logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 4

Rosa
Katatapos lang niya magbihis. Hindi na siya nag-half bath, sayang lang ang tubig. Ngayon pa ba siya mandidiri kung Kailan nagustuhan na niya ang pagkain ng mga mahihirap kuno. Ilang araw na rin niyang nakakasama si William, mag-iinarte pa ba siya? Kung tutuusin nga ay daig pa siya nito sa kabanguhan ng katawan at istilo ng pananamit. Siya mismo na isang anak ng mayaman pero hindi magaling sa fashion. Kung makikilala lang ng kaniyang ina si William ay baka maintindihan pa siya kung bakit minamahal niya ang mga gawaing pangmahirap kahit na dati-rati ay mahirap lang naman din ito.
"Rosa, may natira pa pong pagkain na dala mo kanina. Sa iyo ulit ito, marami pang laman iyan. Busog na kasi ako, okay na ako sa isang pirasong balot at kikiam," inabot sa kaniya ang pagkain na pasalubong sana niya kanina para sa kaniyang ina.
Tumango naman siya, "Salamat po tiya Esmeralda."
"Yaya nalang ho, hindi niyo naman ako kaano-ano o ni kadugo," reaksiyon nito sa kaniya.
"Naku ayos po iyan. Total close naman tayo at salamat pala kanina," tugon niya.
Pagkatapos iabot sa kaniya ang pagkain ay nagpaalam na ito, "Walang anuman iyon hija. Sige ah, balik na ako sa trinatrabaho ko. Enjoy your meal."
Pagkaalis naman ni Esmeralda ay saktong-saktong may tumunog sa kaniyang telepono. Hindi niya inaasahan na tatawag ngayon sa kaniya si William. Dahil dito ay nakaramdam siya ng kiliti, unang beses pa lang kasi itong pangyayari.
"Oh hi, hello William," malambing niyang sabi sa tawag.
"Kumusta ka na? Iyong pasalubong mo sa iyong ina, oh ano nagustuhan ba niya?" pangungumusta nito sa kaniya kahit kanina lang silang huling nagkita't namasyal.
"I am sad to say na hindi niya tinanggap ang mga dala ko. May allergy kasi siya sa mga ganoon," pagsisinungaling niya rito para hindi siya mapahiya, nanigurado kasi siya kanina na tiyak daw magugustuhan iyong mga pasalubong niya ng kaniyang ina.
"Ay ganoon po ba? Kakalungkot naman iyon. Napakasarap pa naman iyon," malungkot na tugon nito sa kaniya.
"Ahhmm, libre ka ba mamaya?" may pahabol naman ito.
Nagtaka naman siya kung bakit siya tinanong kung pwede siya lumabas mamaya, "Anong gagawin natin? Saan tayo pupunta?"
"Pupunta lang tayo sa sinehan. Manonood tayo ng pelikula," sagot nito.
"Really? How exciting! What time?" pumayag agad siya na gumala mamaya.
"Sa 7:00 pm tayo. I-text ko na lang sa iyo ang address. See you there. L-... Bye," sinabi nito sa kaniya ang isa sa mahalagang impormasyon para sa kanilang lakad mamaya, pero mukhang hindi niya napansin na may sasabihin sana itong nakakakilig na salita nang bigla itong pinutol.
"Bye," paalam niya saka binaba na ang kanilang tawag.
~~~
Wala ngayon ang kaniyang ina kaya hindi siya mahihirapang lumabas, pero nagpaalam pa rin siya kay Yaya Esmeralda para hindi ito mag-alala sa kaniya. Pagkatapos naman niya magbihis at mag-ayos ay pumunta na siya sa labas ng gate. Datapuwat wala pa siyang kotse kaya kailangan pa niyang mag-commute sa labas. Ngunit sa hindi niya inaasahan, isang sports car ang lumapit sa kaniyang harapan. Pagkabukas nito ng bintana ay mukha ni William ang kaniyang naaninag.
"William, is that you? Kailan ka pa nagka-kotse? Sa pagkakaalam ko ay wala ka niyan bukod sa napakamahal pa niyan," nanlaki ang kaniyang mga mata at tila siya ay napanganga dahil sa kaniyang nakikita ngayon.
"Tara na Rosa. Sakay ka na sa kotse, ikuwento ko mamaya kung bakit ako nakasakay ng kotse ngayon," sagot nito sa kaniya.
Sumunod naman siya nito, "Sure. Let's go!"
Habang sila ay nasa biyahe ay nag-uusap sila para hindi boring ang kanilang lakad. Sinabayan pa nila iyan ng pagbukas ng radyo para ramdam ang biyahe.
"So ano nga nangyari?" tanong niya.
Nagkuwento naman ito sa kaniya, "Ganito kasi ang nangyari... Kanina noong papalabas na ako sa bahay ay biglang may sumalubong sa akin na isang lalaking may bigote. Nakasakay siya ng isang kotse at lumabas ito at lumapit sa akin. Ang sabi raw niya ay may pinabibigay sa akin at ito ngang kotse ang tinutukoy niya. Saka may binigay pang sulat, ansabi raw ay dahil daw sa nanalo ako sa unang round ng debate ay bibigyan daw ako ng kotse. Ang pinagtataka ko ay kasi walang nakapangalan na maaari ko sanang pasalamatan, ang nakasulat lang ay 'The management'."
Parang wala naman sa kaniya ang sinabi sa kaniya. Basta ang importante sa kaniya ay may sakay na sila ngayon. Bagkus ay binati pa niya ito.
"Well, congratulations!" aniya sabay palakpak.
30 minutes later...
"Wow! Ang gaganda ng mga pelikula ngayon," masayang masaya siya rito ng makarating sila sa sinehan.
"Payag ka bang manood tayo ng horror?" humingi ito sa kaniya ng permiso.
Agad naman siyang pumayag, "Yes na yes na yes! I want to watch horror today kasi kasama kita. Since wala akong masyadong alam na mga horror, ikaw na ang pumili."
"Your wish is my command," responde nito.
At pagkatapos nilang pumila ay pumasok na sila sa sinehan. Madilim pa ang paligid dahil sa hindi pa nagsisimula ang palabas. Ilang minuto ang lumipas ay bumukas na ang isang malaking screen.
Hindi nagtagal ay napunta na sila sa jump scare scene. Base sa kanilang pinapanood, may isang babae na may nang-i-stalk sa kaniya na isang lalaki. Sinisilipan siya palagi tuwing naliligo. Pero sa ngayon ay hindi nalang paninilip ang kaya nito gawin bagkus binalakan pa itong rape-in at patayin.
"W-Who are you! Who the hell are you!" sabi ng babae sa palabas.
Hindi naman ito pinansin ng lalaki kundi hinipuan lang siya nito. Napamura naman ang babae pero tinigilan siya nito nang tutukan ito ng kutsilyo.
"Go! Kill me! Kill me or I will report you to the police!" demanda ng babae.
Pero sa halip ay makatulong sa kaniya iyong pagbabanta niya ay siya namang ikinapamahak nito.
Creep! Chaak!
"Ahhhh! William! Ahhh! Lumabas na tayo dito! Baka tayo naman ang sunod na patayin! Oh no! Kitang-kita ko na ang bituka ng babae! Waaahh!" halos mapayakap si Rosa at takot na takot ito ngayon, hindi pa kasi siya nakapanood ng horror dati.
"William, lumabas na tayo dito. Mamatay pa yata ako nang maaga dahil parang aatakihin ako sa puso," hirit niya.
"Ahahaha! Hahaha! Ang cute mo pala kapag natatakot. Papisil nga ng cheeks mo," tawang-tawa ito sa kaniya at inasar pa siya nito na sadyang ikinainis niya, talagang takot na takot naman kasi siya kaya nangungulit siya na lumabas na sila sa lalong madaling panahon.
"Sige na, umalis na tayo rito. Kapag hindi tayo lumabas, mumultuhin talaga kita kapag pumanaw ako," banta niya.
"Ito naman oh, siyempre lalabas na tayo. Sige, tumayo ka na diyan at ubusin mo na iyong juice para wala na tayong dalhing basura," pinagbigyan siya nito sa wakas pagkatapos niya ito takutin.
At pagkatapos ng mga ilang hakbang ay nasa labas na sila. Ramdam nila ang init ng hangin sa may labas ng exit dahil sa na-expose sila sa air-conditioned na lugar. Nagtagpo naman ang kanilang mga mata habang sila ay nakatayo nang biglang tinawanan siya nito.
"Buwesit ka! Bakit mo ako ginaganito? Hindi na nakakatuwa iyang inaasal mo. Tinatawanan mo ba ako dahil sa natakot ako nang sobra sa panonood ng horror kanina?" pikon na siya rito at pinagpapalo niya itong si William.
"Chill ka lang. Just relax! Hindi naman kita basta tinatawanan, natutuwa lang ako sa resulta ng date natin," sinagot siya nito pero hindi pa rin siya kumbinsido.
"Aba natutuwa ka pala sa akin? You mean pinagkakatuwaan mo ako? Huwag mong sabihin na hindi ka seryoso sa akin. Sabihin mo lang, madali lang naman akong kausap," nagsisimula na siyang magalit nang lubusan sa kasama niya.
"Please huwag ka nang magalit, sorry na. Pasensya ka na kung mukhang nainsulto kita sa pagtawa ko. Talagang masaya lang ako dahil napasaya mo ako," paghingi nito sa kaniya ng dispensa, "Hayaan mo, ikaw naman ang pasasayahin ko. Lunch ulit tayo bukas, ipapasyal naman kita sa ibang kainan na hindi mo rin natikman ang mga putahe nila."
Tila naging mala-parabolang positibo ang anyo ng kaniyang labi sa kaniyang narinig, "Talaga ba? At dahil diyan, hindi na ako galit. Apology accepted! Naiintindihan naman kita kung bakit mo ako tinatawanan. Sinusubukan lang kita kung kaya mo akong tagalan sa oras ng hindi pagkakaunawaan. Ensayo na rin natin ito dahil kapag maging mag-asawa na tayong dalawa ay hindi tayo basta maghihiwalay. Laging lang natin tatandaan na hindi dapat idinadaan sa init ng ulo ang hindi pagkakasundo kun'di sa magandang usapan."
"Tama ka riyan Rosa, dapat nga tayong mag-usap lang nang mahinahon," tugon nito sa kaniya.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, habang nagkakausap sila ay hindi nila namamalayan na may nakarinig pala ng usapan nila at malas niya dahil nakita siyang kasama si William.
"Kaya pala ayaw mong sundin ang kagustuhan ng Mama mo nang dahil sa taong hampas-lupa na 'to!" sinigawan siya ni Gilbert na waring isa itong kabastusan para sa kaniya.
"Ansakit mo namang magsalita! For your information, kahit na isang kahig, isang tuka lang siya ay kaya niya akong pasayahin. Eh ikaw ba, ni minsan ba natuwa ako sa iyo?" resbak niya.
"Ewan ko sa iyo! Makaalis na nga! At itong tatandaan mo, oras na mahuli ko ulit kayo na naghaharutan, humanda ka dahil isusuplong kita sa Mama mo," binalaan siya nito na sadyang nagparamdam ito ng sobrang kaba sa kaniya.
Napahawak-kamay naman siya ngayon tanda ng pagiging kabado niya nang malala, "William, alam na alam na niya na we are dating. Simula ngayon ay kailangan na nating mag-ingat. Dapat ituon sa may project o assignment tayo iyong pagsasama natin sa date."
"Huwag kang mag-aalala. Ako na ang bahala. Safe tayo sa pupuntahan natin na kainan. Siguro hindi muna bukas dahil baka iyon na ang maging huli nating pagkikita. Basta text mo na lang ako," pinakalma siya nito.
"Basta siguraduhin mo lang huh, ayokong mahuli ulit tayo," paninugurado niya.
Bigla naman siyang may naalala ngayong araw, "Oy William, hindi po ba may laban ka mamaya?"
"Hala oo nga! Salamat sa pagpapaalala. Uwi muna tayo at mamaya na lang tayo magkita sa school," sagot nito.
At dito nagtatapos ang kanilang ikalawang date. Pinaandar na ang kotse at sila ay bumiyahe pauwi sa kani-kanilang mga tahanan.
~~~
William
Pauwi na sana siya nang salubungin siya ni Gilbert. Wala pa naman siya sa banda ng kaniyang bahay kun'di isang kilometro pa ang layo bago siya makarating ito. Tumigil kasi siya sa pagmaneho ng kotse para kumain saglit, kaya naman naabutan pa siya ni Gilbert.
"Hi William, nice to meet you," may pagka-plastic na bati nito sa kaniya na iniabot pa ang kanang kamay nito sa kaniya pero hindi siya nakipagkamay.
"Anong ginagawa mo rito? Bakit mo ako nilapitan?" tanong aniya.
Hindi naman ito nagpaligoy-ligoy pa sa kaniya, "Wala lang. Gusto lang kita kumustahin."
"Kumustahin?" pagtataka niya, "Eh kanina nga kinilabutan kami sa sinabi mo kanina. Bakit ba concern ka kay Rosa? Huh?"
"Relax ka lang pare. Hindi naman ako masamang tao at wala naman akong ginagawang masama. Nais ko lang i-guard si Rosa dahil baka mapahamak siya," paliwanag nito sa kaniya.
Hindi naman siya nito nakumbinsi, mas lumala pa ang kaniyang kuryusidad dahil dito, "Bakit mo naman siya gustong bantayan? Kaano-ano mo ba siya? Alam mo, naguguluhan na ako sa iyo eh."
"Ikaw naman, nagmumukha kang detective eh. Wala lang 'to, I am just minding the women's safety. Uso na kasi ngayon ang rape kaya bawat nakikita kong babaeng may kasamang lalaki ay pinagsasabihan ko," dagdag pa nito sa paliwanag kanina.
"Ano? Teka, ako ba itong niloloko mo? Kani-kanina lang ay galit na galit ka kasi nahuli mo kaming naglalandian. Ano ba ang laman ng pagbabanta mo kay Rosa?" hindi siya mapakali ngayon kaya tanong pa siya nang tanong upang marinig ang sekretong dapat niyang malaman.
"Whatever! Never mind na lang William. Malalaman mo rin ang totoo sa tamang panahon. Ngayon, mananatiling misteryo muna ang aking inasal kanina. Bye," binitin siya nito at agarang nilayasan.
Tinawag naman niya ito habang papaalis na ito sa kaniyang harapan, "Hoy! Gilbert, bumalik ka rito! Hindi pa tayo tapos mag-usap!"
To be continued...

Comentário do Livro (13)

  • avatar
    Legaspi Prince

    it's so beautiful

    07/06

      0
  • avatar
    MabutingHelmar

    nice

    18/08/2023

      0
  • avatar
    MarquezMelvin

    keep it up.

    03/06/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes