logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

Hinihingal akong sumandal sa malaking pinto ng aming casa. Gawa iyon sa matibay na kahoy. Kulay kape at makinis ang pagkakagawa.
"Oh? Hija anong nangyari sa'yo?"
Mabilis akong umayos ng postura nang makita si lola na lumabas mula sa kusina. May hawak siyang pinggan na punong-puno ng mga sandwich na malamang ay siya ang gumawa.
"Wala po, napagod lang sa paglilinis."
Inilipag niya sa center table ang pagkain.
"Magpahinga ka na, kukuha ako ng maiinom." saad niya. Muli siyang naglakad paalis upang magtungo sa kusina.
Malaki ang pasasalamat ko na naniwala siya sa katwiran ko. Totoo naman talagang napagod ako kakalinis. Kanina pa ako rito linis nang linis.
Mabilis akong nagtungo sa isa sa mga upuan na nakapalibot sa center table. Anim ang lahat ng iyon. Sa unahan ay may mas mahabang upuan na kasya ang lima. Ang lahat ng iyon gawa sa matitibay na kahoy.
Kukuha pa lamang ako ng makakain subalit naantala iyon dahil sa tatlong sunod-sunod na katok.
Hindi ko iyon pinanansin.
Subalit narinig pala ni lola kahit nasa kusina siya.
"Ysabella! Pagbuksan mo nga at baka importante iyan!" sigaw niya. Wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod.
Tamad akong tumayo at naglakad patungo sa pintuan.
Istorbo.
Pinihit ko ang sedura ng pintuan at binuksan ang pinto na sapat lamang upang makita ko ang tao sa labas.
Laking gulat ko nang makita kung sino iyon.
"A... Anong ginagawa mo rito?!" nagugulat kong saad.
Ngumiti siya sa akin. Iyong pamilyar na ngiti na palagi kong nakikita sa kaniya. Maayos ang damit niya ngayon at postura. Animo'y labis niyang pinaghandaan ang lakad niya.
"Kumusta, Binibini?"
Hindi ko nagawang tumugon. Ni suklian ang ngiti niya ay wala akong balak gawin. Bigla ay kinabahan ako kung bakit siya nagpunta rito. Dahil ba iyon sa chat? Yari talaga sa'kin ang mga  iyon.
Kung hindi nila pinakialaman ang cellphone ko ay hindi ako malalagay sa sitwasyong ito. Nakakarami na sila. Noong una ay sinulatan ako ni Sam ng malaking 'IBARRA' sa likod ng uniform ko. Kasunod naman ay chinat nila si Gregorio para alamin ang tungkol lalaking ito.
Bakit ba lahat na lamang ay tungkol sa kaniya? Kung sa ibang tao ay matatanggap ko pa. Pero siya?
Dream on!
"Anong ginagawa mo rito? Huwag mong sabihing pumunta ka dahil lamang do'n sa chat. Hindi ako may gawa no'n-
"Ysabella? Sino iyang kausap mo-narito ka na pala!" nakangiting nagtungo si Lola patungo sa aming kinaroroonan.
Ang paningin niya ay nakatuon sa lalaki sa aking harapan. Malaki ang pagkakangiti niya sa lalaki. Bigla ay nagtaka ako sa mga nangyayari.
"Ysabella, bakit hindi mo kaagad sinabing narito na ang ginoong iyan? Halika rito, hijo. Tuloy ka, naghanda ako ng meryenda para sa'yo."
What? Para sa kaniya pala iyon? Kung ganoon ay inimbitahan siya rito ni Lola? Para saan?
Tuliro akong sumunod sa kanila patungo sa sala. Kaagad akong naupo sa tabi ni Lola. Si Ibarra ay nasa harap naming dalawa. Masama ang tingin na ibinibigay ko sa kaniya. Samantalang siya ay hindi man lamang nawawala ang ngiti sa tuwing napapalitan ng sulyap sa amin ni Lola.
"Binibining Carmen, maraming salamat po at pinatuloy niyo ako rito sa inyong magandang tahanan." magalang na saad niya.
Namamanghang tumawa si Lola. Na bibihira niyang gawin. Hindi na ako magtataka kung bakit ganiyan siya sa harap ng isang ito. Makaluma ang isang iyan, malamang magugustuhan niya.
"Ikinalulugod kong tanggapin ka rito, hijo. Naghanda ako ng makakain at maiiinom mo, kumuha ka lamang kung gusto mo."
"Maraming salamat po."
Sumandal ako sa upuan at humalukipkip. Masama kong pinakatitigan ang lalaki sa aking harapan.
Pabida ang isang ito. Porke't makaluma siya ay ganiyan na siya kung umasta. Palibhasa ay makaluma. Puro ganiyan lang ang alam. Pupusta ako, hindi iyan marunong magcellphone.
"Bago ko makalimutan." nakangiting tumingin sa akin si Lola. Nagtataka man ay iniwasan ko pa ring pagkunutan siya ng noo. "Ang dalaga sa aking tabi ay ang nag-iisa kong apo. Sa pagkakaalam ko ay magkaparehas lamang kayo ng paaralan na pinasukan?"
"Tama po iyan, madalas ko siyang makita sa aming paaralan."
"Kung ganoon ay magkakilala na kayo?"
Sumulyap sa akin si Ibarra. Matamis ang pagkakangiti niya sa akin.
Sige subukan mong magsumbong tungkol sa mga nalalaman mo at malilintikan ka sa akin!
Sa kabilang banda ay hindi ko maiwasang kabahan. Alam ng lalaking iyan ang ugali ko. Madalas ko siyang tarayan lalo na sa tuwing nagkakausap kami. Baka isumbong nga niya ako. Wala pa naman akong tiwala sa kaniya. Halatang wala siyang maidudulot na maganda sa buhay ko.
"Sa tingin ko po ay magkakilala na kaming dalawa. Noong nakaraan nga po ay nakasulat ng malaki ang pangalan ko sa likod ng damit ng apo niyo." ang matamis na pagkakangiti niya sa akin ang nagpapatunay na balewala lamang sa kaniya ang kaniyang mga sinabi.
Napaahon ako sa aking pagkakaupo. Naituwid ko ang aking likod lalo na at kinakabahan ako nang nagtataka akong binalingan ng tingin ni Lola.
"Bakit naman may pangalan mo sa likod ng damit niya?"
"Lola..." mabilisan kong tugon. Kung kanina ay hindi ako sumasali sa usapan nila, ngayon ay nag-iba na ang sitwasyon. "Hindi po pangalan niya ang nakasulat sa uniform ko. Ibarra nga po iyon, pero galing iyon sa paborito kong tauhan sa El Filibusterismo."
"Noli Me Tangere iyon, Binibini."
Matalim ang tinging sinulyapan ko siya. Manahimik ka riyan! Usapang magpapamilya ito!
"'Yon nga, La. Sa Noli iyon. Nagustuhan ko talaga si Ibarra roon-
Naitigil ko ang aking pagsasalita nang marealize ang aking sinabi.
Wait what?
Nagustuhan ko talaga si Ibarra?!
"Ibig kong sabihin, napakahusay talagang sumulat ni Dr. Jose Rizal ng mga nobela. Nakakamangha." alanganin akong ngumiti kay Lola. Bahagyang nakakunot ang noo niya sa akin. Siguro ay nagtataka sa aking mga ikinikilos.
Am I acting weird?
"Maiba ako. Dala mo ba ang larawan ni Dr. Jose Rizal na napusuan ko mula sa casa niyo, hijo?" pag-iiba ni Lola sa usapan.
Mabilis na tumango at ngumiti ang loko. Pagkatapos ay tumayo at may kinuha sa kaniyang tabi. Isa iyong katamtamang laki ng larawan na natatakpan ng papel. Sa isip-isip ko ay unti-unti ko nang ipinagdadasal na sana ay pangit ang larawang iyon upang mapahiya siya. Todo ang pagdadasal ko sa aking isipan habang dahan-dahan niya iyong binubuksan.
Subalit natigil ako nang tuluyang masulyapan ang larawang iyon. Larawang guhit ni Jose Rizal. Gamit lamang ang lapis... subalit wala akong maipintas. Kung ano ang mga nakikita ko sa larawan ay siya ring makikita ko ngayon sa aking harapan. Detalyado iyon. Malinaw ang pagkakaguhit. Maganda.
Wala akong maipintas!
"Naku! Maraming salamat sa'yo hijo! Bukod sa ibinigay niyo na nga sa akin ng libre ay talagang mas lalo mo pa itong ginandahan!" masayang saad ni Lola. Tuwang- tuwa siya sa bagay na nasa kaniyang harapan. Hindi na ako roon magtataka. Talagang adik siya sa mga ganiyang bagay!
"Walang ano man, Binibini. Kaibigan kayo ng mga Crisostomo. Nararapat lamang itong regalo para sa mga kagaya niyong kaparehas ang hilig sa aming pamilya."
"Naku kang bata ka, Lola Carmen na lang itawag mo sa akin. Masyadong pormal ang Binibini."
Iniwas ko ang aking paningin sa larawang iyon. 'Sus 'di ako naniniwalang siya ang nagpinta niyan. Nakadaya na naman siya. Pati lola ko ay napikot.
"Talagang magiging magandang impluwensiya ka para sa apo ko. Lalo na at nalaman ko noong isang araw na magkatulad pala kayo ng paaralang papasukan sa susunod pang buwan."
Muntik na akong masamid dahil sa narinig ko. Gulat akong napatingin kay Ibarra. Na ngayon ay nakatingin at nakangiti na naman sa akin.

Comentário do Livro (37)

  • avatar
    Kiana Micayas

    wow

    20/07

      0
  • avatar
    AlcaydeKate

    kkk

    15/02

      0
  • avatar
    Tomnob

    tnks

    04/02

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes