logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 14 | Regret?

TW: cheating and accident
Ciara's pov
"Aaaaaaaaaaahh!!" Sigaw ko, habang nakasangga ang dalawang braso ko sa mukha ko.
'Mamatay na ako!'
"O-omyghad! I'm sorry! I'm really sorry! Nasaktan ka ba? Pasensya na talaga, dadalhin na lang kita sa hospital!" Narinig kong sabi nito, nagtaka naman ako nang walang tumama sa akin na kahit ano, kaya napadilat ako.
Nakita ko naman ang taong nakatayo ngayon sa harap ko na palingon-lingon sa likuran niya.
"Pasensya na, nagmamadali kasi ako. Sorry talaga!" Saad nito at humarap, dahilan para makilala ko kung sino ito.
Parehas pa kaming nagulat nang makita namin ang isat isa.
"Hannah?/Ciara?" Pareho naming tanong sa isa't isa.
"Anong ginagawa mo dito? / bakit ka andito?" Sabay na namang tanong namin, napailing ako.
"Bakit ba nagmamadali ka? Muntik mo na tuloy akong mabungga. Anong ginagawa mo rito?" Naguguluhang tanong ko sa kanya, napalunok naman ito.
"Sorry talaga, hindi ko alam na tumatawid ka. Hindi kita napansin, bakit ka rin ba kasi nandito?" Hindi mapakaling tanong niya.
"Nanggaling lang ako sa kaibigan ko, pauwi na rin ako. Teka nga, pumirme ka nga! Ano bang nangyayari sa'yo at parang balisa ka?" Nagtatakhang tanong ko.
"Wala, huwag mo akong pansinin. Tara, sumabay ka na saa kin, ihahatid na kita. Sakto dokn din naman ang punta ko para bisitahin kayo." Sambit niya, wala naman akong nagawa kundi sumabay na lang din sa kanya.
"Phew!" Saad pa nito at pinunasan ang pawis niya, kunot noo ko naman siyang tinignan.
"Saan ka ba talaga galing?" Tanong ko.
"Ha? Wala! A-ano lang kasi.."
'Ano bang nangyayari sa kanya?'
"Ano?" Tanong ko.
"M-may humahabol kasi sa'kin," sagot niya dahilan para magtaka ako.
"Humahabol?" Tanong ko.
"I mean, hinahabol ako ng mga nang bastos sakin doon sa kanto, Oo tama, 'yun nga!" Sabi niya pa. Tumango na lang ako kahit hindi ako naniniwala sa dahilan niya.
'Parang may mali.'
Ang weird ng kinikilos niya ngayon, ano kayang nangyari?
"Teka, kumusta pala kagabi?" Tanong niya.
"Ayos naman, walang nangyaring masama hehe," pagsisinungaling ko.
"Mabuti naman kung ganon," Tugon niya.
'Kring! Kring!'
Pareho kaming napatingin sa cellphone niya nang tumunog ito.
"Hello?" Sagot niya dito.
"Hannah, wala na sila dito-"
"Huh? Oo. Sige, bye!" Nagulat ako nang bigla na lang pinatay agad ni Hannah yung tawag. Hindi pa nga natatapos nung tao 'yung sinasabi eh.
"Hannah, bakit hindi mo naman pinatapos 'yung sinasabi ng kausap mo?" Tanong ko.
"Hindi, wala 'yon. Huwag mo nnag pansinin yun, hehe baliw 'yun si kuya eh," natatawang sabi niya, ang weird talaga niya.
Tumango na lang ako para matapos na.
Ilang minuto rin ay nakarating na kami sa bahay.
'Ting!'
Tumunog na naman ang cellphone ni Hannah.
"Tara, Hannah. Pasok ka." Pag-aaya ko sa kanya na pumasok sa loob ng bahay, pero nangunot ang noo ko nang hindi siya sumunod sa akin nang makababa ako sa kotse niya.
"Hannah." Tawag ko muli sa kanya, napalingon naman siya.
"Tara na," sinulyapan niya muna yung phone niya bago tumingin uli sa akin.
"Sa susunod na lang pala, Ciara. Sige na, bye!"
"Sandali!" Pagpigil ko sa kanya kaso pinaandar niya na agad 'yung kotse niya.
'Bakit ba parang ang weird ni Hannah?'
Pagkapasok ko sa bahay ay nakakapagtaka dahil ang tahimik ng buong paligid.
'Andito kaya si Tyron?'
Pumunta naman akong kusina para kumuha ng tubig. Habang iniinom ko ito, bigla akong may narinig na kalabog sa itaas.
Kumunot naman ang noo ko.
'Si Tyron ba 'yon?'
Agad akong umakyat sa itaas para sana tignan 'yun, pero napahinto ako nang may narinig akong kakaibang tunog.
Hindi ko alam kung tama ba ang naririnig ko, pero mukhang mga ungol 'yun na nagmumula sa kwarto ni Tyron. Hindi agad ako nakagalaw dahil tama nga ang naririnig ko nang muli ko pang ihakbang ang mga paa ko papalapit sa direksyon ng kuwarto niya.
Kinakabahan ako sa maari kong makita, pero nagpatuloy pa rin ako. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinto ng kwarto ni Tyron.
Tila nanghina ang tuhod ko nang makarinig ako ng boses ng babae. Mahigpit kong hinawakan ang baso ng tubig na hawak ko at dahan-dahang hinawakan ang doorknob.
Hindi maganda ang kutob ko. Alam kong sa oras na buksan ko ang pintuan na 'to ay pagsisihan ko anuman ang makikita ng mga mata ko.
Nagpakawala muna ako ng isang mabigat na buntong-hininga bago dahan-dahang pihitin ang doorknob.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay laking gulat ko dahil sa bumungad sa akin.
Agad kong nabitawan ang basong hawak ko, dahilan para mabasag ito at makuha ko ang atensyon nila.
Napatakip na lamang ako sa bibig ko para pigilan ang paghikbi. Nang pareho silang lumingon sa akin ay tila pumitik ang puso ko nang makita ko ang gulat sa mukha ni Tyron. At hindi ko alam kung bakit nang tignan ako ng babae ay parang natutuwa pa itong makita ako dahil inaasahan niya nang makikita ko sila.
"Akala ko ba pinalayas mo na siya?" Rinig kong tanong nung babae sa kanya.
"Fuck!" Sagot ni Tyron at dali-daling tumayo. Mukha pang wala sa wisyo ito, he looks drunk, ngunit mukhang agad ring natauhan nang gulat niya akong makita.
How can he do this knowing that she has someone? Hindi pa ba sapat sa kanya ang dalawang babae para sumiping pa siya sa iba?
"Umalis ka na!" Pagpapaalis niya sa babae.
"What?!"
"Just get lost!" Sigaw ni Tyron at muling tumingin sa akin.
"C-ciara, let me explain.." I just wish he's a sober right now dahil kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha niya na ngayon ko lang nakita nang ako naman ang dahilan. Gusto kong matuwa, ngunit nadudurog ang puso ko dahil napakatarantado niya.
Hindi lang ako ang sinaktan niya.. if only Hannah could see this..
Napailing ako nang dapat ay lalapitan ako ni Tyron.
Hindi ko alam kung anong sasabihin at gagawin ko, pero bago pa siya makalapit sa akin ay agad na akong tumakbo pababa ng hagdan para makalayo sa kanya.
Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang makalabas ako ng bahay, lalo pang bumagsak ang mga luha ko nang makisabay ang pagpatak ng malakas na ulan.
'Naninikip na naman ang dibdib ko.'
Tyron's pov
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang makita kami ni Ciara. Damn it! Parang biglang nawala lahat ng epekto ng alak na nilaklak ko kagabi. Pero mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit ako tumatakbo ngayon sa ulanan habang hinahanap siya!
Hindi ko alam na babalik siya, ang alam ko kinuha na siya ng kaibigan niya para ilayo sa akin!
Fuck it, why do you have to go back and see me losing control to myself. I drank because of the fact that I immediately felt guilty for what I had done to you last night. I just feel like I went to my limits. Hindi ko napansin na nasobrahan ang galit ko at muntikan na kitang mabawian ng buhay, just because of a fucking jealousness.
Yes, I know I'm jealous nang may kung sinong naghatid sa kanyang kotse kagabi na hindi ko alam kung sino and I fucking hate it. I hate the fact that I'm feeling jealous kahit hindi naman dapat, dahil ang gusto ko ay mawala siya sa buhay ko!
At 'yung babae.. I don't know who the fuck she is. Bigla na lang siyang kumatok sa bahay at sinabi na naliligaw siya, kaya nakiusap siya na kung maaari ay magpalipas muna siya ng gabi. But I didn't know she'll do that, I was not in my sober mind kaya I fucked up. Sumakay din ako sa gusto niya, dahil nga gulong-gulo na rin ang utak ko at gusto ko na kahit sandali ay mawala muna lahat ng iniisip ko.
At ang akala ko rin ay hindi na sa akin babalik si Ciara kaya naman ginawa ko 'yun, but I was fucking wrong. My instinct failed me. She came. And she fucking caught me! At hindi ko alam kung bakit kailangan kong makaramdam ng kaba ngayon.
Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng matinding takot at kaba nang makita niya ako, I should have not feeling this way.
I gulped nang makita ko na siya sa hindi kalayuan na tumatakbo at mukhang tatawid na sa kabilang kalye. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo.
Sa hindi kalayuan kay Ciara, may nakita akong sasakyan na itim at nanlaki ang mata ko dahil mukhang alam ko na ang mangyayari!
'Fuck, no!'
"Ciara!" Sigaw ko at nagsising sana pala ay hindi ko na lang siya tinawag.
Sobrang bilis ng pangyayari, nakita ko kung paanong sinadyang banggain ng itim na kotse na 'yun si Ciara. Natigilan ako sa pagtakbo sa kinaroroonan ko nang lumabas ang may ari ng itim na kotse na 'yon. Tinignan nito si Ciara na ngayon ay mukhang nakahandusay na, bago ako lingunin at ngisian.
Hindi ko siya namukhaan dahil natatakpan ng maskara ang mukha nito.
'T-teka.. siya rin ba 'yung taong naglakas loob noon na pasukin ang kuwarto ni Ciara?!
Fuck this, bastard! Ang kapal ng mukha mong magpakita ulit sa akin!
Pakiramdam ko ay nag-init ang dugo ko kahit pa basang-basa na ng tubig ulan ang buong katawan ko. Ihahakbang ko na sana ang paa ko patungo sa direksyon niya nang nagmadali na rin itong sumakay sa kotse niya at walang pasabi na pinaharurot iyun paalis.
Tangina, tangina talaga!
"Fuck this!" I exclaimed. Namumuo ang galit sa sistema ko, pero pinilit kong baliwalain iyun at agad akong tumakbo sa kinaroroonan ni Ciara. Ngunit nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanya ay mabilis akong natigilan, tila bumagsak ang dalawang balikat ko at nanghina ang mga tuhod ko nang makita kong nagdudugo ang ulo nito habang nakahandusay at walang malay.
Tangina, hindi.
Kasabay ng malakas na ulan ay pumatak na rin ang mga luha kong hindi inaasahan. Hindi ko napansin na nakaluhod na ako sa harapan nito habang nanginginig ang mga kamay na inabot ang katawan nito.
Bakit ako nasasaktan? Hindi ba't ito naman ang gusto ko? Then why the hell am I fucking kneeling down and bursting my tears while begging her to wake up?!
Damn it!
"Cia.. damn, open your eyes, please!"
Inaamin ko, naging masama ako sa kanya nang dahil sa galit ko. Dumating ang mga oras na minsan ko na siyang makitilan ng buhay. Nagawa ko rin siyang siraan sa magulang niya para lalo siyang kamuhian.
Pero bakit parang nagsisi ako sa lahat ng ginawa kong nang makitang wala na siyang Malay? Fuck my reason! Hindi ko maintindihan ang sarili ko!
"You will regret all of this, Tyron. Pagsisihan mo na ginawa mo ang lahat ng 'to!"
Hindi ko na namalayan ang sarili kong humahagulgol habang paulit ulit na humihingi ng tawad sa kanya kahit alam kong hindi niya ito maririnig at alam kong huli na ang lahat.
"I-I'm sorry," paghingi ko ng tawad habang yakap yakap siya sa gitna ng kalsada.
Napatayo ako nang makitang may papadaan na sasakyan. Agad ko naman itong hinarang para humingi ng tulong.
"H-help me, please.. help me get her to the hospital," pagmamakaawa ko dito at sa sobrang taranta ng buong pagkatao ko ay hindi ko na alam ang sunod na nangyari, dahil nawala na ako sa sarili kong wisyo.
Ang alam ko lang ay mabilis kaming nakarating sa hospital at itinakbo siya sa loob ng emergency room. I wanted to go with her and see her, pero pinigilan ako ng mga nurse at pinanatili sa labas ng ER. I felt so dizzy, pakiramdam ko ay kahit anong oras ay mag p-pass out ako dahil sa halo-halong nararamdaman ko.

Comentário do Livro (356)

  • avatar
    Karen

    this is so cute, i love how tyron did anything to make ciara's back and the ending was good.

    19/08/2022

      0
  • avatar
    JimenezDesiree

    This is a good novel. The plot is interesting and I love every character's personality.

    20/01/2022

      1
  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda ng story. Love really conquers all. akala ko Hindi magiging happy Ang ending. grabe Yung twist NG story. unexpected. I really recommended this story. Sana basahin nyo Rin. may moral lesson kayong matututunan dito. great job for the author. I'm looking forward for more stories/novels. babasahin ko Rin Yun. God bless you. 😊❤️

    15/12/2021

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes