logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

The Forest Dweller

The Forest Dweller

PlumangTboli


Chapter 1

The Prologue
Sitio Sekwel
Walang imik na naglalakad si Mario sa makitid na daan patungong Sitio Sekwel (Twilight) Isang Sitio sa bayan ng Lake Sebu na makikita sa paanan ng bundok. The underbrush on the left and right sides of the road is extremely dense. Hindi man niya alam kung anong oras na. Pero sa tantiya ng bata ay pasado alas otso na ng gabi.
Kung hindi lang sa malakas na ulan kanina ay nasa bahay na siya ngayon. Alas kuwatro medya naman ng hapon ang paglabas nila sa paaralan subalit dahil sa may kasamaan ang panahon at umulan nang malakas ay nag-pasilong si Mario sa malaking tindahan na hindi kalayuan sa pinapasukang paaralan.
Tahimik na nahiling ng bata na susunduin siya ng Tatay o Nanay niya nang sa gano’n ay makasalubong niya sila sa kahabaan ng masukal na daang iyon. Sa kaaliwasan ng kalangitan yaong oras ay naghahatid ng takot sa naglalakad na si Mario. Matinis ang ingit ng mga kuliglig, and enormous bats swoop above his head enjoying the night. Ang liwanag lang ng buwan na minsa’y nagtatago sa ulap ang tumulong sa kanya upang makita ang dinaraanan niya.
Hindi niya alintana ang pumagaspas na dahon ng mga talahib na tila’y sumasayaw sa bugso ng hangin. Hindi siya tumingin kung saan-saan. Ang mga mata ni Mario ay nakapako lamang sa dinaraanan niya. Nakakapit ang mga kamay niya nang mahigpit sa pamigkis ng bag niya na hinabi sa kawayan na tinatawag nilang nef.
Kung bakit ba naman pumasok sa isip niya ang usap-usapan ng mga matatanda sa kanilang Sitio ukol sa mga nakakakilabot na mga nilalang na gumagala tuwing gabi. Ang Bong busaw o ang demonyong sumisipsip ng bituka. The terrified shrieking of the Betaku can frequently be heard by residents of Sitio Sekwel. Pero nakakaawa naman kung isang dayo ang makarinig ng tili ng Betaku. Iyon ang pamamaraang linlangin nito ang biktima.
Kung bakit naman pumapasok iyon sa isip ni Mario at ang likha ng isiping iyon ay naghahatid ng isang libo’t isang kilabot sa kanya. Paglipas ng ilang segundo ay pasidhi nang pasidhi ang takot na nararamdaman ni Mario. Binilisan niya ang paglalakad. Subalit napahinto bigla si Mario nang may narinig siyang sumipol na ‘di niya alam kung saang direksyon iyon nagmula. Tila ba’y mula iyon sa talahiban at unti-unting papalapit.
Ang pagtaas ng balahibo niya sa batok ay tumindi maging ang pagtayo ng kanyang buhok ay hindi na niya maipaliwanag. Tanda iyon na sobrang takot na si Mario.
Ilang segundo ang nakalipas at nawala na sa pandinig ni Mario ang sipol na narinig niya kanina. Pero nang muli siyang humakbang ay isang malakas na sipol naman ang narinig niya na tila’y nagbulong lang sa likod ng tainga niya.
Nagpatuloy sa paglalakad si Mario at hindi na alintana ang sipol na muli niyang narinig. Sa ‘di kalayuan ay naririnig niya ang alulong ng mga aso. Alam ni Mario na malapit na siya sa Sekwel.
Hindi niya alam kung bakit tila isa at kalahating oras siya sa paglalakad sa masukal na daan na iyon. Kung tutuusin kasi ay aabutin ng humigit-kumulang labinlimang minutong paglalakad lamang mula sa Baryo at pagbagtas ng masukal na daang iyon patungong Sekwel.
Maya maya ay biglang bumigat ang pakiramdam niya na parang may nakadagan sa kanyang likuran. Dahan-dahang naglalakad si Mario. Hindi niya alam kung bakit siya nahihilo bigla. Huminto siya sa ilalim ng malaki at matandang balete sa gilid ng daan.
Napapikit siya dahil sa matinding paninikip ng kanyang dibdib. At nang nagdilat siya ng mga mata ay nagulat siya nang makita ang babaeng nakatalikod sa kanya. Walang imik ang babae. Sa wakas ay may kasama na siya. Dahan-dahan siyang lumapit sa babae. At siya rin namang pagyapos ng balumbon ng ulap sa buwan. Matinding dilim ang naghari.
‘Yaong oras ay nakarinig siya ng kililing ng tila’y maliliit na mga kampana. Nagsasalimbayan ang kililing na iyon mismo sa likuran ng malaking balete. Isang kakaibang alimyon ang kanyang nasinghot. Pero bakit nagdudulot iyon ng tila pagkadalinsil ng kanyang diwa? Umalingasaw ang tila amoy kalawang. ‘Yong mga kililing na kanina lamang ay rinig na rinig niya ay unti-unting kumukupas.
Muling kumalas ang ulap sa buwan at muling lumiwanag ang paligid. Ang babae kanina ay humarap na sa kanya. Nakangiti ito. Nagulat siya nang napagtantong Ina niya pala iyon. Pero bakit iba ang pakiramdam niya. Maging ang mga mata nito para kay Mario ay kakaiba.
“Mario, moen ke hana ni kulékèm du?” Diyalektong Tboli na ang salin ay (Mario, bakit ngayon ka lang umuwi?) iyon ang tanong nito sa tono na puno ng pag-aalala.
Nginig ang labing sumagot si Mario. “Dey, Ye, lae kendel gulek abay se tey bong kulon.” (Malakas kasi ang ulan inay kaya hindi ako nakauwi agad.” Hindi siya nagbaba ng tingin sa maamong mukha ng ina na si Aling Sita.
May usap-usapan sa Sitio Sekwel na parte na rin ng paniniwala ng mga matatanda iyon ay ang tungkol sa isang matandang babaeng tinuring nilang dahilan sa pagkawala ng mga bata roon. Semeleng ang pangalan ng matandang babaeng sentro ng usapan ng lahat. Kaya naisip niyang baka huwad ang kaharap niya at hindi niya tunay na ina.
Napa-atras siya nang napansin niya ang pulang singsing pari na nahulog mula sa magulong buhok ng babaeng kaharap niya. Hindi niya ito Ina at batid niya iyon. Isa na namang malaking alupihan ang gumapang mula sa loob ng buhok nito patungo sa noo nito at nahulog iyon.
Kinukusot-kusot niya ang mata habang paatras siya nang paatras at nang muling harapin ang babae ay tumambad sa kanya ang kasindak-sindak na mukha nitong nangulubot at ang magulong buhok nito ay puting-puti na. Nahulog ni Mario ang metal na pulseras niya na may palawit na t’loyong (hawkbell) at hindi na niya pinansin iyon.
Napansin niyang gumagalaw ang buhok ng matanda at nang minabuti niyang tingnan iyon ay puno ng singsing pari at mga alupihan at iba’t-ibang klase ng uod at insekto ang buhok nito. Kaharap na niya ang Semeleng na noon ay sa kuwento lamang niya naririnig. Nanginginig sa takot si Mario. Ang talikuran ito ay hindi niya magawa. Hindi rin niya maibuka ang bibig upang sumigaw.
Ang isiping aalis siya roon at tatakbo ay nanatili lamang sa kanyang isipan. Hindi niya magawang gumalaw. Ginapangan siya ng sindak at kahinaan. Nanginginig ang binti ni Mario at maging ang lalamunan niya ay tuyo na rin.
Papalapit ito sa kanya at sa bawat paghakbang nito ay nahulog ang kung anumang nakakadiring kuto nito. Bago pa siya nahawakan ng matandang ‘yon ay nawalan na ng malay si Mario. Sa gabing iyon ay may nag-likha ng isang nakakatakot na hiyaw na umalingawngaw at nagpapatinding balahibo sa mga nagising sa gabing iyon.

Comentário do Livro (847)

  • avatar
    ireaderchris

    Super scary

    11d

      0
  • avatar
    NavarroMateo

    roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox hhhhhhhhhhhhhhhjjjjjjjjjjjjjjggggtttttttttttreerrdddfvhhhhhbjjjjjkjuijuytreeeghjkjytrefbnhgfhrufkjcudoej8vidjfokejdofjdkdoroejvkfojforkjrogjkfkjdkjcoejjdojfjdoofjfofkjfododcoodjfoodjfodkkffopdkdofpfkfkfofodoofofofofofofofokfodofofkfofjfjofofkfififjfifjfififojf9dkxidjjxoxoxodjdofkfkfpfjgoofkfpfkrpogofkfofoorororororororofoof

    13d

      0
  • avatar
    ConcepcionKathleen

    subrang ganda nito.

    14d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes