logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

KABANATA 5.2: Halika na

Magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ni Bon sa sandaling iyon. Dahil batid nilang ano mang oras ay maaari nang tuluyang mahilog ang bus.
Mababakas rin kay Vincent ang pag aalala para sa kaibigan.
"Bon, umalis ka na rito! Iligtas mo nang sarili mo!" Sigaw ni Vincent at pilit pa ring itinutulak ang mga nagkukumpulang estudyanteng naroon.
Pero sa halip na tumakas at umalis sa lugar na iyon ay mas pinili ni Bon na manatili at iligtas ang kaibigang si Vincent.
Nahulaan naman ni Vincent ang kanyang gagawin at napa-iling sa inis at nagwika,
"Sabing umalis ka na Bon eh! Delikado na ang buhay mo!" Gaya ng reaksyon niya, takot na takot din ito at mapapansin ang tagaktak ng pawis mula sa kanyang noo.
Pansin rin ni Vincent ang namumulang mga mata ng kaibigan at mapapansin rin ang namumuong kislap ng luha na halatang pinipigilan ni Bon. Alam ni Vincent na gusto rin nitong makaligtas mula sa kapahamakan pero mas nananaig padin ang kabayanihan nito.
Ipinagwalang-bahala ni Bon ang mga sinabi ng kaibigan at sa halip ay inilahad niya ang kanyang mga kamay, hudyat na tutulungan niya ito.
Kunot noong tiningnan ni Vincent ang kaibigan, at umango siya bilang tugon pero nanatili pa rin ito sa kinaroroonan.
"Halika na." Akay ni Bon sa kaibigan.
Nag-aatubili pa si Vincent dahil alam niyang sa oras na hilahin niya ang mga kamay nito ay ito naman ang mapapahamak. Umiling ulit siya at hindi nagpatinag dito.
Napangiti na lamang si Bon sa inasal ng kaibigan.
“Pre, naalala mo pa ba yung mga panahong lagi mo akong tinutulungan sa kahit na ano mang problema na pinagdadaanan ko? Eto na yun, binabalik ko na yung ginawa mo sa akin." Sambit ni Bon habang nakangiti.
"Anong pinagsasabi mo?" takang tanong naman ni Vincent, pero napapaluha na rin.
"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin, so ngayon quits na tayo!” wika pa ni Bon.
Gulat na napatingin si Vincent sa kaibigan. At tinitigan ito kung seryoso ba ito sa mga sinasabi.
"Pre hindi yan magandang biro, pakiusap umalis ka na." giit niya sa kaibigan. Gusto niya itong mabuhay dahil kapatid na rin ang turing niya dito. Muli na namang tumunog ang makina ng bus padausdos ng bangin.
"Hindi ako aalis dito pre hanggang hindi mo inaabot ang kamay ko." Saad ni Bon. Kitang kita ni Vincent na seryoso ito habang nakangiti pa rin. Habang nakalahad ang kamay. Masakit man sa kalooban ay inabot niya pa rin ang mga kamay nito.
Hindi na muling nag alinlangan pa si Vincent at inabot na ang palad ng kaibigan at mabilis siyang hinila pataas nito pero ito naman ang nahulog.
Maagap naman siyang hinila ng iba pang estudyanteng nakaligtas pataas. Nagtulungan ang mga ito upang mailigtas sya mula sa kapahamakan.
"Bon!" sigaw ni vincent ng mahulog ang kaibigan.
“T-tulong..” mahinang sumamo ni Ms. Trey at pilit na itinataas ang mga kamay ngunit sa kasamaang palad ay di nakakapit ang isang estudyante at nalaglag din ito sa pinagbagsakan ni Mrs. Trey na naging dahilan din upang mabasag ang salamin na kinasasadlakan nito.
“Ms.Trey!!” sigaw ng mga studyante.
“Oh my God!!” Hiyaw naman ni Yonie.
Kasabay ng pagkahulog ni Ms.Trey ay ang tuluyan ring pagkahulog ng bus.
“Bon!!”sigaw muli ni Vincent kasunod niyon ay ang mabilis na pagpatak ng mga luha sa mata ng binata
“Quits na tayo..” huling nasambit ni Bon.
“No! Please nooo!” malakas na sigaw ni Vincent na tila pilit na inaabot ang bus. Maagap naman ang mga kaklasing hinahawakan sya mula sa likuran.
“Vincent, tama na..halika na” ani ni James sa binata
“No! si Bon! si Jane! nandon sila eh, a wala akong nagawa para iligtas sila! ” umiiyak pa ring sambit ng binata.
Nanlalaboo ang kanyang paningin at halos hindi na siya makahinga sa sakit na naramdaman niya. Kitang-kita niya ang pagpagulong-gulong at pagdausdos ng sinakyang bus pababa sa bangin. Nagkagutay-gutay at nagkayupi-yupi pa nga ito habang ito'y pababa nang pababa sa kailaliman ng bangin.
Dinig na dinig niya rin ang mga malalakas na hiyawan at tili ng mga estudyanteng nahulog kasama ang bus.
"I’m S-sorry." Ang tanging na wika ni Vincent kasunod nang sunod sunod na suntok sa lupa.
Labis ang konsensyang nararamdaman niya, napabayaan niya ang nobya at nasaksihan niya kung paano nagsakripisyo ang kaibigan na si Bon, na tinulungan siya pati na rin ang mga kaklase nila.
Napuno nang iyakan ng mga estudyanteng nakaligtas mula sa aksidenteng iyon. Kahit na nakaligtas man sila sa kapahamakan, naghihinagpis pa rin sila dahil namatayan sila ng mga kaibigan at kaklase.
"Wala na, wala na sila!" hikbing sabi ni Jay.
"Wala man tayong nagawa para tumulong" Wika naman ni James.
"Parang hinayaan ko lang silang mamatay." Hikbi naman Nikka.
"Kailangan nating mabuhay kaya hindi natin sila natulungan. Kailangan nating unahin ang sarili natin kaysa sa iba." Mariing wika naman ni Brett na nakikinig sa kanilang pag-uusap.
Sa sulok ay nakahalukipkip naman si Vincent at napaismid ng marinig ang sinabi ni Brett.
"Unahin ang sarili, tsk?" pabulong na sabi niya. Wala pa rin siya sa sariling katinuan sa pagkakataong 'yon. Hindi niya matanggap na mas inuna pa ni Bon ang kapakanan niya kaysa sa sarili niya.
"Ano na'ng gagawin natin ngayon? Saan na tayo pupunta?" takot na tanong Jenny.
Bumuntong-hinga naman sila sa sinabi nito.
"Wala na tayong magagawa pa kundi ang hintayin na mag-umaga at balikan ang dinaanan natin kanina.” Tugon naman ni Ryan sulok.
"Pero paano na sila?" tanong naman ni alexa na napasulyap sa pinaghulugan ng bus.
"Wala nang sila. Wala na tayong magagawa pa patay na sila." giit namang muli ni Ryan.
Sa huli ay napayuko na lamang silang lahat at nag-alay ng simpatya sa mga estudyanteng pumanaw na. Halos hindi nila matanggap na sa tagpong iyon, nangyari ang 'di inaasahang aksidente at nagdala iyon ng trauma at takot sa kanilang mga buhay. Buti na nga lang ay nakaligtas sila kahit pa man na hindi nila nagawang mailigtas ang taong tumulong sa kanila upang makalabas pa sila ng buhay.
Si Vincent na balisa ay hindi pa rin kumikibo. Nanatili sa isip niya ang huling sinabi ng kaibigan bago ito mahulog ng tuluyan. Lubos pa rin siyang nagdurusa sa sinapit nito at ng kasintahan. Pilit na sinisisi ang sarili sa sa pagkawala nito. Nang dahil sa kanya ay kasama itong nasawi sa loob ng nahulog na bus.
Sa kabilang banda naman, nakabulasok ang katawan ni Ms. Trey at nadadaganan ang kalahating katawan ng Bus. Duguan at halos hindi na maaninag ang mukha dulot ng mga basag-basag ng salamin na nakabaon dito. Nagmistulang pula ang loob ng sasakyang bus dahil sa sariwang dugo na nagmumula sa mga estudyanteng sugatan at patay na naroon. Walang mga malay at basang basa ang mga mukha dahil sa mg dugo na dumanak dito. Mapapaansin din ang mga mugto nilang mga mata dulot ng pag-iyak.
Sa pinakasulok naman na kaliwang bahagi ng bus ay ang babaeng kanina'y tulog na tulog bago pa man mangyari ang lahat ay unti unting nagkakamalay Dumudugo ang ilong nito at may mga konting galos sa kamay at mukha. Bigla itong gumalaw at dahan-dahang minumulat ang mga mata, at kinusot-kusot pa ito. Bigla itong nagulantang ng mapuna ang paligid. Pinilit niyang tumayo pero napansin niya ang sugat sa kanyang kanang binti. Pagtingin niya sa gilid ay nakabulagta na si Ms. Trey at wala na itong buhay. Napasigaw siya ng makita iyon. Kaagad niyang hinanap ang nobyo pero wala na ito roon.
"A-ano nangyari?" Natatarantang nasambit ng dalaga habang pinagmamasdan ang paligid.
Doon ay nasaksihan niya ang bali-baling buto ng mga estudyanteng naroon. Walang mga malay at duguan. Tanging iyak at takot na lamang ang kanyang nagawa dahil sa tagpong yon.
Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang biglang may dumampi na malamig na bagay sa paa ni Jane. Napatingin siya rito ngunit biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto kung ano ito.
"Jusmeyo! Tulong!!! Tulungan niyo ko!!!""

Comentário do Livro (221)

  • avatar
    Luuuuuuucccaaaasss

    Ang ganda ng story at medj nakakaiyak dn HAHA pero sana may update soon susubaybayan k po ito!<3

    08/05/2022

      0
  • avatar
    Gemma Depalan

    High quality and meaningful story! it's not just a horror but it is how people change when having difficult situations in their lives. sacrifices, betrayal and lies. wow! antalino! You Deserve my tip!

    12/12/2021

      1
  • avatar
    Analiza Rivas

    Ilang kabanata pa lamang ang nabasa ko ngunit ngayon pa lang ay masasabi ko na maganda ang nobelang ito. Maayos ang pagkakahabi ng mga pangyayari, malinaw ang karakterisasyon ng mga tauhan at kahit puno ng katatakutan ang mga kabanata ay hindi maikakailang iniugnay ng manunulat sa tunay na buhay ang ilang eksena o tagpo. Aabangan ko ang update ni Author...

    10/12/2021

      6
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes