logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Glory Of Love

Glory Of Love

Yeiron Jee


Chapter 1- Confuse

"LOLA, napanaginipan ko na naman po ang malaking aso, umiiyak po siya Lola maging ang kulay Asul na Aso ay malungkot." Kuwento ni Chelo sa abuela. Napadalas ang kanyang panaginip tungkol dito nang tumuntong siya sa edad na labing pitong taong gulang. Noong una ay nakaramdam siya ng takot nang magpakita sa kanya ang kulay itim at malaking Aso sa kanyang panaginip.
"Marahil ay nalalapit na ang pagkikita ng dalawang pusong pinaglayo."
Matalinhagang sagot ng kanyang Lola Basya. Sa edad na eighty five ay mukhang bata pa rin ito at malakas tignan. May tumatawag pa na mangkukulam ang kanyang lola kung kaya nakatira sila sa isang sulok ng bundok na malayo sa kabahayan. Ngunit hindi niya inintindi ang mga mapanghusgang tao. mahal niya ang kaniyang lola at tanging ito na lang ang tinuturing niyang kapamilya.
"Makinig kang mabuti apo sa aking kuwento." Pinaupo ng matanda ang apo sa kanyang harapan.
Excited namang nakinig si Chelo, sa bawat kwento ng kanyang Lola ay mayroong happy ending nagaganap pero kaiba ang kwento nito ngayon.
"Ang nakikita mo sa iyong panaginip ay hindi aso kundi isang Werewolf." Simula ng matanda habang matamang pinagmamasdan ang reaction sa mukha ng dalaga.
"Ano pong klaseng nilalang sila, Lola?" manghang tanong ni Chelo dito.
"Sila ang tinatawag na Taong Lobo."
"Wow!" Napanganga si Chelo, "masama po ba sila katulad ng mga bampira at kumakain ng tao?" Biglang nakaramdam ng takot si Chelo. Kinilabutan siya sa kaniyang naiisip.
"Hindi sila kumakain ng tao at katulad rin natin sila. Pero may ikalawang pagkatao sila at iyon ay ang asong lobo na nakikita mo sa iyong panaginip." Paliwanag ng matanda dito.
Lalong ginanahan si Chelo na pakinggang ang kwento ng kaniyang lola. Mukhang totoo ang binabanggit nito at ramdam niya sa kaniyang puso na bubay ang mga tauhan sa kwento nito.
"Mayroon Pack House or Tribo ang bawat hukbo nila. Sa isang lugar ng Pack House ay mayroong pinuno na tinatawag na Alpha. Malakas siya at nababasa niya ang isip ng bawat isa na kanyang nasasakupan." Patuloy na kuwento ng kanyan lola
"Ang galing naman po!" May paghangang wika ng dalaga.
"Tulad ng tao, mayroon ding masamang taong lobo. Ang tawag sa kanila ay Rouge. Walang patawad kung pumatay at inuuna na paslangin ay ang Luna."
"Ano naman po ang Luna?" Nakapangalumbaba na tanong nito sa matanda.
"Luna ang tawag sa mate ng isang Alpha. Bawat isa sa taong lobo ay may kapareha or soul mate. Isang beses lamang nagkakaroon ng mate sila at walang hanggan na pag-ibig ang inaalay sa isa't isa. Kapag namatay ang kanilang kapareha, unti-unti na ring mamatay ang kabilang bahagi ng pagkatao nila hanggang sa maging mahina. Sa pagkataon na iyan ay madadaig na ng mga rouge ang Pack House at mabihag ang mga mabubuhay upang gawin na ring katulad nila." Malungkot na pagsasalaysay ni Aleng Basya sa apo.
"Ang ibig niyo pong sabihin, Lola ay hindi mamatay ang Taong Lobo hangga't nabubuhay ang kanyang Mate? mausisang tanong ni Chelo dito.
Napangiti ang matanda sa kanyang apo. Kahit salat sa karunungan ay matalas ang isip nito.
"Mahaba ang buhay nila, umaabot ng limang daang dekada. Hindi rin sila tumatanda agad dahil pag edad ng thirty ay naging mabagal na ang kanilang pagtanda."
"Wow, ang sarap siguro magkaroon ng soul mate kagaya nila at may forever." Humahangang kumento ni Chelo. Bilang isang novel lover, nangangarap siyang makatagpo ng lalaki tulad sa nababasa.
"Sa oras na matagpuan nila ang kanilang soul mate, lahat ng emosyon ay mararamdaman ng bawat isa. Pero ang isip ay maaring ma block ang isa kung gusto mong magkaroon ng privacy." Nakangiti na paliwanag ni Aleng Basya.
"Ang galing naman, parang true!"
Napalingon ang maglola sa pintuan kung saan may nagsalita.
"Lhea!" Masayang sinalubong ni Chelo ang baklang kaibigan. Nakatira ito sa kanilang bayan at madalas pumupunta ito sa kanilang bahay upang isama siyang mamasyal. Ang ina nito ang kanilang suki sa palengke na siyang kumukuha ng lahat ng gulay ng kanyang lola sa tuwing umani ito ng kanilang pananim.
Dumipa si Leo upang salubongin ng yakap ang kaibigan. Nakasanayan na nitong tawagin siya sa ikalawang pangalan na gustong-gusto naman niya.
Kanina ka pa ba?" Tanong nito sa kaibigan.
"Yup, at narinig ko ang kakaibang kuwento ni Lola!" Nakangisi na sagot ni Leo a.k.a Lhea. "May dala ako para sa iyo," itinaas nito ang nagpipilantikang daliri at ang isang kamay ay nakakubli sa likuran nito.
"May bagong publish book si miss El Tee?" Nagtatalon sa tuwa si Chelo nang masilip ang libro na hawak ng kaibigan.
"Korak! Bagay sa iyo ang pamagat, Angel In Disguise!" Kinikilig na tugon ni Leo sa kaibigan.
"Thank you, Lhea!" Hinalikan nito sa pisngi ang kaibigan.
Hindi siya nakapagtapos ng highschool dahil pinatigil siya ng kanyang lola sa hindi niya matukoy kung ano ang malaking dahilan. Nasa secondarya na siya nang huminto, wala naman problema sa kanya dahil mas gusto pa niyang manatili sa bahay at magbasa ng mga libro, isa na doon ang pocketbooks.
"May isa pa akong good news na dala, Gurl!" Muling pumalantik ang daliri ni Leo.
"Wow, pagkain ba iyan?" Malapad ang ngiti sa labi na tanong ng dalaga.
"Gaga, kapag good news ay pagkain agad?" umingos si Leo sa kaibigan.
Nag peace sign ang dalaga dito at nilaro ang ilang hibla ng mahabang buhok.
Napatitig si Leo sa kaibigan, sobrang ganda nito upang manatili lamang sa lugar na iyon. Nanghihinayang siya na hindi ito makapagtapos ng pag-aaral kaya humanap siya ng paraan. Gusto niyang makapamuhay ito ng normal sa lungsod tulad niya.
Morena ang kutis at bilogan ang mukha na bumagay sa mapupungay nitong mga mata. Kulay green kung titigan iyon at manipis na labi na hugis puso. Ayon sa lola nito ay may lahing Espanyol ang mga ninuno ng mga ito.
"Hoy, baka matunaw ako sa mga titig mong iyan!" Sita ni Chelo dito nang mapansing nakatulala sa kanya ang bakla.
"Ay asyumera ang talapindas!" bawi ni Leo nang mahimasmasan gamit ang lengwahe ng mga bakla. "Mayroong pa-exam sa school namin, at nagbibigay daan sa mga kapus-palad na hindi makapag-aral at lampas na ang age sa antas na dapat pasukan. Kapag nakapasa ka sa pagsusulit na ito ay automatic na fourth year ka na agad at maka graduate ka tulad ko at the same time!"
"Talaga? Wow aakyat din ako ng stage tulad mo?" Nagagalak na tanong ni Chelo ngunit panandalian lamang iyon nang maalala ang kanyang lola na tahimik nakikinig sa kanila.
"Lola?" Lingon nito sa matanda.
Nakangiti na tumango ito kahit may pag-aalinlangan. Naawa na rin siya sa apo dahil alam niyang masaya ito sa tuwing napunta sa bayan kasama ang kaibigan nito.
"Talaga po? Pumapayag na kayo na ituloy ko ang aking pag-aaral? hindi makapaniwalang tanong ni Chelo sa abuela.
"Gusto kong maging masaya ka, pero dapat lagi mong tandaan ang aking mga bilin at mag-iingat ka doon." Seryusong paalala ng matanda, doon ito maglalagi sa bahay ng kaibigan.
"Lagi po kitang dadalawin dito Lola kapag walang pasok!" sobrang saya ng dalaga, wala siyang dapat ipag-alala sa matanda na maiwan ito mag-isa doon dahil wala naman masasamang tao ang napapadpad doon at mas malakas pa ito kaysa kanya.
"Kailangan kong ituro sa iyo ang mga dapat mong isagot sa exam. Alam kong yakang-yaka (kayang-kaya) mo ito tulad ng nababsa mo sa books na halos saulado mo na rin ang mga iyon."
Natawa si Chelo sa kaibigan, alam talaga nito ang kanyang gawi na binabasa paulit-ulit ang mga libro na naroon at bigay pa nito ang karamihan. Maging ang history books ay maroon siya at Geography.
Matapos siyang ma-review ng kaibigan ay umuwi na ito bago pa man kumagat ang dilim sa paligid.
Payapang natulog ang dalaga kinagabihan hanggang sa mundong madalas na dumadalaw sa kaniyang panaginip.
Lumakas ang hangin sa paligid ni Chelo. Tulad ng dating panaginip ay naroon siya sa isang magandang batis na napapaligiran ng malalago at malalaking puno.
"Nariyan ka ba?" Tawag nito sa kulay asul na Asong Lobo.
"Grrr!"
Rinig niya ang mabangis na huni nito. Luminga siya sa paligid nang marinig ang tunog ng sanga ng kahoy na nabali. Hindi siya natatakot dito dahil ramdam niya na mabait ito.
"Awooohhhh!"
Nahindik ang dalaga nang marinig ang alulong ng isang aso, alam niya na hindi iyon ang kulay Asul. Nangingilag siya sa itim na aso dahil sobrang laki nito at parang apoy ang kulay ng mga mata. Palagi niyang nakikita ang dalawang aso sa magkabilang dako ng batis tulad ngayon. Tila nais abutin ng bawat isa ang sarili ngunit parang may pintong nakaharang sa dalawa na hindi magawang tawirin ang tubig.
"Ano ang maitutulong ko sa inyo?" kausap niya sa asul na aso. Ramdam niya ang kalungkotan ng dalawa kaya napaiyak na siya sa nakikitang tagpo. Pakiramdam niya ay mga tao ang mga ito na nagmamahalan.
Nakita niya na tangkang tatalon ang itim na aso patawid ng batis ngunit tumilapon ito pabalik.
"Ahhh!" Napahiyaw sa sakit ang dalaga at napahawak sa dibdib nang may tila kutsilyong tumarak sa kanyang puso. Tinitigan niya ang sarili ngunit wala namang bakas ng kung anong bagay na tumama doon.
Napatingin siya sa asul na aso nang marinig ang huni nito na tila nasasaktan. Nais niyang lapitan ito at tulungan ngunit parang may mga kamay na pumipigil sa kanya. Muli siyang napahiyaw sa sakit nang biglang lumakas ang hangin at parang may ipo-ipo na bumalot sa asul na aso. Pakiramdam niya ay may sumasakal sa kanya ng mga oras na iyon.
"Lola tulong!" naisipan ni Chelo na tawagin ang matanda sa kanyang panaginip ngunit alam niyang hindi siya maririnig nito. Pinangunahan na siya ng takot nang maramdamang humihigpit ang pagkasakal ng hangin sa kaniyang leeg.
"Stop!" Isang dumadagundong na boses ng lalaki ang marinig sa buong kakahuyan. Tila hirap din ito, hinanap niya kung saan nagmula ang tinig na iyon ngunit wala siyang makita. Pagtingin niya sa itim na aso ay nanlilisik ang mga mata nito sa kawalan. Nakalabas ang malalaki at matulis na pangil nito dahil sa galit.
Nagising si Chelo na may luha sa mga mata. Napatingin siya sa kanyang abuela na nakaupo sa kanyang tabi at nakapikit. Pawisan ito at may ibinubulong sa kawalan na hindi niya maintindihan.
"Lola!" Humagulhol ng iyak ang dalaga na yumakap sa matanda. Halo emosyong nadarama nang mga oras na iyon. Napanatag ang kalooban dahil nagising mula sa masamang panaginip. Ngunit nalulungkot siya dahil naiwan niya ang dalawang lobo na malungkot. Gusto niyang tulongan ang mga ito ngunit maging siya ay nasasaktan kapag tinangka niya.
"Shhh tahan na, nandito lang si Lola at hindi kita pababayaan!" Pang aalo ng matanda sa kanyang apo. Alam niya ang pinagdadaanan nito sa panaginip kahit hindi na niya tanongin ito.
Hindi na bumitaw ng yakap si Chelo sa matanda hanggang sa makabalik sa pagtulog.

Comentário do Livro (180)

  • avatar
    jocsonmercy

    wonderful

    14/08

      0
  • avatar
    YASULAUGUSTO

    love it

    16/04

      0
  • avatar
    TagleAlma

    thank you, maganda ang stiry

    14/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes