logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 5

PASADO alas-dose na ng hatinggabi, gising na gising pa rin ang mata at diwa ni Edgell. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi siya makapaniwala. Ilang beses na niyang sinampal at kinurot ang sarili, baka sakaling panaginip lang ang lahat ng iyon. Pero hindi, malinaw na malinaw na totoo nga ang mga nangyari. Bigla siyang dumapa sa kama at binaon ang mukha sa unan saka doon tumili ng tumili.
“Oh my gosh, nayakap ko si Hae-Bit! Nakausap ko siya ng personal! At magiging boss ko pa! Gosh, parang ‘yong mga napapanood ko lang sa Korean Drama, niligtas ako ng bidang lalaki sa mga manyak na foreigners na ‘yon!”
Napalingon siya sa bintana at agad na bumangon at sumilip at tumingin sa madilim na kalangitan.
“Lord, wala ng bawian ah?” sabi pa niya.
Bumuntong-hininga si Edgell saka hindi pa rin mawala ang ngiti na nahiga siya. Tumagilid siya para tingnan ang mga poster ni Youngjae na nakadikit sa pader.
“Oppa, huwag kang mag-alala. Dahil sa ginawa mong pagligtas sa akin, babawi ako sa’yo. Mamahalin kita ng sobra,” pagkausap pa niya dito.
Niyakap niya ang unan matapos iyon, saka pinikit ang mga mata. Nawa’y kinabukasan ay hindi bawiin ni Lord lahat ng magagandang nangyayari sa buhay niya nitong mga nakaraan araw.
KAKALAPAG pa lang ni Edgell ng gamit niya ng magsilapitan halos lahat ng mga ka-opisina sa mesa niya. Kunot-noo na tiningnan ang mga ito isa-isa.
“Anong meron?” tanong niya.
“Ikaw ah, kailangan mo magpaliwanag,” sabi ni Wilma.
“Tungkol saan?”
Nilapit ni Bernie ng husto ang mukha sa kanya.
“Anong mayroon sa inyo ni Sir Youngjae?”
“Wala!” mabilis niyang sagot.
“Grabe Edgell, bakit parang ang sweet n’yo?” tanong naman ng isa pang kasamahan nila.
Napakunot-noo siya. “Hinimatay na nga ako, ang sweet pa rin!” natatawang sagot niya.
“Ay, ang sweet kaya! Nahimatay ka tapos nasalo ka niya!” sabi naman ng isa pang ka-opisina niya.
Napailing na lang siya ng impit na napatili ang mga ito.
“Tapos, para siyang prinsipe na walang kahirap-hirap ka niyang binuhat at dinala sa clinic!”
“Iyong mata, girl! Kitang-kita mo sa mata ni Sir Youngjae na nag-aalala siya sa’yo!”
Natawa ulit siya ng magtilian ang mga ito. Bahagyang natigilan si Edgell ng makitang nakatingin sa kanya si Beth. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang simpleng pag-ismid nito.
Hindi na lang pinansin ni Edgell ang babae, sa halip ay hinila niya sa isang tabi si Bernie at Wilma para kausapin tungkol sa nalaman niya mula Youngjae tungkol sa muntik mangyari sa kanya noong nagpunta sila sa Bar.
“Bago n’yo ako i-interrogate, kayong dalawa, wala kayong kamalay-malay na ‘yong foreigner na ‘yon sa Bar ay rapist,” mariin niyang bulong.
“What?!” gulat na bulalas ng dalawa.
“Hala, paano mo nalaman? Oh my God, ni-rape ka n’ya?!” halos pabulong na tanong ni Wilma, kasunod ng biglang pagbakas ng pag-alala sa kanya.
“Muntik na, actually, muntik na akong ma-gang rape. At si Sir Youngjae, siya ang nagligtas sa akin ng gabing iyon. May dalawa palang kasama ‘yon sa labas at naghihintay. Ang totoo, hindi ako nakauwi ng bahay namin noon. Sorry, nagsinungaling ako. Ang gulo kasi ng isip ko ng araw na iyon. Pero doon niya ako
pinatuloy sa bahay niya. Remember, naiwan ko pa naman dito sa office ang ID ko ng gabing iyon, kaya hindi niya ako naihatid sa bahay,” kuwento niya.
Hindi nakasagot ang dalawa, sa halip ay basta na lang siyang niyakap ng mga ito.
“Sorry girl,” ani Wilma.
“Sorry, my goodness, wala kaming kaalam-alam,” sabi naman ni Bernie.
Napangiti siya.
“Ano ba kayo? Sino ba? Kahit ako naman hindi ko rin alam, kahapon lang din sa akin sinabi ni Youngjae. Nagpanic kasi ako noong umaga na nagising ako na nandoon sa kuwarto niya, kaya ayun, hindi ko siya pinakinggan,” natatawang kuwento niya.
“Kaya ka ba hinimatay kahapon dahil doon?” tanong pa ni Bernie.
“Loka hindi,” natatawang sagot niya.
“Ha? Eh dahil saan?”
Bumuntong-hininga siya saka kinuha ang cellphone at wallet. In-open niya ang gallery sa phone at pinakita ang nakapakaraming photos ni Youngjae noong miyembro pa ito ng grupong Galaxy. Pati sa wallet niya ay may mga photos din.
“Ikaw ba hindi mahihimatay kapag nalaman mo na ang future boss ay ang kinababaliwan mong Kpop Idol na siyang nagligtas sa’yo laban sa masasamang loob, sige nga!” tanong niya.
Natutop ni Wilma at Bernie ang bibig dahil sa pagkabigla.
“Oo nga pala, girl! Baliw na baliw ka nga pala sa Galaxy, di ba?” sabi pa ni Wilma.
“My goodness, kahit ako hihimatayin!” komento naman ni Bernie.
“Grabe bakla! Baka kayo ang meant to be, nakakaloka!” kilig na kilig na sabi pa ni Bernie habang inaalog-alog ang katawan niya.
“Hoy baka mahilo na naman ako!” saway niya, sabay palo sa kamay ng bading.
“Ay sorry, nakaka-excite naman kasi,” sabi pa ng kaibigan.
“Grabe, imagine kung kayo nga ang magkatuluyan,” sabi naman ni Wilma.
Nilapat ni Edgell ang dalawang palad sa magkabilang pisngi bago ngumiti ng pagkatamis-tamis. Naiisip na rin niya iyon, hindi naman sa pagiging assumera, pero naniniwala siyang walang impossible.
“Ene ke be…” kinikilig niyang reaksiyon, saka inipit sa likod ng tenga ang buhok at tulak kunyari kay Bernie.
Dinutdut siya ng kaibigan sa noo. “Luh luh luh luh luh! Nagba-blush siya! Kinikilig ang noo n’ya oh!” panunudyo nito.
Tinabig niya ang kamay ni Bernie sabay simangot kunwari.
“Kainis naman ‘to, panira ng trip,” maktol niya.
Tumawa lang ang dalawa. Mayamaya ay lumapit si Rosa.
“Uy girl, may meeting kayo in thirty minutes,” paalala nito.
“Yes, ihahanda ko na gamit ko,” sagot niya.
“O paano? Time to work! Mamaya n’yo na ako kulitin,” baling niya sa dalawa.
Pagbalik niya sa puwesto ay muli siyang nag-retouch, pagkatapos ay hinanda na niya ang mga gamit na dadalhin sa meeting. Malapit na kasing i-launch ang latest product ng LYJ Food Incorporated this month. Isang healthy food pocket which includes organic meat and veggies na microwavable. The concept of that project came from her, naisip kasi niya ang most convenient way to eat faster without much effort para sa mga single and working na gaya niya. Para hindi palaging de lata ang maaari nilang i-offer sa consumer, at the same time, hindi masyadong pricey. At nagustuhan ni Mister Lee ang idea niyang iyon. Madalas kasi sa mga ready to eat food ngayon ay puro preservatives, kaya ang pag-offer ng organic food ang isa sa paraan para magkaroon ng mas healthy options ang consumer.
Eksaktong alas-otso ng umaga ay nagpunta na silang mga Food Technologist sa Conference Room. Hahawakan pa lang niya ang doorknob ng bigla iyong bumukas at bumungad sa kanya ang guwapo at fresh na mukha ni Youngjae. Her heart automatically reacted. Bumilis ang pintig niyon at parang may paru-parong umiikot sa loob ng kanyang tiyan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Dati ay pangarap lang na malabong matupad na makita at makaharap niya ng malapitan ang binata. Ngunit ngayon, hindi lang niya basta nakita. They are meant to see each other almost everyday of their lives starting today.
“Oh, hey Edgell! Good Morning,” masiglang bati sa kanya ng binata.
Bumuka ang bibig niya, ngunit parang ayaw pa yatang lumabas ang salita mula doon. Hanggang ngayon kasi ay ninenerbiyos pa rin siya sa harap nito.
“Gu… Good Morning, Sir.”
Niluwagan ni Youngjae ang pinto.
“Come in,” sabi nito.
Usually, kapag may ganoon meeting sila. Walang kaso kahit saan sila maupo. Papunta na dapat si Edgell sa bandang harapan ng bigla siyang tawagin ni Youngjae.
“Po?” tanong niya.
“Dito ka maupo,” anang binata.
Muling kumabog ng malakas ang dibdib niya, paglingon kay Wilma ay nanunudyo ang tingin nito sa kanya. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang nagtatakang tingin ng mga iba pang ka-opisina nila.
“Edgell, dito ka maupo,” ulit ni Youngjae.
“Ah, opo!” mabilis niyang sagot, saka lumapit agad dito.
Nasa kabilang side naman ng binata pupuwesto si Mister Lee at ang Food Manager nila. Habang naghihintay sa CEO nila ay hindi mapakali si Edgell sa upuan. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya ano man oras. Mabuti na lang at dumating na ang sample ng latest products na ilo-launch nila kaya nagkaroon siya ng dahilan para makalayo saglit. Kinuhanan niya ng picture, gamit ang phone ang produkto, pagkatapos ay pinag-aralan niya ang summary research nila ng produkto na naka-print sa papel.
Halos mapalundag si Edgell sa gulat ng biglang magsalita si Youngjae mula sa likod niya.
“Sabay tayong mag-lunch mamaya ah?” bulong nito sa kanya.
Natutop niya ang dibdib saka natatawang lumingon.
“Sir, papatayin mo ako sa nerbiyos,” aniya.
“Sorry, ikaw kasi masyado kang seryoso diyan. Hindi mo ako pinapansin,” sagot ni Youngjae.
Nang mga sandaling iyon ay unti-unting nawala ang kaba ni Edgell. Napangiti na lang siya ng makita ang guwapong mukha ng binata.
“Ninenerbiyos kasi ko kapag nakikita kita,” pag-amin niya.
Kumunot ang noo nito. “Bakit naman?”
“Ikaw kaya, makaharap at kausapin ka ng matagal mo ng iniidolo, tapos magiging boss mo pa! Hindi ka kaya tubuan ng nerbiyos?” tanong niya, sabay bawi ng tingin.
Natawa ng malakas si Youngjae, kaya napalingon ang mga kasama nila doon sa loob ng conference room.
“Akala ko dahil doon sa nakita ko…”
Bigla ulit siyang napatingin dito saka pinanlakihan ito ng mata. Lalong natawa si Youngjae, saka umiiling na tinaas ang dalawang kamay.
“Arasseo, naega amu maldohaji an-heulgoya,” sagot nito.
“Mabuti naman,” sagot din niya.
Ang ibig sabihin ng sinabi ni Youngjae, ay “fine, I won’t say anything.”
Dahil sa kabaliwan noon ni Edgell sa Galaxy, nag-aral pa siya ng Korean Language para lang maintindihan ang mga sinasabi ng mga ito sa tuwing nanonood siya ng mga reality tv shows ng Galaxy. Hanggang sa tuluyan siyang natuto at naging fluent na rin. Mayamaya ay dumating na si Mister Lee, kasama ang Food Manager nila. Kaya agad nilang sinimulan ang meeting.

Comentário do Livro (102)

  • avatar
    M'ss Lmbs

    so nice and I loved the story🥰

    13/06

      0
  • avatar
    SericonDimpe I.

    wowww

    09/06

      0
  • avatar
    Jayve Macinas

    good quality

    20/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes