kailangan niyang mag-ingat. Hindi lang kasi iisang beses o dalawa na muntikan na siyang mabalian ng buto sa pagkakahulog. At tuwing mahuhulog naman siya, madalas siyang bumabagsak kay Eijiro. Ewan ba niya sa isang iyon, ang hilig tumambay kung saan-saan para magbasa. At minsan pa’y doon na rin ito inaabutan ng antok at tuluyang iginugupo ng tulog.
Umakyat na siya sa punong iyon. Hindi naman iyon kataasan kaya lang medyo nahirapan din siyang akyatin. Medyo lang dahil gawain na niyang akyatin ito ‘pag gusto niya. Saka hindi rin naman siya maliit ngunit lalong hindi rin matangkad. Average lang ang height niyang 5’4. Payat din siya ngunit hindi rin naman sobrang payat. May kaunting naman siyang laman at proud siya roon.
Umupo siya sa malaking sanga roon at pinagmasdan ang tahimik na village. Humangin at itinatangay nito ang tuwid at mahaba niyang buhok na umaabot hanggang baywang. Tumayo siya at pumitas ng isang manibalang na manga saka bumalik sa pagkakaupo. Sumandal siya pagkuwan sa malaking sanga sa likod niya habang nakaupo pa rin sa isa pang sanga roon.
Pinunasan niya ang manga sa damit niya. Kakagatin palang sana niya iyon nang may matanaw siyang kung sino. Si Jei ba yun? Napakunot ang noo niya at nanliit ang mga mata niya. Sinusubukan niyang aninagin kung si Jei nga ba iyon. Malayo kasi ang punong inakyatan niya sa mismong bahay nila Jia at Jei. Tumayo siya habang nakahawak parin ang isang kamay sa sinasandalan niya kanina at ang isa naman ay hawak-hawak ang manga na kakapitas niya palang kanina.
“Si Jei ba yun? Ako ba kulang sa kape o ano?” Napailing siya ng kaunti. “Hindi e. Imposibleng si Jei yun.” Kausap niya sa sarili. Sumandal pa siya ng patagilid sa puno habang hawak ng isang kamay ang baba niya. 
Imposible namang si Jei yun. Baka naman may bisita sila? O baka naman talagang kulang lang talaga ako ng kape? Jusko! Makapagkape nga mamaya ng kabahan naman ako sa mga nakikita ko.
Pilya siyang napangiti habang patuloy na pinagmamasdan ang tanawing iyon. “Ganda ng katawan brad. Look at those muscles! Body builder ata yung bisita nila Jia. Shet! May powers ba ako at nakikita ko ang kagandang biyayang ito o talagang malaswa lang ang mga mata ko?” Patuloy niyang pagka-usap sa sarili. She continued staring at the open window. Hanggang may marealize siya.
“The f—ck!” She blurted out. Kumilos siya ngunit bigla siyang nawalan ng balanse. Bigla nalang umikot paibaba ang paningin niya nang tuloy-tuloy siyang dumulas at nahulog pababa mula sa pagkakatayo niya.
“Aaaaah!” Napatili siya. Sumabit ang isang binti niya sa sangang inuupuan niya kanina. She was hanging there upside down. Magulo ang buhok niyang sumabog sa mukha niya ang ilang hibla. The rest of her hair is being swayed by the wind. Her arms are hangin’, almost touching the ground.
Dumating si Jia na gulat na nakatingin sa kanya. Napasimangot na lang siya. Lalo siyang napasimangot nang magsimula na itong tumawa. Wala ba itong balak tulungan siya?
“Alright! Sige tawa pa. Hintayin mo kong─ Aaah!” Isang malakas na tunog ng pagkahulog ang pumutol sa sasabihin niya.
“Mahulog?” Dugtong ni Jia sa sasabihin sana niya. Tuluyan na siyang nalaglag. Mabuti nalang at mababa lang ang binagsakan niya. Tinulungan siyang umupo nito matapos nitong pagtawanan siya. Great. Just great.
“Bakit naman kase nahulog ka na naman diyan? Hindi porke lagi kang bumabagsak kay kuya, uugaliin mo nang magpakahulog diyan. E’ hindi ka naman mangga.” Sermon nito sa kanya habang tinutulungan siya nitong ayusin ang sarili niya. Tinanggal nito ang ilang damo na nasa buhok niya. Inayos niya ang buhok niyang nakasabog na sa mukha niya. Inilihis niya ang pants niya para lang mapasimangot sa galos na natamo niya.
“Ano ba kasing ginagawa ng magaling mong kapatid at wala siya rito para saluhin ako? Look, I got a scratch. Sana lang di magpasa to. Paano nalang ang susunod na Binibining Pilipinas? Sinong magpapanalo sa Miss Universe kung ganitong may galos ang binti ko? Hindi nga pinadadapuan ni Mama ‘to sa lamok, langaw, o kahit langgam e. Kasalanan to ng kuya mo! Bayaran niya ang legs ko! Sabihin mo kay ‘Jei-k-l-m-n-o-p’ panagutan niya ako!” Tuloy-tuloy na litanya niya. Madaldal talaga siya. Hindi rin niya alam pero minsan kung anu-ano nalang ang nasasabi niya.
“Okay.” Ngumiti ito. Halata sa mga mata nitong naaaliw ito sa paglilitanya niya. “Kuya Jei! Panaguta─”Tinutop niya agad ang bibig nito. Paano nalang kung marinig ito ng kapatid nito? Baka hindi lang siya nito gahasain este gisahin, baka i-bake pa siya nito sa maganda nitong oven.
“Sssh! What are you doing? Gusto mo bang ilibing ako ng buhay ng kuya mo?”
“Sabi mo sabihin ko sa kanya─”
“Don’t talk anymore, Jia. Just forget it. Basta ililista ko ang utang ng kuya mo. May atraso siya sa legs ko. At dapat panagutan niya to!” Sabi niya rito. Ngumiti lang ito at tumango. Kahit na mas matanda ito sa kanya ng isang taon, hindi nila alintana iyon. They’re the best buddies. And age won’t stop them from being friends. Walang makakapigil sa pagkakaibigan nila kahit pa ang dominanteng pipi nitong kuya. May lihim na hinanakit ata iyon sa nagpauso ng pagsasalita. Lagi kasi itong tahimik at madalas nakikita niya lang itong nagbabasa, nakikinig ng music habang may nakapasak na earphones sa tenga nito o kaya naman ay naggigitara. Madalang siya nitong kausapin, madali itong mairita sa mga tulad niyang hobby ang pagsasalita. He hates noisy places as well as noisy people like her. But she doesn’t really consider herself as noisy. She considers talking as her humor and her hobby. Hobby niya iyon, magsasalita siya kung kailan niya gusto as long as hindi siya nakakaagrabyado ng ibang tao. Pero mukhang pagdating kay Jei, magsalita lang siya ng higit sa dalawang sentence, daig pa nito ang nabugbog sa condo. It was obvious he doesn’t want to talk to her because he believes she’s noisy. And no, she isn’t! It’s called humor, baby!
Lumingon siya sa likod nito. Napakunot-noo siya nang may maaninag doon. Agad ding napalitan iyon ng ngiti at kislap sa kanyang mga mata. Hindi naman ganoon kalinaw ang mata niya pero mula rito ay nakikita niya ang paparating na si Jei. Hawak-hawak nito ang kinukutingting na ipod nito habang may nakapasak na earphones sa tenga nito. Bumabakat sa katawan nito ang manipis na gray shirt. Humuhubog tuloy ang maganda at matipunong katawan nito. Sabi na nga ba niya’t hindi nga talaga malinaw ang mga mata niya. Malaswa lang.
Lumingon din si Jia sa direksyong tinitingnan niya. Nagtataka itong bumaling sa kanya. Ngumiti siya ng nakakaloko rito.
“Sierra?” Tawag nito sa kanya.
“Yes?”
“Why are you smiling like that?” Nagsususpetyang tanong nito.
“Maniningil lang ako.” Sagot niya rito saka humagikgik. Inikot nito ang mga mata. Sinenyasan niya itong manahimik. Sigurado siyang didiretso si Jei sa punong inakyatan niya kanina. Ano bang mayroon ang punong iyon at ang hilig-hilig nitong tumambay roon? Samantalang lagi siyang nalalaglag sa punong iyon. May lihim din atang hinanakit sa kanya ang punong iyon tulad ng amo nito.
Dali-dali siyang umakyat muli sa puno. Si Jia naman ay iiling-iling na bumalik sa kahon na iniwan nito sa bermuda grass. Kung hindi siya nito nasalo kanina pwes kailangan siya nitong saluhin ngayon. Umakyat siya ng mas mataas kaysa kanina. Narinig pa niyang nag-usap sina Jia at Jei.
“Wag mo kong ibubuko, Jia.” Bulong niya. Hindi niya gaanong naririnig ang pinag-uusapan nila. Nagtago siya at pumuwesto sa bandang likod nang makita si Jei. Tumingala pa ito sa puno, marahil ay tinitiyak kung naroon siya. Pinigilan niya ang paghinga at humiling na sana hindi siya nito makita. Ilang segundo ang lumipas nang may marinig siyang umupo. Sumilip siya at nakitang nakaupo na si Jei, nakasandal sa puno at nakapikit. Dahan-dahan siyang kumilos. Bumaba siya ng kaunti sa puno para hindi gaanong mataas ang babagsakan niya baka kase mapuruhan niya si Jei. Patay siya rito, hindi sa Mommy nito.
“Alam kong nasa taas ka.” Nagulat siya nang magsalita ito. Sa gulat niya ay dumulas ang paa niya habang pababa palang siya. Napasinghap siya. Sinubukan niyang kumapit pero huli na.
Anak ka ng mangga! May part two pa ata ang pakahulog niya sa bermuda grass! Isa muling malakas na tunog ng pagkahulog ang narinig niya. Sumubsob ang mukha niya sa isang matigas ngunit makinis na bagay.
“Oh God!” Narinig niyang sigaw ni Jia. Tumawag din ito ng tulong. Pinakiramdaman niya ang sarili. Wala namang masakit sa kanya bukod sa galos niya kanina at sa bagong galos sa paa niyang nadulas sa sanga sa sobrang gulat niya. May narinig siyang tumutugtog na kanta. Pamilyar sa kanya ang kantang iyon. Naging isa sa mga paborito niya iyon. Ang kantang ‘I’m yours’ ni Jason Mraz. Sunod ay may narinig siyang umungol na tila ito ang nasaktan sa pagkakabagsak niya. Ibinukas niya ang mga mata at napansin ang kulay gray na kinasusubsuban niya. Nag-angat siya ng ulo at napasinghap. She realized she was on top of Jei! Natanggal ang earphone sa isang tenga nito. Nakapikit ito at tila iniinda ang sakit ng pagkakabagsak niya rito. Did he catch her? Idiot, of course he did!
Napatingin siya sa ayos nila. Nakapatong ang dalawang kamay niya sa balikat nito. And he’s hand holding her waist. The other one is protecting her head. Her eyes widen when she realized that her knee is in between his thighs! Nasagi ba niya? Magsasalita sana siya nang unti-unti nitong iminulat ang mga mata. Napatitig siya roon kasabay ng pagsasalubong ng kanilang mga tingin. Natameme siya at napalunok. Lahat ata ng brain cells niya nalunok na rin niya. Wala na kasi siyang ibang nasabi. Her lips parted as she tried to say something but no words came out. She suddenly felt that familiar feeling.
“Damn it. Just what the heck are you doing with your life?” He asked, still in pain. She didn’t replied. She can’t even close her mouth, for goodness sake!
“Kuya! Sierra! Are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Jia. Agad siyang umalis sa pagkakadagan kay Jei. Napakurap-kurap pa siya. Wala pa rin siya sa sarili kahit noong tinutulungan na nila Nanay Iday at Mang Kasyo si Jei na tumayo upang dalhin sa silid nito. Paalis na sila nang saka lang siya nakapagsalita.
“So-sorry.” Nauutal niyang sabi. Hindi siya nakarinig ng kahit ano mula rito. Tuloy-tuloy itong naglakad habang inaalalayan nila Nanay Iday. Sa taas ng binagsakan niya mukhang napuruhan niya nga ng husto ito. Napakagat labi siyang napatingin kay Jia. Napailing iling nalang ito. Pinilit nitong ngumiti na tila pinapalakas ang loob niya.
Kinakabahan siya. Oo, gusto niyang panagutan ni Jei ang nangyari sa legs niya. Pero ang nangyari kanina ay bunga ng katangahan at kalokohan niya. Napuruhan ba niya ang bagay na pinaka-iingat-ingatan nito? Pananagutan din ba niya iyon?
“Kuya’s going to be okay, Sierra.” Pagkalma ni Jia sa kanya habang tinatapik ang balikat niya. Kinagat niya ang labi saka tinanaw ang direksyong tinungo nila Jei kanina. Wala sa sariling nagtanong siya.
“Pananagutan ko din ba ang kuya mo, Jia?”

Comentário do Livro (207)

  • avatar
    camaracharlen

    the story is good and the author is very talented in writing stories.

    20/01/2022

      0
  • avatar
    Zyra C Sortigosa

    500

    3d

      0
  • avatar
    Henzah

    haha lala naman kasi

    5d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes