logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Riana‘s POV

RIANA MARSHAE
Hindi pa rin binibitawan ni Carlo ang kamay ko, habang naglalakad kami. Hindi niya madalas gawin sakin 'to pagkaming dalawa lang ang magkasama. Mayroon sa loob loob kong natutuwa na kinakabahan, hindi ko malaman ang dahilan kung bakit nararamdaman ko ang bagay na iyon.
Dahil ba may pagtingin ako sa kanya? Or nagaassume ako na may pagtingin rin siya sa akin? May mga bagay siyang ginagawa sa akin na hindi niya alam na siyang nagiging dahilan upang mahalin ko siya ng higit pa sa kaibigan.
Alam kong sandaling panahon lang kaming nagkakilala pero hindi ko maiwasang mahulog sa mga ginagawa niya sa akin. Naattract ako sa bawat kilos niya. Sa bawat salitang binibigkas ng kanyang mapupulang labi. Sa pagtingin sa akin ng makikislap niyang mata. At sa paghawak niya sakin na parang ayaw niya na akong mawala.
Minsan ay matutulala ka nalang bigla sa kagwapuhan niyang mukha. Kahit na titigan mo lang sandali ang mukha niya ay mapapatulala ka, na para bang hinihigop ng mukha niya ang mga mata mo.
Hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi niya sa akin dahil ang paningin ko ay nasa magkahawak naming nga kamay. Hindi ko maalis ang paningin ko roon simula pa kanina, na para bang pag inialis ko doon ang paningin ko ay bibitawan niya ang pagkakahawak niya.
Napakalambot ng kanyang mga kamay. Napakasarap niyong hawakan magdamag, hinding hindi ka magsasawa.
"Pagaari ito ng Lola ko, bata pa lang ako noon ng ipatanim niya ang lahat ng ito.. Mahilig na mahilig talaga ang Lola ko sa mga halaman, halos ang paligid ng bahay niya noon ay mapupunuan na ng mga halaman. Sobrang gaganda ng mga iyon, dahil iba't ibang kulay ng bulaklak ang mga nakatanim sa unahan ng bahay... Pati nga ang bawat veranda doon ay may mga bulaklak pa haha.. Tinanong ko na siya noon kung bakit bawat sulok ng bahay ay may halaman.. Ang sabi niya ay para daw kung anong madapuan ng paningin niya ay may halaman, diba ang korni ni Lola ko hahaha-" napatigil siya sa pagtawa ng lumingon siya sa akin at makita akong nakatitig lamang sa magkahawak naming kamay.
Dali-dali niyang binitiwan iyon na para bang nagugulat pa kanyang ginawa.
"Ay sorry, sorry."
"No, it's okay... I'm just shocked when you held my hand that long though." sabay ngiti kong sabi.
"Yeah, pagbigyan mo na ako. Minsan lang kitang hawakan sa kamay eh hahahaha."
Inilahad ko ang kamay at kunwaring nagagalit. Sinimangutan ko nalang siya, kunwari'y napipilitan."Oh, tara.. Wag ka nang nagsasatsat jan tignan nalang natin yung paligid."
Matamis siyang ngumiti at buong galak na tumango sa akin. Kinuha niya ang kamay ko, para magsabay kami sa paglalakad.
Napakalinis ng paligid wala kang makikitang kahit na anong basura. Napakakukukay ngang talaga ng mga bulaklak at berdeng berde ang kulay ng mga halaman.
Sa bawat puno ay napakaraming ibon ang pumupunta. Makikita rin dito ang paglubog ng araw mamayang hapon, napakaganda ng tanawin dito sa lugar na ito dahil makikita mo sa ibaba ang mga nagtataasang mga building. Napakapresko rin ng hangin ang nagmumula rito.
Ito na ata ang lugar na may 'Napaka' or 'Pinaka' ang bawat salita. Sadyang napakaganda ng paligid! Nakakatuwang maramdaman na may ganito pa palang lugar dito sa pilipinas.
Halos malaglag ang panga ko ng makita ang isang kubo na pinalilibutan ng bulaklak ang harapan. May pathway din doon na kung saan maraming vines ang nakalagay sa bawat kahoy na siyang nagsisilbing silungan para hindi ka maarawan para makapasok sa kubong iyong pupuntahan.
May dim lights rin nakasabit doon. Sadyang napakaganda talaga ng mga iyon. Kung pupwede lang sana'y nagpatayo na ako bg bahay dito sa lugar na ito para tahimik. Nakakaginhawa pa sa pakiramdam, stressfree haha.
"Pwede bang pumasok?" tanong ko.
"Mmmm,tara." aniya sabay hila sakin papasok.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng makitang, puro antique ang laman ng loob noon. Wala kang makikitang kahit na anong alikabok sa bawat pasimano.
Nakasaayos ang lahat ng gamit, kumikinang kinang pa ang bawat salamin na makikita mo. Makikintab rin ang sahig niyon. Hanggang sa makarating kami sa kusina ng kubong iyon, may mga platong babasagin ang nakahain sa isang pabilog na mesa at kung kumpleto ang kubyertos ang nakalagay sa gilid niyon.
Mula sa malaking bintana ay kitang kita mo ang magandang tanawin sa labas. Mas lalong gumaganda ang pakiramdam ko dahil sa sobrang linis ng bawat madadapuan ng mga mata ko.
Napakagaling magisip ng Lola ni Carlo dahil rito. Minsan lang ako makakita ng ganito kaya ganito nalang ang pagkamangha ko sa tanawin.
Nakita ko sa gilid ng mata ko si Carlo na ngiting ngiti na nakatingin sakin. Humarap ako sa kanya at nginitian rin siya pabalik.
May mga stuffed toys rin nakadisplay sa isang cabinet na glass, may mga nakadisplay rin picture roon. Isang pamilya, nilapitan ko iyon at pinagmasdan ng maigi. Lumang luma na ang picture na iyon, bagkus kulay dilaw na ang litrato.
Hinanap ko roon si Carlo ngunit wala akonv makita. Siguro'y mga ninuno niya na ang mga ito, inilibot ko pa lalo ang paningin ko sa kabuuan ng salang iyon. May TV'ng sinauna pa roon, at sa itaas niyon ay ang picture frame nila God kasama ang kanyang mga kaibigan na kumakain sa isang mahabang mesa.
May kahoy na upuan rin doon sa tapat ng TV. May carpet rin na nakalagay na siyang proteksyon para hindi magasgasan ang sahig, may pahabang mesa rin doon na merong vase at rosas.
Bawat sulok ng kubong iyon ay hindi nawawalan ng bulaklak. Marami pang nakadisplay doon, makukulay ang ibang bagay na nakasabit sa dingding.
Natatawa ako dahil nakasunod lang sakin si Carlo kahit san ako magpunta haha. Hindi ko na siya nakausap dahil sa pagmangha sa mga nakikita ko.
"Carlo, ilang taon na tong nakatayo dito?" tanong ko na hindi pa rin natingin sa kanya.
"13 years na ang naalala kong sinabi sa akin ni Lola, patay na siya sa ngayon... Mga trabahador nalang namin ang nagaalaga sa mga 'to."
"Ahhh, ang galing naman pala talaga ng Lola mo ano? Naalala ko sa kanya ang Lola ko, mahilig din kasi siya sa mga halaman haha... Ang bahay namin sa probinsya noon ay puro halaman din ang nasa paligid."
"Nakakatuwa naman ang nga Lola natin haha."
"Oonga eh, nahawa na rin ako kay Lola haha.. Nagtanim na rin ako ng mga halaman dun sa bakuran namin nung isang linggo, masarap kasi sa pakiramdam yung puro halaman ang nakikita mo sa paligid. Nakakarelax."
"Hmm, kaya dito kita dinala kasi alam kong stress ka this past few weeks. Ang dami kasing homeworks at projects, para ngang sasabog na ang utak ko sa mga iyon haha."
"Goshh, your right! Masakit talaga sa ulo, lumaki na nga rin ang eyebags ko dahil don eh oh! tignan mo!"humarap ako sa kanya sabay pakita ng eyebags ko.
"HAHAHAHHAHAAAHHAHA." sabay naminv tawa ng malakas.
Napasimangot ako ng makitang wala manlang siyang kahit isang tigyawat at eyes bags sa mukha. Napatigil siya sa pagtawa, napalingon siya sakin habang ang kamay niya'y nasa kanyang tiyan.
"Oh bakit?" anang si Carlo na nagpipigil ng tawa.
"Ang daya mo! Bat ikaw wala kahit isang tigyawat jan sa mukha mo?! Tsk! Tapos wala ka ring eyebags! Paano mo nagawa yan ha?!" nagcrossed arms ako at tinaasan siya ng kilay.
"Ewan ko, eh sa ganito ang mukha ko."kunyaring naiinis na singhal niya.
"Tsk! Ang daya! Maglalagay nga ako ng isang katutak ng yelo sa mukha ko baka sakaling mawala tong tigyawat ko." tinalikuran ko na siya, dahil naiinis na ako. Ewan ko ba kung bat laging nagbabago ang mood ko ngayong araw na ito.
Sumunod naman siya sakin ng tatawa tawa pa rin. Lihim nalang akong napapairap sa lakas ng pagkakatawa niya. Mas lalo akong naiinis.
Mas lalo kong binilisan ang paglalakad para hindi niya ako maabutan. Huminto lang ako sa may puno kung saan may bench sa ilalim no'n. Lakad takbo ang ginawa ni Carlo para makahabol sakin.
Habol-hininga siyang umupo bago lumingon sa akin ng nakakunot ang noo.
"Ang moody mo ngayon ah? Anmeron?tsk, tsk, tsk." aniya na iiling iling pa.
"Nagugutom ka na 'no?"tanong niya.
"Oo, bwiset ka eh! Hindi mo manlang ako pinakain hmp!" sabay iwas ng tingin.
"Kaya naman pala, okay wait ka lang jan ha?"
Hindi ko na siya pinansin. Nilibot ko nalang ang paningin ko sa kabuuan ng farm na iyon. Medyo nawala ang inis ko, kumalma na rin ang mga kalamnan kong kanina'y nanginginig na dahil sa gutom at inis.
Tumayo siya kaya napalingon ako sa kanya, pero hindi manlang niya ako nagawang tapunan ng tingin tsaka nag lakad papalayo ng may hawak na cellphone.
Mukhang may tinatawagan siya, or walang signal dito sa pwesto namin.
Inis kong kinuha ang cellphone ko sa bag at nagselfie nalang magisa. Pinicturan ko rin ang paligid tsaka ipinost sa Instagram at Twitter. May naramdaman akong kulo sa tiyan ko kaya napatigil ako sa pagseselfie.
'Shet!gutom na talaga ako!'
Hindi manlang kasi ako pinakain ng bwiset na yon! Ang sweet niya ha! Tapos ang tagal pang bumalik!
Maya maya'y nakabalik na rin siya kasama yung driver kanina. May mga bitbit silang isang basket tsaka ng telang kulay pulang checkered.
Tumayo na ako para salubungin sila.
"Saan kaba galing ha?! Gutom na ko ah!" inis na sigaw ko sa kanya.
"Eto na nga po Madame, kakain ka na." nakangising tugon niya.
Nilampasan niya ako kaya wala akong nagawa kundi ang sundan sila. Inilatag muna nung driver yung telang dala ni Carlo bago ipatong doon ang basket.
Isa isang inilabas ni Carlo ang lahat ng laman ng basket na iyon. Napangiti ako ng palihim dahil sa mga pagkaing dala niya. Fried chicken, Spaghetti, Fried Rice, Tuna, Carbonara, at Pork Steak ang laman noon.
'Mukhang pinaghandaan ah! Nice!'
Iniangat niya ang paningin sa akin at pinagpagan ang katabi niya kung saan doon dapat ako umupo. Inirapan ko nalang siya tsaka umupo sa tabi niya.
Nilagyan niya muna ng pagkain ang plato ko bago ang sakanya. Nagsimula na kaming kumain, pinakain niya na rin yung driver niya para hindi daw magutom para sa paguwi mamaya.
'mabait na nilalang pala ang isang 'to.'
"Ahh, Jepoy pakikuha ng Cooler doon sa compartment ng kotse ko... Thanks." utos ni Carlo kay Jepoy(Driver). Nauna siyang natapos sa amin kaya inutusn na siyang kunin ang cooler na iyon. Sumunod naman agad siya kaya kaming dalawa nalang ang natira dito habang kumakain.
Medyo nahirapan akong ubusin yung pagkaing nilagay ni Carlo sa plato ko dahil sobrang dami niyon. Ayoko rin naman kasing magtira, masasayang lang kung hindi ko uubusin. Tsaka baka magalit ang isang 'to, ayaw niya kasi ng ganon eh.
So ayun, nauna siyang matapos sakin. Nakatingin lang ako sa kinakain ko ng masama habang nakakunot ang noo, isinusumpa siya sa isip ko.
'Diba ang sama ko? haha.'
Minutes passed, naubos ko na rin ang food ko. Himas himas ko ang tiyan habang nakatingala sa langit, hindi pa rin nakakabalik si Jepoy hanggang ngayon. Medyo malayo pa kasi yung entrance ng farm na ito, kaya siguro natagalan.
"Ang tagal naman nung dessert tsk!" parinig na singhal ko sa kanya.
"Meron bang dessert Carlo ha?!" tanong ko habang masama ang tingin sa kanya.
"Meron po Madame, ang tagal ni Jepoy eh." pasiring niyang inalis yung paningin sa akin.
"Aba! Tinatarayan mo na ako ha! Lagot ka sakin mamaya!"
"Chill ka lang." lumapit siya sakin at hinila ako,lumayo ako sakanya."Oy,dito ka nga!" natigil ako sa paglayo dahil nakuha niya na agad ang braso ko."Anong gusto mo? Tinotoyo ka nanaman eh." hinapit niya ang bewang ko, tsaka ako niyakap.
Nagpupumiglas pa rin ako sa kanya, masyadong natutunaw ang puso ko sa ginagawa niya sakin. Pag ako hindi nakapagpigil hahalikan ko 'to! Charot lang.
"Hey, please speak up." aniya sabay siksik ng ulo niya sa balikat ko.
Tumaas ang balahibo ng braso ko dahil sa ginawa niya. Ngayon lang niya ginawa sakin ito kaya napakalaki ng epekto non sakin. Kinikilabutan ako sa bawat kilos niya, lalo na't magkadikit ang mga balat naming dalawa.
"What do you want? Is there anything that you need? Tell me." aniya habang inaamoy amoy ang buhok ko.
"Ahh-uhm.. N-nothing." nagkautal utal kong tugon sa kanya.
"Are you sure?"
"Yeah." maikli kong sagot.
"You smell good.. So, so good."
"Thankyou."
Dumating na si Jepoy kaya kinalas niya na ang pagkakayakap saken. Nakahinga ako ng maluwag, humarap na ako kay Jepoy para tignan kung anong meron sa loob ng cooler na iyon.
Lumiwanag ang mukha ko ng makitang may icecream doon..Iba't ibang flavor ng icecream, tatlong 1 liter ng Icecream ang nandoon na pinalilibutan ng Icecubes. May Orange, Grapes at Apple juice ang nasa kabilang side noon. Lahat ng juice na iyon ay nasa isang plastic bottle.
"Let's eat? Pick what flavor you want, it's all free you know."pagmamayabang na sabi niya.
Tinanguan ko nalang siya..Nilagay ko ang hintuturo ko sa baba animong nagiiisip kung anong flavor ang unang titikman doon. Sa huli, Rocky road ang napili kong kainin. Kumuha ako ng spoon at ng baso para isalin doon ang ice cream na kakainin ko.
Kinuha ko ang icecream scooper na nakalagay sa isang plastic. Sinubukan kong magscoop kaso hindi ko magawa dahil sobrang tigas pa, nanginginig na ang kamay ko kakascoop kahit na wala akong makuha.
May biglang pumigil sa kamay ko at kinuha ang scooper na iyon sa kamay ko. Nagangat ako ng tingin, nakita ko si Carlo na nakangisi na habang nakatingin sa akin.
"Ako na nahihirapan ka eh, HAHAHAHAH." aniya.
Nagpaubaya nalang ako dahil hindi ko rin naman kaya masyadong matigas ang icecream na iyon kainis. Pinagmasdan ko nalang siyang maglagay sa baso, natatakam na ako dahil ang daming mashmallows niyon.
"Here, eat it all up okay?" sabay abot ng baso sa akin. Tinanggap ko iyon at nagsimula ng kumain. Nagsalin rin siya sa baso niya pero Pandan flavor naman.
Nakatingin lang ako sa paligid habang kumakain. Maganda ang panahon ngayon,.kaya masarap tumambay sa lugar na ito.
Ilang minuto ang lumipas,dalawang flavor lang ang nakain ko. Busog na busog na ako hehe..Andami niyang pinakain sakin ngayong araw na ito. Ang laki na ng tiyan ko para na akong buntis hahaha.
Tumambay kami roon habang pinapanood ang paglubog ng haring araw. Katabi ko siya ngayon, nakaakbay siya sa akin kaya nakasandal ako sa braso niya.
Walang umiimik sa aming dalawa. Pareho lang kaming tahimik habang nanonood, tanging ingay lang ng mga ibon at kuliglig ang naririnig ko.
"Thankyou for bringing me here, It was so nice to be in this place huh? Thank you for making this day memorable." pagsisira ko sa katahimikan.
"You're welcome, I can bring you everywhere that can make yourself relax the whole day.. Just tell me when, I'm always here." sabi niya sabay halik sa noo ko.
Para tuloy kaming magjowa rito, hindi ko magawang kiligin dahil sobrang lapit namin sa isa't isa.
"Thank you for being happy when your with me." aniya na ikinatuwa ng puso ko.
"I'm always happy when i'm with you, you always make me happy even just in my mind.. When i remember a happy moments with you." pagdadrama ko.
Niyakap ko siya ng mahigpit, hindi ko siya kayang tignan ng deretso dahil nahihiya ako. Niyakap nya rin ako pabalik kaya mas lalong kumalabog sa tuwa ang puso ko.
Kumalas ako sa pagkakayakap at hinarap siya. Tinaasan ko siya ng kilay pero nakangiti ako.
"Ang drama naman,tara na nga magdidilim na oh." sabay turo sa papadilim ng langit.
"Okay, Let's go." Nauna siyang tumayo sa akin."Let me help you, my Princess." sabay lahad ng kamay sa harap ko, tinanggap ko iyon tsaka niya ako inalalayang tumayo.
'Damn that princess thing!'
"Thank you." nginitian ko siya ng matamis.
Nakuha na lahat ng gamit na pinagkainan namin ni Jepoy, yung telang inuupuan namin kanina ang siyang natira. Ipinulot niyon ni Jepoy tsaka itinupi ng maayos.
Nauna na akong maglakad, iginagala ko pa rin ang paningin ko para sa huling sulyap ko doon. Naramdaman ko ang pagsunod sa likod ko ni Carlo kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"Riana!" sigaw na pagtawag ni Carlo sa pangalan ko.
Napalingon ako sa kanya at nakitang medyo malayo na pala ang agwat namin sa isat'isa. Hindi ako nagsalita, kaya humakbang siya papalapit sa akin. Humito lang siya ng nasa harap ko na siya at dalawang hakbang nalang ang kulang upang mapalapit na siya ng tuluyan sa akin.
"I found this." itinaas niya ang kanang kamay na may hawak na coin sa pagitan ng hintuturo at hinalalaki niya."This is a lucky penny huh?"ngisi niya habang nakatingin sa coin."Take a wish,Princess." sabay abot sa akin ng coin.
Kinuha ko iyon at pinagmasdan sandali.
Pumikit muna ako bago magsalita.
"Sana tamang tao na ang susunod kong mamahalin kung susubok man uli ako." malakas kong sabi, yung tipong naririnig niya. Iminulat ko na ang mata ko at nagtama ang paningin naming dalawa.
Nakikita ko ang bawat emosyong pinapahiwatig ng tingin niya sa akin.
Tingin na naaawa.
Tingin na nasasaktan.
At tingin na nalulungkot.
Alam niya ang naging istorya ng buhay ko simula nung nagmahal ako. Sinabi ko ang lahat ng iyon sa kanya, para makilala niya ako ng lubos. Sinabi ko rin ang bagay na iyon dahil may tiwala ako sa kanya. Hindi ko ikekwento ang buhay ko kung hindi ko pinagkakatiwalaan ang isang taong iyon.
"Here,take a wish." inilahad ko sa kanya ang coin ng may pilit na ngiti."Nangangalay na ako." nagkukunwaring inis na sabi ko.
Itinanggap ko iyon, ngumiti siya sa akin. Alam kong pilit ang isang iyon, pinakita niya lang sa akin iyon para hindi ako magaalala or malungkot.
"Sana ako na lang.." sabi niya, habang deretsong nakatingin sa akin.

Comentário do Livro (40)

  • avatar
    Paolo Cortez Bonaos

    gijy8ugfftgbjo

    21/04

      0
  • avatar
    Antonette Cerdeñâ

    super ganda worth it ang puyat

    06/03

      0
  • avatar
    bombaleserich

    thnkyou

    24/02

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes