logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

She‘s To Be Loved [Tagalog]

She‘s To Be Loved [Tagalog]

Wisdom Sky


Simula

"I like you." matapang kong sabi sa taong nasa harap ko. I looked onto his blue eyes, blonde hair. His Porcelain, clearskin.
Carlisle Felix Montenegro, he was the most handsome american-filipino here in Saint Claire's University. He was a varsity player, a guitarist, a singer. Here in our school. Halos lahat ng babae ay nagkakagusto sa kanya dahil, sa cold personality. He's a sweet, kind, respectful, and a genius man. He's the man you wish to have in your life.
He looked at me for a second before he cleared his throat. Naiilang akong nag-angat ng tingin sa kanya. Hindi ko akalaing lalakas ang loob ko para sabihin sa kanya ang feelings kong matagal ko ng kinikimkim. Oo matagal na, dahil simula ng mag-transfer sila dito ay siya na ang naging inspiration ko para pumasok araw-araw.
"Sorry but the feeling is not Mutual." He said, and then walk away.
Why? I want to ask that question but, he already left me there dumfounded. I sighed, and watch him walked away. Ang kanyang pagdaan sa hallway ay nakaagaw agad ng atensyon sa mga babae.
Nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko, pumunta na agad ako sa room namin. Kakaunti palang naman ang mga tao roon kaya, hinanap ko nalang si bes sa canteen. At ayun, buti nalang at hindi ako pinahirapan maghanap sa kanya. As usual kumakain na naman siya do'n sa table namin.
"Oy bes! Kain ka ng kain dyan baka gusto mong magshare?" sigaw ko sa kanya, nagulat pa nga siya ng makita ako.
"Oh ito kumuha ka! Istorbo ka talagang kupal ka eh 'no?" aniya sabay irap.
Kumuha na lang ako ng Donut do'n sa box. Kumain nalang ako ng kumain, hindi ko na siya inistorbo baka hindi ako mabusog eh. Heto na naman ako nakatingin kay Carlisle na nakikipagtawanan sa mga tropa niya, Medyo masayahin rin ang taong 'yan pero paghindi niya kakilala sinusungitan lang niya. Mahirap i-handle right?
Ang sarap niyang pagmasdan lalo na pag-masaya siya. Mas lalo siyang gumagwapo 'pag nakangiti, Okay lang kahit na hindi niya ako gusto basta nakikita ko lang siyang masaya. Ay wow ang drama ko naman, pero seriously okay lang talaga, basta nandito lang ako sa malayo.
Siya ang lalaking inuuna ang pag-aaral kesa sa pagmamahal, i don't know why. Based na rin sa observations ko, wala kasi siyang nakakasamang babae. Pag-meron man, girlfriend ng mga tropa niya.
Kung hindi man siya para sa'kin ngayon, sana bukas nalang. Chos!
Love takes time, kung siya man. Darating din ang panahon para sa'ming dalawa.
Sometimes natanong ko ang sarili ko kung nainlove na ba talaga ako? Kung nagkaroon naba ako ng first love? I guess hindi pa. Coz' hindi ganito yung nararamdaman ko sa mga ex ko noon. Yeah maharot ako no'ng Grade 5-7 Haha, nagkaboyfriend agad ako no'n. But that's just a puppy love right? Kasi sa chat lang naman siya nagconfess and sa chat lang rin naman naging kami, pero 'pag sa personal super mahiyain na. 'Yung tipong super duper liit lang ng problema eh hiwalayan na kaagad.
Napakagwapo talaga niya! Sana talaga akin nalang siya!
Iniiwas ko nalang ang paningin ko sakanya kasi baka mahubaran ko na siya sa isip ko chos! Tinignan ko si Arlene na masyadong seryoso sa pagbabasa. Napapakunot pa ang noo niya, minsan naman napapangiti ang gaga. Sarap pektusan eh!
"Hoy Arlene Apostol!" sigaw ko sa tainga niya.
"Punyeta! Oh anong kailangan mo Riana Pendleton?" sigaw niya pabalik sakin. Napangisi ako ng nakitang inis na inis siya, Binaba niya 'yung librong binabasa niya at humarap sa akin ng nakataas ang kilay. Yes I got your attention bitch! Success!
"Ano ba 'yang binabasa mo at binabalewala mo na ako ha? Ipagpapalit mo na ba ako sa librong 'yan?"
"Aba! Ano bang klaseng utak ang meron ka at bakit mo iniisip na ipagpapalit kita rito ha? Ano bang sasabihin mo?! Siraulo ka talaga! Bwiset, Konyatan kita eh!"
"Kaya mo ha? Pati ba naman ikaw sasaktan lang ako? Aba eh kung sasaktan mo lang rin ako eh iwan mo na ako!" ang hirap magpigil ng tawa sa totoo lang haha.
"Arghhhhh! Ano ba kasing kailangan mo? Nangiinis ka nanaman eh! Tumawa ka na! Para kang natatae jan!" sabi niya sabay batok sa'kin.
Hindi ako nakailag do'n ah! Masakit 'yun! Binatukan ko rin siya!
"Bahala ka nga dyan!" aniya. Tumayo at iniwan ako roon. Tumatawa lang ako habang pinagmamasdan siyang nagpapadyak ng paa habang umaalis.
Napansin kong maraming nakatingin sa'kin kaya umalis nalang rin ako doon at sinundan si bespren.
Arlene and i were bestfriend since grade 4? Maybe, three. We're both, grade 10 na. Same section. She knows all of my secrets, ganoon din naman ako sa kanya. We handle our friendship right, we both hate toxic people kaya umiiwas kami sa iba.
Siya ang naging sandalan ko sa lahat noon, Kahit na napakarami kong problema hindi niya pa rin ako iniwan. Nakakatuwa nga kasi magkasundo rin ang mga magulang namin dahil business partners sila, lagi nga akong iniiwan noon sa bahay nila 'pag may kailangan silang ayusin sa ibang bansa.
Kapatid na ang turing ko dyan kay Arlene, parang siya ang ate ko. Siya kasi ang malakas sa aming dalawa, at ako naman ang mahina. Mahal na mahal ko 'yan kahit na lagi ko siyang iniinis, ang sarap niya kasing kulitin.
Masaya siyang kasama hyper na hyper kaya 'yan 'pag good mood, pero 'pag bad mood na kulang nalang maging hangin na ako para sa kanya. Kaya heto oh alam niya namang nasa likod niya ako wala pa ring pake ang gaga.
Nagdere-deretso siya sa room, kaya 'yon wala akong nagawa nang do'n din mapunta. Tahimik naman, okay lang but sometimes nakakairita kasi lahat sila parang walang pake sa isa't isa. Napakatahimik, puro pagbabasa ang ginagawa.
Umupo na lang ako habang pinag mamasdan silang lahat. Hindi ko alam kung paano namin napag-tiisan ang mga tao dito, oo nakakaboring. Sobra, pero pag-dating nang senior high i'm sure na mamimiss ko rin ang katahimikan nila.
Tinignan ko si bes. Nagbabasa pa rin siya, gusto ko siyang kausapin kaso naalala kong galit pala siya sa akin. Pupunta nalang siguro ako sa bahay nila mamaya, tutal magkapit bahay lang kami. Simula kasi ng maging bestfriend ko si Arlene, naging mag-bestfriend na din ang parents namin at napagdesisyunan nilang tumira sa iisang village.
Nang dumating na 'yung professor namin nagsimula na agad siyang magdiscuss. Tahimik lang akong nakinig. Kahit boring ang nagtuturo, sinikap ko pa rin makinig para may mailagay naman ako sa utak ko.
Natapos ang araw na yun ng nakapangalumbaba lang ako sa buong klase. Hindi kami nagkasabay umuwi ni bes ngayon, galit talaga siya sakin. No choice ako kung 'di ang umuwi nalang rin, pero dumaan muna ako sa mall para bumili ng Donuts, Chocolates, Ice cream, Cake tsaka ng Pizza. Pang peace offering hehe.
So, nagbihis muna ako sa bahay bago pumunta kila bes. Nagdoorbell ako, agad naman akong pinagbuksan ng Manang Celia.
"Tatawagin ko lang sa itaas si Arlene.. Umupo ka muna rito, hija. Andeng! Pakitulungan naman dito si Ria dahil andami niyang dala at ako'y papanikin muna sa itaas si Arlene." bilin niya sa isa pang maid na Andeng daw ang pangalan.
"Sige po Manang.. Ah maam, tulungan ko na po kayo." sabi sakin ni Andeng, binigay ko naman sa kanya ang dalawang box ng Donuts, Cake at sakin naman ang dalawa ring Icecream, Pizza at Chocolates.
Inilapag namin iyon sa table nila sa sala. Bumaba na rin si bes pero nakabusangot parin. Mukhang nainis ko talaga siya kanina, oh sorry my dear. I chuckled.
Tumayo ako at nagpeace sign. 'Yung isa kong kamay naman ay nakaturo sa mga pagkain.
"Peace Offering!" lumapit na ako sa kanya at hinila siya papalapit sa mesang iyon. "Tigiisa na tayo niyan, para naman hindi kana magalit! Sowwy na please?" nagpa-cute na naman ako dito para mapaniwala ko siya.
Hindi niya ako pinansin, kumain nalang agad siya. That means bati na kami! Ganyan talaga kaming dalawa basta sa pagkain nagkakasundo. Buti nga at hindi nasayang ang pagbawas ko sa pera dahil bati na kami, i'm proud to say na kuripot ako. Minsan lang ako manlibre pero sa kanya lang, hindi pako nanlilibre sa ibang tao 'no! Deserve naman kasi ni bes, napakaswerte ko kaya sa kanya. Kung pwede ko lang ipagsigawan sa buong mundo na napakaswerte ko sakanya, ginawa kona kaso ayaw niya no'n eh baka daw may makaagaw sa kanya.
"Oy bes! Nood tayo sa netflix!" sabi ko sabay yugyog sa kanya. May pagkabaliw din talaga ako minsan eh, buti nalang at napakahaba ng pasensya ni Arlene.
Sumunod rin naman siya sa utos ko, syempre bunso ako 'no! 'Di joke lang, ang feeling ko naman masyado.
Conjuring 2 ang napili niyang palabas. Omyghad! Matatakutin ako, alam niya naman 'yon. Baka hindi ako makatulog nito mamaya dahil jan sa palabas na 'yan!
"Arlene 'wag naman 'yan panoorin natin, baka hindi ako makatulog neto mamaya eh." naiiyak na talaga ako, ayaw na ayaw ko yung mga horror movies simula pa no'ng bata ako. "Bes please, papatayin mo ata ako nito eh... Kung papatayin mo lang rin naman ako 'wag mo ng idaan dyan ideretso mo ng saksak." oo inaamin ko na ako na ang pinaka OA sa buong mundo. Shutanginers naman kasi takot talaga ako sa mga ganyan, baka sa takot pa ako mamatay kesa sa sakit.
"Ayoko." simpleng sagot niya, alam kong bumabawi lang siya sa pangiinis eh. Kumain nalang siya habang nanonood, wala na akong magawa. Nagtakip nalang ako ng unan sa mukha at tenga ko, dahil mas lalo akong matatakot pag narinig 'yung mga sigaw at nakakatakot na music.
May kumakalabit sa akin pero hindi ko na iyon pinansin. Hanggang sa paulit ulit na, hindi ko na napigilan ang pagtanggal ng unan sa mukha ko.
"Waaaaaa!!!!!" sigaw ko. May isang babae sa harapan ko na mahaba ang buhok, nakaputing dress at matatalim ang titig sa akin. 'Yung titig na mamamatay tao.
Napatakbo ako sa sobrang takot, ibang klaseng itsura ang nakita ko. Hindi ko na nakita ang itsura nung taong 'yon dahil bigla nalang naging itim ang paligid, at bumagsak nalang ang katawan ko sa sahig.

Comentário do Livro (40)

  • avatar
    Paolo Cortez Bonaos

    gijy8ugfftgbjo

    21/04

      0
  • avatar
    Antonette Cerdeñâ

    super ganda worth it ang puyat

    06/03

      0
  • avatar
    bombaleserich

    thnkyou

    24/02

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes