logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

I: 3

Isang linggo simula nang mamalagi si Ava sa bahay nila sa probinsya, pakiramdam niya ay biglang nawalan ng kulay ang kan'yang buhay. Wala siyang ibang ginawa maghapon kun'di ang matulog, tumambay sa labas, scroll up and down online at matulog na lang ulit. Ayaw naman kasi niyang makipag-usap sa mga tao dito dahil naaartehan siya sa mga kababaihan. Lahat ng ito kasi ay walang ibang ginawa kun'di ang mag-pacute at humiyaw kapag nandiyan si Gabriel. Naiirita siya sa gano'n. Na para kasing si Gabriel lang ang natitirang lalaki sa mundo kung sila ay makapag-react.
"Hello magandang suplada! Magandang araw sa iyo," bati sa kanya na Gabriel.
Napairap sa hangin si Ava. "Anong maganda ngayong araw kung nandito ka na naman, magsasakang unggoy? Na walang ibang ginawa kun'di ang magpapansin?"
"Grabe ka naman talaga sa akin. Sinabi ng hindi nga ako unggoy. Oo isang hamak na magsasaka lang ako pero guwapong magsasaka naman!" hirit pa ni Gabriel pero hindi umimik si Ava.
"Uy! Pansinin mo naman ako! Ikaw na nga itong nilalapitan ko eh. Bakit ba ayaw mo akong pansinin?" Hindi pa rin umimik si Ava.
Pero hindi pa rin tumigil sa kasasalita si Gabriel. Talagang gusto niyang kausapin siya ng dalaga. "Alam mo ikaw, sa sobrang pagiging suplada mo, wala nang lalaking magkakagusto sa iyo."
Mahinang tumawa si Ava. "Paladesisyon ka rin 'no? Paano mo naman nasabi 'yan? Hindi mo alam kung gaano karaming lalaki ang nagkakandarapa sa akin sa Maynila. At saka, ano bang pakialam ko kung walang magkagusto sa akin dito? Ayoko naman sa mga tao dito." Matigas na wika ni Ava.
Napangiwi na lang si Gabriel. Wala talagang preno ang bunganga ni Ava kapag ito ay nagsasalita.
"Grabe ka naman sa mga tao dito. Anong gusto mong iparating?"
Tinaasan siya ng kilay ni Ava. "Wala naman akong gustong iparating. Wala naman akong pakialam kung walang taong magkagusto sa akin dito. At ikaw naman, bakit palagi mo akong ginugulo? Kulang ka na naman ba sa pansin? Hindi ka pa ba nabusog sa mga pagpapapansin sa iyo babae ng mga diyan? ?asyado na yatang lumalaki ang ulo mo dahil akala mo ikaw lang guwapo sa mundo."
Napakamot ng ulo si Gabriel. "Hindi naman ako ganoon 'no. At saka jindi ko naman ginusto na magpapansin sila sa akin."
"Pero tuwang-tuwa ka naman," walang ganang sabi ni Ava.
Matagal niyang tinitigan si Ava sa mata habang si Ava naman ay walang emosyong nakatingin sa kan'ya. Agad na nag-iwas ng tingin si Gabriel dahil hindi niya kinakaya ang mga titig ni Ava. Para kasi itong tumutusok sa kan'yang kalooban.
"Hindi ka ba nabo-boring dito?" tanong sa kan'ya ni Gabriel.
"Ano ba sa tingin mo? Ang pangit dito. Walang mapaggalaan. Kung nasa Maynila lang sana ako ngayon, naggagala na akong saan-saan kasama ng mga kaibigan ko," inis na sabi ni Ava sabay buntong-hininga.
"Alam ko na iba talaga ang buhay dito at saka sa Maynila. Pero sa totoo lang, masaya naman dito kung maa-appreciate mo ang paligid. At isa pa, kung gusto mong magliw-aliw puwede kitang samahan sa dagat. Maligo ka doon ngayon," wika ni Gabriel habang nakangiti.
Napaisip si Ava. Sa isang linggo niya dito ay hindi pa siya nakakapunta ng dagat. Sa totoo lang ay naaakit siyang pumunta doon dahil ang ganda at ang linaw ng tubig sa dagat. Na parang kay sarap maligo.
"Oh bakit gan'yan ka makatingin sa akin?" Nagtatakang tanong sa kan'ya ni Gabriel.
"Baka kasi may gawin kang kakaiba sa akin kapag sumama ako sa iyo. Baka kasi may gawin kang masama. Hindi pa naman katiwa-tiwala ang pagmumukha mo."
Malakas na tumawa si Gabriel. "Grabe talaga ang bunganga mo 'no? Tapos iniisip mo pa ako na masama akong tao. Hoy! Kilala ako ng mga tao dito at mabuti akong tao!"
"Oo kilala ka ng mga tao dito pero hindi naman kita kilala. Kaya hindi mo ako masisisi kung wala akong tiwala sa iyo," mataray na sabi ni Ava.
"Hay naku! Ewan ko sa iyo, Ava. Ano? Gusto mo ba samahan kita sa dagat? May mga nahuli akong isda tapos mga prutas at gulay. Magdadala na lang ako para may makain tayo. Bilis na! Para hindi ka naman ma-boring dito!"
Humuntong hininga si Avq bago nakapag-isip. "Okay sige pero 'yong damit mo ang dumi. Ang dugyot tingnan dahil puro putik. Tapos makikita nila kasama kita? Umayos ka nga ng suot mo," maarteng sabi Ava.
Napakamot naman ng ulo si Gabriel. Puro putik ang damit niya dahil katatapos lang nilang magtanim ng palay. Tinulungan niya kasi ang mga magilang niya sa pagtatanim.
"Oh sige babalikan na lang kita dito. Magbibihis lang ako tapos dadalhin ko 'yong mga pagkain," masayang wika ni Gabriel.
"Okay," tipid na sabi ni Ava at saka pumasok na sa loob ng bahay nila.
Nagdala siya ng kan'yang pamalit kapag natapos na siya maligo sa dagat. Nagpahanda rin siya ng pagkain kay Aling Minda.
"Mabuti naman at naisipan mong pumunta sa dagat," sabi sa kan'ya ni Aling Minda.
"Opo kasi nakaka-boring talaga dito sa totoo lang. Nagyaya kasi si Gabriel the unggoy kaya 'yon, naisipan kong sumama na lang para makapaglibang."
Mahinang natawa si Aling Minda. "Alam mo ba na ikaw lang ang babaeng nagsabi sa kan'ya na mukha syang unggoy? Lahat ng kababaihan dito ay gywapong-gwapo sa kan'ya."
Ngumiwi naman si Ava. "Guwapo na siya niyan? Hindi ko lang sure. Feeling guwapo siguro masasabi kong oo."
Natawa na lamang sa Aling Minda. "Okay sige, nakahanda na ang pagkain mo. Okay lang ba sa iyo na ikaw na ang magdala o sasamahan pa kita?"
Umiling si Ava. "Ay hindi na po. Kaya ko na po 'yan," wika niya sabay kuha ng pagkaing inihanda sa kaniya.
Ilang saglit pa ay tumawag na mula sa labas si Gabriel. Maayos na ang suot nito kahit simple lang Umirap si Ava nang kindatan siya ng lalaki. Kahit na simple lang ang suot ni Gabriel, bumabagay naman ito sa kan'ya dahil sa kan'yang mukha at makisig na pangangatawan. Saglit lang silang naglakad at nakarating na sila sa dagat. Mabuti na lamang at wala masyadong araw kaya hindi masakit sa balat. Sa lilim ng malaking puno, naglatag sila ng sapin at saka inilagay nila ang mga pagkaing dala nila. Pagkatapos ay nagtampisaw na sa dagat si Ava. Tuwang-tuwa siya habang naliligo. Ang ganda kasi ng dagat. Napakalinaw ng tubig at buhay na buhay. Ang buhangin naman kulay puti at pino. Malinis pa ang paligid.
"Marunong ka pa lang lumangoy," wika ni Gabriel nang magtampsaw na siya sa tubig.
"Anong akala mo sa akin? Walang alam sa paglangoy?" Pagtataray ni Ava sa kaniya.
"Ito naman! Sinabi ko lang eh," wika ni Gabriel sabay nguso.
"Huwag ka na kasing magsalita kung ayaw mong mabara palagi. Mukha ka lang kawawang nilalang," sabi ni Ava sabay tawa.
Napangiti na lang si Gabriel. Naisip niya na ayos lang pala na pagsungitin siya ni Ava dahil nakikita naman niya itong tumatawa at nakangiti. Mas lalo tuloy lumalala ang interes ni Gabriel para sa dalaga.
Nang mapagod silang tampisaw sa dagat, nagsimula na silang kumain.
"Ano 'yan?" takang tanong ni Ava.
"Tuyo. Masarap 'yan. Isawsaw mo sa suka," sabi ni Gabriel sabay kain.
"Ha? Tuyo? Eww naman! Ang baho niya. Mukhang kadiri!" wika ni Ava habang nakangiwing nakatingin sa tuyo na nasa harapan niya.
"Ang arte mo naman! Masarap 'yan loko! Tikman mo kasi. Subukan mo naman ang mga ganiyang pagkain. Masarap ang mga ganitong pagkain at mura lang."
Bumuntong hininga si Ava at saka isinawsaw sa suka na may bawang ang tuyo. Pagkatapos ay nagsimula na siyang kainin ito. Sa unang tikim ay hindi niya masyadong gusto ang lasa dahil maalat. Pero nang ibabad niya ito sa suka at muling kainin, naging maayos na ito sa panlasa niya.
"Okay naman pala. Mas okay ang lasa niya kapag nakababad sa suka," sabi ni Ava at saka muling nagbabad ng tuyo sa suka.
"Di ba? Sabi ko sa iyo masarap 'yan. Bakit hindi mo alam ang pagkaing 'yan? Anak mayaman ka ba?" tanong ni Gabriel kay Ava kaya napatingin siya sa lalaki.
"Huwag kang maingay, ha. Huwag mong ipagkakalat," mariing utos ni Ava sa kaniya sabay irap.
"Oo naman," mabilis na tugon ni Gabriel.
"Mayaman talaga kami. Pinadala lang ako dito ni Mommy para magtino raw ako. Hindi naman ako bad girl. Spoiled brat. Hanggang ngayon kasi, kapag nakikita ko si Mommy, hindi ko mapigilan ang sarili ko na sisihin siya sa pagkamatay ni Daddy," wika ni Ava habang nakakunot ang noo.
Nanlaki naman ang mata ni Gabriel. "Kaya pala kutis mo pa lang, masasabi ko ng mayaman ka. Pati ang mga suot mo ay branded. Nga pala, paano mo naman nasabi na si Mommy mo ang may kasalanan ng pagkamatay ng Daddy mo?"
"Inutusan niya kasi si Daddy na bumili ng luho niya. Tapos ayon, nadisgrasya si Daddy."
"Masaya ba ang Daddy mo no'ng sumunod siya sa Mommy mo?"
Agad na tumugon si Ava. "Wala talagang kasalanan ang Mommy mo kung ganoon. Kasi masayang sumunod ang Daddy mo. Ibig sabihin, gusto niyang mapasaya ang Mommy mo kaya binili niya ang gusto nito. Sadyang hindi lang nila inasahan na may disgrasyang mangyayari. Kung alam man nila 'yon, syempre hindi sila tutuloy. At sa tingin ko masakit 'yon para sa Mommy mo. At mas lalo pa niyang nasisisi tuloy ang sarili niya dahil siya ang sinisisi mo sa pagkawala ng Daddy mo," mahabang paliwanag ni Gabriel.
Natahimik si Ava at hindi na muling umimik pa. Napasin 'yon ni Gabriel kaya pinitik niya ng mahina sa noo si Ava.
"Ano ba? Anong karapatan mong pitikin ako sa noo?" Gigil na wika ni Ava.
"Huwag ka ng magalit. Huwag mo na isipin 'yon. Ang mabuti pa. Mag-enjoy ka na lang dito. Alam ko na hindi madali ang mawalan ng magulang kaya ka nagkakaganiyan. Pero sana, huwag mo ikulong ang sarili mo sa kalungkutan. Dahil sigurado ako, hindi masaya ng Daddy mo na nakikita kang malungkot dito."
Tipid na ngumiti si Ava. Tama si Gabriel. Palaging gusto ng Daddy niya na happy lang. Kaya nga madalas na puro tawanan lang sila noon dahil mahilig magpatawa ang Daddy niya. Ayaw kasi ng Daddy niya na malungkot ang isang tao kaya pinapasaya niya ito.
Matapos nilang kumain dalawa, muling nagtungo sa dagat si Ava para maligo. Nagharutan silang dalawa sa tubig ni Gabriel. Naiinis pa nga si Ava sa lalaki dahil halos malunod siya kapag winiwisikan siya ng tubig nito sa mukha. At nang magsawa silang maligo, nagpahinga muna sila at nagkuwentuhan saglit. Doon, napansin ni Ava na masaya naman pa lang kausap si Gabriel.
"Humanda ka talaga sa akin, Gabriel kapag pinagkalat mo dito na mayaman ako," pananakot sa kaniya ni Ava.
Mahinang tumawa si Gabriel. "Oo. Hindi ko sasabihin. Huwag kang mag-alala. Basta ba, papansinin mo na ako, ha?"
Inirapan siya ni Ava. "Oo na. Basta huwag ka masyadong papansin dahil madalas na wala ako sa mood."
Tinawanan na lang siya ni Gabriel. "Nga pala, may knock knock ako sa iyo."
Tinaasan siya ng kilay ni Ava. "Ang dami mo namang alam."
"Bilis na. Knock knock."
Ngumuso si Ava. "Who's there?"
"Inday…"
"Inday who?"
"Inday, found a very special love in you…" pakantang wika ni Gabriel.
Nalukot ang mukha ni Ava. "Corny mo."
"Okay sige, next naman tayo. Knock knock."
Bumuntong-hininga si Ava. "Hay ewan. Who's there?"
"Coca cola, lasagna."
"Coca cola, lasagna who?"
Tumikhim muna si Gabriel. "Coca cola, lasagna ang 'yong minahal 'di ka na muling luluha pa…" may pagbirit pang kanta ni Gabriel.
Hindi tuloy mapigilang matawa ni Ava. "What the heck? Ang baduy mo! Natatawa tuloy ako sa iyo!" At muling tumawa pa si Ava.
"Okay next! Grabe ka parang wala ka ng nagustuhan sa knock knock ko!" bulyaw ni Gabriel.
"Wala talaga. Corny na, baduy pa! Okay next naman," natatawang sabi ni Ava.
"Knock, knock."
"Who's there?"
"Far I see you."
"Far I see you, who?" Nakangiting sabi ni Ava.
"Far I see you…ang laban na 'to ooohh," birit ni Gabriel.
Humagalpak naman ng tawa si Ava dahil pumiyok si Gabriel sa dulo. Halos sumakit na ang tiyan niya kakatawa. Hindi talaga siya natatawa sa mga knock, knock ni Gabriel. Natatawa siya kay Gabriel mismo dahil may pagbirit pang nalalaman.
"Ayoko na….ahhh shet ka! Ang dami kong tawa sa iyo! Huwag ka ng bibirit next time kung pipiyok ka rin naman!" Tumatawa pa ring wika ni Ava.
"Hala ka? Tawa ka nang tawa diyan mamaya kabagan ka," sabi ni Gabriel sabay kamot sa ulo.
Huminto na si Ava sa pagtawa dahil ang sakit na ng tiyan niya at namumula na ang mukha niya. Inayos niya ang kaniyang sarili at saka nagpalaam muna na magbibihis. Ilang minuto ang lumipas, bumalik na si Ava. Hindi mapigilang mamangha ni Gabriel nang makita niyang nakasuot ng isang fitted dress si Ava na mahaba ngunit may hiwa sa gilid ng hita. Napakaganda ni Ava sa suot niyang 'yon.
"Halika na, Gabriel. Umuwi na tayo. Malapit na mag-ala sais. May gagawin pa ako sa bahay eh."
"Okay sige," alanganing sagot ni Gabriel at saka nagligpit na. Nakatitig lang kasi siya kay Ava.
Nang makauwi sila, nagpaalam na siya kay Ava. Kinawayan lang siya ni Ava at saka pumasok na sa loob ng bahay nila. Napangiti na lang si Gabriel. Ang ganda kasing pagmasdan ni Ava kanina habang tawa ito nang tawa. Pakiramdam tuloy ni Gabriel ay crush na niya ang dalaga.

Comentário do Livro (29)

  • avatar
    Jessa Panican Abot

    nice

    29/07/2023

      0
  • avatar
    BihasaJhoanne

    💕💕

    18/07/2023

      0
  • avatar
    John Carlo Ace Emnace

    very beautiful! thank you author

    14/07/2023

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes