logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 8

Vhendice is patiently waiting at the doorway, holding the white expanded envelope. Sumaglit pa sa loob ng adoration chapel si Sister Jhe. Nakatuon sa pintuan ang kanyang paningin habang paisa-isang ginagantihan ng tango ang mga taong dumaraan sa tapat niya na bumabati at nag-iiwan ng ngiti.
Few minutes and his veiled princess came out from the adoration room. He met her halfway and handed her the envelope, pulling out a hallow breath. He has to figure out a safer and decent approach to express his feelings. Channeling to some of the religious songs was not effective.
"The sun's still way up there, wanna hit some cold coffee? There's coffee shop right across the street." He tried his luck and tilted his head towards the location.
"Kailangan ko nang umuwi. Maghahanda pa ako para sa launching ng programa namin bukas," sagot nitong tinalikuran siya.
Inasahan na niyang tatanggi ito. If she has to rate his chances, it would be 0.5 percent out of 10. Almost next to nothing. However, instead of going out of guts, this made him a lot more focused. Pakiramdam niya ay inaakyat niya ang pinakamatayog na sulok ng langit.
"Saan ka pupunta?" masungit nitong tanong nang hindi pa rin siya tumigil sa pagbuntot dito.
"Ihahatid ka sa kombento."
"Magta-traysikel ako."
"I don't have my car. Sa traysikel din ako sasakay. Sasamahan lang naman kita hanggang sa makauwi ka nang ligtas."
"Kasama ko ang Diyos."
"Of course, but isn't it nice if God and me will protect you at the same time?"
"Bakit ba ang kulit mo?"
"Mahal kasi kita."
Bumilog ang mga mata nito at tila nauubusan na ng irereklamo. Huminga ito ng malalim. Tumingin sa paligid dahil umaagaw na naman sila ng atensiyon sa mga taong dumaraan.
"Vhendice, hindi mo ba talaga maintindihan ang sitwasyon nating dalawa o ayaw mo lang intindihin? Nabubuhay tayo sa magkakaibang mundo. Hindi langit at lupa, hindi matayog na pader ang naghihiwalay sa atin kundi itong mga kasuotan ko at ang pangako ko sa Kanya."
At simula na naman ng debate. Kinamot niya sa daliri ang kilay at tumikhim.
"Exactly. You struggled to become someone I can't embrace. That is why I am going to double my effort and make you someone I can hold." He swallowed the lump on his throat. "Right now, you are forbidden because of that veil and clothing. Someday you will still be forbidden, not because of your promise to Him but because of my name and the vows you'll have for me before Him."
Bumagsak ang mga balikat ng madre. Marahil ay natanto na walang pupuntahan kung makikipagtalo ito sa kanya sa usapin ng kanyang puso. Napangisi na lamang siya nang itulak nito sa kanya ang bag nito at ang envelope.
"Halika na nga!" At sumuko rin. "Talagang sasakay ka ng traysikel?" tanong nitong nawala na ang bahid ng pagsusungit.
"Why not? I've done my research about your vows of poverty, chastity, and obedience." Pagmamalaki niya.
"Oh, tapos anong kinalaman niyon sa traysikel?"
"Well, you choose to live a simple life, kaya alam kong hindi kita mapasasagot gamit ang pera ko. You also vowed to stay pure and virgin, kaya lalong hindi kita mapapayag sa landian."
"Ano namang kinalaman ng landian sa pagsakay mo sa traysikel?" Supalpal nito.
"I'm just telling you about my research." Depensa niyang natatawa.
"Oo na, huwag ka nang mag-ingay diyan at magdadasal ako." Inirapan siya nito at itinago sa abito ang mga kamay.
Kapag ganoon na, wala na siyang laban. Pinili na nitong makausap ang boyfriend nito. Wala yatang tamang paraan para mapalambot niya ang puso ng babae. Sumisirko na ang utak niya sa kaiisip at lagi siyang napupunta sa dead-end. Her prayers.
Sinapit nila ang paradahan ng mga traysikel. Kunti lang ang nasa pila dahil rush hour na. Isinuot niya ang hood ng jacket para hindi siya gaanong mamumukhaan ng mga nakakikilala sa kanya.
Sister Jhe slipped inside the next tricycle in line. Itinuro nito sa kanya ang pwesto sa likod ng driver.
"Doon ka."
"I want there beside you." He insisted. Sumampa siya at sumiksik sa tabi nito kahit masikip.
"Doon ka na kasi sa backride. Ang laki-laki mo sumisiksik ka pa rito." Itinulak siya nito.
"Dito ka na lang kaya maupo." He offered her his lap.
"Gusto mong buntalin kita?" sikmat nitong ini-amba sa kanya ang maliit na kamao. "Hindi mo nakikita iyang sarili mo kung gaano ka kalaki? Hindi ka kasya rito."
Ngumisi siya. "Alam kong malaki ako pero kakasya ako sa iyo-I mean, I can adjust myself for us." Pero nang subukan niyang umusod ay wala na nga palang natitirang espasyo. Masikip na nga.
"Oh, ano?" Muli nitong sikmat at iniwas ang namumulang mukha matapos siyang irapan.
Hindi niya ito sinubukang guluhin habang nasa biyahe pauwing kombento dahil nagdadasal na naman ito. He wanted to stop the time, stretched the day long so he could spend more hours with her. Gusto rin niyang gumawa ng kalokohan dahil alam niyang doon lang siya nito mapapansin.
"Keep the change," inabot niya sa driver ang isang libong piso, pagkahinto ng traysikel sa tapat ng gate ng campus compound.
"Salamat po, sir!" natutuwang pasasalamat ng driver.
"You're welcome." Bumaba siya, kinuha ang bag at envelope, at inalalayan si Sister Jhe. The warmth of her hands flared up his veins but paralyzing his nerves. It's a good feeling. New and erotic. Exotic so it seems. He left a gentle squeeze before letting go. Pinukol niya ng tanaw ang sasakyang nakahinto sa di-kalayuan. Must be Eddie. Nakabuntot lang ito sa kanila mula pa kanina.
"Papasok na ako. Salamat sa paghatid."
Tumango siya. Hinulog sa bulsa ng pantalon ang mga kamay. Nanatili pa rin doon ang init ng mga kamay ng dalaga. Umusad papalapit ang sasakyan at saktong nakapasok na ng gate si Sister Jhe ay huminto iyon sa kanyang tapat. Lumigid siya sa kabila, binuksan ang pinto at sumampa sa loob.
"Nagkita na pala kayo ni Lenlen." Nagsalita si Eddie mula sa likod ng manibela.
Nagsalpukan ang mga kilay niya. "What?"
"Si Lenlen ang madreng iyon. Anak nina Jerson at Jenna Quilang. Hindi mo na natandaan?"
Ang mag-asawang nagligtas sa kanilang dalawa ni Ramses. Of course, he remembered them. And Lenlen, the girl he never noticed before? Umigting ang mga panga ni Vhendice.
"Bumalik na sila ng Rio Verona, three months ago."
Hindi siya sumagot. Ikinalso ang siko sa may bintana ng sasakyan at kinagat ang daliri. Nakilala kaya siya ni Lenlen? O, baka nakalimutan siya nito. Hindi sila nagkaroon ng pagkakataong maging malapit sa isa't isa. She was there. But he ignored her. Kung hindi siya naging arogante baka may nagawa siya para wala ngayon sa kinalalagyan nito ang dalaga. Hindi sana magiging napakahirap para sa kanya ang lapitan ito at abutin.
PAGKATAPOS ng final briefing ay lumabas na ng executive building ang grupo ni Sister Jhe. Kailangan nilang makarating sa kanilang destinasyon bago mag-alas-diyes. Nagradyo kasi ang mga kapitan na naghihintay na raw sa kanila ang mga estudyante. Tatlong magkakaratig na barangay ang naka-assigned sa kanya at mayroon siyang 25 enrollees. Fifteen for elementary and ten for secondary.
"Thank you so much for providing us security, sir." Nagagalak na boses ng mayor mula sa lobby. "Hindi ko inasahan na kayo mismo ang maghahatid sa amin doon."
Umawang ang bibig niya habang pinanonood itong nakikipagkamay sa lalaking kausap. It's him again. At ano iyon? Sasama sa kanila si Vhendice? Wala ba itong matinong trabaho? Hindi ba at abogado ito?
"No problem, Charlie." His eyes slowly drifted towards her.
Nagtagpo ang paningin nila. Napalunok siya at pinakawalan ang paghingang kanina pa pinipigil. Bakit parang may nagbago na naman? Mas dumiin ngayon kung paano siya nito titigan. Mas lumagkit.
"Sister, ayon po ang sasakyan natin," pukaw ng kasama niyang guro. Si Elvie. Halata ang kakaibang excitement nito at nakahahawa.
Binawi niya ang paningin at ngumiti. Sumunod siya kay Elvie patungo sa sasakyan nila at hinamig ang sarili sa kilabot na nararamdaman. Agad binuksan ni Elvie ang bagage compartment para maipasok nila ang dalang mga instructional materials.
"Tayong dalawa lang ba ang sasakay rito, Ms. Elvie?" tanong niya sa guro habang tanaw ang pag-alis ng ibang grupo sakay ng mga van na inarkila ng munisipyo.
"Mukhang tayo lang po sister," sagot ni Elvie.
Oh no! Kinagat niya ang labi nang mamataan si Vhendice na tinutunton ang kanilang kinaroroonan. Gusto na talaga niya itong iwasan. Iyong totoong pag-iwas. Pero laging nakahahanap ng paraan ang lalaki para masukol siya.
He adjusted the dark baseball cap he's wearing. His get up like the previous days somehow is refreshing. Mellow grey heavy coat, black shirt underneath. Faded maong pants and brown boots. He can be cool at anything he wore.
"Front seat," kindat nito.
"Sa likod ako uupo-"
"Front seat or I'll give you an unlimited smoochies, hm? Would you like?" bulong nito sa kanya.
Smoochies? Did he mean kiss? Pinagpawisan ang mga palad niya.
Ang kasama niyang guro ay kinikilig na pumasok na agad sa backseat habang siya ay naiwang nakatunganga sa kanyang kinatatayuan.
Napilitan lamang siyang kaladkarin na ang mga paa dahil pinagbuksan na siya ng binata ng pinto at naghintay itong sumampa siya sa loob. Pumuputok ang dibdib niya. There seems not enough oxygen for her to breathe. When she settled on her seat,  he moved sideward and messed with her seatbelt. Saglit pa nitong tinitigan ang mga labi niya habang siya ay diin na diin na sa pagkakasandal sa sandigan ng upuan. She could smell his minty breath touching her cheeks.
Sa loob ng mahigit thirty minutes na biyahe ay parang may nakalambitin na malaking bato sa kanyang hininga. Nahuhugot niya pero bumabagsak pabalik sa kanyang baga at ang silakbo ng kaba ay hindi na nawala. Nakakapagod. This man next to her is pulling her senses like gravity.
They dropped Elvie in her assigned barangay. Gusto na niyang umangal. Naiiwan na naman siyang mag-isa kasama ang lalaki.
"Pwede ba akong lumipat doon sa likod?"
"Why? You're not comfortable next to me?" Sinulyapan siya nito.
"Oo, hindi ako komportable. Kaya pwede ba roon na ako sa likod?"
"Diyan ka lang."
"Vhendice-"
"Lenlen, right? That's the name you gave me. Kumusta na ang mga magulang mo? Hindi pa ako nakapagpapasalamat ng maayos sa kanila sa pagligtas nila sa amin ng kapatid ko."
She's dumbfounded. Unable to even move her eyelids. Ang lalaking ito ay ang Vhendice Queruben ng Rio Verona? He is that boy in the plaza?
Akala niya ulit kapangalan lang.
"You remember now?" He pulled the car over to the side of the road. "I'm sorry for ignoring you before. I maybe just too pre-occupied of finding male friends that in return I overlooked this girl who's waiting patiently in the corners."
Nilunok niya ang nakabara sa kanyang lalamunan. Ito iyon, ang binatilyo noon na naging dahilan kung bakit niya isinuko sa Diyos ang kanyang kalayaan kapalit ng buhay nito.
Ngayon alam na niya kung bakit sa kabila ng hirap na pinagdaanan niya sa loob ng kombento'y nanatili siyang matatag na nakatayo dahil ang estadong kinaroroonan ng lalaking ito, ang tungkulin na pinili nitong gampanan sa lipunan ay lubhang mapanganib. Dahil sa tungkuling iyon, anumang oras ay pwedeng bawiin ang buhay nito. Kailangan niyang manatiling tapat sa kanyang pangako.
"Ang sabi sa akin bumalik daw kayong magkapatid ng California at doon na nanirahan. Pagkatapos noon ay wala na akong balita sa inyo." Mahina niyang salaysay at mariing kinagat ang labi para mapigil ang pag-agos ng mga luha.
"We went there sometimes to check our properties. After the ambush, everything about us was erased for our safety. Pero ang totoo'y nandito lang kami ni Ram sa La Salvacion."
Tumango siya. Iniwas ang mga mata at itinuon sa labas. "Kaya pala, namumukhaan na kita noong makita kita roon sa Izubo. Pero hindi ako nagtataka kasi may mga tao naman talagang magkakamukha kahit hindi related." The liquids in her eyes are persistent and she can't hold it anymore.
"Well, I thought you intentionally ignored me." May inabot ito mula sa backseat. Isang cooler at binuksan nito.
Then he handed her a 12 oz take out cup. Naudlot ang pag-iyak niya nang manuot ang mabangong aroma sa kanyang ilong mula sa inumin na malamig.
"What is this?" tanong niyang tinikman iyon. Mula sa kanyang emosyon ay na-divert doon ang atensiyon niya.
"Cold Capuccino flat white. Do you like it?" Nagbukas din ito para sa sarili at uminom.
"Masarap," aniyang sunod-sunod na ang tikim.
Matagal siyang tinitigan ng lalaki. Tila ba pinukaw nitong muli ang kanyang mga luha. Habang umaagos ang bawat butil pababa sa kanyang pisngi ay walang tigil niyang sinisipsip ang kape.
"Two months. Date me for two months. After that, I'll set you free."
Hindi siya sumagot at lalo lang napaluha.

Comentário do Livro (47)

  • avatar
    Arlene

    Hello!!! Thank you sa pagshare ng story mo.... Galing!!! Klap Kalp!!! Sino kasunod? Excited na ako... hehehehhe... Keep it up!!! Unahin mo ung may mga asawa na sa story na to... hehehhe... Censya ka na... Demanding ba? Excited lang ako sa mga story mong gagawin.... Basta!!! Go lang ng Goooooo!!!

    20/01/2022

      0
  • avatar
    Chillxcold

    it's so good and intense,first time kong makapagbasa ng ganitong plot na madre ang babaing bida.Keep it up po author😊😊

    21/12/2021

      0
  • avatar
    Mark Dharyl Halili

    Every so often a love story so captures our hearts that it becomes more than a story-it becomes an experience to remember forever. The Notebook is such a book. It is a celebration of how passion can be ageless and timeless, a tale that moves us to laughter and tears and makes us believe in true love all over again . . .

    21/12/2021

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes