logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 2

MONDAY. Halos mapalundag sa gulat si Edgell ng may biglang magsalita sa tapat ng kanyang tenga.
“Ay, malaki si Junior!” bulalas niya.
Paglingon ay tumambad sa kanya ang napakalapit na mukha ni Rosa kaya napaatras at muntikan pang mawala sa balanse ang silyang kinauupuan niya. Malaki pa naman ang mga mata nito, may kaitiman ang balat at may mga tighiyawat sa mukha. Bukod doon ay sobrang kapal palagi nitong mag-eyeliner at mag-drawing ng kilay kaya ganoon na lang ang gulat niya. Medyo makapal ang labi at may katabaan. Ang babae ang pinakamalapit sa kanya sa lahat ng kasama doon sa trabaho. Sekretarya ito ng Food Production Manager nila.
“Ano ba naman, Rosalinda?! Papatayin mo ako sa nerbiyos eh!”
“Kaninong junior ang malaki?” may pagdududa sa tingin na tanong nito.
Lumayo ito saka sumandal sa table niya at humalukipkip.
“Ang sabihin mo, tulala ka na naman! Nandito lang ako sa tabi mo, kanina pa ako tanong ng tanong kung wala ka bang balak mag-lunch? Hindi mo ako kinikibo,” paliwanag nito.
Matapos marinig iyon ay napapikit na lang siya at napabuntong-hininga, pagkatapos ay pinatong ang noo sa ibabaw ng mesa niya. Mayamaya ay tumingin siya ulit kay Rosa.
“Gaano ako katagal tulala?” tanong pa niya.
“Mga fifteen minutes na siguro, kaninang umaga pa kaya kita napapansin, panay ang tulala mo,” sagot ni Rosa.
Sumandal siya sa backrest ng swivel na kinauupuan saka tumitig sa kisame.
“’Yung totoo, Ed Gelleinie. Anong nangyayari sa’yo? Hindi ka ganyan,” ani Rosa.
Agad siyang napalingon ulit dito saka mabilis na ngumiti.
“Ha? Wala ah, tara na kain na tayo!” bigla niyang pagbabago sa usapan saka tumayo, bitbit ang wallet at cellphone.
Ed Gelleinie, o mas kilala sa pangalan Edgell, works on a big Food Production Company. Ang LYJ Food Incorporated, isang kompanya na pag-aari ng isang Korean na si Mister Lee Hyuk Jung na nakapangasawa ng Filipina na si Misis Erlinda Lee. Ang LYJ Food Inc., ay manufacturer ng mga healthy at organic food products, kasama sa mga produkto nito ay mga de lata. Ang LYJ ang una sa bansa na nag-develop at nagpakilala sa market ng Healthy at Organic Canned Goods. Gusto kasi ng CEO nila na baguhin ang tingin ng mga tao sa de lata or processed foods. Madalas kasi, kapag sinabing de lata, unhealthy agad ang nasa isip ng mga ito. Kaya naman nag-develop ito ng pagkain na de lata, pero healthy at organic, na less preservatives. LYJ is already on their seventh year when Edgell worked for them as a Food Technologist. At sa loob ng limang taon niyang pagta-trabaho sa kompanya, masasabi na masaya siya doon at kuntento. These past few weeks, nagkaroon ng usap-usapan na magre-resign na ang Food Production Manager nila na si Misis Marquez. Kaya naman hindi naiwasan masala sa usapan ang promotion. Kung totoo na magre-resign ang FPM nila, natural lang na malungkot siya dahil malapit sila lahat sa Ginang. Pero hindi rin maitatanggi ni Edgell na sa kabilang banda, she started looking forward for that Managerial position. Sinong empleyado ba ang ayaw ma-promote?
Kakalapag lang niya ng pagkain na inorder niya doon sa canteen ng lumapit ang dalawa pa nilang ka-opisina, si Bernie, isang bading, at si Wilma isa rin Food Technologist. Dinala siya ng mga ito sa isang sulok.
“Nakakaloka ka, girl! Anong nangyari sa’yo noong Friday? Bigla ka na lang nawala,” halos pabulong na tanong ni Bernie. Mabilis na umahon ang kaba sa dibdib niya, bigla siyang nalito, hindi niya alam kung paano sasabihin ang mga nangyari.
Friday night, pagkatapos nilang makuha ang suweldo. Gaya ng napag-usapan nila dalawang linggo na ang nakakalipas, nagpunta sila isang bar para naman makapag-relieve ng stress. Dapat ay kasama nila si Rosa pero sumama ang pakiramdam nito noong hapon kaya maagang umuwi ang kaibigan.
“Oo nga, alalang-alala kami sa’yo,” sang-ayon naman ni Wilma.
“Hindi mo ba nakita ‘yong mga messages at tawag namin sa’yo?” tanong pa ni Beth.
“H-ha? Ah, nakita ko, kaso late na. Tinanghali kasi ko ng gising no’n. Alam mo na, hang over,” sagot niya.
“Bakit ba bigla ka na lang nawala? Akala tuloy namin may kumidnap na sa’yo,” sabi pa ni Wilma.
“Korek, bongga ka rin naman kasi, iba na talaga ang naghuhumiyaw ang alindog at kamandag!” biro pa sa kanya ni Bernie.
“Anong ibig mong sabihin?”
Nagtawanan ang tatlo.
“Hindi mo ba alam? Grabe, ang daming mga guwapong boylet na nakatingin sa’yo doon sa bar. Kasi naman girl, ang hot naman kasi ng attire mo,” sagot pa ni Bernie.
“Kaya din naman kami nag-alala sa’yo dahil akala namin sumama ka na ng tuluyan doon sa isang lalaking sa simula pa lang ay dikit na ng dikit sa’yo,” ani Wilma.
Napapikit siya saka pinilig ang ulo. Pag-alis pa lang ni Edgell sa bahay ng lalaking iyon noong Sabado ng umaga, pinipilit na niyang alalahanin ang mga nangyari. Pero kahit na anong isip niya ay wala siyang maalala.
Tama si Bernie, sa simula pa lang ay may lalaki ng panay ang dikit sa kanya, isang foreigner at Caucasian ito. Noong una ay kinakausap niya ito, pagkatapos ay tila inimbitahan na nito ang sarili doon sa mesa nila at nakiupo at nakipag-usap na rin sa mga kasamahan niya. Hindi namalayan ni Edgell na nakakarami na siya ng inom, hanggang sa tuluyan siyang mahilo. Ang natatandaan niya, sa sobrang kalasingan nila ay halos magwala sila sa dance floor at panay na ang sigawan at tawanan nilang apat. Sa buong gabing naroon sila sa bar, tandang-tanda ni Edgell na nakadikit sa kanya ang foreigner na iyon. Ang sumunod na nangyari, natandaan niya na nagkakanda ekis-ekis na siya sa paglalakad palabas ng bar ng biglang may umamalay sa kanya. Humawak pa nga ang kamay ng nakakaalalay sa kanya sa beywang hanggang sa makalabas sila. Nakapikit na siya noon at talagang antok na, pero gising pa kahit paano ang diwa niya.
Narinig na lang ni Edgell na may kausap ang nakaalalay sa kanya, doon niya narinig ang pamilyar na tinig ng foreigner na lalaking kasama nila sa table. Nakikipag-tawanan ito sa mga kausap, pero hindi na niya maintindihan ang pinagsasabi ng mga ito. Hanggang sa naramdaman na lang ng dalaga na nabitiwan siya ng may hawak sa kanya at napahiga sa semento. Hanggang doon na lang ang natatandaan niya, dahil tuluyan na siyang nakatulog noon. And the next day, she found herself on someone else’s bedroom. Pero ang pinagtataka ni Edgell, imbes na ang foreigner na iyon ang nakita niya. Isang Korean na lalaki ang bumungad sa kanya.
“Ang totoo, wala na akong matandaan sa kalasingan ko,” aniya.
“Kasi naman, nag-all out party tayo. Grabe hang over ko kinabukasan,” reklamo pa ni Wilma.
“Buti nakauwi ka ng safe, nag-aalala talaga ko sa’yo noong magising ako at maalala ko lahat ng ginawa natin noong gabi,” sabi pa ni Bernie.
Ngumiti lang siya dito saka marahan tumango. Ang totoo, habang nasa taxi siya pauwi galing sa bahay ng Koreano na iyon. Saka pa lang niya na-check ang cellphone matapos nilang mag-usap ni Rosa. Noon lang niya nakita ang sangkaterbang text at tawag ng tatlo. Pagdating sa bahay, pasalamat na lang siya at wala doon ang Tiyahin niya. Gabi na itong nakauwi at hindi naman din nag-usisa kung saan siya nagpalipas ng magdamag. Kilala ng Tita niya sina Bernie at Wilma, alam ng Tiyahin na kapag hindi siya natutulog doon sa bahay ay sa mga kaibigan siya nakikituloy.
“Okay lang naman ako,” sabi pa niya. “Yata?” dugtong niya sa isip.
“Teka, maiba pala ako. Alam n’yo naman ‘yong bali-balita lately dito sa office, di ba? About sa pag-resign ni Misis Marquez, nakahanda na ba kayo in case isa sa inyong dalawa ni Wilma ang ma-promote?” tanong pa ni Bernie.
“Ay, oo naman!” mabilis na sagot ni Wilma.
“Ikaw, Edgell?”
Ngumiti siya. “Alam n’yo naman na pangarap ko na ang Managerial position, di ba? Para sa Kuya ko na nagtaguyod sa pag-aaral ko. Sa pamamagitan noon, kapag ako ang naging Food Production Manager, feeling ko saka ko pa lang masasabi na successful ang kapatid ko sa mga sakripisyo niya sa akin,” paliwanag ni Edgell.
“Alam naman namin ‘yon, at sa tingin ko, bagay ka maging Food Production Manager. Grabe ka sa Workaholic eh, ako? Naku, hindi na ako umaasa,” sabi pa ni Wilma.
“Ang narinig kong tsismis galing sa mga makakati ang dila sa paligid, kung mayroon kang makakalaban, iyon si Beth. Alam mo naman na hindi papahuli ang isang ‘yon,” sabi pa ni Bernie.
Ang Beth na tinutukoy ng kaibigan ay ang kapwa nila Food Technologist. Hindi sila close nito, ang totoo ay bihira sila mag-usap ng babae. Hindi kasi ito ang tipo ng friendly. Seryoso ito at halos hindi nakikipag-usap. Gaya niya ay workaholic din ito. Madalas silang nagko-kompara nito dahil sa pareho nilang abilidad. Madalas din kasi dumating ang pagkakataon na kapag nagko-conceptualize sila ng mga new products ay palaging nagkakabangga at magkasalungat ang ideas nila.
Tumingin si Edgell kay Bernie. “I will do anything for that position. Lahat tayo may goal sa buhay, and this is my goal. That is why I am working hard because of this. Wala naman sigurong masama doon,” determinadong sagot niya.
Nakipag-high five sa kanya ang dalawa.
“Ay, pak! Palaban si Ate Girl!” sabi ni Bernie.
“Go, Ed Gelleinie! Sa iyo ang suporta ko!”
“Salamat,” nakangiting sagot niya.
Matapos mag-chikahan, sa table nila umupo ang tatlo at sabay-sabay silang kumain ng lunch. Nang makabalik sa kanya-kanyang trabaho, sinikap ni Edgell na mag-focus sa trabaho. Bestfriend niya si Rosa at kilalang-kilala siya nito. Alam niyang nakakahalata na ito sa kanya.

Comentário do Livro (102)

  • avatar
    M'ss Lmbs

    so nice and I loved the story🥰

    13/06

      0
  • avatar
    SericonDimpe I.

    wowww

    09/06

      0
  • avatar
    Jayve Macinas

    good quality

    20/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes