logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 5

Flora
Knock knock...
"Rosa, anak ko... gising na," tinawag niya ang kaniyang uni ka hija para papuntahin na ito sa hapagkainan para sabay na silang mag-almusal.
Ilang beses na siyang katok nang katok pero hindi siya sinasagot. Nang dahil dito ay nag-aalala na siya, baka kung ano na ang nangyayari sa anak niya at may masama na itong ginagawa sa sarili.
"Anak, buksan mo ang pinto. Nag-aalala na ako sa iyo kasi kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot," dagdag niya.
"Ahm madam, kanina pa ho siya gising. Binigyan ko na po siya ng almusal," paalala sa kaniya ni Esmeralda nang dumaan siya sa may harap ng pintuan ni Rosa.
Napakunot noo naman siya sa kaniyang nalaman. Tila bumibilis ang tibok ng kaniyang puso. Kinukutuban din siya ngayon kaya hindi siya makakapayag na hindi makausap ang kaniyang anak. Kaya naman lumakad siya patungo sa kaniyang kuwarto at kinuha ang master key.
Ngayong dala na niya ang susi ay bumalik siya sa may labas ng pintuan ni Rosa, "Rosa, this is my last call. Buksan mo ang pinto."
Dahil sa wala pa ring tugon sa kaniya ay agaran na niyang binuksan ang pinto. Hanggang sa nanlaki ang kaniyang mga mata sa tumambad sa kaniya.
"Rosa, anong hinahanap mo? Saka bakit hawak mo iyong mga gamot na iyan? May sakit ka ba?"
Unti-unti namang tumulo ang luha ng kaniyang anak at napalapit siya nito at kaniya itong yinakap.
"What's going on? Ano bang nangyayari sa iyo anak, hindi kita maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan?" tanong niya rito, "Alam kong karaniwan lang ang maiyak pero sana naman alam ko kung anong kadahilanan ng pag-iyak mo. I am your mother Rosa kaya dapat nagsasabi ka ng totoo. Ano ba talaga ang nangyari? Sino ba ang nanakit sa iyo? "
"Iyong lalaking iyon Mommy," tugon nito sa kaniya na sadyang napaisip siya rito.
"Sinong lalaki? Si Gilbert? Sinaktan ka ba niya? May sinabi ba siyang masasakit na salita sa iyo?" hindi niya maiwasang magtanong nang magtanong dahil hindi siya mapakali hangga't hindi niya pa nalalaman ang totoo.
Pagkatapos ng isang sagot ng kaniyang anak ay hindi na ito nasundan. Mas lalo pa itong naiyak at ramdam na ramdam niya ang bilis ng pagbagsak ng mga luha na dumadaloy sa kaniyang kanang balikat.
"Talagang may problema ka nga anak. Hayaan mo, ako na ang bahala. Kakausapin ko si Gilbert nang maging klaro ang lahat. Diyan ka muna anak, huwag kang aalis. Babalikan kita," ipinagpalagay niya na mayroon siyang dapat lutasin kay Rosa.
Pagkaalis niya ng kuwarto ay pumunta siya sa may telepono. Pinindot niya ang numero ni Gilbert at pagkalipas ng ilang segundo ay nakakonekta na ang kaniyang tawag sa kabilang linya.
"Hello Gilbert. May dapat tayong pag-usapan," walang pag-aalangan niyang sambit nito.
"A-Ano ho iyon Tita? Hindi ko kayo maintindihan? Tungkol ba ito sa kasal?" wala itong kaide-ideya sa kaniyang gustong pag-usapan ngayon.
"Tungkol ito kay Rosa, sa anak ko. May gusto akong itanong sa iyo," ibinigay niya ang paksa.
Bagamat ayaw niyang magpakahibang at walang kasiguraduhan itong ginagawa niya ngayon pero hindi niya talagang magawang manahimik na lang. Mahal na mahal niya ang kaniyang anak. Unang beses niyang nakita si Rosa na tumangis nang lubos at ang hindi pa mabuti ay hindi pa klaro sa kaniya kung ano nga ba ang nangyayari.
"Anong nangyayari kay Rosa? Be honest Gilbert. I badly need to know the truth dahil hindi ako patutulugin nito habang wala pa akong nakukuhang sagot sa problema ng anak ko. Now tell me. What's going on? Lately iyak siya nang iyak, kapag tinatanong ko naman, hindi naman klaro kung sumagot. Can you please enlighten me?" sabik na sabik na siyang malaman ang totoo.
Sa kasamaang-palad ay hindi niya narinig ang inaasahan niyang tugon, "Wala akong kinalaman sa nangyayari sa kaniya ngayon. Kung gusto niyong malaman kung ano ba talaga problema niya, huwag mo siyang biglain. I think she is in pain right now kaya grabe na lang ang pag-aalala mo. Sa wari ko ay hindi pa siya handa kaya kailangan mo munang maghintay."
"Diyos ko! Ano bang nangyayari sa anak ko. Pinapanalangin kong sana ay wala siyang gawin sa kaniyang sarili," naiiyak niyang sambit nito.
"Huwag kayong mag-alala. Normal lang naman siguro ang masaktan. I believe she will be fine to the soonest," pagpapakalma nito sa kaniya, "If I were you, you will visit her at her room then kumustahin mo siya nang paulit-ulit. Nakakatulong iyong kinakausap mo ang isang stress na tao upang hindi niya maramdaman na na nag-iisa siya."
Sa magandang balitang kaniyang narinig ay nagpahayag siya ng pasasalamat, "Salamat Gilbert. Sige, gagawin ko ang mga payo mo. Napagtanto ko nga na hindi pala dapat biglain ang taong may dinaramdam na kirot sa dibdib. Muli, maraming salamat. Paalam."
~~~
Bandang alas singko na ng hapon pero wala pa siyang napapansin na lumabas ng kuwarto si Rosa. Ilang paperworks na ang kaniyang natapos pero ni isang beses ay hindi niya nakausap ang kaniyang anak. Sa dinaramdam niyang pagod ngayon ay nagresulta ito ng gutom. Kaya naman tinawag niya ang yaya at ipinag-utos niyang ipaghanda siya ng sandwich.
Bukod sa pagod siya nang dahil sa trabaho ay binalak niyang maglakad-lakad muna at magpahangin. May pahabol siyang sinabi sa tagapagsilbi na sa garden table ilagay ang kaniyang ipinapahanda. Ngayon, naglibot-libot siya at pinagmasdan ang mga malulusog na mga nakatanim na bulaklak.
Kapag nakakakita siya ng rosas na pula ay tila may pumapasok na eksena sa kaniyang isipan. Habang hawak niya ito pagkatapos nitong pitasin ay naaalala niya ang kaniyang asawa. Paborito niya talaga ang rosas kaya marami siyang tanim niyan dito sa loob ng kaniyang mansion.
"Madam, heto na po ang inyong sandwich. Ipinaghanda ko na rin kayo ng juice dahil napansin ko kanina na bigay na bigay talaga kayo sa pagtratrabaho," hindi niya namamalayan na nandito na pala ang kaniyang yaya, napatulala kasi siya sa pananaginip niya nang gising kaya tuloy nakalimutan na niya na may hinihintay siyang pagkain.
"Maraming salamat," maikling sagot niya saka tinikman ang katakam-takam na tinapay.
Rosa
Ilang buwan na ang nakalipas at ganoon pa rin ang kaniyang kalagayan, laging tahimik, sa loob lang ng kuwarto kumakain ng breakfast, lunch, at dinner. Matagal na rin siyang hindi kumakausap sa kaniyang ina kun'di sa kaniyang pinakamamahal na yaya lamang, kay Esmeralda.
Pero sa panahong ito ay tila nakakaahon na rin siya sa sakit ng kaniyang nararamdaman. Medyo hindi nga lang siya pumapansin kay William sa mga nagdaang mga linggo, kung magkaroon man sila ng pag-uusap at pagkikita ay iyan ay iyong para sa kanilang school works at team project.
"Yaya, ang breakfast ko ho? Pakidala na lang dito," utos niya kay Esmeralda.
Pero imbes na ang yaya ang maghatid ng kaniyang pagkain ay ang kaniyang ina ang gumawa. Ilang hakbang nito mula sa kusina ay nakarating na ito sa kuwarto niya. Napangiti pa ito dahil sa bukas ang kaniyang pinto.
"Anak, ito na ang pagkain mo," nasurpresa siya nang marinig niya ito.
"A-Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.
Inilapag naman sa may mesa ang kaniyang pagkain nito at may ipinaabot itong mensahe sa kaniya, "Anak, hindi na ba ako puwedeng pumasok? Sadyang namiss lang kita Rosa. Kung noon ay pinabayaan lang kitang manahimik at natiis ko iyon, ngayon naman ay hindi na ako makakapayag na hindi kita makausap anak."
"Mommy, okay na ako. Pakiusap lang, lumabas ka muna at kailangan ko ng privacy," abiso niya rito.
"Basta anak, huwag mo akong kakalimutan. Kapag may kailangan ka, nandito lang ako at handa akong tumulong. Sige, iiwanan muna kita. Kung ano man ang kagustuhan mo ay maluwag ko itong irerespeto. Bye anak," huling salita nito sa kaniya bago ito umalis.
Pagkalabas nito ay agad siyang lumapit sa pintuan at ini-lock ang pinto. Pagkatapos nito ay kaniya nang in-enjoy ang almusal. Masarap naman ang iprinisenta sa kaniya, isang tocino at saka itlog. Namimiss na rin niya ang luto ng kaniyang ina kaya ubod ng lakas niyang kumain.
Pagkalipas ng sampung minuto ay tapos na siyang kumain. Datapuwat tapos na siyang maligo ay didiretso na siya sa eskwelahan. Bago siya tumuloy sa kaniyang lakad ay dinala niya muna ang kaniyang pinagkainan at inilapag ito sa may lababo.
"Yaya Esmeralda, pupunta lang ako ng unibersidad. Pakisabi kay Mommy na huwag niya akong alalahanin. Ayos lang ako at kaya ko na ang sarili ko," habilin niya rito, pagkatapos ay lumabas na siya sa may gate.
~~~
Flora
Dingdong...
"Yaya, may tao. Pakitingnan mo muna, wala ngayon iyong guard," abiso niya kay Esmeralda.
Pagkabukas ng entrance ay nakita na lang ng kaniyang yaya na may isang lalaking may dala-dalang malaking bag at nakasuot pa ito ng shades. Nang dahil sa hindi nito namumukha ng isang katulong ay bigla itong nakaramdam ng pagsisisi na binuksan pa nito ang gate. Inaakala kasi nito na papasukin sila ng magnanakaw. At siyempre siya ang sisisihin kung bakit may nangyaring masama dahil hindi muna ito sinisayasat kung sino ang pumindot ng door bell.
"Huwag kang matakot sa akin. Kilala mo ako noon pa. Dito ka na nga tumanda, hindi po ba?" sabi ng lalaki.
"Yay-... Cesar?" nagulat siya nito dahil sa biglaang pagdating ng kaniyang asawa.
Lumapit siya nito sa kaniyang asawa at kaniya itong yinakap. Mga ilang segundo ang lumipas bago sila nagkausap. Itong si Esmeralda naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nakikita nito. Talagang biglaan naman kasi, sino ba namang hindi magugulat. Ni hindi nga sila nakapaghanda man lang para naman maayos ang kanilang pagsalubong ngayon.
"Bakit ka nandito? Saka biglaan yata, hindi mo man lang ako sinabihan para maipaghanda sana kita," aniya.
"Malalaman mo rin sa huli. Kakain muna ako bago ako magkuwento. Pagod pa kasi ako at kanina pa ako nagugutom," tugon nito sa kaniya na sadyang nagbigay sa kaniya ng isang napakalaking tanong.
"Sige ba," maikling sambit niya, "Yaya, ipaghanda mo siya ng sopas. Kailangan niyang humigop muna ng sabaw pampawi ng pagod."
"I object. Irog ko, ikaw ang gusto kong magluto ng aking kakainin. Namiss ko iyong ipinagluluto mo ako sa tuwing umuuwi ako. At tama ka naman, kailangan ko nga ng sabaw. Isa rin siya sa namiss ko," hudyat nito sa kaniya at tila parang bumabalik siya sa dating panahon dahil sa mauulit ang kaniyang dating gawi.
Sa ngayon ay wala munang mabigat na trabaho si Esmeralda. Hinayaan niya muna itong mamasyal at iniutos na rin niya na bumili ito ng grocerries. Siya naman ay abalang-abala siya sa paghahanda ng sopas. Habang pinapakulo niya ang macaroni pasta ay naghihiwa siya ngayon ng sibuyas, bawang, at luya. Inihanda na rin niya ang pangsahog na manok. Dinamihan niya ang mga ilalagay sa sopas dahil espesyal ang araw na ito. Gusto niya rin magpakitang gilas dahil sa matagal na siyang hindi nakapagsilbi sa kaniyang asawa.
"Siyangapala, nasaan si Rosa?" napatanong agad ang kaniyang asawa pagkaupo nito sa may sila sa may hapagkainan, "Kumusta na pala ang kaniyang pag-aaral? Malapit na ba ang kaniyang pagtatapos?"
"Naku Cesar, maayos na maayos. Antataas nga ng mga grades niya lalong-lalo na noong una," natutuwang kuwento niya.
Pero tila may mali sa kaniyang sinabi kaya nagtaka ang kaniyang asawa sa kaniyang sinabi, "Anong ibig mong sabihin na 'lalong-lalo na noong una'? Bumaba ba ang kaniyang grado ngayon?"
"Iyon na nga ang pinag-aalala ko. Noong Midterms ay straight 1.0 ang mga grado niya. Pero nang nagkaroon siya ng depresyon ay bumaba ito ng kaunti, malaki-laki pa rin naman kaso malabo nang maging suma cum laude na siya tulad niyo. Sa tingin ko ay magna cum laude lang siya panigurado," paglilinaw niya rito.
Inakala naman niya na magagalit itong asawa niya sa nalaman tungkol sa kanilang anak pero na-reverse psychology yata siya.
"Ah ganoon ba? Edi mabuti pa rin, akala ko ay hindi na siya magkakaroon ng latin honors. Matindi kaya itong lahi namin kaya dapat hindi siya maiba. Nasa dugo namin ang matalino at tetolado't talentado."
"Daddy, ikaw ba iyan? Ikaw ay nagbalik," salubong ng kaniyang anak sa kaniyang asawa.
To be continued...

Comentário do Livro (13)

  • avatar
    Legaspi Prince

    it's so beautiful

    07/06

      0
  • avatar
    MabutingHelmar

    nice

    18/08/2023

      0
  • avatar
    MarquezMelvin

    keep it up.

    03/06/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes