logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3-Pangungulila

NAGLAKBAY sa kabundukan ang tatlong taong lobo patungong Pilipinas. Iyon ang kagustuhan ng kanilang mga Lobo, mabilis tumakbo at mapabilis ang pagtukoy sa kinaroroonan ng babaing hinahanap kapag nasa ganoon silang katauhan. Nagpapalit anyo lamang sila bilang tao kapag kailangan nilang sumakay sa eroplano upang makatawid sa isang lugar.
"Rouge!" Leeyol said nang maamoy ang kalaban na nasa paligid kahit malayo pa ang mga ito mula sa kinaroonan nila. Agad na nagpalit anyo si Josh at Alexander bilang lobo upang protektahan ang kanilang Alpha. Nasa kabundukan sila ng Africa ng mga oras na iyon at alam nila na marami ang nagkalat na mga Rouge doon.
"Arrr-woohwwww!"
Rouges howling, sa tantya ni Leeyol ay nasa sampu ang mga ito.
Leeyol chirp instead of growling, kailangan niyang lituhin ang kalaban. Alam niyang naaamoy ng mga ito ang lakas niya bilang King of the Alphas. May kakayahan rin siyang itago ang tunay na amoy ng kaniyang pagkatao.
Ginaya nila Josh at Alexander si Leeyol na ngayon ay nakapag-shifting na rin into a wolf. They hide on a big trees and waiting for a right time. Hindi naglaon ay lumitaw ang mga kalaban sa pag-aakala na mahina ang kanilang bibiktimahin dahil sa narinig na huni ng mga ito.
In just a second, Leeyol jump on two werewolf and snap their head. Bagsak sa lupa ang dalawa na wala ng buhay. Sumunod sina Josh na sumugod. Scratching and biten each other ang laban, nasugatan si Alexander sa paa nang mapagtulungan ng dalawang kalaban. Naging maliksi si Leeyol at dinambahan ang isa na kumakagat sa paa ng kanyang third in command. He growl loudly while catching on his mouth the head of Lifeless Werewolf.
The big Rouge growl back and show him his sharp teeth. Tatlo na lang ang natira sa kalaban at umatras ng bahagya ang mga ito. The one howl as a sign of calling for a rescue from their group of rouge.
"Kill them!" Mabalasik na utos ni Leeyol sa dalawang kasama. They both jump on the air and snap the head of three Rouge. They are nothing compared to the King of Alphas and the rest. Wala silang itinirang buhay upang hindi na dumami pa ang mga ito at makapinsala sa mga pack house.
"We need to go, we can't stay here because there's a lot of Rouge in this place. We're just wasting our time fighting with them!" Leeyol said on their mind. The wall for mind linking to each other is open.
Sinuri muna ni Josh ang sugat ni Alexander sa paa nang makapagpalit anyo na bilang isang tao.
"There's nothing to worry about me, it's just a mild injury." Pagbigay alam ni Alexander sa mga ito at itinaas ang paa na ngayon ay unti-unti ng naghilom ang sugat. Nagagamot ang sugat sa pamamagitan ng kanilang sarili kapag nag-transform sila. Ang hindi nila kayang gamutin ay ang tama ng baril or gamit na silver na makakahiwa sa kanilang balat.
They shift again into a wolf form and run fast passing by the mountains.
"ANONG lugar ito?" tanong ni Chelo sa kawalan, hinanap ang asul na lobo ngunit wala ito sa paligid. Nasa harap siya ng malaki at magandang bahay ng mga oras na iyon. Paghakbang niya ay biglang lumitaw sa kaniyang harapan ang mga patay at duguang tao.
"Ano ang nangyayari?" Nangingilabot si Chelo sa takot at nagpalinga-linga sa paligid. Dumadaing ang ilan na sugatan at paulit-ulit na sinasambit ang pangalang Luna. Kinakausap niya ang mga ito ngunit parang hindi siya naririnig o nakikita manlang. Tila may kapangyarihan na tumutulak sa kanya upang humakbang papasok sa loob ng bahay.
"Tulong!" Sigaw ni Chelo nang makapasok sa loob upang matulongan ang mga taong sugatan sa labas. Ngunit napatda siya sa bungad ng pinto nang makita ang dalawang nilalang na naglalaban.
Naagaw ang atensyon ni Chelo ng isang lalaking duguan at sa kandungan nito ay isang babae na naghihingalo. Parang nananunuod lang siya ng fairytale na palabas sa t.v nang mga oras na iyon. Alam niyang nanaginip lang siya pero sa nakikita ngayon ay parang totoo. Hindi na siya nakagalaw mula sa kinatatayuan at napaiyak sa pinapanuod na ganap.
Ramdam niya ang sakit na nararamdaman ng dalawang tao na parehong duguan. Lumipat ang tingin niya sa dalawang babae na mukhang mga fairy na naglalaban.
"By the power of love and goodness, get lost! Sigaw ng babaing naka suot ng mahabang puting damit at nakalutang sa hangin.
Napanganga si Chelo nang may liwanag na lumabas sa kamay ng babae at tumama iyon sa isa pang babae na nakalutang din pero naka suot ng itim na damit. Sumuka ito ng dugo nang tumilapon sa malaking pader at halos wala ng buhay na bumagsak sa sahig. Lalapitan niya sana ito para tulungan ngunit hindi niya maihakbang ang mga paa. Napalingon sya sa dalawa pa na naroon nang marinig ang pagtangis ng lalaki. Hindi niya maaninag ang mga mukha ng mga ito kahit nasa malapit lang naman siya.
"Please don't die on me!" Pagsu-sumamo ng lalaki sa babae.
"Shh, don't be sad! I'm sorry but I can't hold on anymore! Kahit hirap ng huminga ay nagawa pang magsalita ng babae.
Ramdam ni Chelo ang paghihirap ng babae habang nagsasalita. Kahit hindi niya naiintindihan dahil salitang banyaga ang gamit ng mga ito.
"I am nothing without you!" may kasamang angil ang tinig ng lalaki. Naghalo ang emosyong galit at kabiguan sa tinig nito.
Napatakip ng taenga si Chelo nang marinig ang alulong ng mga aso sa paligid lalo na nang mag-growl ang lalaking nasa kanyang harapan.
"Wait for me, I will come back to fulfill our unfinished love!" iyon lang at tuluyang pumanaw na ang babaeng kanlong ng lalaki sa mga hita nito.
"I cursed, im going to come back to block your love each other and no one can barriecade my vengeance! You gonna be mine!" nakakakilabot na sigaw ng naka itim na babae bago ito tuluyang naglaho na parang abo.
Hinihingal na nagising si Chelo nang may sumampal sa kanyang pisngi.
"Gosh! Ganyan ka ba talaga managinip sa tanghaling tapat, naging aso at umaalulong habang tulog?"
Tikwas ang isang kilay ng kaibigang bakla na nakatunghay sa kanya.
Hindi namalayan ng dalaga na nakatulog siya sa paghihintay sa kaibigan at ang kanyang lola naman ay wala at pumaroon sa bayan.
"Aray," himas ni Chelo ang namulang pisngi kung saan tumama ang palad ni Leo.
"Ay, late reaction?" pagtataray ni Leo sa kaibigan. "Ano na naman ang napanaginipan mo at mukhang naging aso ka sa iyong panaginip?"
"Ang sama mo, nakakaiyak kaya ang panaginip ko!" Nakasimangot na sagot ni Chelo dito. Hanggang ngayon ay ramdam niya ang pagdurog ng puso ng lalaking naiwan ng kapareha nito.
"Umaalulong na pala ngayon kapag nakakaiyak ang dream?" sarkastikong tanong ni Leo dito. Sobrang nag-alala siya kanina sa kaibigan dahil ayaw magising nang gisingin niya. Nang mag-ingay ito na parang aso ay kinalibutan siya kaya na sampal na niya ito upang magising.
"Gumanon ba talaga ako?" pakiramdam ni Chelo ay pinagloloko lamang siya ng kaibigan.
"Mukha ba akong nagbibiro? Grabe ka, natakot ako at mula sa labas ng bahay ay rinig ko ang iyong ungol na parang aso. Akala ko ay nabuhay na ang lobo na nasa iyong panaginip at nilalapa ka na rito!" Umakto si Leo na aatakihin sa puso habang hawak ang dibdib na kumakabog dahil sa takot.
Natahimik bigla si Chelo dahil pinaalala ng kaibigan ang tungkol sa lobo. Muling kinuwento dito ang ganap sa kanyang panaginip maliban sa bilin ng lobo sa kanya.
"Mabuti at hindi dumugo ang ilong mo sa iyong panaginip!" nakangisi na buska ni Leo. Naaaliw siya ngayon pakinggan ang kuwento ng kaibigan. Kuhang-kuha nito kung ano ang sinambit ng mga tao sa panaginip kahit english.
"Bakit ganoon, parang totoo! Ramdam ko ang sakit at paghihinagpis ng lalaki nang mamatay ang babae?" nababaghang tanong ng dalaga sa kaibigan.
"Iyan ang epikto ng pagka adik mo sa pagbabasa ng romance story!" Ingos ng bakla dito at inilabas ang libro na dapat babasahin ng kaibigan.
Napasimangot si Chelo sa kaibigan at inirapan ito.
"Tumigil ka na nga sa pagbabasa ng pocketbook, ito ang pagkaabalahan mong basahin at nalalapit na ang pagsusulit." May kasamang panenermon na saad ni Leo.
"Kakainis ka, seryoso ako eh!" maktol ni Chelo sa kaibigan.
"Sino ba ang hindi seryoso dito? Umayos ka nga, baka sa susunod mong dream ay ikaw na ang aso na kakatayin ng fairy na naka itim!" may halong galit na rin sa tinig ni Leo upang magising sa pagpapantasya ang kaibigan.
Ang totoo ay nababahala na rin si Leo sa mga napapanaginipan ng kaibigan. Naisip niyang patignan ito sa manghuhula or albularyo.
"Parang part sila ng buhay ko ngunit hindi ko matatandaan ang kanilang mga mukha pagkagising." Nagugulohan pa rin si Chelo at hindi pinansin ang pang-aasar ng kaibigan.
"Huwag mo ng isipin iyan, hayaan mo at ipatawas kita bukas nang hindi mo na ulit mapanaginipan iyang mga aso." Mahinahon kausap ni Leo sa dalaga.
"Lobo siya at hindi aso!" nakaramdam ng inis si Chelo sa sinabi ng kaibigan.
"Whatever!" Inirapan niya si Chelo. Sabi ni lola samahan muna kita dito hanggang bukas at baka hindi siya makauwi ngayong gabi."
"Baka bangongutin ako sa panaginip at hindi magising dahil wala si Lola?" Kinakabahan na wika ng dalaga. Madalas ay ginigising siya ng matanda kapag natatakot na siya sa kanyang panaginip.
"Babantayan kita kaya huwag kang matakot. Maging lalaki ako ngayong gabi upang protektahan ka sa masamang eleminto!" Pinalaki pa ni Leo ang kanyang boses at itinaas ang nakakuyom na mga kamao upang mabawasan ang takot na nadarama ng kaibigan.
Napailing na lamang si Chelo sa inasta ng kaibigan dahil hindi bagay dito. Mukhang mas malakas pa siya makipag suntokan kaysa dito. Doon nga ito natulog sa bahay nila at magkatabi sila dahil hindi siya sanay na mag-isa sa pagtulog.
Sa kanyang panaginip ay naroon na ang asul na lobo at malungkot ito.
"May sakit ka ba?" tanong niya dito bago tinabihan ito ng upo sa isang bato.
"Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin!" naiiyak na sagot ni Shahana.
"Ang itim na lobo? Baka abala sa pangangaso?" wala sa loob na sagot ng dalaga dito, maging siya ay ramdam ang kalungkutan ni Shahana. Idinaan niya sa biro ang pakipag-usap dito ngunit maging siya ay hindi natawa sa sariling biro niya.
"Nangako siya na hahanapin niya tayo, marahil ay nahihirapan siya at sumuko na." Tuluyan na itong napahikbi sa nadaramang lumbay.
"Huwag ka ng malungkot dahil narito naman ako na kaibigan mo. Sasamahan kita palagi dito kung gusto mo." Pang-aalo ng dalaga dito at napaiyak na rin siya sa hindi niya malamang dahilan.
"Malapit na ang debut mo, kailangang mahanap ka niya bago dumating ang araw na iyon upang hindi ka mapahamak!" nababahalang sagot ni Shahana kay Chelo.
"Ano ang ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Chelo dahil maging ang kaarawan niya ay alam nito.
"Makaramdam ka ng pag-iinit ng iyong katawan at tanging siya lamang ang makaampat nito. Hindi ko alam paano ko e-handle ang katawan mo kung hindi ka pa handa. May humaharang sa pagitan natin kung kaya hindi ako makapag communicate sa iyo ng matagal upang ipaliwanag ang lahat. Kailangan natin siya!"
Matalinhagang salita ni Shahana ang hindi maalis sa isip ni Chelo hanggang sa magising siya. Kusa siyang nagising kanina dahil mukhang may pwersang nagtutulak sa kaniya palayo kay Shahana.

Comentário do Livro (180)

  • avatar
    jocsonmercy

    wonderful

    14/08

      0
  • avatar
    YASULAUGUSTO

    love it

    16/04

      0
  • avatar
    TagleAlma

    thank you, maganda ang stiry

    14/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes