logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 2 Sarah's Offer

Buong akala ni Anna ay sa opisina sila pupunta ni Sarah. Ngunit heto nga sila sa isang bar. Naibsan naman ang kalam ng kaniyang sikmura, pero nag-alala siya ng magsimula si Sarah na uminom ng alak. Gumabi na at mukhang napalayo na siya sa apartment na tinutuloyan.
“Ano ba itong napasok ko?! Ni hindi ko na alam kung paano uuwi. Bakit ba kasi nakipagusap ako sa babaeng ito,” bulong niya sa sarili. Nakita niya na mukha naman itong harmless, hindi siya mapapahamak dito, mukhang ito panga ang mapapahamak sa ginagawa nitong pag-inom kaya hindi niya ito maiwan na mag-isa. Napansin niya na madaming lalaki ang napapatingin sa gawi nila dahil sa ganda nito.
Sa paglalim ng gabi ay siya ding dami ng naiinom ni Sarah. At nagsimula itong magkwento sa kaniya ng problema nito.
“You know Anna, I am rich..like super rich..,” sabi ni Sarah na medyo nakakainom na. “And rich people are crazy. Our parents wanted us to get married. You must be thinking I am fortunate..but I can feel it. He doesn’t love me. Wala lang siyang choice..,” she sobbed. Naririnig niya ang pag-ring ng cell phone nito ng ilang beses ngunit hindi nito iyon pinapansin. “From the very beginning gusto ko na siya! I don’t even know kung mahal niya ako..these past few days akala ko mahal narin niya ako, pero hindi parin pala..I don’t know what to do anymore..”
“Ang labo naman ng mga ito. Kahit papaano Sarah maswerte ka, ‘yan lang ang problema mo. Eh ako mag-iisang buwan na dito wala pang trabaho? At higit sa lahat hindi ko alam kung paano ako uuwi mamaya,” gusto sana niyang isagot kay Sarah pero pinigil niya ang sarili.
“Why don’t you ask him if he loves you or not? Malay mo mahal ka nga. Huwag mo hayaan na pinanghuhula ka niya,” imbes ay sagot nalang niya sa dalaga.
Nakahanap yata ang dalaga ng tapang dahil sa alak na nainom. “Alam mo Anna, tama ka! I should ask him. Hindi ko pwedeng balewalain iyong mga pinaparamdam niya sakin nitong mga nakaraan. Haharapin ko siya at makikita niya!” dinampot nito ang bag. “Pupuntahan ko siya ngayon!”
“Ha? Ah..Miss Sarah, hindi ko naman sinabing ngayon na kasi---“
“No! I’m sick and tired of playing mind games with him!” sagot nito na halatang tinatablan na ng alak na nainom. “Anna, go to this address tomorrow and look for Miss Jannah. Don’t worry, I will recommend you. I’ll make sure that you will get hired.” Isinulat nito sa isang tissue ang address ng opisina na pupuntahan niya.
Nanlaki ang mga mata niya. “Talaga?! Thank you!” at napayakap siya sa dalaga sa tuwa. Ngunit may isa pa siyang problema; hindi niya alam ang daan o sakayan manlang pauwi. “Gaano na ba ako kalayo sa apartment ko?” tanong niya sa sarili.
“Ah..Miss Sarah, saan po ba ang sakayan pauwi?” lakas loob na tanong niya
“Oh my God! I forgot! Hindi ka pala sanay dito sa Manila. I’ll call my cousin, malapit lang siya dito. Oh, tumatawag pala siya sa akin.” Hawak nito ang cell phone sa mga kamay. “Anna, papunta na siya dito,” paalam nito sa kaniya matapos kausapin ang pinsan.
At heto nanga siya at kaharap ang “Jake” na pinsan daw nito. Apparently, this Jake isn’t very friendly. Tila iniisip nito na may masama siyang intensyon sa pinsan nitong si Sarah. “Well, hindi mo maiaalis na magduda ‘yong tao,” pagtatanggol pa dito ng isip niya.
At ngayon nga ay nakatingin sa kaniya si Jake, iniintay ang sagot niya kung bakit kasama siya ni Sarah sa bar na iyon. Hindi naman siya makapagsalita. Ano ang sasabihin niya dito?
“I forced her to come with me,” depensa ni Sarah sa kaniya ng hindi siya makapagsalita. Ngunit tila hindi kumbinsido ang binata.
“Jakey, ihatid mo naman si Anna sa kanila..please,” pakiusap ni Sarah.
“What?! I came here to fetch you..not her.”
“But you said Dean is on his way. Of course, ihahatid niya ako. And besides, maguusap kami!” at tumawa ito na parang bata dahil sa kalasingan.
Ilang minuto pa ay dumating ang “Dean” na binabanggit nito. Unlike ng nakasimagot na pinsan ni Sarah ay mukhang nasa gentle side ito.
“Sarah.” Marahan at nag-aalala itong lumapit kay Sarah na noon ay tila nahihilo na. Nagtatakang napatingin din ito sa kanya.
“Jake, please. Ihatid mo si Miss Cruz sa kanila. Hindi niya alam ang pauwi,” sabi ni Sarah na tila anumang oras ay makakatulog na. “Hindi mo lang alam but she saved me.”
“Oh really? I thought you’re having a job interview?” sarcastic na sagot nito kay Sarah at matalim siyang tinitigan. Siya naman ay hindi makasagot.
“She saved me, that's why I offered her a job.”
“Oh! c’mon Sarah. Masyado kang nagtitiwala sa mga taong nasa paligid—“
“Kaya ko naman umuwi, kahit hindi mo na ako ihatid,” pinutol niya ang sinasabi ni Jake. Agad siyang tumayo. “Hmp! Napakayabang naman pala. Mapagmataas siguro ito. Halata naman sa kilos at salita!” bulong ng isip niya.
“No!” sagot agad ni Sarah sa kaniya.
Maging siya naman ay nabigla nang magsalita din si Dean. “Jake, ihatid mo siya. Ako na ang bahala kay Sarah. Besides, kailangan din naming mag-usap.”
“Oh Dean! Napakabait mo naman pala! Mabuti ka pa kesa sa isang masungit na lalaki dito. Lord, hinihiling ko na sana magkaayos silang dalawa ni Sarah. Magkaroon sila ng happy endi—“
“Are you coming or not?!” Naputol ang pagiisip niya sa galit na boses ng pinsan ni Sarah. Agad niyang nadampot ang bag niya at nagmamadaling sumunod sa lalaki na nauna ng maglakad palabas. Isang tango lang ang ibinigay sa kaniya ni Dean habang si Sarah ay mahimbing na natutulog sa bisig nito. “How sweet naman pala!” Hindi niya namalayan na hindi niya nadampot ang tissue na iniabot sa kanya ni Sarah kung saan nakasulat ang address ng building na sinabi nitong puntahan niya.
“Hey! Wait! Teka lang naman,” pilit niyang hinabol ang mabibilis na hakbang ni Jake. Hindi ito nagsasalita. Nakita niya itong pumasok sa sasakyan at nagdalawang isip siya kung sasakay ba siya.
“What are you waiting for? Get in the car!” iritadong utos nito.
Hawak na niya at bubuksan na sana niya ang pinto ng backseat ng sasakyan dahil nahihiya siyang makatabi ito ngunit bigla itong nagsalita.
“Mukha ba akong driver mo?!” pagalit na sabi nito.
Agad niyang binitiwan iyon at umikot sa passenger seat upang doon sumakay.
“Your address?” tanong nito. Binigay naman niya ang address niya.
“F*ck! Ang layo noon dito. Traffic pa!”
“I’m sorry,” mahinang sagot niya at napatungo. Totoo naman na nahihiya siya binata. Sino nga ba naman siya at naging taga-hatid pa niya ito. Siguradong mayaman din ito base sa luxury car na gamit nito ngayon. Ilang minuto na ang nakakalipas at tahimik lang silang dalawa sa biyahe.
“So, did you get the job?” biglang tanong nito ngunit halata parin ang panunuya.
Binalewala nalang niya ito at sumagot ng mahinahon. “She told me to go to her office building and look for--” bigla ay naalala niya ang tissue na pinagsulatan ni Sarah ng address ng office building nito.
“Sh*t! Naiwan ko yung tissue! Hindi ko alam yung office building niya!” nagpa-panic na sabi niya. Tinaasan lang siya ng kilay ng binata na tila natuwa pa sa nangyari. Nanlumo siya sa kagagahan niya. Pati numero ni Sarah ay wala din siya. Nabasa niya kanina sa internet na si Sarah ay connected sa ibat-ibang organizations, kung kaya hindi niya alam kung saang company siya pinapapunta nito. Matapos ang isang oras ay malapit na siya sa apartment na tinutuloyan dahil pamilyar na sa kaniya ang lugar.
Nakailang buntong-hininga na siya para magkaroon ng lakas ng loob na magtanong sa binata.
“What is it?” napansin siya ni Jake at tila naiirita ito sa kabubuntong-hininga niya sa byahe.
“Ah..A-alam mo ba ang office address ni Miss Sarah? Sabi niya manager daw siya—“
“Nope,” mabilis na sagot nito.
“Ang taray,” bulong niya ngunit narinig pala siya nito.
“Look, I don’t even know kung na-interview ka nga ba ni Sarah. Or if you are really qualified—“
Pinutol niya ang sinasabi nito. “Eh bakit ba affected ka? Akala mo naman ikaw ang may-ari ng company na pupuntahan ko! Sinabi ni Sarah na pumunta ako para sa interview. Besides, tiningnan niya ang resume ko. Eto oh may dala ako!” Iwinagayway niya ang resume sa mukha nito. “Sinungaling,” akusa ng isip niya.
“Hey! Stop it! Nagda-drive ako!” pagalit na suway ng binata at iniwas ang mukha sa mga papel na iwinagayway niya sa mukha nito.
Hindi na nagsalita muli ang binata hanggang sa makarating sila sa destinasyon at itigil nito ang sasakyan, kaya naisip niya na kailangan na niyang gamitin ang huli niyang bala. At iyon ay ang makiusap.
“Please Jake. Kailangang kailangan ko na ng trabaho. Wala na akong pambayad sa rent next month. Kahit ibigay mo nalang sa kaniya itong resume ko,” pagmamakaawa niya dito.
“I understand you need the job, still, I won’t tell you. Malay ko ba kung anong klaseng—“
“So alam mo nga yung address?” nainis siya dito. Bakit ba tila ayaw na ayaw siya nito matanggap sa trabahong inaalok ni Sarah? Hindi ito umimik at sinenyas nitong bumaba na siya ng sasakyan. Wala talaga itong balak sabihin sa kaniya. Kaya naisip nalang niyang iwanan ang isang resume niya sa sasakyan nito. Baka sakaling magbago pa ang isip nito. Matapos magpasalamat ay bumaba na siya sa sasakyan at malungkot na naglakad patungo sa apartment building na tinutuloyan niya. Totoong nalulungkot siya sa nawalang opportunity sa araw na iyon.

Comentário do Livro (348)

  • avatar
    PalomarJessa

    i love the story it reflect me for who i am ..

    03/08/2022

      0
  • avatar
    Juncel Mahilum

    hlw

    22d

      0
  • avatar
    EnojasShayne

    the story is very nice

    25d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes