logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

2

"Naalala mo pa ba?"
"Oo, huling pagkikita natin humiling tayo sa bulalakaw na sana tayo pa rin hanggang huli."
Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing 'yon dahil para sa akin isang sumpaan ng dalawang nagmamahalan. Tama, masyado pa kami bata marahil iniisip ng iba puppy love lang nararamdaman pero mapapatunayan namin true love yon.
"Marami na nagbago, marami na dumaan noong nawala ka sa buhay ko sa palagay mo ba until now ikaw pa rin ang gusto ko?"
Hard.
Bakit nga ba ko umasa na pareho kami ng nararamdaman matapos ang sampung taon.
"Tulad ng sabi mo, maraming nagbago sa buhay natin at...hindi ako umaasa na bumalik ka para ipagpatuloy natin 'yong alam mo na...nakakatawa pero siguro tama lang na hanggang ala-ala lang ang lahat."
Hinimas ang ulo ko, "Ang seryoso mo! Keep it up!"
"Sus! Bakit ba kasi pinapunta mo pa ako rito kung---"
"Sasaktan ko lang feelings mo?"
"Hindi ah!"
"Don't me Princess."
"Oo na! Sige na! Haaay, oo umasa ako, umasa ako na baka sakaling maging tayo pa at ipagpatuloy pa natin ang nakaraan natin kahit sobrang tagal na."
"Sorry, ako ang may kasalanan hindi ako tumupad sa sumpaan natin."
"Masyado pa tayong bata noon, ako dapat sisihin dahil umasa ako sa isang pangako na walang kasiguraduhan."
"Sorry, I have a girlfriend. Ewan ko lang ah, pero pagkatapos ng pag-uusap natin baka iwan ko siya ng dahil sayo."
"Uy, huwag. Ano 'yon iiwan mo siya ng dahil lang sa akin. Huwag mo gawin ang bagay na sa huli pagsisisihan mo."
"Hindi ko siya iiwan kung alam kong hindi kita mahal."
"You mean?"
"I mean, kung magagawa kong iwan siya malamang hindi na ganoon kalalim ang pagmamahal ko sa kanya."
"Very bad huwag mo ko paasahin Nathan."
"Hindi kita paaasahin sa isang bagay na pagsisisihan mo sa huli."
Buwisit, ang gulo niyang kausap.
"So, ano ba purpose nito bakit tayo nagkita, bakit tayo kumain at bakit tayo nag-uusap ngayon."
"Miss kita ang laki ng pinagbago ng mukha mo." Pinisil pisngi ko.
"Araaay!"
"Nagpa-retoke ka ba?"
"Ako? Ako? Tinatanong mo kung nagpa retoke? Are you jerk?"
"Haha, ba't highblood ka?"
"Mula ulo hanggang paa totoo ito walang pinalitan, walang binawasan."
Gigil kong minostra ang buong katawan.
"Okay," todo iwas sa akin.
"Binibiro ka lang naman. Ipagpatuloy na natin ang pagkain."
Bago maupo inabot sa akin ng lalaki ang cellphone ko pinindot ko ang play parang napapanuod lang sa teleserye o movie mga nangyari sa amin ni Nathan this night.
"May na iisip kana ba kung ano gagawin mo sa video?"
"Ha?" Gulat kong usisa.
"I-upload mo ba kako sa YouTube mo."
"Baka, siguro, ewan, mag-iisip pa ako baka isipin nila Jowa kita."
"Tama, mainam kung totoo na talaga."
"Sira."
"Ihahatid na kita sa bahay ninyo."
"Pero hindi ako uuwi sa bahay namin."
"Bakit?"
"Hindi ako nakatira sa bahay, sa apartment ni Mommy kasama nila Elaine at Agatha."
"Nakahiwalay kana sa kanila?"
"May masama ba? Isa pa, 28 na ako this year, pero wala pa rin plano sa buhay."
"Ano ba kulang sayo tingin ko okay ka naman."
"Iyon ang akala mo." pinatay ko ang video. "Marami pa kulang sa akin, isa na 'ron ang kotse."
"Don't tell me wala kapa rin pambili sa kotse ha?"
"Kayang-kaya ko pero much better kung matatanggap ko bilang regalo."
"Daddy at Mommy mo lang makakagawa 'nun."
"Ganoon na nga."
"Ano pa ba kulang sayo?"
"Boyfriend."
"Really? No boyfriend since birth ba?"
"Nope, nagka boyfriend ako nung nasa high school."
"Eh tayo ba, naging tayo ba noon o ano?"
"Alam mo minsan naisip ko rin 'yan kung naging tayo nga ba dati o what. Biruin mo, nagsusulatan tayo, nagsasabihan ng feelings tapos hindi ko matandaan kung naging tayo nga ba."
"Malamang, sasabihan ba kita ng I Love you kung hindi naging tayo."
"Pero bata pa tayo noon, kung hindi ako nagkakamali Grade 4 tayo nagkakilala tapos Grade 5 mas naging close and Grade 6 official na nagsusulatan."
"And official naging mag-On limot mo na kaagad? Mabuti pa ako, never nakalimot sa nakaraan natin."
"Natatandaan ko pa pero 'yong iba na lang."
"Siguro may lalaking mas minahal mo kaysa sa akin sabi kasi nila kapag may mas better sa na una sigurado makakalimutan lahat ng ala-ala, totoo nga ba?"
"Siguro,"
"Mabuti pati pangalan ko hindi mo nakalimutan."
"Nathan Santos, never yata 'yon."
"Ikaw din, Princess Bustamante."
"Teka, throwback Thursday ba ito? Hindi naman Thursday ngayon ah?"
"Masama ba kung mag throwback kahit ibang araw lalo na kung may namumuong COME BACK?"
"Aha, malabo 'yon. May girlfriend ka, huwag mo ko bigyan ng problema."
"Iiwan ko siya para sayo ayos ba?"
"Hindi, saka mo na ako pormahan kung wala kana pananagutan sa iba."
"Madali na lang 'yon." Natitigan ko siya ng matagal. "Bakit?"
"Naalala ko dati kung noong nagsusulatan pa tayo minsan kana ba nag cheat sa kung ano relasyon meron tayo?"
"Hindi maiiwasan 'yon pero ikaw ang First love ko."
"Ikaw din ang First love ko."
"Ayiee, how about Andrew?"
"Si Andrew??" Paniniguro ko.
"Andrew Azun, natatandaan ko niligawan ka niya."
"Hindi, ah. Kahit first crush ko siya never akong pinansin no'n napaka suplado."
"Until naman ngayon."
"Talaga?"
"Oo, at hindi ako nagkakamali lahat kami na Eye Catchers pinormahan ka, iyon nga lang ako ang nagwagi sa huli."
"Oo na, yabang mo siguro sa tuwing magkakasama kayo lagi mo pinagmamalaki sa anim na ikaw ang nagustuhan ko."
"Ano pa nga ba? Wala rin sila magagawa dahil malakas ang laban ko."
"Ehem, pero maiba tayo matagal na ba kayo ng girlfriend mo?"
"More than five years."
"Ang tagal na rin, I'm sure kapag iniwan mo masasaktan siya at hindi papayag sa gusto mo. Please lang, huwag mo ituloy ang binabalak mo."
"Sino nagsabi? Biro nga lang 'yong sinabi ko sayo."
"Sabi na."
"Nagpapa empress lang ako, nakakamiss kasi yong dating ginagawa at sinasabi ko sayo noon."
"Pero iba na ngayon, masyado nang komplekado hindi tulad dati na malaya kang ibahagi sa akin ang feelings mo."
Pareho kami na tahimik at mayamaya nagsalita siya ng ganito.
"Kung talagang tayo kahit marami pa hadlang tayo pa rin sa huli."
"Kung talaga ngang tayo sa huli hindi ba?"
"Correct." Sabay kami nag thumbs up.
"What if ligawan ka isa sa mga kaibigan ko sasagutin mo ba?"
"Desperada na ako, oo naman!" Namilog ang mata.
"Kahit hindi mo pa alam kung ano feelings mo sa kanila???"
"Mapag-aaralan ang pag-ibig."
"Bakit ba atat na atat kang ikasal? Hindi pa naman paghuhukom para magmadali."
"27 na nga ako and going 28, ang tanda ko na."
"Nahiya naman edad ko."
"Pero lalaki ka, iba naman sa akin na babae. Syempre, pangarap namin ikasal at magkaroon ng pamilya."
"Madali na lang 'yan once maramdaman mo masaya ka na kasama siya, komportable ka kapag nasa tabi mo surebol siya na nga huwag kana magpatumpik tumpik pa."
"Sana ganoon lang kadali ang lahat noh?"
"Magiging madali kung susubukan mo."
"Ikaw, kailan ka ba ikakasal?"
"Wala pa sa plano,"
"Why, busy ka ba masyado sa trabaho?"
"Hindi naman pero about Phoebe ayaw muna niya malagay sa tahimik."
"Si Phoebe na tinutukoy mo ang iyong--"
"Girlfriend."
"Bakit ayaw pa niya ano ba trabaho?"
"Model."
"Sosyal."
"Pagdating sa trabaho niya mas malaki nabibigyan ng oras kaysa sa akin."
"Well, ayoko na pag-usapan 'yang problema ninyo dahil dapat kayo lang nakakaalam."
Muli na naman nilamon ng katahimikan sa pagitan namin. Iyong kanina puno ng pagkain ang plato ngayon ay malinis na malinis at tila walang natirang pagkain. Pinunasan niya ang magkabilang gilid ng labi bago ako tingnan ng makahulugan.
"Ang sarap balik-balikan ang nakaraan lalo kung kasama mo yong taong nais mong balikan." Kukurap-kurap kong tanaw sa sabi nito.
"Nathan,"
"Baka sabihin mo napaka playboy at paasa ko."
Hindi nga ba? Lalo ngayon desperada ako magka boyfriend, tsk.
"After natin dito gusto mo ba maglakad lakad muna tayo rito sa The Gardenia?"
"Sure." Tanaw ko sa relo. Pasado alas onse na pala.
"Pero mga 12 am sana nasa apartment na ako mahirap mapagsarhan ng gate."
"Sige."
After kumain naglakad kami tulad ng sabi nito. Napakarami namin pinag-usapan hanggang sa mapagdesisyunan umuwi na kaya lang nasarhan ako ng gate. Walang sumasagot sa dalawa kong kaibigan kaya inaya niya ako muli sa labas.
"Malamig." Yakap ko sa sarili. Dinala niya ako sa office niya kung saan sa rooftop may maliit na kwarto.
"Here." Sukbit sa balikat ko ng Jacket.
"Thanks."
"Dito ka na matulog."
"Ako lang mag-isa?"
"Sa office ako matutulog."
"S-sige, pasensya ka na."
"Wala iyon kaysa naman hayaan kita matulog sa kalsada."
"Thanks."
"Kapag inaantok ka pumasok ka na." Nakapamulsa nitong layo sa akin bago tuluyan mawala sa paningin ko.
Napabuntong hininga ako sabay labas ng mga bulalakaw sa kalangitan. Umatras ako para matanaw ang kabuuan ng kalangitan.
"Ayyyy!!!" may nakasalo sa magkabilang balikat ko. Thanks to Nathan kundi mawawalan ako ng ulirat kapag tumumba na lang bigla.
"Ano ba ginagawa mo?" Bago pa makasagot sabay namin pinanuod ang sunod-sunod na paglabas ng mga bulalakaw.
"Ang ganda," bulong ko.
"Mas maganda ka," baling ko, at konti na lang magkakalapit na mukha namin.
"A-alam ko," humiwalay ako. "Ayan marami ng bulalakaw maaari ka nang humiling."
"Tamang-tama marami akong kahilingan."
Pinagmasdan ko ang gagawin nito akala ko mananalangin ngunit itinaas nito ang kamay sabay sabi na,
"Sana, sana ako na lang ulit ang lalaki sa buhay niya, please!!!"
Parang batang nagtatatakbo papasok sa loob ng kanyang office. May ngiti sa labi akong tumanaw sa itaas at na ibulong na...
"Sana, sana tayong dalawa na lang ulit para itong kapiraso ng puso ko mabuo muli nang dahil sa iyo."

Comentário do Livro (33)

  • avatar
    VargasRhea

    naiyak ako dun na namatay c princess😭 Alas dos naku nakatulog kagabi dahil umiyak ako haysst. Tapos kaninang Umaga pag gising ko umiiyak ako dahil napanaginipan ko Ang jowa ko na namatay 😭 ibang klasi Ang story mo. napaiyak mo ako Ng husto 🤩

    11/12/2021

      0
  • avatar
    Amakabogera

    Ito ung pagkatapos kang patawanin, paiiyakin ka naman ng husto! Minsan akla ntin siya na hindi pa pla huhuhu 😭😭😭 dahil may mas deserving pa pla. Ang buhay ay puno ng misteryo!

    10/12/2021

      0
  • avatar
    Ce Ci Le

    Naku author Dami ko gusto sabhin sayo. HAHAHA thnkyou Sa Napakagandang Story mo although inalis mo Agad Si Princess 😢 Sana Sya yong Bida Hanggang dulo pero maganda At maraming twist, naiyak, tumawa at naging Happy ako Dahil dto sa story mo. More story to Write author khit my mga part akong di nagets pero Ang ganda nakakarelate Sa True life ❤️

    10/12/2021

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes