logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 1

"Stella..." Nagising ako nang may marahang yumuyugyog sa akin.
Ang bigat ng puso ko pagkagising. Hindi ko alam pero normal na yata sa akin ang ganoong pakiramdam. Sa tuwing gigising ako sa umaga ay mabigat ang pakiramdam ko.
"Umiiyak ka nanaman ng tulog," ani tita.
Pinunasan ko ang luha ko. Normal na din yata sa akin ito. Sa paggising ko sa umaga ay may luha ako. Tila ba umiiyak ako. Iyon ay dahil sa aking panaginip. Isang panaginip na sobrang wirdo. Parang kapag nasa panaginip ako na iyon ay parang totoo. Parang totoong nangyari. Ang nakakapagtaka pa ay ang isang tao lang lagi ang napapanaginipan ko. Hindi ko matandaan ang muka niya pagkagising ko pero ang mga nangyari ay natatandaan ko.
"Gusto mo bang ipacheck-up kita sa doctor? Phsyciatrist? Ano?" nag-aalala niyang tanong.
Natawa ako. "Tita? Phsyciatrist? Hindi naman po ako baliw. Hindi ko din naman po alam itong nararamdaman ko sa tuwing gigising ako pero hayaan niyo na po."
Alam kong hindi pa din satisfied si tita sa sinabi ko.
"Oh sige na basta I'm always here for you. Mamayang gabi babyahe tayo papunta sa probinsiya ng lolo mo. Doon tayo magbabakasyon."
Pagkapakinig ko noon ay bigla akong nasiyahan.
"Talaga po? Excited na po ako!" masaya kong sabi.
Nangunot ang noo niya sa reaksiyon ko. "Sabagay hindi ka pa nga pala nakakapunta doon kaya ganyan ang reaksiyon mo pero tiyak magugustuhan mo doon dahil presko ang hangin kaya mag-impake ka na."
"Opo opo!" masigla kong sabi.
Pagkalabas ni tita ay agad akong naghanda ng mga damit ko. Walang mapaglagyan ang kasiyahan ko, hindi ko maintindihan. Basta ang saya saya ko pagkasabi ni tita noon.
Natigil lang ako nang biglang tumawag ang boyfriend ko, si Fred.
"Babe..." sagot ko.
"Wala ka bang gagawin ngayon? Lets date," pormal na sabi niya.
"Ha? Ah sorry pero nag-iimapake kase ako eh," nag-aalangan kong sabi sa kanya.
"Why?"
Naiimagine ko ang magkasalubong niyang kilay.
"Ah kasi ano eh... aalis kami mamayang gabi, doon kami magbabakasyon sa province ng lolo ko."
Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga. "Fine pero bumawi ka pag-uwi mo."
Pagkatapos no'n ay binaba na niya.
Napaamang ako, hindi makapaniwala. Talagang binaba niya ng ganoon lang? Wow! Just wow!
Or baka may ginagawa siya kaya ganoon na lang or may problema? Puntahan ko kaya? Tsss! Bahala nga siya.
Netong mga nakaraan, masyadong mainitin ang ulo niya, akala mo eh babae! Baka may dalaw tsk!
"Oh nakapaghanda ka na ba?" tanong ni tita nang makababa ako.
Tumango ako. "Opo. Excited na ako mamaya."
Nangunot nanaman ang noo niya sa reaksiyon ko. Nawiwirduhan na siguro. Bakit ba?
"Excited lang po ako," sabi ko ulit.
Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin. "Oh sige na, kumain ka na lang at baka gutom lang yan."
Nginisihan ko lang siya.
Dito ako nakatira sa tita ko dahil wala na ang mga magulang ko. Namatay sila sa isang aksidente noong bata pa ako. Ang kinamulatan kong magulang ay si tita Betty na lang. Wala din naman siyang asawa't-anak kaya ako na lang ang anak niya. Minsan ko na ding tinanong kung bakit wala siyang asawa o bakit hindi siya nag-asawa pero ang tanging sagot niya sa akin ay hindi daw totoo ang pag-ibig kaya wala daw nakatadhana para sa kanya.
May ganoon kaya? For me kasi, lahat tayong tao dito sa mundo eh nakatadahana tayo sa isang tao. We just have to wait for him or her. Pero ang tita ko, I think tatanda na talaga siyang dalaga. Maganda siya at balingkitnitan kaya imposibleng walang nagkakagusto sa kanya o sadyang mapili lamang siya? Ang pag-ibig naman kasi hindi hinahanap 'yan eh, hinihintay 'yan. Sabi nga nila, In God's perfect timing. Wala sa edad iyan. Kahit matanda ka na, pwede ka pa namang umibig.  
I think one of my most fear in my life is walang pamilya. I don't know why. I just wajt to have a happy family in the future, that's one of my dreams. Siguro masaya panoorin ang mga anak mong masaya sa harapan mo. That kind of imagination, hay!
"Kumain ka ng marami, kainin mo yang gulay," pagpapaala niya sa akin.
"Yes tita!" maligaya ko pa ding sabi.
Hindi mawala sa isip ko ang pagbakasyon namin sa probinsya. Kung pwede ko nga lang sabihin kay tita na ngayon din ay umalis na kami ay ginawa ko na.
Kinagabihan ay nag-ayos na kami ni tita para bumyahe na. May kotse naman si tita kaya hindi na hassle. Sa totoo lang ay may kaya naman ang buhay namin. All my need and wants, napo-provide niya sa akin, ang pinapasukan ko pa ngang school eh mga pang-mayaman eh kaya sobrang thankful ko sa kanya.
"Ayos na ba yang dala mo?" tanong niya.
Agad naman akong tumango. "Opo. Ayos na po ito. Maglalaba na lang po ako agad or I can buy there na lang po," sagot ko.
Kakaunti lang ang dinala ko para madali lang bitbitin.
Tumango siya. "Okay. Halika na at kanina ko pa nararamdaman na atat na atat ka nang umalis," she chuckled.
Nahiya tuloy ako. "Ewan ko po ba basta kanina pa ako excited."
"Okay, sumakay ka na at may kukunin pa akong bag sa itaas."
"Tulungan ko na po kayo," I suggest.
Agad siyang umiling. "Maliit na bag lang 'yon, sumakay ka na lang."
Tumango naman ako.
May mga baon din kaming pagkain at inumin dahil medyo mahaba-habang byahe iyon. Higit apat na oras daw kaya naman alam kong mapapagod si tita sa pagda-drive kaya isusuhestiyon ko sa kanya na palit kami. Marunong naman akong magdrive dahil tinuruan niya ako, si Fred din ay tinuruan din ako. Ang sabi din ni tita bibilhan niya daw ako din ng kotse kapag alam niyang kayang-kaya ko na daw magdrive mag-isa pero ang sabi ko ay hindi naman na kailangan dahil gastos pa iyon. Masyado niya akong iniispoil.
"Oh ano ready ka na?" maligayang tanong ni tita nang inii-start na niya ang kotse.
"Opo! Di ko alam pero sobrang excited na talaga ako. At saka alam niyo po ba may naiimagine ko po yung lugar," kanina ko pa kasi naiimagine kung anong itsura ng lugar na para bang totoo.
"Talaga? Ano bang itsura ang naiimagine mo?"
"Feel ko po yung bahay ni lolo nasa may tabing dagat. Medyo makaluma na yung bahay niya na parang nirerenovate na lang." Habang nagsasalita ako parang nakikita ko iyon, lumalabas na lang sa bibig ko. "At saka po parang may mga flowers sa isang lupain, puro sunflower siya--" Natigil ako sa pagsasalita nang biglang magsalita si tita.
Tiningnan ko siya, nakatingin siya ng nagtataka sa akin.
"P-papano mo nalaman?" kuryoso niyang tanong.
Kumunot ang noo ko, hindi ko din alam.
"A-ang bahay ni lolo ay malapit nga sa dagat pero wala akong natatandaan na kinwento ko sa'yo 'yon at saka oo, may lupain ng bulaklak doon." Nangunot pa ang noo niya.
Bigla akong nakaramdam ng kaba, lungkot. Hindi ko maintindihan.
"Hindi ko po alam. Naimagine ko lang po."
Hindi pa din siya satisfied sa sinabi ko. Tila naguguluhan siya.
"Ano pang naiimagine mo?" tanong niya, kuryoso sa akin.
"May isang isla po doon?" patanong kong sabi.
Malabo kasi sa akin pero ang nakikita ko may isang isla tila nalungkot ako bigla.
"Ahm tita pwede po bang matulog na po muna ako? Mabigat po kasi ang pakiramdam ko eh."
Hinawakan niya ang noo ko. "Wala ka namang lagnat? Gusto mo next time na tayo pumunta doon?" nag-aalala niyang tanong.
"Mabigat lang po pakiramdam ko saka masakit ang ulo ko. Ayos lang po ako tita, tara na."
"Oh sige, gigisingin na lang kita kapag kakain na."
"Gigising po ako agad, papalit po tayo. Ako po ang magdadrive mamaya."
"Oh sige, matulog ka na."
Ipinikit ko ang aking mata, pilit na tinatanggal sa isip ang mga nakikita ko. Malungkot ang puso ko.

Comentário do Livro (181)

  • avatar
    Smirk Wei Jha Wuxian

    ang ganda ng kweton

    17/03

      0
  • avatar
    RamayanRonald

    maganda talaga store NATO

    10/11

      0
  • avatar
    Efrylle Trisha Abad Tero

    nicee

    09/11

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes