logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 5 Thank you, Alexis

Natapos na ako sa pagbibihis at lumabas para makita si Alexis. Natatawa ako kasi hindi pa s'ya nagpapalit ng damit tapos mukhang galing sa pagtakbo.
"Alexis," tawag ko sa kan'ya.
Inilibot n'ya ang mata n'ya sa akin mula ulo hanggang paa at pabalik. Napanganga na lang s'ya. Lumapit ako at isinara ito, agad naman s'yang namula. Natawa ako.
"Ang ganda mo," maikling sabi n'ya.
“Sus. Salamat.”
"Pero, saan nga tayo?" dugtong ko.
"Basta, secret, padlock," sagot n'ya.
Ang mature, ha!
“Basta kailangan kong umuwi bago mag-dinner.”
“Alright!”
Nagsimula na kaming maglakad at sobrang daming n’yang ikenekwento sa daan at mangilan-ngilan beses din ako sumasagot sa tanong n’ya.
"Pupunta muna tayo sa bahay, magpapalit lang ako," sabi n'ya.
"Okay," maikling sabi ko.
At nanahimik kami.
"Alam mo, Louise..." paninimula n'ya.
"Ano?" sagot ko naman. Tinignan muna n'ya ako at napabuntong hininga.
"Hindi kita maintindihan minsan. Minsan maingay ka, minsan ang tahimik mo. Kapag naman nakatabi mo na sina Nicole, do'n ka lang sumisigla. Pero kapag nakakatabi mo na si Hailey, wala na. Kapag naman si Adrian at Mika, parang wala lang Tapos minsan din napapaisip ako kung anong iniisip mo, kung p’wede ka bang kausapin lang out of nowhere?” Mahabang sabi n'ya.
Gano'n din ang sinabing ni Adrian at Dwayne sa akin.
Agad naman akong napangiti at tinignan s'ya.
"Nasasabi mo lang 'yan kasi hindi mo pa ako kilala," sabi ko.
"Kilala na," mahinang sabi n'ya.
Para namang nabingi ako sa sinabi n'ya, "Ha?"
"Wala."
Napabuntong-hininga naman ako.
"Gusto mo bang malaman nasa isip ko ngayon?” Hindi s’ya umimik. “Bakit may ibang mangga nauunang nahinog kaysa sa iba?" tanong ko.
"Kasi lagi silang inaalagaan?" sagot naman n'ya at sinakyan ang logic ko.
Napatango ako, "Lagi may nakasubaybay sa kan'ya at igu-guide s'ya sa kung anong path ang dapat nilang tubuan."
"Eh, paano naman 'yunng manggang huling nahihinog?" tanong kong muli.
"Hindi na sila natututukan?" sagot n'yang muli.
"Oo at bukod do'n napapansin mong pinapausukan nila 'yun para naman hindi masayang ang bunga, tapos tutubo na. Meaning, prine-pressure 'yung mangga ng may-ari ng puno para naman hindi masayang ang months na paghihintay n'ya tapos hindi rin naman tutubo," mahabang paliwanag ko.
Napatunganga s'ya sa akin at napanganga ulit. Natawa na naman ako at ibinaling ko na lang ang mata ko sa daanan.
Nandito na kami sa eskinita at malapit na kami sa bahay n’ya. Kinakabahan ako ng kaunti pero pinipilit naman n’ya akong pakalmahin sa pamamagitan ng pagkanta n’ya.
Stay by Cueshe.
Para akong hinaharana at nakakakiliti sa puso. Napangitit ako.
"Bakit ka ba kasi kinakabahan?" tanong n'ya.
"Aba'y malay ko!" sabi ko.
"Sus," sabi n'ya at ipinagpatuloy ang pagkanta.
"Teka, kanina..."
"Pilit mo akong kinukuha kay Dwayne tapos hindi mo man lang sinabi na may pupuntahan tayo?" tanong ko.
Napaiwas s'ya ng tingin.
"Ayaw mo bang makasama si Adrian muna?" sabi n'ya.
Napangiwi ako. Natahimik kami saglit.
"'Tsaka, para sa english natin 'yun!" sabi pa n'ya.
"Oh, okay."
Pagkaliko, nakarating na kami sa bahay nila. Pagkapasok namin, bumungad kaagad ang keyboard nila at speakers. Small TV tapos dining area sa kanan. Kitchen naman kapag dinere-deretso. Ang CR naman tago, kasama ang mga washing machines and other laundry stuffs. May second floor sila, na mukhang puro kwarto. Tinatanaw ko pa lang, nakikita ko na ang lahat.
"Good afternoon po," bati ko sa mga tao.
Bumungad sa amin ang nanay n'ya.
"Hi, Ma! Si Louise, akay ko," masiglang bati n'ya.
Akay?
"Hello, Louise! Maupo ka muna at saglit ikukuha ko kayo ng maiinom," sabi ng nanay n'ya at tumango ako. Umakyat si Alexis para makapagbihis na.
"Iha, eto, oh." Iniabot n'ya sa akin ang isang basong iced tea.
"Kaklase ka ba n'ya?" tanong ng nanay n'ya.
"Opo," maikling sagot ko. Mukhang nanay lang n'ya ang nandito.
"Kumusta si Alexis sa klase?”
“Ayos naman po, naririnig ko po sa mga kaklase naming na magaling din po s’ya sa ibang subjects. Hindi ko pa po s’ya gaanong kabisado sa school.” Napangiti ako.
“Ay, teka! Alam mo na ba kung saan kayo pupunta?”
Nagkibit balikat ako at tinignan kung nasaan si Alexis.
"Ma!" sigaw ni Alexis.
"Ipinaalam po kaso hindi ko po alam kung saan n'ya po ako dadalhin," nahihiyang sabi ko at ipinakita ang suot ko.
"Naku! Ayos lang 'yan. 'Tsaka saglit lang naman 'yun, alam kong matutuwa ka." Nakangiting sabi ng nanay n'ya.
Talaga?
Nakita ko namang pababa na si Alexis na nakasuot ng polo at slacks at nakamedyas. Napa-angat ako ng tingin at nakapogi sign s'ya.
"Gwapo naman!" asar ng nanay n'ya.
Gwapo, ah!
Bumaba na ito at nagtungo sa mga lagayan ng sapatos.
"Sasamahan mo akong sumamba," maikling sabi n'ya.
"S-sumamba?!" gulat na sabi ko.
Napalingon ako sa kanilang dalawa at seryosong nakatingin sa akin. Agad naman akong napayuko.
"S-sorry po," utal ko pa ring sabi.
Napangiti naman ang nanay n'ya at umupo sa harapan ko si Alexis.
"Gusto lang kitang dalhin do'n, para malaman mo," sabi n'ya.
"Na?" nahihiya ko pa ring sabi.
"Curious ka 'di ba? Sinabi sa akin ni Mika, eh!"
"Ha?!"
Hala, oo nga.
"Sige na, wala naman na akong magagawa," sukong sabi ko.
Napangiti s'ya at nagtuloy-tuloy lang sa pagsasapatos.
Habang naglalakad kami, itinuloy n'ya ang pagkanta ng Stay. Wala na, naadik na ang tainga ko sa boses n'ya. "Ahh, Alexis..." pagtawag ko sa kan'ya.
"P'wede mo ba akong kantahan lagi?" nahihiyang sabi ko.
"Talaga?" Nagliwanag ang mukha n'ya.
"Oo naman!" sagot n'ya at natahimik kami.
Nang matanaw ko na ang sambahan nila, nabigla ako sa ginawa n'ya
.
Tumigil s’ya at pumikit para kantahin ang huling linya ng kinakanta nya.
"Would you give me something just to hold on to...and if you'll stay, I'll hold your hand.”
Tila tumigil din ang paghinga ko kasabay nang pag-istatwa ng katawan ko. Natulala ako sa daanan nang maramdaman kong gumalaw s’ya. "Louise Hannah.” Pagtawag n'ya sa akin.
Napalingon ako sa kan'ya na kasalukuyang nakatitig sa sambahan nila. Mas lalo humigpit ang hawak n’ya sa kamay ko at hindi napansin na nasa kan’ya pala.
"Game na?" tanong nito sa akin. Tumango ako at napalunok.
Teka, anong gagawin ko?
Pumasok kami at bumungad sa akin ang isang board na parang biometrics. Napalingon ako sa kan'ya at hinatak ako papunta sa rito.
"Ito ang tarjeta board, ito 'yung parang attendance namin," paliwanag n'ya.
"Eh, paano 'yung mga akay na sinasabi mo?" tanong ko.
Bago pa man s'ya makasagot may nag-abot na sa akin ng form.
"Umupo ka sa tabi nila dahil hiwalay ang babae at lalaki rito, Andito na rin ang mga tita ko at alam nilang may akay ako, nakikita ka nila," sabi n'ya.
"Sige na, Louise. Mamaya na lang, sana may matutuhan ka," nakangiting dugtong n'ya pa. Nag-sad face s’ya at nagpaalam bago lumingon sa kasama.
Napaupo naman ako katabi ang isang dalagitang mukhang highschool na.
"Magandang hapon po," bati ko sa katabi ko.
Tinignan n'ya ako at mukhang na-identify na n'ya ako na akay lang ako.
"Akay?" tanong nito sa akin.
"O-opo," sagot ko.
"Si Kapatid Alexis ba?" tanong nito.
"Opo, si Alexis nga po." Napatango-tango pa ako.
"Ay, talaga ba? Sige. Upo ka rito. Ako si Danica." Naglahad s'ya ng kamay at tinanggap ko ito
"Louise po, Louise Branka po." Tumango nalang s'ya.
Tumayo kami para magsimula, at kumanta kami. Alas singko nan ang magsimula kami. Puro pagkanta lang at halos mapuno na ang kapilya.
"Ang tatayo mamaya ang pangulong diyakono," sabi ni Danica.
Tumango lang ako at nanatiling nakikinig. Ang harapan ng kapilya nila ay ibang-iba. Tulad ng, hiwalay ang babae na nasa kanang bahagi ng kapliya at ang mga lalaki naming nasa kaliwang bahagi ng kapilya. Kung sa katoliko, pari at mga sakristan ang tawag, sa kanila naman ay Ministro at Diyakono. Ang mga koro o 'yung mga kumakanta ay nasa likod ng mga upuang nakahilera kung saan nakaupo ang mga ministro.
Nagsimula nang magsalita at mag-lesson ang mga ministro. Walang nagsasalita, walang nagtititigan at walang may gustong magpaawat sa pakikinig. Paulit-ulit kong tinitignan si Alexis na mariing nakikinig sa harapan.
"Handugan na ang susunod." Narinig kong nagsalita si Danica.
Napatango na lang ako ulit at nagmasid sa kung anong ginagawa nila. Hanggang sa natapos at sabay lang kami lumabas ni Alexis dahil magkapantay ang upuan namin. Dinala naman n'ya ako sa fishballan at naglabas ng 50 pesos.
"Louise," tawag n'ya sa akin.
"Hmm?" Napatingin ako sa kan'ya.
"Okay lang ba sa'yo 'to?" tanong n'ya at itinuro ang kawali.
Napangiti ako at tumango. Kumain lang kami at uminom. Wala pa ring nagsasalita sa amin. Hanggang sa ako na nagbasag, hindi ako sanay.
"Louise"
"Alexis"
Sabay kaming nagsalita.
Napayuko ako at lihim na napangiti.
"Ano...nagustuhan mo ba?" tanong n'ya.
Napaangat ako at sumagot, "Oo naman! HIndi ko lang inakala na ganitong kaalaman pala ang ibibigay mo.” Natawa kami parehas.
"Mas practical, eh. Saka p’wede naman.”
"Tara na? Uwi na tayo. Okay na ako sa mga kinain ko," sabi ko at minadali naman n'ya ang fishball na kinakain n'ya. Napalinga-linga pa ako sa paligid bago mapatingin sa kalangitan.
Tahimik kaming naglalakad at sabay ding tumatawa sa maliliit na bagay na nakikita naming sa daan. Nag-aagaw na rin ang dilim at liwanag. Napangiti ako. Ang sarap pala magkaroon ng kaibigang hindi ka hahayaang tumuklas ng bagay sa maling paraan.

“Thank you, Alexis.” Nakangiting sabi ko.

Comentário do Livro (35)

  • avatar
    Linsimhomertroy Mondiego

    salamat po

    05/08

      0
  • avatar
    Jimmy Cosgafa

    hello

    16/07

      0
  • avatar
    Ki Kay

    thanks

    26/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes