Matagal ang naging katahimikan sa namamagitan sa aming dalawa mula nang narinig niya ‘yon sa akin. Hanggang sa ako na din mismo ang bumasag sa katihimikan. “May sasabihin ka pa ba?” tanong ko, nilingon ko siya hindi ko inasahan na nakatitig pala siya sa akin. Bumuntong hininga uli siya. Handa na sana akong magpaalam kasi palalim na rin ang gabi. “Kung wala, I’ll go ahead. I have class pa tomorrow morning,” dagdag ko akmang tatayo na. “Wait, five minutes please,” pakiusap niya while holding my wrist. “I was just waiting for the right time to confess to you. For me, you’re already mine. I’m not sure about your feelings towards me though. I never thought that there would be someone to interfere. I was planning on how to make you fall for me. Not in my wildest dream you’ll get into a relationship that easy while I am still weighing things here on my end,” he explained. “That night I saw you with him while holding hands, it hit me big time. It was a wake up call for me that I should tell you what you need to know, what I kept here inside,” sabi niya habang nakaturo ang daliri niya sa dibdib. Hindi ako umimik, hinayaan ko siyang magsalita, naramdaman ko na puno ng emotion ang mga salita niya. “I kept here for a long time. Why I kept it within myself? Because I am afraid to hear rejection from you. I admit hindi ako marunong manligaw. Saka I was thinking baka magalit ka lang once mag confess ako,” pangungumpisal niya. “Pinagkakasya ko muna ang sarili ko sa kung saan ako dapat sa buhay mo Lui kasi hindi ko alam kung paano simulant ang lahat para sa’yo. This is my first, wala akong alam sa mga ganito honestly. Kaya I really thought you already understand me and my feelings for you. I never thought of that guy na maaagaw ka niya sa akin,” pagpapatuloy niya. “Georje, let me clarify to you that in the first place wala kang sinabi sa akin para maghintay ako at umasa sa kung kailan ka handing magconfess sa akin sa nararamdaman mo. You know what honesty, ang gulo mo. Kasi okay ka ngayon pero bukas makalawa wala hindi ka magpaparamdam. Tapos, hindi ko na alam kung kailan mo balak ulit magparamdam ulit. Kaya kailan hindi mo ako naging pag aari. Ako lang ang may-ari sa sarili ko. Oo, nagkagusto ako sa’yo pero hesitant akong iparamdam at ipakita kasi ang gulo ang hirap mong maintindihan. Nakakatakot. Baka aasa lang ako sa wala,” bwelta ko sa kan’ya habang umiiyak, hindi ko na napigilan pa na biglang bumuhos ang emotion ko. Matagal ko na kasing kinikimkim ang latat nang ito, idagdag mo pa ang konsensya at awa na dala-dala ko tungkol kau James. Ang hirap din ng sitwasyo ko baka akala mo lang. “Sorry, sorry… I didn’t know that is what you feel all these time. If I only knew,” sabat niya. “How? How would you know kung hindi ka naman nakikipag-usap sa akin ng maayos? Ako lang naman itong si tanga laging nanghuhula ang malala pinapaasa ko pa talaga ang sarili ko kahit wala naman akong kasiguraduhan kung ano ang susunod na mangyayari!” dagdag ko. “Kasi hindi ko alam kung paano mag open up sa’yo. Nilalamon ako ng kaba,” reklamo niya. “Saan ba talaga papunta ang usapan na ito? Baka abutin na lang tayo ng umaga dito pero wala tayong marating. Kung wala ka ng sasabihin pwede bang mauuna na ako. Pagod na din kasi ako eh,” napipikon kong sabi. Nakakapagod na din. Eto na nga ako oh! Ako na ang naunang nagsabi hindi pa rin ba niya gets? Kakaloka na! Ayaw ko na ang hirap din pala ng ganito katorpe ang kaharap mo. “Just a second please?” pakiusap niya. “May sasabihin ka pa?” inis kong tanong. “I just wanna ask you something,” mahina niyang sabi. “Fire away!” I answered. “Would you say yes if I ask you to be my girlfriend?” tanong niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Naghihintay kung ano ang isasagot ko. “Aba! Napakasigurista mo naman yata! ‘Yan agad ang tanong mo ni hindi ka man lang nanligaw?” pagmamaldita ko. Pero aaminin ko naiinis ako na kinikilig din at the same time. “Sorry as I’ve said hindi ako marunong manligaw. I ask you directly instead baka kasi may mang aagaw na naman,” nahihiya niyang sabi sabay nakayuko na para bang may nagawang kasalanan. Natawa na lang ko kahit may konting inis na nararamdaman. Hindi man sweet ang nangyari tulad ng mga pinangarap ko at sa mga nabasa ko sa mga novel books pero okay na din ito, nagkalinawan naman na. Baka babawi naman ito pag kami na. “Ikaw!” sabi ko sabay pingot sa ilong niya. “Last mo na ‘yan ha! Hindi ka na makakaulit sa akin. Para kasing hindi ka naman nakakaramdam ng sweetness sa katawan, alam mo ‘yon? Ang hirap mo talagang basahin,” pagrereklamo ko. “That’s not the answer of my question Lui!” reklamo niya. “Impatient! Nakaka-turn-off ka na,” pag iinarte ko. “I’m serious Lui. It’s not easy to gather courage just to say all those worlds in front of you while fighting the nervousness that I felt. I felt like anytime my legs will give up,” napipikon niyang sabi. Natatawa na talaga ako, pilit ko mang pinipigilan pero hindi na talaga eh may konting takas talaga sa pagmumukha ko, kaya parang mas lalo siyang napikon kasi parang feeling niya hindi ko siya siniseryoso. Tinaasan niya ako ng kilay habang nailing ako at napipigil sa tawa ko. “What?” tanong niya ulit. “Fine. You’re making fun of me!” pagmamataktol niya. Pikon na talaga siya, namumula ang mukha niya. “Okay. I’m sorry. Seryoso din naman ako. It’s just hindi ko lang akalain sa’yo na ganito ang maririnig ko. Kakaiba ka pala manligaw,” paliwanag ko. “Why? What’s wrong. I just did what I have to do!” he defended himself. “Wala. Sige na oo na. Okay na,” sabi ko saka pinisil ko ang kamay niya habang nakangiti ako sa kan’ya. “You mean? Tayo na?” he asked. “Bakit? Ayaw mo? Sige ‘wag na madali naman akong kausap,” pang-aasar ko ulit. “Stop it! Wala nang bawian,” reklamo niya tapos niyakap ako ng mahigpit. “Thank you I thought I’ll lose you,” bulong niya habang yakap niya ako. “Okay ka na ba?” p’wedeng uwi na tayo kasi late na talaga baka ilolock na nila ang gate kasi baka akala nila hindi ako uuwi ngayon,” paliwanag ko. Agad naman siyang tumango at hinawakan ang kamay habang naglalakad kami papuntang apartment. Umalis na din siya kaagad pagkapasok ko sa gate. Pareho kaming tahimik. Thank you at bye lang ang huling nasabi namin sa isa’t-isa. Morning came, as usual nagising ako sa ingay ng alarm clock. After ng morning routine, ready na ako para pumunta ng school kasabay ko si Nika kasi pareho kami ng time sa first subject namin every TTH. Naging maayos ang mga araw ko sa pagpasok sa araw-araw ninanamnam ko ang bawat araw na hindi pa hectic ulit ang schedule ko. Hiningi ni Georje ang schedule ko at binigay niya din ang sa kan’ya. Wala pang may alam na kami except sa dalawang anino niya sila Ali at Jed. Tatlo silang sabay sumusunod sa akin at kumain bago kami maghihiwalay para umuwi. Balik sa pagiging hectic ang schedule ko kasi balik na kami sa exposure wala naman naging problema kasi I already explained to Georje kung anong klaseng buhay meron ako. Minsan pag nakikita niya ako sa labas ng campus usap lang kami saglit, alam niya kung oras ang labas ko at kung saan ako madalas dumadaan kasama ang mga group mates ko. So far, sila Mitch, Zette and the rest of my group mates knows about us kasi sila ang madalas kong kasama at naipakilala ko na sa kanila. Nasabi ko na din kay Georje na naghahanap lang ako ng right time para masabi sa kanila VM, honestly hindi pa ako handa kasi hindi ko alam kung ano ang maging rason nila. Sandali lang kasi ang time na nagkahiwalay kami ni James and’yan agad si Georje. Okay lang naman din kay Georje. Besides hindi ko pa siya mainvite sa apartment kasi super late na ang uwi ko saka di naman kami palaging nagkikita at nagkakasama din. Weeks have past, the moment that we have been waiting for has finally came. Na-comply na namin ang number of hours na required sa exposure namin. Nakaikot na kami sa iba’t-ibang tv stations, fm and am radio stations and sa mga publishing house ng mga daily and tabloid papers. Nakakapagod man pero na-enjoy din namin ang moment na ito and at the same time madami kaming natututunan na hindi namin natutunan sa theory. Ang sarap sa feeling kasi adventure everyday hindi mo kasi alam kung ang p’wedeng mangyari sa araw na ito. Ito ang pre-requisite namin para sa OJT namin starting sa 1st semester ng 4th year namin hanggang sa second semester. Kaya I decided na medyo lie low muna ako sa dance troupe kasi mas magiging busy na kami since magkasabay ang OJT saka ang preparation namin para sa Educational Tour namin sa Cebu for a month, our final project before kami sasalang sa comprehensive exam instead of thesis. Ito ang pinaghandaan ko talaga ng bonggang-bongga kaya tiniis ko ang laging full load ng units per semester at advance during summer, para pagdating ko ng 4th wala na akong isipin pang ibang subject. Para less pressure and stress. Parang kailan lang ‘nung nagkalinawan kami ni Georje sa mini park at naging kami. Before the semester ends nakuha ko na ding naipakilala si Georje sa kanila VM at sa iba ko pang kasama sa apartment. I expected the worst kasi alam kong mas gusto talaga si James for me than Georje. And speaking of James, unexpectedly, he invited me on his graduation, inabangan talaga niya ako para ma-invite ng personal. Nakaka-overwhelm kasi I never thought that he’ll treated me like nothing happends malayo pa actually pero sabi niya maigi daw na maaga niya akong masabihan para mai-mark ko na raw sa calendar ko organizer. Alam niya kasi na nakalagay sa calendar ko sa organizer ang mga things to do ko. Lagi niya kasing tinitingnan dati sa tuwing nagkikita kami. Natutuwa daw siyang tingnan ‘yon first time daw kasi siyang nakakita ng ganoon, akala niya ginagamit lang ‘yon sa office. Naging normal din ang treatment sa akin ng mga kasamahan namin sa org, kahit si AC na bestfriend ni James normal lang din mapang-asar pa din kaya wala akong kawala lalo na kapag naabutan niya ako sa bahay. Miminsanan na lang kasi kami nagkikita kahit sa school. Kaya madami silang lakad na hindi na ako nakakasama kasi si Georje ang kasama ko. Madalas kaming dalawa na lang, wala na ang dalawang anino niya para magkaroon daw kami ng privacy. Major adjustment ang nangyayari sa amin ni Georje, madalas kami nagtatalo sa time, kasi lagi siyang super late sa oras na usapan namin. ‘Yung akala ko hindi na kami matutuloy o hindi na siya darating saka naman siya nagpapakita, kaya lagi akong nauurat sa kanya 'di biro ang maghintay ng 2-3 hours. Eh ako pa naman ang taong sobrang time concious na namana ko sa papa ko. Ganoon kasi kami pinalaki, bawat minuto pinapahalagahan, sinanay din kaming ‘wag ma-late sa mga pupuntahan, mas maiging mas maaga kang dumating at ikaw ang maghintay basta hindi ikaw ang magpapahintay. Mabilis din kasi magkikilos, sandali lang akong maghahanda kung may lakad. Nakakalabas ako ng bahay or apartment na walang kahit polbo sa mukha, minsan pa kamay lang ang ginagamit ko sa pagsusuklay ng buhok habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep or maghihitay ng cab basta nagmamadali na ako. Hindi kasi ako maarte sa katawan at sa pananamit lalo na sa pagkain. Mas gusto kong simple lang. Hindi ko bet ang maraming kaartehan sa katawan. I wear make up but occationally. Hindi lang talaga ako ‘yong tipong babae na girly magkikilos at manamit, but I am a certified girl/lady. My relationship with Georje isn’t perfect, as days went by, mas nakilala namin ang ugali ng isa’t-isa. Palagi kaming nag ca-clash lately but we got it settled naman din. Sa aming dalawang ako ang very vocal, siya naman ‘yong kahit sapakin mo wala kang halos marinig sa kan’ya kaya mas lalong nakakapikon. “Bakit ngayon ka lang?” tanong ko agad habang papalapit pa lang siya. Nandito ako sa labas ng campus naghihintay sa kan’ya kasi tumawag siya kanina na susunduin daw niya ako after class niya 5pm daw kami magkikita dito sa may tapat ng gate ng school. “Sorry kasi may tinapos pa kami ng group mates ko para sa isang major subject ko,” paliwanag niya na may konting ngiti. “Sana man lang hindi ka na nagsabi ng 5pm kasi kanina pa ako rito na parang tanga nakatayo ng dalawang oras. Anong oras na oh past 7pm na hindi mo man lang naisip na may naghihitay sa’yo? Sana next time be responsible naman. Ano ba naman ‘yong labasin mo ako saglit para malaman ko para hindi ako nagmumukhang tanga dito!” pagrereklamo ko. “Sorry na. Promise ‘di na mauulit. Tara na kain tayo gutom na ako eh pero ikaw muna ha kasi na short ang allowance ko eh,” sabi niya. Hay bakit ba kasi hindi ko siya matiis? Ngayon ko lang nadanasan na ako ang madalas na nagbabayad sa kinakain namin pero okay lang, mahal ko eh, kaya okay lang. “Tara na nga!” sabi ko habang diretso ang lakad papunta sa sakayan ng jeep. Pagkauwi ko sa apartment lahat ng tao tutok sa paggawa ng mga projects, requirements paano kasi ang final weeks na namin two weeks from now. Kan’ya-kan’yang abala sa mga dapat matapos lalo na si AC at saka Yara kasi silang dalawa ang mauunang ga-graduate sa amin. Ako, si VM at Nika naman ang magka-batch. Pagkabihis, nanatili ako para gawin din ang mga kailangan kong tapusin. Saka nag-review din para sa long quiz ko isa a minor subject ko. Kahit naman marami kaming kalokohan pero pagdating sa pag-aaral seryoso kami dahil pare-pareho kaming iniiwasang bumagsak sa isang subject, kasi hassle ‘yon dagdag gastos pa. Panigurado sasabunin at ikukula pa ng mga magulang namin kapag nagkaganoon. Days past so quickly, final week na, ilang araw na din kaming hindi nagkita ni Georje kasi nagre-review ako saka agaw oras din ang mga ginagawa namin ng mga ka group mates ko para sa mga finalization para sa mga group projects/group works. Sa mga ganitong pagkakataon sleepless nights ang karamihan sa amin. Si VM sobrang busy na din sa mga exposure nila sa mga mental hospital since Psychology ang program niya. “VM, kumain ka muna? Kakauwi mo lang?” tanong ko pagkapasok ko nakita ko kasi siyang nakatulala sa kawalan. “Hoy! Ano ba? Ang lalim naman yata ng iniisp mo!” sabi ko habang kinakalabit ko siya. “Huh?” tugon niya. “Tinanong kita kng kumain ka na ba? Saka kakarating mo lang ba? Pero parang hindi mo naman ako narinig kaya kinalabit na kita,” paliwanag ko. “Ah, eh, sorry pagod lang,” maikling sagot niya. “Galing kang exposure?” tanong ko habang papuntang kusina para kumuha ng tubig nakakauhaw ang init sa labas. Nag-jeep lang kasi ako, saka ‘yon naman madalas ang sinasakyan ko maliban lang talaga kung nagmamadali ako, wala nang choice kung hindi cab na. “Hindi. Sa school lang kami tapos na ang exposure namin 2 weeks ago,” tamad niyang sagot. Pagkabalik ko malapit sa kan’ya bitbit ang dalawang basong may tubig binigay ko sa kan’ya ang isa, saka umupo ako sa tabi niya. “Oh, eh bakit parang sobrang tamlay mo yata? May nangyari ba? Anong problema?” sunod-sunod kong tanong. “Lui, may sasabihin ako sa’yo pwede bang sa atin lang ‘to?” matamlay niyang sabi na nakatitig sa akin. “Oo naman. Alam mo namang maasahan mo ‘ko sa mga gan’yang bagay.” Sabi ko. “Kasi nag away kami ni David, nakakainis kasi hindi niya ako maintindihan,” reklamo niya. “Sus! Ngayon pa talaga kayo nag-away kung kailan finals natin. Ano bang pinag-awayan niyo kasi?” tanong ko. “Eh actually, maliit lang naman talaga. Hindi lang kami nagkasundo kanina sa kung ano ang kakainin namin sa lunch. Gusto ko kasing pumuntang mall dahil ang haba naman ng break ko. Kaso ayaw niya kasi hindi daw siya p’wede dahil may exam siya after lunch baka daw magahol sa time. Tapos sabi ko ako na lang ang pupuntang mall kasi gusto ko ma-relax saka may craving ako. Eh, ayaw naman niya akong payagan kung wala akong kasama. Parang tanga lang!” inis niyang sabi. “Tapos?” tanong ko. “Nawalan tuloy ako ng ganang kumain. Hindi ko siya sinamahan sa cafeteria, tapos ang nakakainis pa kasama niya ang mga tropa nila ang mga babae naman parang linta kung makadikit. Tapos parang wala lang sa kan’ya ang nangyari sa amin, ni hindi man lang siya nag-alala na hindi ako nakakain ng lunch panay lang ang tawanan nila habang magkakasama. Nakita kasi ni Fritzy at Shadz na galing din sa cafeteria. Tapos tinanong daw nila kung nasaan ako, ang sagot hindi daw niya alam kung nasaan ako,” mahabang paliwanag niya na naiiyak na. “Ay baka naman kasi ayaw niya lang ipahalata na may problema kayong dalawa kaya ganoon,” sabi ko. “Hindi eh, even after exams alam ko kaya kung anong oras ang last subject niya. Akala ko nga hinihintay niya ‘ko sa may lounge pero hindi pala, kasi tumambay pa kami saglit doon ng mga classmates ko after exams pero hindi ko naman siya nakita. Nandoon pa nga sila kuya,” pag aapila niya. “Hayaan mo na lang muna, palipasin mo lang muna ngayon. Malay mo bukas maaga ‘yon dito di ba? Siguro wala lang din ‘yon sa tamang hulog kaya kayo nagclash na dalawa. Pero I’m sure maayos niyo ‘yan, takot niya lang sa kuya mo pag nagkataon,” explained ko naman. “Eh paano kung hindi siya darating bukas anong gagawin ko?” naiiyak pa din niyang sabi. “Hay naku! Ikaw talaga, ‘wag muna kaya ‘yan ang isipin mo. P’wede bang kalimutan mo muna kahit ngayon lang ang sa inyo ni David, para makapag aral ka sa para sa exams mo bukas. Saka ka na mag isip ng tungkol sa inyong dalawa after ng exams natin,” pagsesermon ko sa kan’ya.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
jhgffdfioojggf
17/11/2024
0so fantastic
22/06/2024
0nice
06/06/2024
0Ver Todos