logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6.1

IKATLONG TAUHAN
“Selene”
NAKATULALA.
Nakatanod ang paningin sa kawalan.
Nakaupo sa sulok habang yakap-yakap ang mga binti’t nakatukod ang baba sa tuhod ang kanyang posisyon.
Mugto ang mga mata.
Nakaratay ang mga luha sa magkabilang pisngi na natuyo na.
At ’gaya noon, nakaupo muli siya sa dako ng kanyang higaan.
Ang mga sulok niyon ang siyang nagpapadama sa kanya na siya’y ligtas—hindi mula sa ibang tao kung hindi ay mula sa mismong mga kamay niya.
Hindi niya lubos maintindihan ang sarili.
Nakalilito.
Nakapagpapabagabag.
Ang huli niyang naalala bago niya nadatnan ang kanyang sarili hawak-hawak ang bituka ni Lickesia ay ang nakita niya itong may nakatarak na kutsilyo sa leeg.
At sa mga sumunod . . . hindi na niya alam.
Nanginginig niyang nasapo ang kanyang sentido.
May sakit ba siya?
May mali ba sa kanya?
Kanyang pinahiran ang luhang namuo sa kanyang mga talukap bago pa man iyon muling lumandas sa kanyang pisngi.
Ayaw niyang paniwalaan ang halata.
Ayaw niyang maniwala na pinatay niya si Lickesia.
Pinatay niya ang sarili niyang kaibigan.
Mariin siyang napakapit sa kanyang buhok. Nanlalaki ang mga mata. Nagsimulang mangaligkig ang kanyang mga daliri’t manlamig.
[ mangaligkig - tremble ]
Hindi.
Hindi!
Isa siyang mamamatay-tao!
Napahiyaw siya sanhi ng pagkagitla sa mahinang tunog ng pagbukas ng pinto na kanyang naulinigan. Ramdam niya ang paggapang ng kakaibang simoy sa kanyang balat.
Mabilis at malakas na tambol ng kanyang puso ang siyang nagpapatunay ng takot at kaba na siyang nakikisawsaw sa agam-agam na pumapaligid sa kanyang dibdib.
Ang nanay niya iyon—nakasisiguro siya.
Hindi siya maaaring madatnan nito na magulo at wari’y nababaliw.
Ayaw niyang ganoon ang isipin nito.
Ayaw niyang maging kaparehas nito.
Madalian niyang sinuklay ang magulo niyang buhok gamit ang kanyang nanginginig pa rin na mga daliri. Hindi na niya ininda ang kirot sa t’wing nahihila niya ang mga hibla ng kanyang buhok na buhol-buhol.
Ginamit niya ang kanyang gusot at basa nang damit upang punasan ang kanyang mukha.
Pinilit nyang magmukhang normal nang unti-unting nagtalampak ang pinto.
Sumalubong sa kanya ang kanyang ina na sa kinagawian ay nakasimangot at walang badya ang mukha.
Subalit sa mga pagkakataong iyon, lubha siyang nagdududa kung totoo nga bang walang ipinapahayag ang mga tingin nito . . . at sadyang nais lamang nitong pagtakpan iyon.
Suot nito ang paborito nitong kulay puting damit. May nakaukit na nag-iisang maliit na kulay itim na bulaklak sa dakong itaas na bahagi sa kanan niyon.
Kung ihahalintulad pa iyon sa kanyang kaligiran, siya ang itim na bulaklak na iyon: ang bagay na siyang dumurumi sa malinis at purong puting lipunang ginagalawan niya.
Tinaasan siya nito ng kilay. Napaiwas siya ng tingin.
“Hindi ba’t sinabi ko na sayo na mag-ayos ka na? Hurry up, Deianira. H’wag kang pa-pagong-pagong d’yan.” Napatango na lamang siya sa sumbat sa kanya ng kanyang ina.
Muli niyang itinuwid ang kanyang tingin sa bintana.
Saan na naman sila pupunta?
Makalipas ang ilang sandali’y kanyang naulinigan ang matinis na tinig sa kanyang pandinig ng pagsara ng pinto: pahiwatig na isinara na iyon ng kanyang ina at tuluyan na siyang nilubayan.
Muling kumawala sa kanyang bibig ang isang hikbi. Hindi niya lubos mawari kung bakit ganoon ang naging buhay niya.
Una, ang pagkawala ng kanyang nakatatandang kapatid na lalaki. Sumunod naman ang kanyang ama. At ang tanging natitira na lamang ay ang kanyang ina.
Mali—matagal nang wala ang kanyang ina. Ni hindi nga niya maalalang nabuhay ito. Umiral man ito sa sanlibutan, kahit kailan ay hindi naman ito nabuhay sa kanyang mundo.
Ano ba talaga ang problema?
Napapitlag siya nang makarinig ng tatlong magkakasunod at mabibigat na katok sa pinto. “Deianira, bilisan mo na!” sigaw nito.
Kaagad siyang dumiretso sa lababo ng kanyang banyo at nagsimulang maghilamos.
Minaigi niyang linisin at tanggalin ang mga natuyong luha sa kanyang pisngi. Bawat haplos niya roon ay kasama ang kagaspangan: pinipilit na burahin ang mga naiwang katibayan ng kanyang pagluksa.
Nang matapos ay hinila niya ang maliit na tuwalya sa gilid at marahas na pinunasan ang kanyang mukha.
Pabagsak niyang binitiwan iyon, dahilan ng pagkahulog niyon sa sahig. Wala na siyang pakialam pa kung mabasa iyon.
Itinukod niya ang kanyang mga palad sa gilid ng lababo at matiim na tiningnan ang kanyang repleksyon sa salamin.
Naaawa siya sa kanyang sarili.
Normal ang ipinapahayag ng kanyang mukha, taliwas sa madilim at wari’y walang buhay na badya ng kanyang mga mata.
Kaawa-awa siya.
Ibig niyang makawala.
Makawala mula sa buhay niyang ito.
Makawala mula sa katawang walang ibang magawa kung ’di ang maging aso na sunud-sunuran.
Ayaw niyang mabuhay bilang Selene.
Pagod na pagod na siyang maging si Selene na kailanma’y tila’y ’di umiral sa mundo.
Kung maaari lamang siyang bigyan ng pagkakataong mabuhay bilang ibang tao.
Sa ganoong paraan, hindi niya kakailanganing pilitin ang sarili na bumagay sa pamantayan ng lipunan.
Sa ganoong paraan, mararanasan niyang mabuhay nang hindi siya isang Wright.
Na hindi siya si Selene.
Napailing na lamang siya’t itinaboy ang palaisipang iyon.
Alam niya namang imposibleng mangyari iyon.
Siguro nga, wala na siyang iba pang magagawa kung ’di ang tanggaping wala . . . wala siyang magagawa.
Lumabas siya ng banyo at tinungo ang eskaparate na nakahilig sa kaliwang bahagi ng kanyang silid. Nagsimula siya sa paghalughog doon.
Lahat ay bago, mamahalin at maganda. Subalit para sa kanya ay isa lamang ang mga iyon sa nagdaramihang mga bagay na ’di niya naman kailangan.
Inis siyang napasinghap nang tuluyang tumambad sa kanyang mga mata ang kulay abong payak na damit niyang walang manggas at mas maikli pa sa tuhod ang haba.
Kaagad na niya itong sinuot. Pinaresan niya na lamang iyon ng marikit na bota na mas mataas pa sa kanyang bukung-bukong. Ibinalot niya na rin ang kanyang sarili sa isang itim na barong maikli.
[ bukung-bukong - ankle ]
Hinayaan niya naman na hindi nakatali ang kanyang halos isang metrong haba na kulay itim na buhok. Nagawa niya lamang suklayan iyon bago lumabas ng kanyang silid at sumunod sa kanyang ina.
Muli silang sumakay sa kulay puti nitong sasakyan at sa parati nilang sitwasyon ay hindi sila nag-imikan.
Tanging ugong lamang ng makina ng sasakyan ang maririnig.
Walang nagbalak na magsalita; wari’y ’di sila magkakilala.
Ang tanging umuugnay sa kanilang dalawa ay ang hangin na kanilang nalalanghap . . . wala nang iba.
Nagdaan ang ilang minuto bago niya muling masilayan ang gusaling napuntahan na niya.
Klinika ng saykayatrista.
Hindi na siya umalma pa nang iparada ng kanyang ina ang kanilang sinasakyan. Walang pasabing binunot nito ang susi mula sa pagkakasaksak at dire-diretsong binuksan ang pinto ng behikulo.
Kaagad itong lumabas na ikinasunod niya. Muling sumalubong sa kanila ang dalawang malaki at magkahalang na pinto.
Muli nilang tinahak ang pasilyo.
Sa bawat paghakbang niya’y mistulang naglaho na parang bula ang kanyang takot at mga agam-agam. Ramdam niya ang tila’y unti-unting paggaan ng mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib.
Nagagalak siya.
Labis na natutuwa.
Sa wakas ay may pagsasabihan na rin siya ng lahat ng kanyang mga problema.
Ng lahat ng kanyang mga katanungan.
Ng lahat ng kanyang mga pangamba.
Nagawang kumatok ng tatlong beses ang kanyang ina bago nito binuksan ang pinto. Tumambad sa kanya ang pamilyar na silid.
Napako ang kanyang paningin sa doktorang nakaupo sa silya na nakatukod ang magkabilang siko sa tabla’t magkatagpo ang mga daliri.
“Good afternoon.” Garalgal ang boses na pagbati nito sa kanila.
Sa sobrang lapad ng ngiting nakaukit sa mga labi nito’y halos ’di na maipinta iyon.
Datapwa’y hindi iyon ang kanyang nakikita.
Kanyang inilibot ang kanyang tanaw sa opisina nito: nakakalat ang mga papel sa lamesa, nakalagpak ang tsapa, at may lapis na nasa lapag. Bahagya ring nakabukasa ang tukador at mga kasulatan na nakapaskil sa dingding ay bahagyang nakatagilid.
[ tsapa - nameplate ]
Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang sumalubong sa kanila.
Labis na salungat ang ganoon sa alituntunin na dapat ay bungad ng mga klinika.
Napatigil siya sa pagmamasid nang bigla na lamang itong tumayo.
Nagmamadaling niligpit nito ang mga nagkakalalat na papeles, itinuwid ang kinalalagyan ng pangalan nito, inabot ang lapis at nilagay sa lalagyanan bago muling naupo at ginawaran sila ng isang ngiti.
Subalit walang nagawa ang pagngiti nito.
Hindi niyon nagawang burahin ang pagtataka na kanyang namumuslak sa kanyang dibdib.
[ namumuslak - feel ]
Labis pang nakadagdag sa kanyang mga isipin ang nanginginig nitong mga kamay at ’di mapirmi nitong mga mata.
Ngunit kahit nakadududa, pipilitin niyang magtiwala rito.
Walang mali.
Walang mali.

Comentário do Livro (45)

  • avatar
    Michelle Sibaruten - Revilla

    One of a good novel I've read when it cones to suspense/ thriller/ horror genre! Veey realistic when it comes to narrating scenes where in readers/ audience would really feel the adrenalin in a certain scemario!

    06/12/2021

      1
  • avatar
    Bradley Patian

    Thankyou to sopport

    16/08

      0
  • avatar
    Joanie Sofia Delgado Eda

    oooommggggggg iiillllllooooovvvvvveeeee ittt!!!!

    28/10

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes