logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 7.2

IKATLONG TAUHAN
“Raziel”
MAY binibitbit man siyang wari’y bigat sa kanyang magkabilang braso at binti, sinubukan niya pa rin itong lapitan.
Nangangailangan ito ng gabay.
Sigurado siya roon.
At kahit sa pagkakataon man lamang na iyon, nais niyang siya ang maging sandalan nito.
Ganoon naman talaga ang kaibigan, hindi ba?
Lalo lamang itong naluha nang simulan niyang tapikin ang balikat nito. Pinilit nitong takpan ang mukha upang hindi masilayan ng iba ang lagay nito.
Alam niya ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay.
Alam niya ang pakiramdam ng wari’y pagiging pilay at baldado.
Alam niya ang lahat ng iyon.
Labis siyang nalulungkot sa sinapit ng kasintahan nito.
Nagpakamatay?
Hindi niya maisip kung bakit humantong ito sa ganoong kalagayan.
Na darating ang panahon na ultimong ito ang gugupit sa sariling mga litid.
Na ito mismo ang maglalagay ng patalim sa sariling leeg.
Kasingbilis ng paglapat ng kanyang palad sa uniporme nito ang tibok ng kanyang puso na wari’y nakikipagkarera.
Nagtagal ang ilang minuto na ganoon lamang ang kanilang naging sitwasyon.
Hindi na siya nagbalak pang magtanong o magsaad ng mga salitang hindi niya alam kung dapat niya bang sambitin.
Napaatras na lamang siya’t binawi ang kamay nang inangat nito ang ulo’t mabilisang pinahiran ang likidong nagsimula na namang lumandas sa magkabilang pisngi nito.
“August,” muli niyang tawag dito.
Isinukbit lamang nito ang bayong sa balikat bago siya ngitian nang peke.
“Mauuna na ako, Ziel.” Saad nito bago nilisan ang lugar at iwan siyang nag-iisa—nanlalaki ang mga mata’t gitla sa ikinilos ng kaibigan.
Pagkatapos nitong mawalan?
Ganoon ba ito kabilis makalimot sa sakit?
O sadyang nagbubulag-bulagan lamang ito?
Naitukod na lamang niya ang kanyang mga siko sa mesa’t nasapo ang kanyang noo.
Masyado siyang nababahala sa mga kaganapan.
Tumingala siya bago pumikit at dinama ang kadiliman na tanging naaabot ng kanyang paningin.
Marami-rami nang naganap sa kanyang araw nang ’di pa man sumasapit ang takipsilim.
Sobra pa iyon sa sapat.
Alingawngaw ng bagok.
Matinis na ingay ng pagkabasag ng mga pinggan.
Kaagad niyang hinanap ang pinanggagalingan niyon.
Palinga-linga . . . bago tumigil.
Mula sa ’di kalayuan, kanyang namasdan ang isang babaeng may suot na kulay abong chaketa’t may tabing ang mukha na pakiwari niya’y siyang pinagsimulan ng nakaaalarmang tunog.
Napatayo siya’t banayad na humakbang tungo sa kinalalagyan nito.
Hindi ito nag-abalang tumulong sa serbidora na siyang nagliligpit ng mga kalat sa sahig.
Higit siyang lumapit.
Lumakdaw palapit
Nakikilala niya ito.
Napakapamilyar nito sa kanya.
Hindi—kilala niya ito.
Ilang beses itong umiling sanhi ng pagkalaglag ng panakip nito sa ulo.
Nanlaki ang kanyang mga mata.
Tama nga siya!
Tumakbo ito palabas na sinundan ng tingin ng karamihan.
Ramdam niya ang muling pagbilis ng pagtambol ng kanyang puso.
Wari’y ipinagkait sa kanya ang hangin, tila’y ’di siya makahinga.
Hindi niya hahayaang makakawala na naman ito mula sa kanyang paningin.
Hindi na niya hahayaan pang mangyari ulit iyon.
Lakdaw ng kanyang mga binti’t pagtagpo ng kanyang sapatos sa baldosa ang sunod na dumagundong sa paligid.
Higit niya pang binilisan.
Kinakailangan niyang maging matulin.
Habol-habol ang hiningang nagpalinga-linga siya nang marating niya ang labasan.
Tingin sa kaliwa.
Sa kanan.
Nahagilap ng kanyang mga mata ang tumatakbong pigura ng dalaga.
Muli siyang kumarimot.
[ kumarimot - run ]
“Selene!” sigaw niya.
Hindi man lang ito nagambala ng kanyang hiyaw at patuloy lamang ito sa pagtakbo.
“Selene!”
Hindi siya nagpatinag sa ilang mga estudyanteng kanyang nakabubunggo.
Ni hindi man lamang niya nagawang humingi ng dispensa sa kanyang mga nabangga.
Isa.
Dalawa.
Ilang minuto pa.
Patagal nang patagal ay lalong nabubura ang distansya sa pagitan nilang dalawa kasabay ng pagdilim ng kaligiran.
Tumila ang paghakbang ng kanyang mga paa. Ilang pagsinghap at pagbuga ng hangin ang sumaklolo sa napapagod niyang baga.
Malayo-layo na ang kanyang narating.
Berde.
Talahiban.
Damo.
Amag.
At isang sirang gusali ang kanyang nahagilap.
Malayo ang lugar na iyon mula sa plasang nasa sentro ng kanilang paaralan.
Mahihinang mga halinghing.
Muli siyang nagpalinga-linga.
Sa labis na katahimikang ipinapamalas ng paligid, kanyang naulinigan iyon.
Nagsimula siya sa paghakbang: sinisiguro ang bawat tapak na kanyang gagawin.
Mas lumakas ang pagtangis.
Palakas.
Nang palakas.
Huminto siya nang makatapat ang entrada ng establisimyento.
Ramdam niya ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang balat kahit pa ma’y tirik na tirik ang araw.
Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang kanyang nararamdaman sa lugar na iyon.
Pagkabasag ng salamin.
Napatingin siya sa kanan na kung saan ay may maliit na eskinita.
Unti-unti niyang tinungo ang daan palapit doon.
Pagtangis na naman.
Walang tigil na pag-iyak.
Ilang sandali pa’y kalakip na niyon ang ilang pagsinghot at mahihinang pag-angil.
[ pag-angil - mutter ]
Mistulang may sinasambit ito, subalit ay masyadong malabo’t mahina upang kanyang maunawaan ang mga iyon.
Napatigil siya.
Pinigilang huminga.
Dahan-dahan siyang napaalsa ng mga kamay nang maramdaman ang malamig at matulis na bagay na nakatutok sa kanyang leeg.
“S-Selene . . . ibaba mo ’yan.”
Hindi ito kumibo.
Nanataling nakaduro sa kanya ang dulo ng salaming basag.
Napalunok siya nang matanaw ang ayos nito.
Buhaghag ang buhok.
Namumula ang mga mata.
Nangingitim ang mga ilalim niyon.
At basang-basa ang kuwelyo ng suot nitong chaketa lalong-lalo na ang mukha nito.
“Please . . . ibaba mo ’yan,” pakiusap niya.
Hindi pa rin ito kumikilos.
Halos sakupin ng tibok ng kanyang naghuhuramentadong damdamin ang kanyang buong sistema.
Hindi niya binibitiwan ang kanyang paningin sa mga kamay nitong nangangatal.
Parang bumagal ang pagbitiw nito sa hawak na patalim.
Akma na niyang ibababa ang kanyang mga bisig nang ibang pares ng mga iyon ang umakap sa kanya.
Ilang beses siyang napakurap.
’Di makapaniwala.
Ibinaon nito ang mukha sa kanyang dibdib na higit na nagpabilis sa tambol ng kanyang puso. Amoy na amoy na niya ang matamis na samyo nito.
[ samyo - scent ]
“H-Hope.”
Boses nitong nakapapawi ng pagod ang humaplos sa kanyang pandinig. Basag man, naroroon pa rin ang pagiging payapa roon.
Unti-unti niyang inilapat ang kanyang palad sa likod nito.
Marahang minasahe.
Tinugon niya ang yakap nito.
“H-Hindi ko naman sinasadya.”
Pagsagot niya rito’y pilit niyang iniwasan.
Alam niyang hindi ito ang tamang oras upang marinig nito ang kanyang tinig. Ang kailangan nito’y kanyang mga tainga.
“Hindi ko s-sinasadya.”
Hinayaan niya lamang itong gawing basa ang kanyang uniporme.
Wala siyang pakialam.
Mas pipiliin niyang saluhin ang gumuguho nitong damdamin kaysa ang materyal niyang kasuotan.
Lumipas ang mga segundo, nahimasmasan na rin ito.
Wala nang pagtangis ang kanyang nauulinigan.
Nakipagtagpo siya ng tingin dito nang inangat nito ang ulo.
Basa pa rin ang mukha.
Madilim pa rin ang ipinamamalas ng mga mata.
“Would she accept my apology, Hope?”
Noong tiyak na mga sandaling iyon, kanyang nabakas ang pagkadesperado sa mga mata nito.
Kahit pampalubag-loob man, tumango siya.
Tumanghal ang maliit na ngiti sa mga labi nito bago siya pakawalan at punasan ang mukha.
Kahit nabigla ma’y pinilit niyang magmukhang normal nang maramdaman ang malambot nitong kamay na siyang tinagpo ang kanya.
Muli siya nitong nginitian nang tipid.
"Sasamahan mo ba ako?"

Comentário do Livro (45)

  • avatar
    Michelle Sibaruten - Revilla

    One of a good novel I've read when it cones to suspense/ thriller/ horror genre! Veey realistic when it comes to narrating scenes where in readers/ audience would really feel the adrenalin in a certain scemario!

    06/12/2021

      1
  • avatar
    Bradley Patian

    Thankyou to sopport

    16/08

      0
  • avatar
    Joanie Sofia Delgado Eda

    oooommggggggg iiillllllooooovvvvvveeeee ittt!!!!

    28/10

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes