logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 12

Kinaumagahan hindi ako agad bumangon para bumaba para mag breakfast kahit rinig ko mula sa kwarto ni VM na gising na sila at kumakain. Sinadya kong ‘wag munang bumaba dahil ‘yon ang pakiusap sa akin ni James na kailangan hindi na kami magkita bago sila o siya makaalis. Mabuti na lang si VM tulog pa din sa tabi ko, mga thirty minutes after no’ng pag akyat ko kagabi sumunod din kasi si VM dahil inaantok na daw siya at pagod na nagrereklamong tipsy na din daw siya. Ayaw niya daw magpakalasing kasi masakit daw sa ulo ayaw daw niyang sumalubong sa bagong taon na may hangover pa. Hindi na ako nakatulog ulit nakikinig lang ako sa ingay mula sa ibaba. Nanatili lang din akong nakahiga. Hindi nagtagal naramdaman kong nagising na si VM sa tabi ko kasi nauna siyang nagsalita kahit nakatalikod ako sa kan’ya.
“Lui, may problema ba kayo ni James?” bungad niya pagkagising. Ito na ‘yong isa sa pinaghandaan ko alam kong kailangan ko din kausapin si VM bago ako uuwi mas mabuti kasing ngayon pa lang sa akin niya mismo marinig ang lahat na dapat niyang malaman.
“Problema? Siguro, oo problema nga ‘yon,” mahinang kong sagot.
“Bakit? Ano ba ‘yon?” tanong niya.
“Gusto ko lang itama ang mga pagkakamali ko sis, as much as possible ayaw kong makasakit ng tao. Naisip ko kung hindi ako gagawa ng paraan na Maitama ang mga mali kong nagawa magpapatuloy siyang mali at maging cause lang ng mas malaking problema,” paliwanag ko.
“What do you mean sis?” curious niyang tanong.
Kinakabahan man mahinahon ko pa ding nasabi sa kan’ya lahat at naipaliwanag ng maayos sa abot ng aking makakaya ang lahat nang napag usapan namin ni James kagabi, naikwento ko sa kan’ya ng buong-buo.
“VM, maintindihan ko kung magagalit kayo sa akin ngayon dahil sa ginawa ko. Aminado naman akong nasaktan ko talaga si James sa mga nangyari sa amin. Gaya ng sabi ko I’ll take all the blame. It’s really my fault. Sorry. Sorry talaga,” dugtong ko sa kwento ko sa kan’ya tungkol sa mga pinag usapan namin ni James.
“Wala akong problema kay James sa totoo lang. Kung p’wede ko nga lang na turuan ang puso ko na ibaling na lang sa kan’ya itong nararamdaman ko ginawa ko na. Mabait si James, maalaga saka nag enjoy ako na kasama siya. Marespeto din siyang tao. Kaya lang hindi naman kasi sapat ang lahat na ‘yan kung nasa ibang tao nagmamahal ang puso ko eh. Napaka unfair naman yata kay James, kung ipagpapatuloy ko pa rin ang kung meron kami kahit alam ko ang toto na hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya para sa akin. Nakakapanghinayang honestly, pero naawa at sobra na akong kinakain ng konsensya ko sis. Hindi niya deserve ang isang tulad ko. Sana maintindihan mo ang point ko,” dugtong ko.
Hindi siya kaagad sumagot. Nakatingin lang siya sa kisame, parang ang lalim ng kan’yang iniisip. Hindi na ako nagsalita pa ulit. Hinayaan ko lang na ang katahimikan ang maghari sa pagitan naming dalawa. Ilang sandali pa bumangon na ako at naghanda para maligo, nanatiling tahimik si VM. Pagkatapos kong maligo at makapag bihis hindi na ako nag alangan na bumaba. Nauna nang bumaba si VM sa akin kasi wala na siya pagkalabas ko sa bathroom. Bumaba ako na dala dala ko na ang bag ko para diretso na akong magpaalam pagkatapos kong kausapin si AC. Oo bilang bestfriend ni James at number fan namin ni James kakausapin ko muna siya bago ako tuluyang uuwi sa amin.
“Morning po mama,” agad kong bati nang makita ko si mama sa kusina may ginagawa.
“Gising ka na pala Lui, kumain ka muna bago ka umuwi,” sagot niya.
“Opo ma, hanapin ko lang saglit si AC saka si VM,” sagot ko.
“Hay naku! Hayaan mo na si AC, kumain na ‘yon. Si VM naman may tinapos lang iligpit sa labas. Sabay na kayong kumain noon,” paliwanag niya.
“Sige po ma, tulungan ko lang po si VM,” saad ko at tuluyang lumabas.
Pagkalabas ko nakita si VM sinasalansan ang mga bote at binubukod ang mga basura. Kahit hindi ako sigurado kung okay ba kami o galit ba siya sa akin, agad na akong lumapit at tumulong ng tahimik, pinapakiramdaman ko lang si VM.
“Lui, ako na nito. Patapos naman na ako eh, madumihan ka pa nakaligo at nakabihis ka na kaya,” sabi niya.
“Okay lang para sabay na tayong magbreakfast, sabi ni mama hindi ka pa raw kumakain,” sagot ko naman agad. Medyo nahimasmasan ako kasi parang normal lang ang pakikitungo niya sa akin. Akala ko kasi talaga magagalit siya sa akin eh. Though hindi pa rin ako 100% comfortable kasi kailangan mag usap pa kami ulit ni VM bago ko masigurado na talagang okay lang siya sa akin. Isa na lang ang inaaala ko ng lubusan si AC.
“Hay naku! Ang tigas talaga ng ulo mo Lui kahit kailan!” reklamo niya.
“Sus! Ayaw mo pa niyan mas mabilis kang matapos saka sabay pa tayong kakain ng breakfast. Next year na ulit tayo magkikita mamiss mo ko ako,” pagbibiro ko.
“Shunga bukas ng gabi New Year naman talaga saka ilang araw lang magkasama na tayo ulit panis na yang banat mo!” bwelta niya. Sabay kami nagkatawanan na dalawa. Malaking kaginhawaan ang naramdaman ko sa nangyari sa amin ni VM, gumaan ang loob ko.
Patapos na kaming kumain ni VM nang nagsalita siya.
“Okay lang ako, salamat kasi sinabihan mo ako. Kahit p’wede naman na hindi mo ako sabihan kasi sa inyong dalawa lang naman talaga ang bagay na ‘yan pero mas pinili mo pa ring sabihin sa akin. Saka mas okay na din ‘yong ginawa mo dahil nagkausap kayo ng masinsinan. At least malinaw sa inyong dalawa ang lahat, naintidihan kong hindi rin madali sa’yo ang mga nangyari,” mahaba niyang sabi.
“Thank you, sis!” saad ko na may malaking ngiti.
“’Okay na kahit hindi mo na kausapin si kuya ako na lang magsabi. Baka hindi pa ‘yon makakauwi galing sa paghatid sa kanila sa sakayan ng bus kasi dadaanan pa yata ‘yon kina Sheng alam mo naman ‘yon sobrang inlove sa girlfriend niya,” paliwanag niya.
“Oo nga noh! Ang swerte nga nila sa isa’t-isa eh, ang sweet saka nakakinggit high school sweethearts tapos ngayon patapos na sila pareho ng college sila pa din,” kilig kong sabi.
“Wish ko na din na sana kami na ni David hanggang sa huli. Ang sweet kasing pakinggan na ang first boyfriend mo ang siya na ding magiging last boyfriend mo tuloy-tuloy pa sa pagiging mag-asawa,” dugtong niya.
“Oo naman, possible naman mangyari ‘yan. Saka nasa sa inyo naman ‘yan kung paano niyo aalagaan ang isa’t-isa maging ang relasyon ninyong dalawa. Nakikita ko naman na mahal na mahal ka ni David saka maalaga din naman siya sayo,” sabi ko.
“Oo nga nand’yan na tayo kaso hindi naman maiwasan minsan na nag aaway kami kasi may mga bagay na hindi namin nakakapagkasuduan,” sagot niya.
“Part naman ‘yon talaga sa pagiging magboyfriend at girlfriend. Ang maganda sa inyong dalawa kaagad naman ninyong naayos ang hindi ninyo pagkakaintindihan,” pagpapatuloy ko.
“Madalas siya ang nag iinitiate, sa aming dalawa masasabi kong siya ang mas matured bukod sa 2 years older siya sa aming dalawa matured talaga siya mag isip,” kwento niya.
“Maganda nga ‘yon kasi siya ang lalaki siya naman talaga ang magdadala sa relasyon ninyo. Parang si James lang din, kahit hindi naman nagsimula sa ligawan ang sa aming dalawa masasabi kong nagpapasalamat ako kasi siya ang magtured at siya ang nagdadala ng relasyon naming dalawa lalo na’t siya pa ang una kong naging boyfriend. Kaya masabi kong ang swerte ko kaya lang kabaliktaran naman siya sa akin,” malungkot kong sabi.
“Lui, alam ko namang kung may choice ka lang at kung may maggagawa ka lang na paraan hindi mo siya sasaktan eh. Gets naman talaga kita sis. Pero tama ka naman eh, mahirap turuan ang puso kung sino ang mamahalin. Mabuti nga ‘yon habang maaga pa naitama mo na ang mga pagkakamali mo. Saka ang tapang mo kasi kaya mong aminin at akuin ang mga pagkakamali mo.”
“Hindi nga ako makapaniwala noong unang narinig ko ang kwento nila AC at Sheng eh, honestly wala kasi sa pagmumukha ni AC maloko kasi akalain mong seryoso pala pagdating sa relationship dinaig pa tayo,” natatawa kong sabi.
“Naku hindi lang naman ikaw ang hindi makapaniwala eh pati din kaya kami, kasi nga maligalig, alaskador saka pasaway kanila mama at papa kaya sinong mag aakala na isang tulad ni kuya na may long time girlfriend pala!” natatawa ding dugtong niya.
Hindi nagtagal nagpaalam na din akong umuwi, tama nga si VM nakaalis na ako sa kanila hindi pa din umuuwi si AC panigurado nagpunta ‘yun kanila Sheng. Hay mabuti pa sila maswerte sa relasyon nila. Walang problema at hindi complicated.
Busy kaming lahat dito sa bahay para sa paghahanda para sa Medya Noche. Time flies so fast, kailan lang nag exams pa kami tapos nag-celebrate ng Christmas Festival tapos ngayon patapos na naman ang Christmas break. Malapit ko na din makikita si Georje, kasi ang plano ko tatawagan ko siya pagbalik ng pasukan para makapag usap kami. Excited na ako sana lang hindi pa huli ang lahat. Matagal ko din kasing iniiwasan siya, ayaw ko kasing magkita kami dahil mas lalo lang akong maguluhan. Kaya mas inuna kong ayusin ang mga nagawang kong pagkakamali para wala na akong isipin pa paghaharapin at kakausapin ko na siya. Wala nang dahilan para mag aalangan ako sa magiging decision ko kung anuman ang magiging kahihinatnan sa magiging pag uusap namin ni Georje.
Excited at kinabahan ako at the same time pagkabalik ko sa apartment lalo na sa school. Kasi naalala ko ang mga sinabi sa akin ni James na dapat umiwas ako pag nakita ko siya sa malayo pa lang para hindi kami magkasalubong. Nag alala tuloy ako kung ano kaya ang nangyari sa kan’ya? Malungkot pa rin kaya siya? Sinabi niya kaya sa kanila sa mga barkada niya? Paano kaya niya sasalubungin ang bagong taon kung malungkot pa rin siya. Di ko maiwasang makonsensya at maawa sa kan’ya dahil nasaktan siya dahil sa akin. Sana makahanap siya ng babaeng magmamahal sa kanya nang kapantay o higit pa sa maibibigay niya. Deserve niya ang maging masaya at mahalin na totoo. Mabuti siyang tao, nakakapanghinayang ang kabutihan na ipinakita niya pero hindi sapat ‘yon para manatili kami sa isang relasyon nanag umpisa sa mali. At hindi ko kayang masuklian ang kan’yang nararamdaman sa akin.
Hinahanda ko na din ang sarili ko sa maaring marami ang magagalit sa akin sa mga kaibigan nil ani AC at maging si AC dahil sa ginawa ko sa kaibigan na kanilang pinapahalagahan. Tatanggapin ko ang kung ano man ang kanilang gustong sabihin sa akin kahit pa masakit dahil hindi naman masasaktan ang kaibigan nila kundi dahil sa akin.
Araw ng Sabado, nag umpisa na akong magligpit ng mga gamit na dadalhin ko pabalik sa apartment dahil bukas babalik na ako sa buhay sa syudad at pagiging buhay studyante. Tinawag ako sa baba dahil may naghahanap daw sa akin sa landline, napagalitan pa ako kasi gabi na daw kung tumawag. Aba! Malay ko ba kung sino ang tumawag ang kung bakit ngayon kung gabi na saka naman tumawag sa akin.
“Hello?” bungad ko pagkalapat ng telepono sa tenga ko.
“Hello, Lui si Ali ito gusto ka raw makausap ni Georje andito siya ngayon dito sa bahay,” sabi ng boses sa kabilang linya, na datin kong kaklase elementary at kaibigan ko hanggang ngayon.
“Teka bakit daw? Ali, hindi ako pwede magtagal namakikipag usap dito kasi napagalitan ako. P’wedeng sa Monday na lang kamo, anyway bukas babalik na din naman ako sa apartment eh,” pabulong kong sabi kasi nasa malapit ang mother earth nanonood ng tv nakasimangot.
“Ah ganoon ba, sorry ah sige sa Monday na lang,” mahinang sabi niya.
Ayon pagkatapos kong maibaba ang telepono sangkatutak na interrogation ang natanggap ko kay mother earth saka may bonus na sermon. Hay life! Wala na talaga akong nagawang tama sa bahay na ito. Pag hindi naman ako ang gumamit ng telepono wala naman akong narinig na nagtatalak siya tungkol sa telephone bill. Sige opo! Ako na po ang pabigat sa ekonomiya dito hayaan niyo pagkatapos ko mag aapply po agad ng trabaho at hindi po ako dito titira para wala na pong problema sa pagmumukha ko. Kaloka! Kaya nga ba mas gustuhin kong doon na lang sa apartment o di kaya makiki-sleep over kanila Mitch eh kasi masaya ako. Hindi ako hinahanapan ng butas sa bawat kilos ko. Nahihirapan akong huminga sa bahay na ito, si bunso at ang ate lang kasi ang magaling at matalino. Mabuti pa sila mga kuya mo maganda na ang buhay sa ibang bansa dahil nagsikap. Ay nagsikap din po naman ako kaya lang po, ewan ko po kung ano ang dahilan kung bakit hindi niyo makita ang mga ginagawa ko?
Kinabukasan araw ng linggo, hindi na ako nagpaabot pa ng tanghalian maaga akong umalis para makahinga ako ng maayos. Dala ko na ang lugguage ko saka ang duffle bag ko. Para akong mag-aabroad sa dami ng dala ako. Nilimas ko din ang ibang groceries kasi wala naman sila. Umalis may pupuntahan daw kaya Malaya akong nakapanguha ng mga can goods pati iilang frozen foods sa ref hehehe. Okay lang masabihan ako ng masama ang importante busog ako. Ang allowance ko naka atm kasi kaya walang problema kuya ko kasi ang nagpapadala. Kaya monthly ang hulog niya sa bank account ko pero mas maigi pa din ang madami akong stocks na pagkain para sure na hindi ako magugutom. Minsan kasi tinatamad akong pumuntang banko para magwithdraw kaya hindi maiwasang nagigipit ako minsan dahil wala akong hawak na cash. Hindi naman kasi ako nagwiwithdraw ng malaki kung magkano lang ang kailangan ko ‘yon lang para safe. Saka hindi ko rin lagi dala ang atm card ko natatakot akong mawala ko.
Ang hirap ng bumiyahe mag isa dahil wala akong katulong magbuhat ng mabigat kong lugguage, hindi tulad nung pag uwi ko kasi noong nakaraan nand’yan sila James, David at AC na tumulong sa pagbubuhat ng mga dala ko. This is the reality, mag isa talaga ako at kailangan kong tanggapin na ito talaga ang buhay ko. Hindi na ako nagdalawang isip na mag cab papuntag apartment dahil kung mag jejeep ako mas lalo lang akong mahirapan dahil sa bigat ng mga dala kong mga gamit ko.
Pagkababa ko sa tapat ng gate ng unit namin.
“Thank you, Lord! Nakarating na rin ako sa wakas!” sabi ko sabay nag uunat ng braso ko.
Hinanap ko muna ang susi ko sa pocket ng back pack ko para mabuksan ko na ang gate at makapasok. Nakalock pa kasi pihadong ako ang naunang dumating sa aming lima. Saglit lang nang makapasok ako, nagpahinga muna ako dahil sa pagod maya mayang konti ko na aayusin ang mga dala ko. Tapos saka ako kakain hindi naman na ako magluluto kasi may dala akong mga ready to eat na iinitin ko na lang. Bukod pa doon sa mga kinuha kong groceries sa cupboard at sa ref namin. After lunch naisipan kong tawagan si Georje para mamayang hapon p’wede kaming magkita at magkausap kung free siya. Kung hindi naman ay bukas o sa isang araw. Wala naman kaming mga dance practice na naka-schedule maliban lang kung may biglaang invitation.
Habang abala kako sa pag aayos ng mga gamit sinasabayan ko ang music na piniplay sa cassette player na mga kanta ni Tina Arena na ‘Not For Sale’.
Here we are
Face to face
Who would have ever believed we could
End up in this place
You and I
We've come so far
And darlin' though
You're amazed
That I keep on loving you more everyday
But there's something I want you to know
Even if all my dreams should come true
Even if I should fail
I made you a promise
So don't you worry
This soul is not for sale
Not for sale
You're the one
When it rains
Who I can run to for cover
And comfort from my pain
And bloom like a rose in your sun

Wala akong pakialam kahit sintunado ako, ako lang naman mag-isa pa baka mamaya pa ang dating nila. Sila VM at AC malamang gabi pa ‘yon kasi ihahatid kasi ang dalawang ‘yon na lagi naman talagang nangyayari. Si Yara naman bukas pa ‘yon ng umaga kasi susulitin pa noon ang bakasyon. Wala naman kasi siyang pasok sa umaga after lunch pa ang first subject, konti na lang kasi ang load noon graduating na ang luwag pa ng schedule kasi tapos na din ang OJT noon.
And we hold on
To what is real
Not willing to sacrifice this love that we feel
‘Cause we know where our joy comes from
Hindi ko na natapos ang pagkanta ko nang may napansin akong nagbukas ng pintuan, agad akong tumayo para icheck kung tama ba ang hinala ko na si Nika ang dumating.
“Lui! Happy New Year!” Kumusta ang bakasyon mo? Na miss ko kayo,” salubong niya sabay nagyakapan kami.
“Happy New Year sis! Na miss din kita! Same old,” walang buhay kong sagot. Alam kong gets niya kung ano ang ibig kong sabihin.
“Well, what’s important is you chose to be happy and you’re happy with what you’re doing,” saad niya.
“Absolutely! Anyway, since nandito ka na may makakasama na akong kumain iinitiin ko lang ang pagkain tapos sabay na tayo,” sabi ko.
“Sure thing. Saglit ilalagay ko lang tong mga dala ko sa room tapos bihis lang din ako. I’ll be quick!” sagot niya.
Magana kaming kumain habang nagkukwentuhan, nasabi ko na din ang mga nangyari sa akin noon Christmas break including sa naging usapan namin ni James noong birthday ni VM. Pati ‘yong pag iwas ko sinabi ko na din para mas magaan sa feeling. I’m so thankful, and grateful that Nika understands me. She agreed to me sa ginawa kon pagtatama sa mga maling ginawa ko. Kaya lang sana daw I told her, hindi daw sana ako naglihim hindi daw sana ako nahirapan. Pero sabi ko naman okay na ‘yon it’s all now part of the past. What the most essential part of that experienced is that I’ve learnt my lesson well. I won’t do it again, never again. Kasi masakit din sa part ko na nakapanakit ako ng isang tao kahit sabihin pa niya na nothing to say sorry for or to feel guilty of, kasi he wanted it to happen and he’s already prepared for whatever consequences it may be. Wala na akong magawa kahit gaano pa ako ma-guilty at maawa sa kanya it doesn’t make sense for me kasi nasaktan na siya at hindi na mababago ‘yon.
Tulala akong nakahiga sa kama ko habang nakatitig sa tv habang nanonood pero hindi ko naman talaga naintindihan ang pinanood ko kasi ibang ang iniisip ko. Nagpahinga kasi muna ako habang si Nika mag aayos muna ng mga gamit niya bago daw kami aalis para mag grocery at ako naman magwi-withdraw. Kaya sabi ko sa kan’ya higa lang muna ako habang hihintayin ko siya kasi tapos ko nang naayos ang mga gamit ko kanina. Hindi ko maiwasan na paulit-ulit pumasok sa isip ko ang mga nangyari sa amin ni James pati na rin kay Georje tungkol ‘don sa mga sinabi niya noong huling pagkikita naming dalawa. Hindi ko magagawa ang plano ko na tawagan si Georje ngayon para makapag-usap kami ng maayos kasi hindi ko mahindian si Nika. Kailangan kong bumawi sa kanya… sa kanila ni VM dahil matagal ko silang iniwasan.

Comentário do Livro (34)

  • avatar
    GuingguingJose bobby jr

    jhgffdfioojggf

    17/11/2024

      0
  • avatar
    rjn Zhns

    so fantastic

    22/06/2024

      0
  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes