logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 8.1

IKATLONG TAUHAN
“Raziel”
NAMAMANGHANG mga mata.
Malakas na tibok ng puso.
Nakasisilaw na tanglaw ng kumikinang na kulay bughaw ang bumati sa kanila.
Mistulang kumakaway.
Hinahatak ang kanilang mga mata na ituon ang tingin at tumitig sa mga iyon.
Dose-dosenang maliliit na mga bumbilya ang pumalibot sa mga punong nagsisilbing gabay sa sementadong daanan.
Iba’t ibang muwestra ang siyang sinasabayan ng mga indayog niyon; labis pang nakadagdag sa saganang hatid ng paligid ang mabagal na musikang tila’y hinihilot ang kanilang mga utak.
[ muwestra - pattern ]
Nakagagaan ng pakiramdam.
Nagpapakalma sa kanyang nababagabag na isipan.
Hinga.
Langhap.
Pinakawalan.
Napapikit siya, subalit ay kaagad din namang dumilat.
Malapit na niyang kalimutan.
Tuwing unang linggo ng Oktubre ipinagdidiriwang ng tanyag na plasa sa kanilang lungsod ang anibersaryo nito.
Nagpapa-ilaw nang ganoon ang mga kawani kaya’t hindi malayong isipin ng iilan na Disyembre na’t handa iyon para sa kapaskuhan.
Bawat selebrasyong ganoo’y libo-libong pares ng mga paa ang pumupuno sa mga bahagi ng kinasasakupang lote ng plasa—kahit pa man ang kasuluk-sulukan at labasan.
Palaging maingay.
Bawat segundo’y nauulinigan niya ang mga salitang namumutawi sa bibig ng iba’t ibang mga tao.
Bigkas dito.
Dakdak doon.
Nagsasaliw ang lahat sa kanyang pandinig; bagay na kanyang ikinagagalak.
Mailap ang mga pagkakataong ’gaya nito sa kanya, kaya’t lulubusin niya na hangga’t may sandaling laan sa kanya.
Kung sa normal na mga araw, palaging ang mga may kaya lamang ang dumaragsa sa pamilihan. Subalit sa mga panahong ganito ay pati ang mga nasa ibaba’y nabibigyan din ng oportunidad na mamili roon.
Umaantabay sa situwasyong iyon ang pagdami ng mga maliliit na tindahan sa labas na bumabakod sa malawak na bakuran ng establisimyento.
Higit na maingay roon.
Higit na marami ang naroroon kumpara sa loob.
Pinahihintulutan ng direktiba ang ganoong klase ng aktibidad, ’pagkat batid at nauunawaan ng mga ito ang kalagayan ng mga mamamayang kapos.
Sa liwanag pa lamang na dala ng paligid at diwa ng pagdiriwang, ’di niya maikakailang higit pa ang atmosperang nalalasap niya sa panahong ito kaysa kakayahang maaaring ihandog ng buwan ng Disyembre.
Sa kabila ng halos araw-araw na bagyo at mga sirena ng ambulansiya na kaliwa’t kanan, may magandang maipagmamalaki pa rin ang kanilang lungsod.
Natagpuan na lamang niya ang sariling nagpakawala ng isang buntonghininga.
’Gaya na lamang ni Selene.
Ibinaling niya ang kanyang tingin sa dalagang katabi.
Wala pa rin itong imik magmula noong tumakas sila’t pumunta rito.
Nananatiling nasa kulay asul na mga bumbilya ang paningin. Kita niya ang pagkislap at pagsalamin ng naturang kolor sa mga mata nitong nanunubig.
Wari’y wala itong planong kumisap man lang o ’di kaya’y ipagpahinga ang mga mata. Sa mga titig pa lamang nito roon, nababatid na niyang pinahahalagahan nito ang ganda ng lugar.
’Di na lamang niya ito inabala pa’t nakisalo na lamang din ng tingin sa paligid.
Sabagay, sasang-ayon siya sa ibig nito’t mas pipiliing itikom na lamang ang bibig at dibdibin ang ganda ng mga ilaw, ingay ng mga tao, lalong-lalo na ang magaan sa pakiramdam na simoy ng hangin.
Kahit papaano’y nakokonsensiya siya’t nagsisisi na hindi niya siya pumasok sa pang-hapon niyang klase. Sa kabila ng lahat, iyon ang kauna-unahang pagkakataong hindi niya tinapos ang kanyang klaseng laan para sa isang araw.
Marahan siyang napatawa.
Kahit kailan ay hindi niya naisip na magagawa niyang lumiban sa klase para lamang pumunta sa ganitong lugar.
Lubos na nakapapanibago.
“H-Hope.”
Mahinang bulong kasabay ng marahang kalabit sa kanyang balikat ang agarang nagpalingon sa kanya.
Humimig siya nang marahan dito bilang tanda ng pagtugon at pagtanong niya rito.
[ humimig - croon/hum ]
“T-Thank you.” Saad nito bago yumuko.
Ramdam niya ang pagtaas ng sulok ng kanyang mga labi nang marinig nang muli ang mayumi nitong tinig. “You’re welcome,” kanyang pagtalima.
Nakapapanibago man, hindi niya maitatangging natutuwa siyang ginawa niya iyon.
Hindi niya kayang pagsisihan ang kanyang ginawa.
“First time mo . . . b-bang mag-cutting?” tanong nito. Nakayuko’t nasa baba ang tingin; mahina’t mistulang nagmamadali ang pagkakabigkas nito.
Hindi niya maiwasang hindi ipuna ang pagkamayumi ng pananalita: nautal pa ito. Batid niyang hindi pa ito komportable sa kanya.
Matipid siyang napangiti. “Oo, e. Ikaw ba?” pagbabalik niya ng tanong dito. Mahinahon itong tumango’t hindi na sinundan ng iba pang mga salita ang naturang bigkas.
Pananatiling tikom ang mga bibig ang kanyang nagsilbing pagtugon.
Namayani ang katahimikan sa pagitan nila.
Muli’t muli.
Katahimikang wari’y mas naririnig niya pa kumpara sa iba’t ibang tunog na ipinapamalas ng kanilang paligid.
Hindi sila nag-imikan.
“H-Hope.” Sa pangalawang pagkakataon ay itinuon niya ang kanyang atensyon dito.
“Is it okay if . . . I’ll c-call you ‘Hope’?”
Sandali siyang napatahimik: kasalukuyang pinoproseso ang sinabi nito.
Sa tiyak na sandaling iyon, kanyang narinig ang sarili niyang tawa: malakas—bagay na siyang ikinagulat niya.
Mabilis niyang itinago iyon sa ilalim ng malawak na kurbang nakapaskil sa kanyang mga labi’t tumango-tango na lamang dito.
Nakaangat man ang kilay, ginantihan na lamang din siya nito ng pilit na ngiti. Batid niyang marahil ay nagtataka rin ito sa kanyang inakto.
Hindi niya naiwasan ang umiling kalakip ng muling pag-alingawngaw ng mahina niyang halakhak sa sariling isipan.
“Pasensya na, nagulat lang ako,” paliwanag niya.
“O-Okay lang,” saad nito. Iniwas nito ang tingin mula sa kanya.
Napapikit siya.
Dapat ay kinimkim na lamang niya ang kanyang tawa. Labis niyang namumuslak ang pagiging asiwa ng kanilang pag-uusap.
[ asiwa - awkward ]
Nais niya mang gawing magaan ang atmospera, hindi niya alam kung papaano.
Palihim siyang tumalikod at nagsimulang katkatin ang dulo ng kanyang mga daliri. Ilang pag-angil ang kanyang ginawa.
[ pag-angil - mutter ]
Para bang gusto niyang pukpukin ang kanyang ulo sa labis na pagkairita. Pinipigilan niya lamang ang kanyang sarili, subalit labis na niyang gustong gawin ang kanyang naiisip.
Ang tanga-tanga mo, Raziel.
Kusa na lamang bumaba ang kanyang kamay mula sa pagkakadikit sa kanyang labi nang muling maramdaman ang marahan nitong daliri na siyang humaplos sa kanyang balat.
“Pasok . . . tayo?”
Tipid ang pagkakangiti nito.
Subalit peke.
Kanya nang naramdaman ang pagkapilit niyon ’pagkat hindi nakaangat ang dulo ng mga labi nito.
Batid niya iyon.
Hindi man siya labis na nakumporme sa sadya nito, tumango na lamang siya.
Makikisama na lamang din muna siya rito.
Marahil ay makatutulong iyon upang iparamdam sa dalaga na mapagkakatiwalaan siya.
Akma na itong gagayak nang kumilos ang kanyang mga kamay at hinawakan ito sa braso.
Lumingon ito sa kanya. Hindi man sinasadya’y natagpuan na lamang niya ang pantali nito sa buhok na nasa latag ng bato na.
Napatigalgal siya.
Wari’y naging mabagal ang pagluwang ng pagkakabigkis ng mahahabang mga hibla ng buhok nito.
Naiwan mang kulot ang dating nito mula sa pagkakatirintas, hindi niya maikakailang bagsak na bagsak ang dulo ng mga iyon.
Hindi niya lubos mawari kung bakit ganoon ang tama sa kanya ng kanyang nasaksihan.
Napalunok siya.
“B-Bakit?”
Nakaalsa man ang kaliwang kilay, walang namuong kunot sa noo nito.
Napapitlag siya nang makaramdam ng isang mahinang tapik sa kanyang balikat. Nakaharap na sa kanya ang dalaga. Nakatagilid ang ulo’t tanaw ang maliit na kurba sa mga labi nito.
Muli siyang napalunok.
“S-Sorry.” Hindi niya naiwasan ang mapasapo sa kanyang noo.
Masyado siyang natulala.
“D-Dito na lang tayo sa l-labas.”
Tila’y sa ikalawang pagkakataon ay nais niyang pukpukin ang kanyang ulo.
Hindi niya lubos malaman kung bakit nauutal siya.
Nakahihiya!
Napahinto ito. Bahagya pang nangasim ang mukha’t kanyang nahagilap ang matuling pagtapik nito sa sarili mga hita.
Hindi ba ito nasisiyahan sa kanyang suhestiyon.
“Selene, okay lang ba sa ’yo?” Agaran siyang nilingon nito.
Bumungad sa kanya ang nanlalaki nitong mga mata; hindi iyon mapalagay na mistulang nag-aalinlangang maghayag ng sagot.
Labis siyang nagtataka: ano kaya ang problema nito?
Napahagod ito sa sariling buhok. “Y-Yes.” Banggit nito bago itinanghal sa kanya ang pilit nitong ngiti.
Kanya na lamang isinawalang-bahala iyon at nagsimula nang maglakad palabas. Naulinigan niya ang mabilis na pagtama ng takong nito sa sementadong daanan na hudyat ng pagsunod nito sa kanya.
Papalapit pa lamang sa tarangkaha’y magagawa nang kilalanin ang ingay ng labasan mula sa loob.
Pasimple niyang ipinukaw ang tingin sa katabi na ngayo’y kita ang asim sa dulo ng labi nitong nakaangat.
Napailing na lamang siya.
Sa labis na pagkamahinhin, marahil ay nakaiirita para dito ang tunog ng kanilang paligid.
Siya’t nagpalinga-linga’t pilit na hinahagilap ang tindahang iyon.
Kanyang namuslak ang pag-usbong ng kagiliw-giliw na emosyon sa kanyang sistema—kulang na lang ay mangati ang kanyang mga palad sa labis na pagbubuyo.
“Mang Amor!” sigaw niya.
Sa kasagsagan ng iba’t ibang mga ulong nagsisisulputan, nagawa siyang kawayan ng tinderong kanyang tinawag.
Binalingan niya ang katabi’t pinigilan na lamang ang mapahagikhik nang makitang halos mabali na ang leeg nito kalilinga.
Wari’y isa itong batang musmos na naliligaw.
“Selene, halika,” aya niya. Mahinahon niyang hinawakan ito sa palapulsuhan.
Mabini niyang hinatak ito patungo sa puwesto ng kanyang kaibigang nagtitinda ng iba’t ibang pagkain pang-lansangan.

Comentário do Livro (45)

  • avatar
    Michelle Sibaruten - Revilla

    One of a good novel I've read when it cones to suspense/ thriller/ horror genre! Veey realistic when it comes to narrating scenes where in readers/ audience would really feel the adrenalin in a certain scemario!

    06/12/2021

      1
  • avatar
    Bradley Patian

    Thankyou to sopport

    16/08

      0
  • avatar
    Joanie Sofia Delgado Eda

    oooommggggggg iiillllllooooovvvvvveeeee ittt!!!!

    28/10

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes