logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 25 | Tyron...

Ciara's pov
Maaga akong gumising at kumain, dahil ngayon na ako aalis. Tulad nang napag-usapan namin kagabi ni Hannah ay magkikita kami sa lugar ng San Roque.
Pero, hindi ko pa rin talaga maiwasang isipin ang tungkol sa nakita ko kagabi sa kwarto nila mommy, ang totoong pangalan nila na nakalagay sa mga legal na papeles.
Nalilito pa rin ako hanggang ngayon kung saan ko ba narinig ang mga pangalan na 'yun, at kung bakit 'yun iba ang gamit nilang pangalan ngayon at hindi 'yun. Pakiramdam ko talaga ay alam at narinig ko na ang mga pangalang 'yun, pamilyar na pamilyar sila sa akin. Ngunit hindi maalala ng utak ko kung saan ko narinig 'yun.
"Aish, nakakainis talaga ang mag-isip. Ang sakit sa ulo!" Saad ko.
"Ma'am Ciara, saan ho ba talaga kayo papunta at bihis na bihis kayo?" Tanong sa akin ni manang, nang makita ako nito.
"May kailangan lang po akong asikasuhin," sagot ko, habang umiinom ng gatas.
"Eh, ano pong sasabihin ko kila sir, kapag tinanong ako kung nasaan kayo?" Tanong ulit nito.
"Basta, ang sabihin mo na lang manang, babalik naman agad ako ng hapon," sagot ko. Tumango naman si manang, kaya hindi na ako nagsalita pa.
"Ay, manang. Pakikuha naman po nung lighter, 'yung mahaba po na parang baril? Andon lang po sa kusina. Susunugin ko lang ang mga 'to." Utos ko sa kanya at nilabas 'yung mga pinilas kong papel kagabi.
'Bakit kaya niya 'ko pinadalhan nito? Alam kong ako ang puntirya nila at balak patumbahin, pero hindi ko mahita ang rason kung bakit ako? Nalilito ako dahil kasabwat ang Kuya ni Hannah, pero gagawin nilang pain sa akin si Hannah? Kaya imposibleng ang dahilan ay gumaganti sila sa akin dahil sinira ko ang relasyon noon ni Hannah at Tyron.
Sa anong paraan nila ako gustong patumbahin? Gano'n ba kalaki ang kasalanang ginawa ko sa kanila, kaya ganito na lang kaplanado ang gagawin nila sa akin? Paano kung gawin nilang salvage si Hannah at kapalit ng buhay niya ay buhay ko?
O hindi naman kaya, isa lang sila sa mga High School Classmate ko na hindi ko na-invite kagabi sa party ko, kaya niya sinira, kasi nagtampo?
Tss, hindi ko talaga maisip ang paraan kung bakit buhay ko ang pinupuntirya nila. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nasa pahamak na nga ang buhay ko at kahit anong oras ay maaari na akong mamatay, ni hindi manlang ako nakakaramdam ng takot.
Siguro kabado, oo. Kinakabahan ako na baka may madamay, pero ang takot? Hindi ko maramdaman. Siguro kasi ay sanay na ako dahil minsan na ring nabinggit sa kamatayan ang buhay ko? Sa trato pa lang sa akin ni Tyron noon, para na akong nasa impyerno, ito pa kayang binibigyan pa ako ng warning na patutumbahin ako?
Si Tyron nga, hindi nagsasabi, eh. Lol.
Why did I even find it funny.
"Ito na po, Ma'am." Saad ni manang nang makabalik ito habang dala-dala ang malaking lighter na punakuha ko sa kanya. Kinuha ko naman 'yun sa kanya at sinunog na ang dapat sunugin.
'kring~ kring~'
Agad kong kinuha ang cellphone ko nang tumunog ito. Hindi ko na rin tinignan kung sino ang tumawag.
"Hello?" Sagot ko.
"Ciara, Si Raiza 'to. Susunod ako mamaya sa San Roque, may sinusundan lang ako ngayon," bulong nito na mukhang may pinagtataguan.
Sino naman kayang sinusundan nito?
"Sige, salamat Raiza. Asan nga pala si Jennifer ngayon?" Tanong ko.
"Susunod rin siya mamaya, may pinuntahan lang sila ng magulang niya, importante daw." Sagot nito.
'Si Tyron kaya? Nvm, pinalayo ko na nga pala siya kagabi, hays! Huwag mo na nga siyang iisipin Ara!'
"Sige na, inform ko na lang kayo." Saad ko at pinatay na ang tawag, pero may isa pang tumawag na kasunod.
'Sino naman 'to?'
"Hello?"
"Ciara, asan ka na? Si Hannah 'to. Papunta ka na ba? Panigurado hinihintay na ako ni Kuya do'n. Sunod ka na lang, ha? Hihintayin kita doon," saad niya.
Napabuntong hininga na lang ako, bakit parang ngayon lang ako tinamaan ng kaba. Ngayon na ba mag-uumpisang manganib ang buhay ko?
"Papunta na ako, malayo 'yun, hindi ba?" Tanong ko, habang pinapasok yung lighter sa bag ko.
"Manang, alis na po ako!" Pagpa-paalam ko at naglakad na palabas ng gate, saka ako naghintay ng dadaan na taxi.
"Oo, malayo-layo 'yon. Basta, 'wag kang papahalata, ah? Mag-ingat ka sa byahe, kita na lang tayo do'n, bye!" Pahabol pa ni Hannah.
"Copy," sagot ko at pinatay na rin ang tawag.
"Saan po tayo, Mam?" Napaangat ang ulo ko, nang tanungin ako ng driver.
'Wait, pamilyar ang boses na 'to, ah?'
"Ah, Manong. Sa San Roque po tayo," sagot ko.
"Copy that, Mam!" Sagot nito, napangiti naman ako nang makilala ko na ito, dahil sa linya niya. Si manong, 'yung naghatid sa akin sa hospital noon. Naalala ko siya.
"Mam? Ay, naku! Mam Ciara! kayo po pala iyan, kamusta na po kayo?" Tanong nito, habang nagd-drive. Tuwang-tuwa na nakita akong muli, kaya naman nginitian ko rin ito.
Ito, manong. Nanganganib ang buhay, hindi alam kung hanggang kailan na lang magtatagal.
"Ito po, nakakatuwa at wala na po 'yung sakit ko. Eh, ang bunso niyo po ang kamusta na?" Tanong ko rin sa kanya.
"Ayun nga, Mam! Laking pasasalamat ko at gumaling. Salamat po sa inyo, Mam. At may naibayad ako." Natatawang sabi nito, napangiti naman ako.
"Walang ano man ho 'yun, manong!" Nakangiting tugon ko.
"Ano ho pa lang gagawin ninyo sa San Roque? Eh, medyo malayo pa naman po 'yon?" Tanong ni manong.
"May importanteng gagawin lang po ako," sagot ko. Ang totoo ay hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin do'n. Pero kailangan kong pumunta, kailangan kong malaman ang plano nila at kung sino sila, para naman aware ako kung sinong papatay sa akin, hindi ba?
Tumawag na rin ako ng police kagabi at sinabi lahat nang nalaman ko, noong una ay hindi sila naniniwala dahil marami na daw ang katulad ko na tumatawag at sinasabing nanganganib ang buhay nila. Tapos kapag daw pinuntahan nila ay wala naman pala.
Mukha ba akong mag j-joketime sa buhay ko?
In case lang naman, eh.
Tinawagan ko rin sila ulit kanina bago ako umalis, ang sabi ko ay tatawag ako ulit after 1 hour para i-inform sila kung pupunta pa ba sila o hindi, pero kapag hindi ako nakatawag after an hour ay sinabi kong puntahan na nila 'yung address na sinabi ko. Which is here sa San Roque, dahil paniguradong kapag hindi ako nakatawag ay nasa panganib na ako, pero incase din na hindi nila ako makita dito mamaya ay sinabi kong itrace na lang ang location ko dahil nakabukas naman ang GPS ng phone ko.
Ilang oras pa ang pagda-drive ni manong patungong San Roque, ay nakarating rin naman kami.
"Sure ka po manong na dito 'yun?" Tanong ko, habang pinagmamasdan ang lugar, napaka-tahimik masyado, para namang walang tao?
'Ghost town ang peg?'
"Opo, Mam." Rinig kong sagot ni manong.
"Magkano ho ba manong?" Tanong ko.
"460 po, Mam." Sagot nito, anlayo nga nito masyado. Umabot ng 400 ang binayad ko.
Kumuha naman ako ng pera mula sa loob ng bag ko, bahagya pa akong nagulat nang makita ko ang lighter sa loob ng bag ko.
'Bakit nadala ko pa 'to? Sa sobrang lutang ko kanina ay hindi ko napansin na nalagay ko pala 'to?
"Salamat ho, Kuya!" Paalam ko at naglakad na papasok sa loob ng building, habang tumingin-tingin sa paligid.
"Ano ba naman klaseng lugar 'to, ang tahimik." Sabi ko sa sarili ko.
Napatigil ako sa paglalakad, nang may marinig akong tao na nag-uusap, hindi kalayuan. Nag e-echo kasi ang boses nila, kaya rinig na rinig ko.
"Nasan na ba 'yang kapatid mo! Ang tagal tagal!" Narinig kong iritang tanong nung babae dun sa lalaki, pareho silang nakasuot ng purong itim at hawak ang mga maskara.
So, 'yung lalaki na 'yun ang sumagasa sa'kin?
Gusto ko siyang sugudin ngayon at saktan, kaso hindi pwede, wala akong kasama, baka kung ano pa ang mangyari sa akin kapag sumugod ako nang mag-isa.
'Sino ba 'tong babae? Siya na ba si Shaira Soriano? Siya ba 'yung gustong makipag-kita kay Hannah?'
"Saglit ka lang! Masyado kang atat! Dadating din 'yun!" Iritang sgaw nung lalaki.
"Hindi naman kasi ikaw ang mayayari kay boss, tanga ka talaga!" Sabi naman nung babae. Boss? Ah, so, hindi siya si Shaira?
"Tawagan mo kaya, 'no? Tanga tanga ka talaga!"
"Oo na, ito na tatawagan na! Tss! Makatanga, akala mo siya 'yung boss dito." Sabi nito.
Tinignan naman siya nung babae, nakikinig lang ako sa usapan nila, pero nagulat ako nang mapansin kong ngumisi 'yung babae.
"Mukhang siya na ang lumalapit sa atin ng kusa, ah." Nakangising sabi nung babae, dahilan para magtakha ako.
'Sinong tinutukoy niya?'
Sisilip pa sana ako, nang makitang nakatingin na ito sa direksyon ko, dahilan para agad akong magtago.
'Shit, pa'no niya nalamang andito ako?!'
Sunod-sunod kong nailunok ang sarili kong laway, dahil sa kaba nang marinig ko ang mahinang tawa nito.
'Ang lakas naman ng instinct no'n!'
Paano niya naramdaman na nandito ako? May lahi bang aswang 'yon? Shit naman, mailangan ko nang makaalis ngayon dito agad, dahil delikado na ako.
'Paano niya ba kasi ako nakita, eh nakatago na nga ang buong katawan ko sa pader?
Dahan-dahan akong umatras, at naghanda na sana akong tumakbo paalis kaso- fuck! 
Nagulat na lang ako nang nakatayo na ito sa harapan ko, dahilan para manlaki ang mga mata ko at isang beses na mapahakbang paatras nang dahil sa gitla.
'How come did she came here that fast?!'
"Where do you think you're going?" Nakangisi nitong tanong nito, dahilan para muli na naman akong mapaatras ako.
"H-huwag kang lalapit sa akin!" Kinakabahang pagpigil ko sa kanya at patuloy na humahakbang paatras.
"Huwag kang matakot sa'kin. Don't worry, hindi naman kita sasaktan, eh." Kalmadong sambit nito.
"Kung sasama ka sa'kin," dugtong nito, kasabay noon ay ang nakakaloko niyang tawa na sobrang nakakarindi sa tainga.
Hindi ba sa kanila uso ang tumawa nang maayos? Mukha silang adik!
"Diyan ka lang, hindi ako sasama sa'yo. Lumayo ka nga sa'kin?!" Kunot noong sambit ko, hindi ako sumigaw dahil mas mahihirapan akong tumakas dito kung pati iyung isang lalaki ay malalaman na narito ako. Narinig ko naman ang pagtawa nitong babae sa harap ko na siyang hakbang ng isa sa tuwing aatras ako.
"Bakit ako lalayo? Ikaw nga itong kusang pumunta rito, hindi ba? Iwe-welcome lang kita, ayaw mo ba no'n?" Nakakalokong ngiti ang bumalatay sa mukha niya. Hindi pa man ako nakakasagot ay nagulat na ako nang may isa pang lumabas sa likuran ko.
"Oh, nice! Kapag sinuswerte ka nga naman, ikaw na talaga ang kusang lumapit sa'min. Nakakatuwa namang malaman 'yon!" Natutuwang saad nito, ito iyung kasama nung babae kanina.
Fuck, wala na. Mahihirapan na talaga akong tumakas nito!
Nagtama ang tingin namin ng lalaki nang harapin ko siya. Saglit pa akong napalunok nang makita ko ang nakakatakot nitong hitsura. Namumula ang mga mata at nanlilisik ang mga ito.
Sa ngayon ay pinaggigitnaan nila akong dalawa, kaya naman hindi na ako gumalaw pa sa kinatatayuan ko dahil alam kong mas lalapit lang sila kapag gumalaw ako.
"H-huwag kayong lalapit sa'kin." Matigas na sambit ko at isang beses na lumunok ng matindi nang parehong may nakabalatay na ngisi sa mga labi nila na para bang sinasabi na wala na akong takas sa kanila.
"Huwag ka nang umalis. Tutal, andito ka na rin naman. Sumama ka na lang sa'min, sayang naman ang effort mo na pumunta dito, kung aalis ka lang din naman ulit, hindi ba?" Natatawang sambit nitong lalaki at hinatak ako sa braso nang makalapit siya sa akin.
"B-bitawan mo ako! Pakawalan mo ako!" Sigaw ko at pilit na kumakalas sa pagkakahawak nito sa'kin, habang kinakaladkad nila ako papunta sa sasakyan nila.
"Tss, tss, tss! Kaibigan ka nga ng kapatid ko. Natututo ka ng lumaban-laban eh, ha! Pero pareho lang kayong tanga-tanga hahaha!" Sambit nito, at talagang dinamay niya pa si Hannah. Ang kapal ng mukha ng taong 'to, parang hindi kapatid 'yung nilait, ah? Baka nakakalimutan niyang magkadugo sila?
Edi, malamang. Tanga rin siya. Engot amp.
'Hannah, asan ka na ba? Sabi mo papunta ka na, tulungan mo naman ako dito. Wala akong balak magpakamatay ngayon.
Muli kong naalala ang sinabi sa akin noon ni Jennifer. Tinuro niya sa akin, para malabanan ko noon si Tyron, pero hindi ko na nagawa. Kaya sa lalaking 'to ko na lang gagawin.
Wala na akong ibang masip na gagawin para makatakas. Kaya sige, ito na lang. Wala na akong choice, kailangan kong makatakas rito. Hindi ko alam kung paano mag-self defense.
Hindi na ako nagsayang pa ng oras at gad kong kinagat ang kamay nito at malakas na pwersang siniko at sinipa ang private part niya, dahilan para mabitawan niya ako at magkaroon ako ng pagkakataon na makatakbo palayo.
"ARK! FVCK! SHT! ARAAY!!! TANGINA! ANO PANG GINAGAWA MO!! HABULIN MO SIYA!!" 
Takbo lang ako nang takbo, pero mukhang minamalas ako ngayon, dahil wala na ata talaga akong takas dahil napaka-bilis tumakbo ng babaeng humahabol sa akin ngayon!
Hindi na ako nagtaka nang maabutan niya ako.
"Halika nga dito! Tatakbo ka pa, mahuhuli rin naman kita! Pinapagod mo lang ako!" Saad nito at hinila ang buhok ko, bago ako sinikmuraan.
"A-ah!" Daing ko at napahawak sa sikmura ko nang sipain niya ito.
"Sabi ko naman sa'yo, huwag nang lumaban, para hindi na masaktan. Ang kulit mo kasi masyado, tss!" Saad nito at muli akong kinakaladkad pabalik.
'Ang sakit. Pakiramdam ko ay nanghina ang buong katawan ko, dahil sobrang lakas no'n.
"Ang kulit mo talaga! Bakit kasi hindi ka na lang sumama sa amin ng maayos, para hindi ka na nasasaktan!" Sabi nung lalaki at hinawakan ako sa kabilang braso.
"Bitawan niyo ako!" Pagpagpupumiglas ko.
"Huwag ka na nga sabing magulo! Bakit ba ang tigas ng ulo mo, ha! Ang hirap mong pagsabihan ah!" Sigaw nung lalaki sa akin at hinigpitan ang hawak sa braso ko.
"Pakawalan niyo na ako, please! Maawa kayo!" Pagmamakaawa ko, habang humahagulhol na.
"Maawa ka na rin sa sarili mo, sumunod at manahimik ka na lang, kung ayaw mo na namang malintikan!" Sigaw na naman sa akin nung lalaki.
"Kapag sinabi kasing bitawan, bitawan na lang. Huwag nang maraming sinasabi," rinig kong sabi ng kung sino man mula sa likuran. 
'Omayghad! Kung sino ka man! Maraming salamat! Hulog ka ng langit!
"Tss! Huwag ka nang makialam dito kung ayaw mong madamay," sabi nung babae at kinaladkad na naman nila ako.
'T-tulungan mo 'ko, please! Help me! Maawa ka! Huwag mo akong iwan mag-isa rito.
"Bitawan niyo na." Mahinahong saad pa nito, hindi ko man siya nakikita ngunit natutuwa na ang puso ko dahil mukhang balak niya nga talaga akong tulungan at hindi ako iiwan mag-isa dito hangga't hindi niya ako naisasama.
Huhu naiiyak ako, ngayon lang ata ako sinuwerte sa buong buhay ko.
"Huwag ka na sabing makialam!" 
"Saktan niyo na lahat, huwag lang 'yan," sabi pa nito. Hindi ko alam, pero pamilyar ang boses nito, parang saglit akong natigilan nang maisip ko kung sino ito.
Hindi naman siya 'to, hindi ba? S-sabihin niyo, mali ang iniisip ko. H-hindi siya 'to.
"Aray!" Daing ko nang itulak ako pasalampak sa lupa nung babae.
"Gusto mo talagang masaktan, eh 'no?" Hiyaw nung lalaki at sinugod ito.
"Tss, as if naman na kaya mo?" Sarkastikong saad nito.
"WAG KA NA KASING MAKIALAM, KUNG AYAW MONG MADAMA----ARGKK!!" Naaninag kong napahiga 'yung lalaki, dahil sa ginawang pag-suntok at sipa nung lalaki.
'Hindi ko na sila maaninag ng maayos dahil nanghihina na naman ako. Ang sakit pa rin ng sikmura sa akin nung babae.
"Kayo ang tumigil, wala naman kayong mapapala sa mga ginagawa niyo," sambit pa nito, at sinipang muli 'yong lalaking namimilipit na sa sakit, habang nakahiga sa lupa.
Pero agad nanlaki ang mga mata ko nang maaninag ko ang babaeng nagdadahan-dahan maglakad sa likuran nung lalaki, habang may hawak-hawak na patalim.
"T-teka! Huwag!!" Buong lakas na sigaw ko, pero huli na-
"Ah!" Daing nito, pumatak na lang ang luha ko nang tuluyan itong sinaksak sa tagiliran. Lalo pang bumagsak ang dalawang balikat ko nang makumpirma ko kung sino talaga ito.
"Sinabi na kasing huwag nang makialam! Bakit ba ang kikitid ng utak ng mga tao ngayon, tss! Ang hihirap niyong pakiusapan!" Sabi pa nung babae at hinila siya patungo sa likod na loob ng van.
"Ipasok mo na rin 'yang babaeng 'yan dito!" Utos pa nung babae sa lalaki habang tinuturo ako.
Tumayo naman siya, habang nakahawak sa tiyan at hinatak ako sa braso. Hindi ako makalaban, dahil lalo lang akong nanghina sa nasaksihan ko.
"Tumayo ka!" Sigaw niya sa akin at muli akong hinatak sa braso, para itulak papasok sa van.
Tuluyan nang tumulo ang luha nang makita ko siyang nanghihina, habang iniinda ang saksak niya sa tagiliran.
"B-bakit ka pa kasi sumunod," naiinis na sambit ko, pero hindi niya ako sinagot. Bagkus ay nilingon niya lang iyung dalawa na nasa labas at mukhang parehong may mga kausap sa telepono.
"Ciara, listen to me." Hinawakan ko ang kamay niya, kahit hinang-hina na ako.
"T-tumakas ka na. Bilisan mo, habang hindi sila nakatingin," agad akong umiling, kitang-kita ko sa mukha niya ang sakit kahit pa nanlalabo na ang mga mata ko nang dahil sa luha.
"Hindi, ayoko," sagot ko.
"Please, just go." Madiin niyang saad.
"P-pero- paano ka? Hindi kita pwedeng iwan dito!"
"I'm okay here, j-just go. Please.. save yourself kahit ngayon lang. Huwag mo akong intindihin. Sige na, tumakas ka na!" Pilit nitong hinuhugot ang lakas niyang sabihin sa akin iyun. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko.
Tumingin pa muna ako sa dalawa at mukang papasok na sila, dahil wala na silang kausap.
"Tumakas ka na!" Nahihirapang sigaw nito.
"Balikan kita." Sambit ko at dali-daling lumabas, para makatakas.
"Mag-iingat ka," sambit nito, bago nawalan nang malay nang tuluyan akong makalabas ng van sa kabilang side kung saan hindi ako makikita nung dalawa.
'Tyron...'
Napahagulgol na lang ako nang tuluyan nang makaalis ang sasakyan.
'Bakit niya ba kasi ginawa 'yon?! Kahit kailan talaga ay nakakainis ang ugali niya!
"Ciara? Anong ginagawa mo dito?!" Napaangat ang tingin ko sa babaeng na sa harap ko ngayon.
"Omyghad! A-anong nangyari sa 'yo?! Bakit ganyan ang itsura mo? Bakit parang- shit! Sila Kuya ba ang may gawa nito?! Nahuli ka ba nila?! Omyghad! I'm Sorry, Ciara! Aish! Nakakainis! Huli na naman ako, I'm sorry talaga! May mga humarang kasi sa akin kanina at hindi agad ako nakatakas, kaya ito.. pakshet naman, oh! Asan na sila Kuya?! Bakit wala sila rito?"
Hindi ko na masiyadong maintindihan ang sinasabi niya, dahil wala na akong masiyadong naiisip kundi si Tyron na naiwan sa van mag-isa.
"Hannah.. si Tyron." 
"Si Tyron? Anong nangyari sa kanya? Andito rin ba siya? Anong ginagawa niya dito? Asan siya?!" Naguguluhang tanong na rin ni Hannah, napailing na lang ako.
'Hindi ko na alam.'
"Kinuha kami, p-pero pinatakas niya ako. H-hannah, nasaksak siya. Naiwan siyang mag-isa sa loob ng van," humahagulhol na sambit ko at hindi na alam ang gagawin. Tangang-tanga na ako, dahil hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang sumunod rito!
Kung sana ay hindi na siya nagpakita, edi ako na lang ang nakuha, 'di ba? May chance pa na makatakas ako, pero dahil pareho kaming walang lakas kanina ay ako lang ang nakatakas. Hindi naman pwedeng buhatin ko siya.
"Ibig sabihin ay- pumunta dito si Tyron, at siya 'yung nakuha, kaya ka andito? Shit naman! Hali ka, kailangan natin silang sundan! Delikado ang buhay ni Tyron!"
"Alam mo ba kung nasaan sila?" Tanong ko.
"Oo, narinig ko kagabi kay Kuya sa kausap niya, nabanggit niya kung saan 'yung teriyoryo nila, kaya pnigurado akong nandoon sila. Doon nila dadalhin si Tyron."
"Hali ka na, kailangan natin silang maabutan. Baka kung ano pang mangyari kay Tyron, lalo na't nalaman nilang nakatakas ka!" Saad nito at tinulungan akong tumayo para alalayan.

Comentário do Livro (356)

  • avatar
    Karen

    this is so cute, i love how tyron did anything to make ciara's back and the ending was good.

    19/08/2022

      0
  • avatar
    JimenezDesiree

    This is a good novel. The plot is interesting and I love every character's personality.

    20/01/2022

      1
  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda ng story. Love really conquers all. akala ko Hindi magiging happy Ang ending. grabe Yung twist NG story. unexpected. I really recommended this story. Sana basahin nyo Rin. may moral lesson kayong matututunan dito. great job for the author. I'm looking forward for more stories/novels. babasahin ko Rin Yun. God bless you. 😊❤️

    15/12/2021

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes