logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4

"Ysabella! Ano ba iyang damit mo? Bakit puro sulat! Pati mga braso mo meron din!" kinabahan akong muli sa striktong tono sa akin ni lola. Kaya ayoko ring magpapirma ng damit kanina ay dahil alam kong magagalit siya.
Napakastrikto niya sa akin. Madalas kong maramdam ang pagiging strikto niya sa akin. Tuwing sabado ay hindi niya ako pinapayagang umalis ng bahay kung hindi tungkol sa pag-aaral ang aatupagin. Tuwing hapon ay kailangan kong makauwi bago magdilim dahil paniguradong sesermonan niya ako. Sa pagkain ay hindi dapat ako ganoon kalakas kumain. Sa hapag ay dapat tahimik lamang ako sa pagnguya ng mga pagkain. Sa pagtulog ay kailangang maagap palagi. Hindi pa rin ako pwedeng magkaroon ng boyfriend dahil pag-aaral lamang daw ang isipin ko.
Ang lahat ng iyon ay sinusunod ko kapag nasa loob ako ng bahay. Kapag nasa labas ako...doon ko lamang nagagawa ang lahat ng gusto ko.
"Lola... required po ito sa'min. Hindi pinapauwi hangga't walang pirma ng kaklase."
"Tigilan mo ako! Nakita ko iyong ibang grade ten kanina, wala namang mga tattoo sa damit at katawan!"
"Sa section lang po namin."
Humigpit ang kapit ko sa strap ng bag ko. Pati ang pagkakahawak ko sa cellphone ko ay humigpit rin. Natatakot sa akin ang ibang mga estudyante sa LP dahil sa ugali ko. Akala nila matapang ako. Pero ang totoo...
Nagtatapang-tapangan lang dahil hindi ko iyon magawa tuwing nasa bahay ako.
"Akina cellphone mo! Hindi mo ito magagamit ng isang linggo."
Mabilis kong nilagay sa home screen at ni-lock ang cellphone ko. Kapag nagkataong sinilip niya ulit ang mga laman nito, yari ako. Hindi rin naman ito ang unang beses na kinuha niya ang cellphone ko. Madalas iyon. Sa tuwing nakakagawa ako ng mga bagay na hindi maganda sa paningin niya.
Tumingin ako sa ibang gawi matapos iabot sa kaniya ang cellphone. Isang linggo ko iyong hindi magagamit, paano na?
"Huwag ka na munang sumama sa sleep over niyo. Matulog ka na lang diyan." pahabol pa niya bago siya tuluyang umalis sa harapan ko dala-dala ang aking cellphone. Paniguradong itatago niya iyon sa lugar na hindi ko madaling makikita. Wala sanang kaso sa akin iyon kung normal na araw lang ito, ang kaso... May problema pa akong kailangang intindihin sa messenger ko. Paano na 'yan?
Kinabukasan ay maghapon lamang ako nanatili sa bahay. Umalis si lola noong umaga upang mamalengke subalit wala pang dalawang oras ay nakabalik na siya. Tuloy ay hindi ko nahanap kung saan niya tinago ang cellphone ko. Hindi naman kaya ay dinala niya?
Pinawisan rin ako sa ilang beses na pabalik-balik sa bintana upang silipin kung nariyan na siya. Hindi ko rin nahanap dahil nakakandado ang kwarto niya.
Ang bahay ni Lola ay makaluma. I think it was built during spanish colonial period. Mahahata mo naman iyon sa disenyo ng pagkakagawa ng bahay. Halos kagaya ito ng Casa Comunidad sa tapat ng simbahan sa Tayabas. Gawa sa mga adobeng bato at mga matitibay na kahoy. Kung papasok ka mararamdaman mo kaagad iyong tinatawag nilang 'historical feels'. Ayaw rin naman itong ipabago ni lola. Mahilig kasi iyon sa mga makalumang bahay.
Marami dito ang mga antique na gamit. Mga pang sinauna. Talagang kinokolekta pa niya mula sa ibang lugar. Ang iba naman ay pag-aari talaga ng ninuno niya. Pati ang mga paintings ay makaluma. Lahat dito ay makaluma. Ultimo pagkilos ay kailangang makaluma. Alam ko naman kasi na karamihan sa mga pamilya ngayon ay wala ng table ettiquette. Kumbaga ba ay hindi na nila kailangang sundin iyong mga nakaugalian na ang babae hindi dapat marami kumain. Dapat hindi matunog ang pagnguya ng pagkain. Dapat maaga natutulog. Dapat maagang umuuwi. Lahat na lang ganoon!
Mula ng magkamalay ako ay puro ganito na ang nadadatnan ko. Isang dahilan kung bakit labis kong inayawan ang mga makalumang bagay. Sawang-sawa na ako makakita ng mga ganiyan. Magkaibang-magkaiba talaga kami ni lola.
Nang sumunod na araw ay wala pa rin akong ibang ginawa kung hindi ang tumambay sa aming bahay habang nanonood sa TV na black and white pa ang mga taong lumalabas. Mga makaluma pa ang mga palabas. Wala akong magagawa dahil ayaw naman niyang bumili ng bagong TV. Aniya'y gumagana pa naman daw.
Tuloy ay sumakit lamang ang ulo ko sa maghapong katutulog. Hindi rin naman ako makalabas ng bahay dahil mas naging strikto pa ngayon sa akin si lola. Para akong nakakulong dito. Grade 11 na ako sa sunod na taon pero elementary pa rin ang turing niya sa akin.
"Huwag na huwag ka munang magnonobyo, Ysabella. Pag-aaral muna ang atupagin mo nang hindi ka magaya sa nanay mo." saad niya isang gabi habang tahimik kaming kumakain.
Isa lamang itong ordinaryong gabi para sa akin. Hindi na rin ito ang unang beses na sinabi niya iyan. Sa tuwing nasa hapag kami ay hindi siya nakakalimot na paalalahanan ako tungkol sa mga ganiyang bagay. Memoryado ko na iyan. Tumatango man ako, karamihan sa mga paalala niya ay hindi ko naman sinusunod.
Subalit kahit palihim ko siyang sinusuway, aminado akong mahalaga pa rin siya sa akin. Aminado akong igagalang ko pa rin siya ano man ang mangyari.
"Opo." sinungaling! Nakailang boyfriend ka na nga ba? Sa totoo lang marami-rami na din. Subalit alinman sa mga iyon ay hindi ko makitaan ng malalim na relasyon. Kalahati sa mga nakarelasyon ko ay ilang buwan lamang ang itinatagal. Kapag minsan ay sila ang nakikipaghiwalay. Madalas ay ako. Mabilis akong magsawa. Isa pa ay wala pa rin naman akong balak magseryoso. Bata pa ako, siguro nga ay hindi ko pa nahahanap ang lalaking masasabi kong tamang tao para sa akin. Hindi ko pa nararamdaman iyong mga deskripsyon nila tungkol sa pag-ibig. Wala pa iyong matinding kilig, wala pa iyong kinakabahan ako sa tuwing kaharap siya. Wala pa iyong nalulungkot ako kapag wala siya sa paningin ko. Wala pa iyong nagseselos ako sa tuwing may kasama siyang iba at wala pa rin iyong 'hindi na kita papakawalan, dahil ikaw na.'
Hindi naman ako nagmamadali tungkol diyan. Kahit marami na akong naging karelasyon sa highschool, pakiramdam ko wala pa rin akong alam.
Miyerkules ika-apat na araw. Nasa loob pa rin ako ng bahay at nagpupunas ng mga muwebles. Si lola naman ay nasa labas at nagwawalis sa tapat ng bahay. Habang naglilinis ay nagbabakasakali rin ako na baka maligaw lang kung saan ang cellphone ko. Kating-kati na talaga akong buksan iyon. Kung dati ay nakakaya ko na isang linggong walang cellphone, ngayon hindi. Piling ko magugunaw na mundo kapag hindi ko iyon mahawakan ngayon. Kailangan ko pang alamin kung may reply na ba si Gregorio. Pagkatapos ay ipapaliwanag ko na hindi ako ang nagchat ng mga iyon. Siguro naman ay maniniwala siya, hindi naman ako iyong tipo ng palakaibigan lalo na sa mga kagaya nila. Sana lang talaga paniwalaan nila ako.
"Ysabella, may naghahanap sa'yo." bigla akong dinapuan ng kaba nang marinig si lola na nasa may pinto na ngayon at nakatingin sa akin. Nagtatanong ang mga mata niya nang makita ang ekspresyon ng mukha ko.
"Sino po?"

Comentário do Livro (37)

  • avatar
    Kiana Micayas

    wow

    20/07

      0
  • avatar
    AlcaydeKate

    kkk

    15/02

      0
  • avatar
    Tomnob

    tnks

    04/02

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes