logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2

"Magkasama kayo buong araw ni Andrea?" tanong ni Pete.
Tumango lang naman ako.
"sa Condo niya?"
Tango ulit.
"...kayong dalawa lang?"
At isa pang tango.
"Tsk! kwento mo naman nangyari oh!"
Ano namang nasa isip nito?
"Kung anuman yang maduming nasa utak mo, walisin mo! walang nangyari sa amin."
"Eh bakit parang nadisappoint ka?"
Suntukin ko kaya to? Tiningnan ko sya ng masama at tumawa lang naman sya.
"Joke lang, makatingin eh, tsk, so ano palang nangyari sa inyo kung hindi nangyari yung sinasabi mong maduming nasa utak ko?" tanong niya naman ulit.
"Wala naman, teka, ano sa tingin mong magandang surprise para sa anniversary namin?" nakangiti kong tanong.
"Enzo naman, ako pa tinanong mo, alam mo namang hindi umaabot ng isang taon mga relasyon ko, pang monthsary lang ang relationship goals ko." tumawa na naman sya.
Kunsabay, mas matino naman ako kesa sa lokong to! Hindi naman ako artista, pero sabi nila sikat ako, pogi daw kasi ako, tsk.
Eto pala at nasa classroom kami, wala raw prof eh kaya kanya kanyang gulo ang mga kaklase ko. At tama, hindi pa nga ako umuuwi sa bahay, pinapauwi nga ako ng kapatid ko eh, dumating na raw kasi yung anak ng kaibigan ni mom.
Ang alam ko, dun muna yun titira sa bahay hanggang sa grumaduate, yun lang naman ang alam ko. Wala namang problema kung tumira sya dun, basta wala lang makakaalam o kaya naman huwag lang syang sasabay sakin papunta sa school.
Nalaman ko kasing dito rin sya nag aaral, malay natin andito lang sya sa tabi tabi...
"Hazel! sandali!" mga nagdadaan sa labas ng classroom.
Hindi naman sa ayoko sa kung sinuman sya, kaso... may girlfriend kasi ako, at ayokong magkaroon ng misunderstanding saming dalawa ni Andrea, yun lang naman ang dahilan ko.
Mas mabuti na rin na maliban kay mom, may isa pang babae na makakasama si Thrian, madalas kasing busy si mom kaya minsan mag isa lang si Thrian sa bahay. Pag may oras pumupunta naman si Zoey sa bahay, Close din kasi sila ng kapatid ko.
____________________💕
Hazel's POV
"Hazel! sandali!"
Hinawakan ko sya sa balikat, at dahil dun bigla syang napatingin sakin.
"Ah, sorry... akala ko kasi..." napayuko na lang ako.
Hindi niya ako pinansin at umalis na lang sya. Hinabol ko sya dahil akala ko sya si Renz, akala ko lang pala...
Lumapit naman si Rikki sakin na sinundan ako nung bigla akong umalis. Tinatawag niya ako pero hindi ko sya pinapansin dahil ang nasa isip ko lang ay malapitan yung akala kong si Renz.
"Ano bang problema mo? bigla bigla ka na lang umaalis eh" sambit niya.
"Rikki..." sambit ko habang nakatingin sa kanya
"Oh bakit?"
"Namimiss ko na siya..." yumuko ako nang naramdaman ko yung pagpatak ng luha ko.
Naramdaman ko naman ang pag yakap sa akin ni Rikki. Nakakahiya... pero bakit ngayon pa ako umiyak.
"Ano ka ba, huwag mong pansinin sinasabi ni Hallie, bitter lang yun no! okay lang yan, kayo pa rin huwag kang mag alala." Sambit ni Rikki habang yakap niya pa rin ako.
Nung medyo okay na ako, nagtungo kami sa Cafeteria. Umupo ako at si Rikki naman bumili ng maiinom.
Akala ko si Renz yung nakita ko, kaya bigla kong iniwan si Rikki at hinabol sya, pero hindi naman pala. Bakit ba kasi hindi man lang sya magparamdam.
"Eto inumin mo, tubig lang yan, huwag ka nang magreklamo." saka niya iniabot yung tubig sa akin. Binuksan ko iyon at saka ininom.
"At tsaka huwag ka ngang umiyak, hindi pa naman kayo break eh, isave mo yang luha mo kapag break na talaga kayo." ngumiti naman sya.
Hindi ko alam kung susundin ko ang advice niya, pero eto nga kasi yung sitwasyon, isang linggo na kaming hindi nagkikita at naguusap, hindi rin sya nakikita nina Rikki at Hallie dito sa school. Hindi ko alam kung ano na bang status naming dalawa, at sana kami pa rin.
Nung medyo umayos yung pakiramdam ko, bumalik na rin kami sa classroom, sabi nila may meeting daw ang mga prof. Kaya eto, konti lang ang nasa classroom, yung iba nasa labas.
"Umiyak ka ba?" tanong ni Hallie.
"Oo umiyak sya! ang bitter mo kasi eh." Rikki.
"Kasalanan ko pa? eh bakit naman kasi yang boyfriend mo hindi nagpapakita sayo? buti pa nga yung hangin kahit hindi nakikita, atleast nararamdaman, pero yung boyfriend mo hindi nagpaparamdam, buhay pa ba yun? ah hindi! yung patay nga nagpaparamdam din eh! kaya for sure buhay pa yun!" Hallie.
Hindi naman ako galit sa kanya, okay lang din kahit bitter sya, choice niya yun eh, at hindi ko rin problema yun. Pero sana nga buhay pa si Renz.
Bigla namang nagvibrate yung phone ko.
"Uy nakita ko yung crush ko kanina, si Enzo, kinikilig ako, sayang lang kasi may girlfriend na sya." Rikki.
"Bakit naman sayang? anong feeling mo pag wala syang girlfriend papatulan ka niya? asa ka naman." Hallie.
"Ikaw Hallie ah, tumigil ka nga sa mga ganyanan mo! nakakainis eh" Rikki.
Message from Renz:
[Sorry may inaasikaso kasi ako... alam mo na, family problem, huwag kang mag alala, maaayos din to... magiging maayos din tayo, huwag kang iiyak ah, i love you and i promise to fix this, mag tiwala ka lang, aayusin ko to para sating dalawa...]
"eh ka---Hazel?" Hallie.
"Ano na namang problema?" Rikki.
_____________________💕
Enzo's POV
Dismissal...
"Enzo, girlfriend mo nasa labas." Pete.
"Alam ko." sabi ko lang.
Tumingin sakin si Pete at ngumiti.
"Bakit na naman?" tanong ko.
"May mangyayari na ba ngayon?" tanong niya.
Talaga naman oh, mabatukan nga.
"Nagtatanong lang naman, masyado kang defensive dya---sabi ko nga uuwi na ako eh." At umalis na nga sya.
Kinuha ko yung bag ko at nagtungo sa labas, pag lapit ko kay Andrea, agad naman akong niyakap ni Andrea.
"Namiss mo ba ako agad?" Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya.
Pagkatapos naglakad kami palabas ng campus.
"Para malaman nilang akin ka, hindi ba nila alam na matagal ka ng akin? maghanap na nga lang sila ng iba nilang magugustuhan" mataray niyang sambit.
Nangisi naman ako.
"Uhm... Enzo, sumambay lang talaga ako sayo palabas ng campus, pero may family dinner kasi kami." Sambit niya habang nakangiti.
"Ganun ba, sige ihahatid na kita."
"No its okay, may susundo naman sakin eh, you better go"
"sure?" tanong ko. Tumango naman sya
"Okay, mag ingat ka."
Nagtungo naman ako sa parking area.
"sandali!"
Lumingon naman ako sa kung saan ko narinig yung boses na iyon.
"Hi Enzo" bati niya habang medyo hinihingal.
"Kilala mo ako?" tanong ko
Bigla syang tumawa, Hindi kasi sya pamilyar sa akin, at sigurado akong hindi ko sya kilala, pero bakit kilala niya ako?
"Halos lahat naman at dito sa Campus kilala ka, kaya kilala rin kita, at dahil din dito."
Nakayuko sya habang iniaabot sa akin ang maliit na papel, kinuha ko yun at tumingin sa kanya.
"Nakakahiya kasing sabihin eh, basta... basahin mo na lang dyan ah" pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad din naman syang umalis.
Alam kong maraming nagkakagusto sakin, hindi ko naman pinagmamayabang, pero ngayon lang din kasi ako nakatanggap ng love letter... kung love letter ito.
Pumasok ako sa kotseo at tsaka nagmaneho pauwi. Pagdating ko sa bahay...
"Dad? Ang-aga mo ata. " tanong ko.
Madalas umuuwi si dad ng late pag galing sa company, pero ngayon maaga sya, himala!
"Magandang tanong yan Enzo."
Bigla naman syang lumapit sa akin na siya namang ipinagtaka ko.
"Balita ko, hindi ka umuwi kagabi... magkasama ba kayo ng girlfriend mo?"
Tumango lang ako.
"May nangyari ba sa--"
"Dad naman! pati ba naman kayo? tsk. walang nangyari samin!"
Mga tanungan naman talaga oh.
"Alam ko naman yun 'nak, may tiwala ako sayo." sabay tawa.
Napabuntong hininga na lang ako, kanina pa kasi mga tanungan na ganyan eh. Tsk.
"Nasa kitchen sila Thrian, nandun si Hazel." sambit ni dad.
"Sinong Hazel?" tanong ko.
"Yung anak ng kaibigan ng mom mo."
"aah" sambit ko habang nakatingin sa kusina.
Nagtungo naman ako sa kusina.
"Kuya! kararating mo lang?" Thrian.
"Oo... anong niluluto niyo?" tanong ko.
Napansin ko naman yung babaeng nakatalikod, sya yung nagluluto.
"Oh Enzo, andyan ka na pala." mom.
"Hazel, this is Enzo, kuya ni Thrian" sabi ni mom.
Nginitian ko siya, pero bakit ganun yung itsura niya nung nakita ako, huwag mong sabihing... may gusto rin sakin ito? tsk.
_____________________💕
Hazel's POV
*amoy amoy* ansarap ko talagang magluto.
"Oh Enzo, andyan ka na pala." narinig kong sambit ni Tita
Enzo? sounds familiar. Napatingin tuloy ako.
"Hazel, this is Enzo, kuya ni Thrian" sabi ni tita.
Enzo... nginitian niya naman ako, totoo ba ito? si Enzo? yung Enzo na crush ni Rikki? yung Enzo na sikat sa campus? yung Enzo na...
[pogi yung kuya ko! mabait yun... well kung minsan medyo may topak din sya, pero mabit talaga yun.]
So siya nga... dito sya nakatira? Ibig sabihin... makakasama ko siya sa iisang bahay?

Comentário do Livro (100)

  • avatar
    LumasagJean

    thank you

    25/07

      0
  • avatar
    Angeline Pablo

    sobrang Ganda pero Hindi ko alama kung paano ma G Cash pero maganda

    15/07

      0
  • avatar
    Garciamaan FernandezGarciamaan Fernandez

    ayy nako

    04/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes