logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 5

"Akala namin galit ka lang talaga kaya hindi ka nagchachat." umismid ako kay Sam.
Nandito kami ngayon sa labas ng casa. Ako na ang nagwawalis sa labas para ma-entertain ko na rin ang isang ito.
Hindi ko alam pero bigla na lamang nawala iyong matinding kaba ko kanina.
I thought it was going to be him.
Umiling-iling na lamang ako. Bakit ko nga ba inisip na maaari niya akong puntahan rito? Dahil sa messenger chat? Crazy. Isa pa ay hindi niya alam ang bahay ko. Pangalawa ay ayoko sa kaniya!
"Anong iniiling-iling mo riyan?"
"Wala. Ang sabi ko kinuha sa'kin cellphone ko. Sabado ko pa makukuha."
Napahawak siya sa dibdid niya saka bumuntong hininga ng malalim. Parang tanga 'to.
"Akala talaga namin nagalit ka ng sobra kaya hindi ka sa'min nagrereply. Ingay dun sa gc natin. Guilty na daw sila."
"Kung guilty sila, bakit ikaw lang pumunta?"
"Sabi kasi nila ako daw muna. Tutal ako naman 'yong pinaka-close sa'yo."
Sarkastiko akong ngumisi sa kaniya. "Talaga ba?"
Kung sabagay ay siya naman talaga ang mas madalas kong kasama. Malapit rin ang bahay niya sa amin kaya magkasabay kami laging umuwi mula sa LP.
"Ansama mo."
"Tss."
"Hindi naman talaga ako nagalit."
"Ano lang?"
"Badtrip lang. Account ko pa talaga ginamit niyo. Pwede niyo namang i-switch na lang. Tapos nag message request pa kayo dun sa isa. Alam niyo namang hindi maaalis yun. Ano na lang iisipin sa akin no'ng mga 'yon 'pag nabasa na nila."
Tumigil muna ako sa pagwawalis at umupo sa bangko sa tapat ng casa namin. Madalas na mapang-asar ang mukha ni Sam, pero ngayon ay nakasimangot lamang siya. Halata ko ang matinding pagsisisi roon.
"Iniisip kasi namin kung anong mangyayari kapag nagchat ka do'n sa mga taong ayaw mo. Gusto lang namin alamin kung ano'ng difference. Saka pinag-uusapan namin 'yon habang nakaupo kami. Hindi ka lang nakikinig kasi busy ka sa cellphone mo."
"Kasalanan ko pa gano'n?"
"Hindi." sumimangot siya. Hindi ko magawang makatawa ngayon kahit ang pangit ng mukha niya. Pinapanindigan ako ang kaseryosohan ng usapan.
"I-message na lang namin. Tapos magso-sorry na rin kami."
"Huwag na. Ako na lang baka kung ano na naman sabihin niyo."
"Hindi na pramis!" itinaas niya ang kaniyang kamay. Mistulang nangangako. Umiling-iling lamang ako. Kanina ko pa nilalait sa isip ko ang isang ito. Bukod sa ang pangit niya sa tuwing sumisimangot ay hindi rin bagay sa kaniya ang suot niyang jumper.
Pabato kong ibinigay sa kaniya ang walis na hawak ko.
"Ikaw na magwalis diyan. Kanina pa ako naglilinis. Pambayad man lang sa kasalanan niyo."
Tamad man ay wala siyang nagawa kundi ang pulutin iyon. Tatawa-tawa ko siyang pinanood habang nagwawalis sa harap ng bahay namin. Hindi bagay sa suot niya ang pagwawalis. Nagsuot pa kasi ng ganoon samantalang sa kabilang kanto lang naman bahay nila.
May pakinabang din naman pala ang isang ito.
"Kapagod tangina."
"May sinasabi ka?"
Nagpatuloy siya sa pagwawalis matapos akong talikuran. Ilang minuto pa ay natapos na rin siya. Mabibigat ang mga hakbang niya nang magtungo sa lugar na maaari niyang maupuan.
"Kapagod hayy!"
"Abswelto ka na." tumawa ako ng malakas. Nauto ko na naman ang isang ito. Naggalit-galitan lang ako nakauto pa ng isang hunghang.
"Hoy! May kwento pala ako sa'yo!" bigla ay anas niya. Ang tono ay kilig na kilig pa.
"Ano?"
"Sabi ni Lucille MU na daw sila ni Carlos! Haha nakapikot ang tropa natin."
"Naniwala ka naman dun?"
Matagal na rin kasing nagkwento sa amin si Lucille tungkol sa pagkakagusto niya kay Carlos. Maganda siya at maraming manliligaw subalit sa isang tao lamang siya nanatili. Halos dalawang taon na rin simula nang makita namin ng harap-harapan ang paghahabol niya kay Carlos.
At kung totoo man na may namamagitan na nga sa kanilang dalawa, aba'y dapat lang. Sa tagal na niyang naghahabol.
"Sinend kasi niya sa gc yung convo nila ni Carlos. May pa-goodnight at good morning na ang lolo mo."
"Mabuti na rin 'yon. Mabawasan man lang pagkabangag ng babaeng iyon."
Tumawa siya at hinampas ako sa braso.
"Ang sama mo kay Lucille."
Tumawa na rin ako. Apat na araw akong na-stuck sa loob ng bahay at walang ibang kausap bukod kay lola. Buti na rin at bumisita sa akin ang isang ito.
"Paano na pala 'yan? Ano kayang reply ni Gregorio? Sa totoo lang crush ko din talaga ang isang 'yon, 'di ko lang talaga maamin."
"Si Gregorio?" tumango siya. "Crush mo?" muli siyang tumango.
Sarkastiko akong ngumiti sa kaniya.
"Tigilan mo 'yan, Sam. Alam mong ayaw ko sa mga 'yon. Iba na lang hangaan mo. Madami pa namang iba riyan."
"Grabe ka! Mag-iisang taon ko na ding crush 'yon! Nitong nakaraan ko lang talaga naamin no'ng hindi ko na siya nakikita."
Kunot-noo akong tumingin sa kaniya. Isang taon na? Ang tagal na no'n, a?
"Reason mo na 'yan? Porket 'di mo na nakikita crush mo na?"
"Tanga! Akala ko expert ka sa relasyon! Ikaw itong maraming naging boyfriend pero parang wala kang alam."
Sinamaan ko siya ng tingin. Ang hilig mong mananga.
"Wala ka sa argument, lol."
"Ibig ko kasing sabihin, nalaman kong crush ko siya no'ng hindi ko na siya nakikita. Ang weird lang no'ng pakiramdam. Piling ko namimiss kong makita siya. 'Yong hindi ako sanay na wala siya sa paningin ko, gano'n."
Nandidiri ko siyang tiningnan.
"Hindi ka sanay na hindi mo siya nakikita? Baduy mo."
"Bakit ikaw? Hindi mo pa nararanasan 'yon? Sa dami ng naging boyfriend mo? Hindi pa talaga?"
"Hindi nga. Saka alam mo namang hindi rin ako nagseseryoso. Paano ko rin naman mamimiss mga pagmumukha no'n e nauumay nga ako. Maya't-maya pa magchat."
"Baliktad ka e 'no? Lalaki ang nakakaranas ng mga ganiyan e. Iyong mabibilis magsawa. Basta maraming lalaki ang ganiyan. Kaya ang bilis nilang magpalit ng mga karelasyon kasi mabilis din silang magsawa."
"E sa nakakasawa na nga. Alangang pilitin?"
"Sana kasi hindi na kayo pumapasok sa mga relasyon kung ganiyang papalitan niyo rin naman kaagad."
Tiningnan ko lamang siya ng masama. Pakialamera nito.
"Hinaan mo nga boses mo. Alam mo namang bawal pa ako. Kapag narinig ka talaga ni Lola yari ka sa'kin."
Umirap lamang siya. Madalas niya iyong ginagawa sa akin. Kung dati ay naooffend ako, ngayon nasanay na rin.
"Kelan mo nga ba makukuha cellphone mo?"
"Sabado nga 'di ka nakikinig." painis kong saad. Nasabi ko na kanina. Ugali lang talaga niyang magpaulit-ulit.
"Nakalimutan ko lang." Alanganin siyang ngumiti sa akin.
"Anong oras ka ba aalis? Madami pa akong gagawin."
"Wow. Pinagtatabuyan?"
Tumawa ako.
"Basta sa isang linggo ha, magpapaenroll na tayo."
Tumango lamang ako. Napakaagad naman ng enrollment sa school na 'yon. Kalagitnaan pa lang ng April. Pero mabuti na rin siguro iyon. At least makakalayas ako sa bahay kahit isang araw lang.
"Aalis na ako. Basta send mo sa gc reply ni Gregorio. Saka kausapin mo rin sila para malaman nilang 'di ka galit! Pakisabi rin kay Gregorio mahal na mahal ko siya."
"Lumayas ka na lang! Wala kang kwenta!"
Tumatawa-tawa ako habang tinatanaw siyang maglakad papunta sa kabilang kanto. Ang loka muntik pang mabunggo sa poste kakakaway sa akin. Hinintay ko hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa aking paningin. Subalit mabilis na nawala ang pagkakangiti ng labi ko nang makita ang lalaking iyon.
Nagkataong napatingin rin siya sa akin. Maya-maya lamang ay ngumiti siya. Sa akin mismo. Sinisisi kong muli ang aking sarili kung bakit iba ang naging dating ng ngiti niya sa akin.
Mabilis akong tumalikod sa kaniya.
Ibarra...
Kahit kailan ay hinding-hindi kita matitipuhan!
Mabilis akong nagmartsa papasok sa aming bahay ng hindi iniintindi ang pagtitig niya sa likod ko. Nang hindi iniintindi ang hindi magandang dating sa akin ng mabilis na pagtibok ng aking puso.

Comentário do Livro (37)

  • avatar
    Kiana Micayas

    wow

    20/07

      0
  • avatar
    AlcaydeKate

    kkk

    15/02

      0
  • avatar
    Tomnob

    tnks

    04/02

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes